CHAPTER 18
CHAPTER 18
SARAH DAYANGHIRANG
"Hindi ko kayang gumawa ng gan'yan, Atlas."
Hindi pa sumasagi sa isipan ko na papatay ako ng tao. Mas lalo na rin na gagawin talaga 'yon. Mas pipiliin ko pang magtrabaho rito sa loob ng warehouse niya kaysa gawin ang mga bagay na 'yon.
"You don't have a choice. Hindi rin naman kita papayagan na tumulong sa laboratory dahil wala ka pang alam tungkol sa mga bagay na 'yon."
Napabuntong hininga na lang siya at tumayo. Nagtungo siya sa babae na kasama niya. nagkatinginan pa silang dalawa at tumango sa isa't isa.
Anong meron?
Tahimik ko lang silang pinagmamasdan kahit na sa kaloob-looban ko ay parang kakawala na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Ano na naman kaya ang binabalak nila?
Sinundan ko ang tingin ng babae nang bigla itong tumayo at lumapit sa akin. Si Atlas naman ay nagtungo sa nakasaradong pinto at binuksan 'yon bago magsalita.
"Hindi ko rin pala nasabi. From now on you're going to stay here since you're working under me."
Nanlaki ang mata ko at napatayo. "Atlas! Teka—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang basta na lang siyang lumabas at naiwan na kaming dalawa ng babae rito. '
"Sundan mo 'ko, Sarah," ani bababe bago lumabas ng office.
Nagdadalawang isip pa ako kung susundan ko ba siya o hindi, pero nang nilingon niya ulit ako ay wala akong magawa kundi lapitan na lang siya.
Bumalik ulit kami sa lounge area. Pumasok kami sa Section 1 ng mga laboratory. Pero hindi kami nagtungo sa malawak at malaking part kung saan sila nagpoproduce ng ipinagbabawal na gamot. Isang malawak at mahabang hallway lang ang nadadaanan namin at kada kuwarto no'n ay may mga pintuan na may maliit na glass window, kasama na rin ang mga pangalan kung anong klaseng kuwarto ang mapapasukan nila.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad at hindi pa maiwasan na tingnan ang ibang tao sa ginagawa nila sa isang pahabang glass window ng kuwarto. Halatang busy pa talaga sa kanilang ginagawa.
Nang makarating kami sa dulo ng hallway, doon lang tumigil ang babae. Napako ang paningin ko sa isang napakalaking pintuan na gawa sa bakal. Pabilog 'yon na entrance, sa gilid no'n ay isang small scanner. May kinuha siyang ID na naka-attach sa ID clip at tinapat sa scanner.
Inabot lang ng ilang segundo bago namin narinig ang isang boses na hindi ko alam kung saan nanggaling. Nagsalita 'yon.
"Welcome to Section 1 main hall."
Ang bilog na pintuan sa harapan namin ay bumukas. Isang malawak na lugar ang bumungad sa aming dalawa. Sa gilid ng main hall ay isang maliit na reception desk, kagaya ng nakita ko sa lounge, pero wala na 'yong parang divider.
Kumunot ang noo ko habang nanatili pa rin na nililibot ang paningin sa kabuuhan ng hall. May mga mangingilang gamit doon na hindi pamilyar sa akin at hindi ko ma explain. Pakiramdam ko ay mga high-tech na kagamitan 'yon dito.
Ang babae na kasama ko ay naglakad papunta sa gitna. May maliit na bilog doon at bago makapunta roon ay kailangan pang umakyat sa maliit na hagdanan. Maliit lang naman ang hahakbangin doon kaya hindi rin sobrang taas.
Umikot siya at hindi umakyat doon. Sa baba no'n ay mayroon na isang mahaba at pa-curve na lamesa. Sa baba ng lamesa ay may mga maliliit na screen at sobrang daming mga button na nakalagay roon. Alam ko na hindi ito normal na lamesa lang dahil ngayon pa lang ako nakakakita ng ganito.
Tahimik ko lang siyang sinusundan, at doon nanlaki ang aking mga mata ng makitang touchscreen ang mga screen na nakikita sa baba ng lamesa.
May gano'n na!?
"A-ano 'yan?" nauutal kong tanong.
Hindi niya ako sinagot at tiningnan lang. Muling bumaba ang kan'yang paningin sa ginagawa niya at may inaayos pa roon. Parang may inaadjust pa siya at sobrang bilis ng galaw ng kan'yang mga daliri, pindot dito at swipe roon. Nakakahilo siya pagmasdan.
Maya-maya may lumutang na sa ere, isa sa mga screen na nasa lamesa kanina.
"Hologram screen ito. Alam mo ba 'to?" tanong niya sa akin ng tingnan ako.
Dahan-dahan akong tumango. "Alam ko. Pero hindi ko alam na nageexisted talaga siya."
"Ngayon alam mo na totoo ang ganito. Si Pallas at Lapetus ang gumawa nito para sa atin." Napangiti siya. "Ang galing nila, hindi ba?"
"Sobra," sang-ayon ko sa kan'ya.
"Ako nga pala si Ria," pagpapakilala niya. Nilahad niya ang kamay sa akin at tinanggap 'yon. "Nice to meet you, Sarah."
"Nice to meet you rin, Ria," nakangiti kong sagot.
Tipid niya lang akong ningitian bago tinuro ang maliit na pabilog sa gitna na nakita ko. Napalingon tuloy ako roon bago ibalik ang paningin sa kan'ya na ngayon ay nakatingin na sa hologram screen.
Sobrang daming screen ang nakalutang at naglalaman lahat ng 'yon ng information tungkol sa akin. Simula sa buong pangalan ko, edad, birthday, at marami pang iba.
"Pumasok kana sa loob ng body scanner, Sarah. This is a mandatory body scanner checkup for all future members of our organization. Huwag kang mag-alala wala naman akong ibang gagawin sa 'yo. Atsaka, lahat ng mga ginagamit namin na technologies dito ay high tech. We're more than what other people are using today."
Napalunok ako at tumango. "O-okay..."
Naglakad ako papunta sa tinuro niya kanina at tumayo lang doon. Nakita ko na may pinindot siya sa lamesa at maya-maya may dalawang maliit na bagay ang bumaba galing sa taas. Kumunot ang noo ko roon at tumingala, mahina akong napasinghap sa sunod na nangyari.
Ang sinasabi ni Ria na body scanner ay nangyari na. Nagsimula 'yon sa baba hanggang sa ulo ko. Narinig ko pa ang mahinang tunog habang iniscan lang katawan ko hanggang sa matapos 'yon.
Sobrang bilis lang pala 'yon sa inaakala ko. Akala ko ba naman ay minuto ang itatagal pero hindi pala.
"Puwede ka ng umalis, Sarah," utos ni Ria.
Tumango ako. "Okay."
Nang makababa ay dumiretso ako sa kan'ya. Nakakunot ang kan'yang noo habang tinitingnan ang mga naging resulta sa body scan ko ngayon. Lahat ng 'yon ay makikita sa hologram screen.
"Mabuti na lang at magaling ka na. Akala ko ba naman ay tatagal pa bago ka gumaling," aniya habang nakatingin pa rin sa nakalutang na screen.
Kumunot ang noo ko habang tinitingnan din ang mga nakikita niya roon. Parang sasabog ang ulo ko sa daming mga nakalagay roon na sa tingin ko siya lang din talaga ang makakaintindi no'n. May mga nakaindicate rin doon na body temperature ko at iba pa.
"Pangit ba 'yon?"
Umiling siya. "Hindi naman."
Kinuha niya ang isang bakanteng upuan at inabot sa akin. Mabilis akong nagpasalamat sa kan'ya at naupo sa tabi niya.
"Kailangan lang namin makita yung health mo kung may kakaiba ba sa katawan mo o wala. Mandatory kasi 'tong gawin kada buwan. Si Atlas na rin ang nagsabi dahil gusto niya na healthy lahat ng mga nagtatrabaho rito kaya gusto niya rin malaman kung may sakit ka pa ba o wala na," mahaba niyang lintayan.
Napatango na lang ako. Gano'n pala ang ginagawa nila. Akala ko ba naman ay kung ano na.
Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko ng biglang bumukas ang pintuan nitong main hall. Kasabay no'n ay isang malakas na ilaw na nanggaling sa likod namin ang pumukaw sa pansin ko. Mabilis akong lumingon doon at napagtanto na isa 'yong malaking LED screen. Lahat ng CCTV footage sa bung warehouse hanggang dito sa underground basement ni Atlas ay nakadisplay roon.
"How's the body checkup?"
Napantig ang tainga ko nang marinig ang boses ni Atlas. Sabay kaming tumayo ni Ria at tiningnan siya. Nakasuot pa rin siya ngayon ng lab gown. Sa pang loob no'n ay isang simpleng white t-shirt at cream-colored pants ang suot niya. May eyeglasses din siyang suot habang may bitbit na white folders.
Dumiretso sa reception desk at sa gilid kasi no'n ay may mga locker. May kinakalikot siya roon bago mabuksan.
"Okay naman na siya, Atlas. Wala na rin yung lagnat niya pero yung immune system hindi gaano maganda."
Huh? Yung immune system ko? Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa kan'ya. Muling napaupo si Ria sa upuan niya at pati tuloy ako ay napapasunod sa kan'ya.
Nakakunot ang kan'yang noo at may binabasa sa isang hologram screen.
"What?" tanong ni Atlas.
May tinuro si Ria, sa ibaba ng BMI ko kung nasaan ang isang section kung saan nakalabel ang 'immune system,' sa tabi no'n ay may maliit na bulog na kulay orange.
Mabilis akong napalingon sa gilid nang maramdaman ang presensya ni Atlas. Nakalapit na pala siya sa amin.
"Hmm, I see." Seryoso ang mukha niya habang binabasa 'yon. "That's okay. Her immune system will improve once she's been here for a while."
Bakit pakiramdam ko parang na-o-out of place ako sa usapan nila? S'yempre kahit hindi ko pa rin maintindihan, sinusubukan ko pa rin ng gawin 'yon. Mukhang napansin ni Atlas 'yon kaya napatingin siya sa akin.
"Do you see the circle thing at the end of the word immune system?" Tinuro niya ang nakita kong kulay orange na bilog kanina. "That's where we can tell the status of your health, Sarah. The reason why your immune system is indicated in orange is because you lack nutrients and vitamins. Your BMI is green, which means it's okay. If it's orange, it's a bit risky, and if it's red, it's very risky."
"Wala naman kaming pera noon para bumili ng vitamins kaya hindi ko naranasan 'yan."
Tumango na lang siya at hindi na sumagot. Nagkatanguan pa silang dalawa ni Ria bago siya bumalik sa reception desk kung nasaan nakapuwesto malapit doon ang locker. May kinuha pa siyang mga white folders bago lumabas. Ang malaking LED screen sa likuran namin ay nanatiling nakabukas kaya nakikita ko ang mga nangyayari sa basement at warehouse.
"Huwag kang mag-alala, bibigyan ka naman namin ni vitamins para sa katawan ko. Medyo maselan lang 'yan si Atlas kapag usapang health kaya ganyan," biglang wika ni Ria at may pinindot ulit sa lamesa. Mabilis na naglaho ang hologram screen doon.
Ang mga information na nakuha sa akin dahil sa body scanner ay nailipat sa isang tablet. Kinuha ni Ria 'yon at tumayo, inaya niya ako kaya sinundan ko na lang siya kung saan kami pupunta. Pumasok kami sa isang hallway sa bandang gilid ng entrance ng main hall.
"Ito ang huli kong gagawin sa 'yo." Pumasok kami sa isang maliit na kuwarto. Binuksan niya ang ilaw at bumungad sa akin ang maliit na clinic. May higaan doon at may puting lamesa.
Sumenyas siya sa akin na maupo sa isang bakanteng upuan kaya doon ako dumiretso. May maliit na white office table rito kaya doon siya nakapuwesto ngayon. Nasa kabilang side siya kaya magkatapat kaming dalawa ngayon.
"Kukuhaan kita ng dugo," aniya.
"Para saan?"
Pinapanood ko lang siya sa kan'yang ginagawa. Nakaready na rin pala ang lahat ng kagamitan kaya mabilis niya lang din akong nakuhaan ng dugo. Mahina akong napadaing nang maramdaman ang pagbaon ng karayom sa balat ko.
"Nagsasagawa ng blood test si Atlas sa lahat ng nagtatrabaho sa kan'ya. Additional 'yon sa monthly body scan at checkup. Kapag okay na ang dugo na nakuha ko sa 'yo at natingnan na niya 'yon, kukuha siya ng isa o dalawang bag ng dugo sa 'yo," salita niya habang ang mata ay naka-focus sa kan'yang ginagawa.
Nang matapos ay pinahawak niya sa akin ang cotton ball na nakalapat kung saan niya ako kinuhaan ng dugo at nilagyan niya na ng tape.
"Anong gagawin niya sa dugo ko?"
"Itatago niya sa blood bank natin. In case of emergency, kung may mangyaring masama man sa 'yo at kailangan mo ng dugo, may gagamitin kami para sa 'yo. Mas maganda nang maging handa lalo na kung sakaling rare ang blood type mo. Kung hindi natin gagawin 'to, mas mahihirapan tayong maghanap ng blood donor mo."
Napaisip din ako sa sinabi ni Ria. May point naman siya. Mas maganda rin talaga na handa ka.
"Tama ka naman..." mahina kong sagot. "Pero ang totoo n'yan, Ria. Hindi ko alam kung anong type ng dugo ko."
Tipid niya lang akong ningitan ng matapos siya sa kan'yang ginagawa. Naglilinis na lang siya ngayon ng lamesa.
"Huwag kang mag-alala. Malalaman mo rin kapag natingnan na ni Atlas. Atsaka siya rin naman ang magsasabi ng result sa 'yo."
Tahimik na lang akong tumango at pinagmamasdan siya sa ginagawa. Sa kalaunan ay hindi na rin ako nakatiis, kaya tinulungan ko na rin siya. Kaya ngayon ay lumabas na kami at bumalik sa lamesa na pa-curve kung saan nanggagaling ang mga hologram screen.
Kailangan niya raw na itransfer at iupdate ang information ko roon dahil nakuhaan na niya ako ng dugo. Para na rin maisend agad lahat ng 'yon kay Atlas.
"Anong gusto mong gawin sa buhay mo, Sarah?" biglang tanong ni Ria.
"Huh?" nabigla ako sa tanong niya kaya 'yon na lang ang lumabas sa bibig ko.
Nakatayo lang siya sa harapan ko habang nakangiti. Sumenyas siya na lumapit sa akin dahil aalis na kami ngayon sa main hall ng Section 1 Laboratory.
"Anong pangarap mo gano'n... anong gusto mong gawin sa buhay mo ngayon?"
Unang sagot na sumagi sa isipan ko dahil sa tanong niya ay ang magparetoke. Pagkatapos ay ang matulungan sila mama.
"Gusto kong magparetoke, Ria," natatawa kong sagot habang naglalakad kami. "'Yon lang ang gusto kong gawin sa sarili ko bukod sa mabigyan ng maginhawang buhay si mama."
Ang mga ngiti sa labi niya ay awtomatikong naglaho ng marinig ang una kong sagot.
"If it's okay with you... puwede ka bang malaman yung dahilan?"
Mahina akong natawa at tinuro ang mukha ko. "Kailangan ko pa bang sabihin ang rason? Ito na siya, oh." Mahina kong tinapik ang ilalim ng baba ko gamit ang likod ng aking palad.
"Kasi pangit ako. Gusto kong baguhin ang mukha ko. Ang hirap kapag pangit ka. Kapag hindi ka kagandahan. Lumaki akong laging nabubully, at kahit ngayong nakapagtapos na ako, hindi pa rin mawawala. Kaya gusto kong gumanda."
"Hindi naman mababaw ang dahilan ko, 'di ba? Hindi naman din masama kung uunahin ko ang sarili ko. Pero s'yempre kahit na gano'n alam ko sa sarili ko ang mga plano ko para kay mama."
Isang malumanay na ngiti ang binigay niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "No. hindi 'yon mababaw na dahilan. Naiitindihan ko kung bakit gusto mo 'yan para sa sarili mo... at s'yempre para sa pamilya mo rin. Mukhang mahalagang-mahalaga sila para sa 'yo."
Napangiti na rin ako at tumango. "S'yempre naman. Importante silang lahat sa akin, Ria."
"Let's manifest that you'll achieve your dream soon... at sorry na rin kung pinaparamdam nila sa 'yo ang tungkol sa insecurities mo."
Mahina akong natawa. "Bakit ka nag sosorry? Hindi ka naman nambully sa akin."
Napabuntong hininga siya. "Alam ko. Pero... dapat hindi na sila nagsasabi ng mga masasakit na salita. Kung alam nila makakasakit sila ng damdamin ng tao sa mga sasabihin nila, mas maganda na huwag na lang ituloy 'yon. Hindi nila alam kung anong magiging impact no'n sa isang tao, eh."
"Sanay naman na ako kaya okay lang... okay lang sa akin na sabihan ako ng gano'n."
"Every person is beautiful in their own way, Sarah," sagot niya.
Natigilan ako sa naging sagot niya. Alam ko naman. Alam ko na 'yan, eh. Pero hindi ko gusto 'to. 'Di ako masaya na ganito lang ako. Mapait akong ngumiti at nanginit ang sulok ng aking mga mata. Mahigpit kong hinawakan ang kan'yang kamay kahit na naninikip ang dibdib ko dahil parang mabilis pa sa kidlat kung pumasok sa isipan ko ang lahat ng pangungutya sa akin ng mga tao tungkol sa panlabas kong anyo.
Masakit pa rin.
"A-alam ko naman, Ria," nauutal kong ani.
"Alam ko 'yan pero hindi ako kuntento sa kung anong meron sa sarili ko. Sabi nila kung ano ang dapat binigay Niya sa akin dapat tanggapin ko. Pero hindi ko kaya... hindi ko matanggap na ganito ako. Ang unfair. Naiinggit ako sa mga ibang babae d'yan na ang effortless ng ganda nila. Kahit na simple-han lang nila manamit, parang ang linis-linis na ng dating nila." Pinunasan ko ang aking luha at tinuro ang sarili. "Habang ako... heto. Kahit na anong gawin kong pagaayos sa sarili ko, ang hirap. Kinukutya ako ng iba dahil sa sarili kong kutis, na ang itim-itim ko kahit naman hindi. Kahit na anong ayos ko sa sarili ko nagmumukha akong dugyot sa paningin ng ibang tao dahil sa kutis ko."
"Kahit anong linis ko sa katawan ko. Kahit na anong kuskos at paghihilod na gawin ko, sa paningin ng ibang tao kapag morena ka, ang dugyot no'n para sa kanila, at 'yon ang reality sa bansa natin. Kapag maputi, malinis. Kapag hindi maputi, mandidiri sila. Hindi 'yon kaaya-aya sa paningin nila. Kaya gustong-gusto kong baguhin ang sarili ko. Gusto kong maging maganda, maputi, at makinis."
Hindi na nakasagot si Ria sa sinabi ko. Mahina niyang hinila ang aking kamay para yakapin ako. Hindi na rin siya nakatiis kaya nagsalita na siya.
"Naiitindihan kita, Sarah. Alam kong hindi rin ikaw ang nakakaranas ng ganito..." pag-aalo niya
Dahan-dahan akong tumango at pinunasan ang sariling luha. Nagtagal pa kami sa gano'ng posisyon hanggang sa ako na ang unang kumalas sa kan'yang bisig.
"Pasensya ka na, umiyak pa talaga ako sa harapan mo."
"Okay lang. Mas maganda 'yang ginagawa mo. Don't let your emotions pile up inside your chest because it's heavy to carry."
"Thank you, Ria," pagpapasalamat ko.
"Para saan?" kunot noo niyang tanong.
"Kasi hindi mo jinudge kung bakit gusto kong magparetoke."
Malambot siyang ngumiti sa akin. "I'm not a judgmental person, Sarah. Don't worry."
Ningitian ko siya dahil doon. Pakiramdam ko gumaan na ang mabigat na bagay sa aking dibdib kaninang naguusap kami tungkol sa insecurities ko. Magaan na siya at parang nakahinga na ako ng maluwag.
"I hope you'll achieve your dream, Sarah. Kapag nangyari 'yon, hindi na ako makapaghintay na makita ang bagong mong version."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top