CHAPTER 22

CHAPTER 22

SARAH DAYANGHIRANG

Tahimik ako ngayon sa aking kinauupuan habang pinagmamasdan ang mga mangingilang bahay na nadadaanan namin. Si Atlas ngayon ang nagmamaneho ng kotse. Kanina pa kami nakarating sa Mexico at nakalabas na sa Cancún International Airport.

Naging directed na rin naman ang flight namin dahil din kay Atlas at sa private plane nito. Inabot ng 16-18 hours ang biyahe namin. Kahit naman nakaupo lang kami, sobrang nakakapagod 'yon.

"I'll give you one day to rest before your training. Ipapakilala rin kita sa magiging trainer mo ngayon para makapagsimula na tayo bukas," biglang sambit ni Atlas.

Napalingon tuloy ako sa kan'ya. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa kalsada dahil nagmamaneho pa rin siya. Dahan-dahan na lang akong tumango at muling binalik ang paningin sa labas ng nakababang bintana nitong kotse.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi ng may madaanan kaming dagat. Sobrang ganda, hindi ko maiwasan na hindi mamangha, at inayos pa ang pagkakaupo ko para masilip 'yon ng maayos.

Dahil nakababa naman 'tong bintana ng kotse. Pinatong ko roon ang siko ko at inangat ang kalahati ng aking katawan para makita pa ng maayos ang magandang dagat. Deep blue sea ang tubig sa malayuan, hindi pa ako nakakapunta at nakakaapak sa pearly white na buhanginan doon, pakiramdam ko ang pino na no'n sa balat.

Kitang-kita ko rin ang mga nagkalat na mga souvenir shops doon at ang mga tao na rin. Maraming mga naglilibot, halos lahat ay mga nakasuot na bikini. Pumapasok sa loob ng kotse ang maalat na simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat. Abot na abot 'yon dito.

Nakita ko pa lang ang islang 'to sa himpapawid kanina; hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko. Para na 'tong isang isla kung tutuusin. May pagkaluma at modern din. Halo-halo na ang mga nandito, may mga buildings na at iba pa.

"We're here at the El Centro of Cancún," wika ni Atlas. "Since it's your first time here, I need to tell you about everything here in Cancún. Cancún is divided into two main areas. First is the Zona Hotelera; mostly pumupunta rito ang ibang turista para experience ang world-class attractions at marami pang iba." Mabilis niya akong tiningnan para masigurado na nakikinig ako. "They have many resorts and luxury hotels here... lalo na ang mga nightclubs."

Napatango na lang ako at muling nakinig.

"Pangalawa, El Centro, this is the city center of Cancún, also known as Downtown Cancún. There are also some tourists who visit here if they want a local experience. But El Centro is much quieter than Zona Hotelera; that's why I prefer to stay here every time I visit Cancún."

Tama naman siya sa sinasabi niyang local experiences. Pakiramdam ko nga para nasa Pilipinas lang ako. Medyo iba nga lang ang mga disenyo rito. Siguro halos magkakaparehas lang dahil sa vibes. May mga wet market na rin kaming mga nadaanan. Mas madali na lang din makapamalengke. Pati na rin ang mga bilihan ng mga isda at prutas.

"Ang ganda rito, Atlas," ani ko habang nakatanaw pa rin sa labas ng bintana.

Hinayaan ko lang na magulo ng hangin ang buhok ko. Ang mahalaga ay mabusog ang mga mata ko sa mga magagandang tanawin dito.

"I know."

May nadaanan pa kaming mga public beaches bago makarating sa bahay niya. Lumiko lang kami galing sa highway at dumiretso na sa daanan papuntang bahay nito. Sa tingin ko ay parte pa rin naman 'to ng downtown na sinasabi niya dahil ang ibang wet markets ay halos maliit lang din ang distansya hanggang dito.

Una kong napansin sa lugar kung saan kami lumiko ay sobrang tahimik. Maliit lang ang daanan, parang sakto lang din na may madaanan ang dalawang kotse. Sa bawat bahay ay nagkalat ang mga bulaklak na bougainvillea. Ang daming pink. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti habang nadadaanan namin 'yon. Ang iba pa ay nagkalat pa sa sidewalk.

Bumagal ang takbo ng kotse ni Atlas hanggang sa tumigil kami sa isang malaking gate. Kulay brown 'yon at gawa sa kahoy. Umangat ang paningin ko sa kabuuhan ng bahay ni Atlas. Kung hindi ako nagkakamali, isang tropical colonial villa ang type ng bahay niya. Naghahalo lang ang kulay white, brown, at kaunting black doon.

Ang tagal kong nakaangat ang paningin sa labas ng bahay niya. Two-story 'yon kaya kita ko ang second floor. Maganda siya. Parang ito yung bahay na laging uuwian kapag pagod ka galing trabaho. Kapag gusto mo mag-relax, o 'di kaya ang magbakasyon.

Akmang lilingunin ko na sana si Atlas ng biglang ay nahagip ang mata ko. Sa tabi kasi ng malaking gate ay mayroon na maliit pa na pintuan; dito yung daanan ng tao. May maliit na sign doon at may naka-engrave.

R.D

Residence.

Kumunot ang noo ko ng mabasa 'yon. R.D.? Anong meaning no'n? Lumingon ako kay Atlas at tatanungin na sana siya nang bigla itong nagsalita sa isang maliit na intercom na may doorbell malapit sa gate.

"Open the gate, Oceanus." Nakadungaw ito sa nakababa niyang bintana habang nagsasalita.

Nasikilip din ako sa kan'ya dahil curious ako kung sino ang sasagot doon. Maya-maya isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko. Malalim. Baritono. Parang kakagising lang na boses.

"Copy."

Bumukas din ang malaking gate makalipas ng ilang segundo. Kaya pinaandar na ni Atlas ang sasakyan at pumasok na kami sa loob. Bumungad sa akin ang maraming mga pananim. May mga halaman, bulaklak, at higit sa lahat ay may puno sa tabi ng garahe niya. Open space 'yon at ang nagsisilbing lilim lang ay ang malaking puno roon.

Pagkapark niya ng kotse ay sabay kaming lumabas. Sinundan ko siya at tinulungan na ilabas ang mga dala naming mga gamit para dalhin sa curved entrance ng bahay nito. Nakabukas ang double door kaya dumiretso ako roon para ibaba ang mga gamit.

"Let me help you."

Nawala sa kamay ko ang black duffle bag na dala ko. Hindi naman 'yon mabigat kaya nabubuhat ko pa siya ng maayos.

Umangat ang ulo ko para tingnan ang taong kumuha no'n. Matangkad siya. Maganda ang hubog ng katawan. Hindi sobrang laki kagaya sa mga nakikita ko sa movie, sakto lang.

Medyo magulo lang ang blonde niyang buhok; mukhang nagmamadali na siya kanina para mabuksan ang gate. Ningitian niya ako at dinala ang bag na kinuha niya sa akin papunta sa sala. Nakita ko na nilapag niya 'yon sa gilid ng sofa.

"Come in and feel at home," nakangiti niya sambit ng lapitan ako.

Tinanggal ko ang suot kong sapatos at nilapag sa labas ng pintuan. Doon siya pinuwesto sa gilid no'n para hindi sagabal sa mga papasok sa loob.

"You can take your shoes inside. Huwag kang mag-alala, Atlas won't be mad."

Natigilan ako ng marinig siyang magtagalog. Marunong pala siya magtagalog? Akala ko ba naman masusubukan na ang english skills ko dito.

"Okay... salamat."

Dinala ko na sa loob ang sapatos ko at nilingon si Atlas na hanggang ngayon ay nasa garahe pa rin bago pumasok sa bahay. May kausap siya sa cellphone nito, halatang seryoso dahil sa reaksyon ng kan'yang mukha. Naririnig ko ang pinaguusapan nila pero hindi ko maintindihan dahil iba ang lengguwahe.

Espanyol 'yon.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kan'ya ay tinalikuran niya lang ako at naupo sa hood ng kotse nito.

Nang tuluyan na akong makapasok sa loob at nilibot ko ang paningin sa kabuuhan ng bahay. Ang una ko agad na napansin ay ang minibar na may mga iba't ibang klaseng alak na nakadisplay sa divider no'n. May mga wine glass din na nakasabit pabaliktad sa itaas ng counter.

Sa kaliwa naman, nandoon na ang living area. Malakas ito kumpara sa living area sa lounge ng basement ni Atlas. Parehas din ang mga sofa, maliban na lang sa kulay. Kulay brown lang ang nandito ngayon. May center table rin doon na pinailaliman ng malaking carpet.

Lumingon din ako sa kanan at doon ko nakita ang isang malaking kusina. Kita ko hanggang dito ang kitchen island na nakapuwesto sa gitna no'n. Lahat malinis at walang makikitang kalat.

"You must be Sarah Dayanghirang, am I right?"

Dumako ang tingin ko sa taong nagsalita. Nakangiti siya sa akin habang nakababa ang paningin. Nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang brown na short. Pakiramdam ko mangangawit pa yata ang leeg ko dahil sobrang tangkad niya. 6 footer 'to panigurado.

"Yes."

Mas lalong lumawak ang ngiti sa kan'yang labi ng makumpirma niya 'yon. Bigla niyang nilahad ang kamay niya sa akin kaya napatingin ako roon. Mabilis kong tinanggap 'yon at nagshake hands kami.

"I'm Nikolai Vaughnn Sergeev, Atlas' right-hand man. You can call me Oceanus; that's my code name in our organization. Nice to meet you, Sarah."

"Nice to meet you, Oceanus," sagot ko.

Humigpit ng kaunti ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago bitawan.

"Welcome nga pala sa villa ni Atlas. Don't be shy and feel at home here. You're one of our members in  El Orden Del Abismo, so there's no need to be shy."

Tumango ako at ningitian siya. "Thank you very much."

Sinamahan niya lang ako rito sa living area nila at niyaya na maupo. Hinintay naming dalawa si Atlas dahil mukhang busy pa rin siya sa kinakausap nito sa labas. Nakapag-snacks na kaming dalawa ni Oceanus pero wala pa ring Atlas na sumunod sa amin dito sa loob. Naghintay pa kami ng ilang oras hanggang sa ito na nga. Pumasok na siya sa loob at dumiretso sa amin.

"You already met him, Sarah?" salita ni Atlas ng malapitan kami.

Tumango ako. "Oo."

"Atlas, welcome back. Ismael has been looking for you. You should contact him later," singit ni Oceanus habang nakaupo sa kabilang sofa. Nakababa ang tingin niya sa hawak niyang laptop habang seryosong nagtitipa roon.

"Thank you, and yes, I already contacted him a while ago," sagot ni Atlas bago ako tingnan. "That's good that you already know him. I don't need to introduce Oceanus to you."

Tumango na lang ako at nilingon si Oceanus. Tumango rin siya at tinaas ang kamay para bigyan kaming dalawa ni Atlas ng thumbs up.

"Oceanus will be your trainer for the coming days, until you become skilled in both hand-to-hand combat and all of the weapons. We will also keep an eye on your stamina during the initial stages of training until you improve your strength, para masigurado na rin makakaya ng lakas mo ang lahat ng training na ibibigay namin sa 'yo. By the end of your whole training, aasahan namin na magiging well-trained ka na. Alam mo na ang dapat mong gawin at higit sa lahat, malakas ka na o kaya mo nang patumbahan ang magiging kalaban mo."

Halos malaglag ang panga ko sa lahat ng sinabi niya. Parang nabigla ako. Nangingibabaw pa ang mabilis na pintig ng puso ko. Nakikisabay pa talaga siya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko sa mga halo-halong emosyon natumatakbo sa isipan ko.

Napalunok na lang ako at tinago ang pamamawis ng aking palad. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa sarili ko dahil alam kong hindi kakayanin ng katawan ko ang gagawin namin. Bakit parang pakiramdam ko uminom muna ako ng alaxan para 'di mabigla ang katawan k—hindi! Mali 'yon, Sarah!

Nang lingunin ko si Oceanus. Nakasara na pala ang laptop niya at nakatingin na sa aming dalawa ni Atlas.

Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Kinakabahan ako baka pahirapan niya ako. Alam kong mahirap ang lahat ng training. Mapapagod at mapapagod talaga ako. Hindi ko na dapat iexpect na i-ba-baby pa ang trato sa akin dito dahil itong organisasyon na pinasok ko ay hindi lang isang laro.

Ipagdadasal ko na lang na makakaya ko 'to.

"Don't worry, we're not going to force you to become an expert with all weapons. We'll just focus on where you show potential."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top