CHAPTER 13
CHAPTER 13
SARAH DAYANGHIRANG
Napaawang ang labi ko sa gulat ng makita ang mga basag na plato at baso sa sala. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang away nila. Sobrang gulo na ng sala ngayon. Ang mga nakadisplay sa ibabaw ng maliit na lamesa ay nasa sahig na. Nagkagulo rin ang mga upuan maski ang mga display na nakapatong sa ibabaw ng lumang TV.
"Ano? May nahanap ka na bang trabaho?" asik ni mama.
Napalunok ako. "W-wala po..." nanginginig kong sagot.
"Inutil!" Napapikit ako ng tampalin niya ang noo ko.
Tinalikuran niya lang ako at nakinig sa mga pinagsasabi niya. Lahat na ng tao rito sa loob ng bahay ay damay sa galit niya ngayong gabi.
"Mga walang kuwenta!" bulyaw niya habang nanginginig na sa galit.
Habang nasa gano'ng sitwasyon, ang mga kapatid ko ay unti-unting nagsisipag alisan sa sala at bumalik sa kanilang kuwarto. Habang ako ay nandito pa rin, nakatayo sa tapat ng pintuan habang nanginginig dahil basang-basa pa rin ako ng ulan.
"Walang kuwenta talaga kahit kailan! Mga inutil!"
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang naghihisterikal na si mama dahil sa galit. Namumula ang mukha habang lahat ng mahahawakan ay hinahagis sa kung saan. Paulit-ulit lang din ang mga sinasabi niya at napapasigaw pa.
Gusto ko mang maligo para makapagbanlaw man lang ay hindi ko magawa dahil sa kan'ya. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko, daig ko pa na nakipagkarerahan habang pinagmamasdan siya.
Nagmamadaling nilapag ko sa maliit na upuan ang dala kong bag bago nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Nang makabalik ay nakaupo na siya ngayon sa isa sa mga upuan namin habang hinahabol ang sariling hininga.
Halos hindi ko makontrol ang kamay kong nanginginig ng iabot sa kan'ya ang hawak ko. "'Ma, uminom ka po muna ng tubig. Sige na po."
Pinagsawalang bahala ko ang matalim niyang titig sa akin bago hinablot ang baso na may tubig. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang inumin niya 'yon, naubos niya lahat.
Tipid ko siyang ningitian sa kabila ng pangangatal ng aking labi. Minabuti ko muna na maayos na ang pakiramdam niya bago ko linisin ang mga kalat. Sinigurado ko na walang maiiwan kahit isang bubog para hindi sila matusok.
Nang matapos ay saka ko lang din naasikaso ang sarili ko at nagtungo sa banyo para maligo.
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
Inaasahan ko na rin na lalagnatin ako kinabukasan, natuyuan ba naman ako dahil inasikaso ko pa si mama. Nagising ako kagabi na inaapoy ng lagnat. Mabigat ang ulo at katawan. Parang may nakadagan sa akin na mabigat na bagay at hindi ko man lang maalis 'yon.
Ilang beses din akong bahing nang bahing at sumabay na rin ang sipon. Napabuntong hininga na lang ako bago bumangon para inumin ang gamot ko ng marinig ang alarm clock.
Sakto nang mainom ko 'yon ay nag-pop up ang message ni Ei sa akin.
From Ei:
Hi, Sarah! How are you? Are you okay now? Get well soon:)
To Ei:
Hello, Ei! Medyo okay na ako ngayon. Salamat!
Pinatay ko rin ang cellphone bago pinatong sa study table. Tumayo na ako at kumuha ng tuwalya sa kabinet bago bumaba para maligo. Alam ko naman bubulabugin na ako ni mama para gisingin. Kahit na sabihin ko pa na nilalagnat ako at hindi makakahanap ng trabaho ay alam kong ipipilit pa rin niya ang desisyon niya.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may malakas at sunod-sunod na katok ang narinig ko. Alam ko na mangyayari na 'to kaya hinahanda ko na rin ang sarili ko.
"Sarah! Ano na naman bang problema mo d'yan at ang tagal mong magising, ha!? Diyos ko namang bata ka! Bakit ba kailangan ginigising ka! Wala ka bang pagkukusa?! Asikasuhin mo na 'yang sarili mo at maghanap ka na ng trabaho!"
"Opo, eto na po!"
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
"Miss, baka gusto mong magtrabaho rito. Kanina pa kasi kita napapansin na paikot-ikot dito sa lugar namin."
Umangat ang paningin ko nang may lumapit sa aking babae. Nangingibabaw agad ang makapal na make up sa kan'yang mukha. On fleek ang kilay niya habang makukulay naman ang eyeshadow nito na parang natatakpan din dahil sa makapal niyang eyelash extensions. Ang foundation ay sakto lang ang kaputian, pero nangingibabaw ang mapupula niyang pisngi at labi.
Nakababa ang tingin niya sa akin habang may hawak na sigarilyo sa hintuturo at gitnang daliri.
Nakaupo ako ngayon sa isang bakanteng upuan para makapagpahinga. Bumalik ulit ako sa mall na pinuntahan ko pero wala talaga. Kaya ngayon, nasa likod ako ng mall kung saan may mga maliliit na shops. Nagbabaka sakali lang naman ako na may job hiring, kaso wala rin. Inabot na lang din ako ng hating gabi kakahanap.
Malawak naman dito at hindi ko pa masyado nalilibot kaya baka ang ibang hindi ko pa napupuntahan ay makasabit pa ako. Medyo gipit na rin ako ngayon kaya hindi ako makapunta sa ibang lugar kaya ipipilit ko na malibot 'tong lugar ngayon kahit na sobrang bigat ng ulo ko dahil sa sakit.
"Interesado ka ba? Puwede ka naman kahit sa stage sumaway. Kung gusto mo."
Tipid ko siyang ningitian at umiling. "Sorry po, pero disenteng trabaho po ang hanap ko," magalang kong sagot sa kan'ya.
Agad na umasim ang reaksyon ng kan'yang mukha. Hindi ko naman sinasadya na maoffend siya sa sinabi ko. Hindi ko naman siya jinujudge; alam ko na kasi kung saan 'to patungo at hindi ako inosente sa mga bagay na 'yon.
Mahina siyang natawa at naupo sa tabi ko. "Ano ka ba, miss. Disente naman ang pagsasayaw. Kung tutuusin mas malaki pa kikitain mo rito. Babawasan ko lang naman ng ilang porsyento 'yan kapag nakarami ka."
Kumunot ang noo ko nang hinithit niya ang sigarilyo at binuga 'yon. Naamoy ko ang usok ng sigarilyo at hindi ko nagugustuhan 'yon. Napabuntong hininga na lang ako at natulala sa kawalan.
May mangilan-ngilang tao pa rin na dumadaan dito at gano'n din ang jeep. Pasado alas dyes na ng gabi ngayon, at kahit na gano'n ay buhay na buhay pa rin ang lugar dito.
May mga beerhouse na rin na nagsisibukasan kaya inaasahan ko na rin na may aalok sa akin ng ganito. Napapansin ko kasi na kanina pa siya nakatingin sa akin sa tuwing napapadaan ako sa puwesto nila.
Uuwi na naman akong hapunan ay sermon ni mama. Nakakapagod ang ganito. Kaya masuwerte ang mga ibang estudyante na may trabaho na agad pag graduate nila sa kolehiyo.
"Alam ko naman po na hindi lang sayaw ang mangyayari d'yan." Nagsalubong ang tingin naming dalawa ng lingunin ko siya.
Umismid siya at mahinang natawa. "Alam mo imbis na mahirapan ka pa sa paghahanap ng trabaho ngayon mas mainam na kunin mo na 'tong offer ko kasi malaki ang kita rito. Sa tingin mo may mahahanap ka agad na trabaho ngayon? Sa panahon ngayon para kang lulusot sa butas ng karayom bago ka makahanap ng trabaho, miss. Suwertihan na lang talaga na makakapasok ka."
Umiling. "Sorry po talaga. Hindi po ako papayag."
Tumaas ang isang kilay niya sa akin at agad na umalis. Naririnig ko pa ang bulong niya bago tuluyang makapasok sa beerhouse. Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon at kinalimutan ang pinagusapan namin kanina.
Wala naman kaso sa akin kung 'yon ang trabaho ng iba. Naiintindihan ko rin na hindi talaga madali makahanap ng trabaho pero ang mga gano'ng bagay... ang sinasabi niyang pagsasayaw at alam kong may indecent proposal pa ay hindi 'yon nababagay sa akin.
Ilang minuto pa akong nakaupo rito bago napagpasyahan na tumayo para umuwi na. Masyado nang malalim ang gabi at kailangan ko na rin umuwi. Babalik na lang ako rito bukas at babalikan ang mga hindi ko pa napuntahan dito.
Mahina akong napamura nang mandilim ang paningin ko dahil sa biglaang pagtayo kaya muli akong napaupo at napahilot sa sentido. Tumunog ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang nag-text.
From Ei:
Kumain ka na ba, Sara? Don't forget to take your medicine. Get well soon.
To Ei:
Uminom na ako ng gamot. Salamat, Ei!
Hindi ko na nasagot ang una niyang tanong dahil ang totoo ay hindi pa ako nakakakain ngayon. Ang huli kong kain ay kaninang umaga lang; nag-almusal ako. Pero balak ko naman mamaya pag uwi ko ng bahay ay kakain na ako dahil parang sinisikmura na ako.
Naglakad na ako papunta sa terminalan ng jeep. Medyo malayo 'yon ng kaunti kaya kailangan ko pang tumawid sa kalsada. Bagsak ang dalawa kong balikat habang nakatingin sa mga dumadaan na sasakyan sa highway.
Mapait akong ngumiti ng maramdaman ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Kumurap ako ng ilang beses. Huwag kang iiyak, Sarah! Okay lang, 'yan! Ang mahalaga nagsisipag ka maghanap ng trabaho.
"Gusto ko lang naman magkatrabaho..." nanginginig ang boses ko ng kausapin ang sarili.
Ramdam na ramdam ko ang bigik na nakaharang sa lalamunan ko nang sabihin 'yon sa sarili. Kung ano-ano na ang iniisip kong makakapagpagaan sa sarili ko para hindi kami mawalan ng pag-asa.
Ilang minuto rin akong naghintay na maging pula ang stoplight para tumawid ako. Nang maging pula 'yon ay humigpit ang hawak ko sa bag at akmang tatawid na sana nang may humarang sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Excuse me—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita kung sino 'yon.
"Atlas?"
Gano'n pa rin naman ang ekspresyon ng mukha niya. Emotionless. Hindi na niya suot ang mahaba niyang coat dahil isang simpleng puting polo shirt na nakabukas ang dalawang butones ang suot niya at nakatuckin lang 'yon sa itim na maong na pantalon.
"Ms. Dayanghirang. Long time no see."
Ningitian ko siya. "Kahit Sarah na lang itawag mo sa akin."
Gumilid kaming dalawa sa isang lamp post para doon mag-usap. Nakakahiya naman kung nakaharang kami sa dinaraanan ng mga tao.
"I was wondering if you're looking for a job?"
Pakiramdam ko parang bumagal ang ikot ng mundo ko ngayon dahil sa tanong niya. Napantig ang tainga ko at parang gusto ko na agad tumalon sa tuwa.
Tinanong niya ako kung naghahanap ako ngayon ng trabaho. Baka naman may iaalok siya sa akin?
"Ang totoo n'yan nag hahanap ako ngayon pero sa lahat ng pinuntahan kong walang job hiring," sagot ko habang nakatingala sa kan'ya. Grabe, sobrang tangkad niya. "Siguro baka bukas babalik ulit ako rito—"
"I have a job offer for you, Sarah," putol niya sa sinabi ko.
Napalunok ako. "A-ano 'yon?" kinakabahan kong tanong.
"We can talk about it in my warehouse. Is it okay with you? I don't really want to discuss it here in public."
Warehouse?
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top