CHAPTER 11

CHAPTER 11

SARAH DAYANGHIRANG

"Ms. Sarah Dayanghirang, it's nice to meet you."

Nanatili pa rin na nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kan'ya. Alam niya ang pangalan ko... buong pangalan. Maingat kong binaba ang hawak kong kutsara bago magsalita.

"Kilala niyo po ako?"

Tumango lang siya bago ilahad ang kan'yang kamay sa akin. "Yes. I'm Atlas Collazo," pagpapakilala niya.

Atlas Collazo? Kilala niya ako pero hindi ko siya kilala. Wala akong matandaan na nakilala ko siya bukod ngayon.

"I know you don't know me; that's why you're confused now. I'm your scholarship sponsor, Ms. Dayanghirang. Congratulations on your graduation."

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Wala sa sariling napatayo ako sa kinauupuan ko sa pagkabigla at nilapitan siya. Yumuko ako ng ilang beses sa kan'yang harapan at tinanggap ang kamay niya.

"Nice to meet you po, Mr. Collazo. Maraming-maraming salamat po sa pag-sponsor ng scholarship ko," mabilis kong sambit habang yumuyuko pa rin sa harapan niya bilang pasasalamat.

"Sobrang laking tulong po ng scholarship niyo po sa akin dahil nakapagtapos na po ako ng pagaaral ngayon. Maraming-maraming salamat po sa lahat."

"You're welcome," tipid niyang sagot at tipid akong ningitian.

Halos mapunit na ang labi ko sa ngiti ko ngayon. Sa wakas, nakilala ko na rin ang taong nag-sponsor ng scholarship ko. Ang totoo n'yan, matagal ko nang gustong makilala 'yon dahil isa na yata ako sa pinakamasuwerteng tao na napili niya para sa scholarship sponsor nito.

Kaso ang problema lang ay ang principal sa university na pinapasukan ko. Hindi ma-disclose kung sino 'yon dahil ang mismong nag-sponsor ng scholarship ko na raw ang nagsabi na huwag ipaalam ang pangalan niya.

Kaya laking gulat ko na rin na bigla siyang sumulpot sa harapan ko at nagpakilala.

"Thank you po ulit, Mr. Collazo."

"Just call me Atlas, Ms. Dayanghirang and you're always welcome."

Ningitian ko siya at tinanguan. "Okay po. Hindi ka po magsisisi na ako ang napili niyo. Masipag po akong mag-aral, at salamat po ulit dahil graduate na po ako."

"I know and I understand. I can see that you're a hardworking person so I don't have a regret that I chose you to become my scholar."

Nakangiti pa rin akong tumango sa kan'ya bago bumalik sa aking kinauupuan kanina. Habang kumakain at inuubos na ang ice cream na binili ko, hindi pa rin mabura ang ngiti sa labi ko.

Masaya lang ang puso ko ngayon, dahil bukod sa mga teachers at kaibigan ko, si Ei ang bumati sa akin ngayon. Meron pa pa lang hahabol... 'yon ang scholarship sponsor ko, si Atlas.

Samantala sila mama hindi man lang nagawa 'yon. Kahit simpleng text man lang ay wala. Hindi na dapat ako mageexpect na mangyayari 'yon dahil kilala ko na sila, eh. Pero ewan ko ba, meron pa rin sa puso ko na umaasa na gawin nila 'yon.

Para sa kanila 'tong ginagawa ko. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para sa aming lahat pero parang balewala na 'yon sa kanila.

Napailing na lang ako sa iniisip ko ngayon. Pilit kong kinalimutan ang mga bagay na 'yon. Dapat masaya ako ngayon. Hindi ko hahayaan na magpalamon sa negatibong bagay na tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa puwesto naming dalawa ni Atlas ngayon. Patuloy pa rin ako sa kinakain ko at nang umangat ang paningin ko sa kan'ya, napansin ko na kanina pa pala siya nakatingin.

"May sasabihin ka po, Atlas?"

"Quit the po. It's too formal."

Alaganin akong ngumiti sa kan'ya. "Hindi niyo gusto?"

Mabilis siyang umiling bago sumandal sa kinauupuan nito. Pinagkrus niya ang dalawa niyang braso sa malapad niyang dibdib habang ang abo niyang mga mata ay seryosong nakatingin sa akin.

Napapaisip tuloy ako... siya pa lang ang pangalawang taong nakilala ko rito na may abong mata.

Ang tagal kong nakatingin sa mukha niya. Mukhang natural na talaga sa mukha niya ang pagiging seryoso... stoic kumbaga. Ang emotionless, blangko, at ang mga ganitong klaseng tao na may ganitong ekspresyon ay mahirap basahin kung ano ang tumatakbo sa utak nila.

Kaya hindi ko rin masisisi kung naiintimidate ako sa kan'ya kanina.

"No. I don't like it."

"Sige, Atlas."

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang siya na rin ang bumasag no'n.

"I have a question, Ms. Dayanghirang. I'm wondering if you already have a—" Ang kaso hindi niya natapos dahil may sumingit.

"Sarah! Thank God, you're here. I've been looking all over. Ang dami ba namang convenience store rito; mabuti na lang at nahanap kita."

Mabilis akong napatingin sa gilid nang marinig ang boses ni Ei. Pawisan ang kan'yang noo na akala mo ay ilang kilometro ang itinakbo.

Malambot ko siyang ningitian. "I'm sorry, Ei. Paniguradong late mo na na-received yung text ko sa 'yo. Sobrang hina ng signal dito."

Umiling lang siya sa akin at habol pa rin ang sariling hininga habang nakahawak sa dibdib.

"No. It's really okay. Ang mahalaga nahanap na kita rito. Nagaalala lang ako dahil wala kang text sa akin after mong sabihin na nandito ka. Akala ko ba naman ay nakidnap kana o ano."

Mahina akong natawa at umiling.

"Ikaw talaga. Sino ba namang dudukot sa akin? Atsaka walang interesado na gumawa n'yan sa akin," biro ko.

Humaba lang ang nguso niya at hinawakan ang kamay ko para patuyuin. Wala akong nagawa at hinayaan na lang siya. Napalingon pa ako kay Atlas dahil nakalimutan ko na may sasabihin pala siya sa akin.

"Atlas, ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kan'ya pero unti-unti na akong napapalayo sa kan'ya dahil sa kaibigan ko. Mabilis kong dinampot ang ice cream at baka maiwan pa 'yon dito.

"No. Nothing. We can talk about that again... if we're going to meet again."

Huh? Magkikita pa kami? Kailan?

"Sarah... let's go home," reklamo ni Ei.

Mabilis kong nilingon si Ei dahil doon. Kapansin-pansin na ang dalawa niyang mata ay mapupungay. Parang bumabagsak na 'yon dahil sa kalasingan. Mukhang naparami na naman 'to ng inom kanina.

Binalingan ko ng tingin si Atlas sa huling pagkakataon. Prente pa rin siyang nakaupo sa kan'yang puwesto. Ningitian ko siya at tinaas ang kamay para kawayan ito.

"Mauuna na kami, Atlas. Bye, thank you ulit!"

Isang tango lang ang kanyang tinugon bago kumaway pabalik sa akin.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Who's Mr. Collazo?" pikit matang tanong no Ei.

Nasa loob na kami ngayon ng kotse at pauwi sa condo unit nito. Nakahawak siya sa kan'yang ulo, at ako naman ay kinakabahan dahil baka mamaya ay sumuka siya.

"Siya ang nag-sponsor ng scholarship ko, Ei," mahina kong sagot.

Mas lalo ko pang nilapit sa kan'ya ang hawak kong itim na plastic para kung sakaling dumuwal siya ay masasalo agad 'yon ng plastic. Samantala, ang driver namin ngayon ay parang kalmado lang ang kan'yang pagmamaneho.

"Don't worry, Sarah. Hindi ko susuka hangga't wala dito si Caddel," mahina niyang usal na halos hindi ko na maintindihan ang kan'yang sinasabi.

Caddel? Sinong Caddel? Si Mr. Winslow ba ang tinutukoy niya? Pero sabagay... baka tama rin ang hinala ko. Caddel ang first name ni Mr. Winslow kaya paniguradong siya ang tinutukoy no'n.

Napabuntonghininga na lang ako at nilingon ang driver.

"Kuya, puwede po bang pakibilisan na lang po para makapagpahinga na rin si Ei. Muhkang naparami ang inom niya kanina."

"Sige po, ma'am."

"Caddel..." dinig kong bulong ni Ei.

Agad kaming nakarating ni Ei sa condo unit niya. Inasikaso ko na agad siya nang makapasok kami sa loob. Tinanggal ko na ang makeup niya at pinunasan para makapagpahinga na.

Parang ngayon ko lang din naramdaman ang antok at pagod sa buong sistema ko. Nilagay ko agad sa freezer ang ice cream na dala ko bago tanggalin ang make up sa mukha.

Nilalabanan ko na ang antok ko sa lagay na 'to pero kailangan ko munang makasigurado na malinis na ang mukha ko bago matulog. Ang tagal kong nakatingin sa salamin ng vanity table ni Ei nang makita ko ang natural kong mukha. Mapait akong ngumiti dahil doon.

"Kahit anong ilagay mo sa mukha mo, Sarah, hindi ka pa rin maganda," mahina kong wika habang nakatingin sa repleksyon ng salamin. "Peke ka. . . hindi natural ang ganda mo. Hindi ka maganda."

Katumbas ng pait ng buhay ko ngayon ang ngiting sumilay sa aking labi. Agad kong tinapon ang nagamit kong cotton pad sa maliit na trash bin na nakapuwesto sa ilalim ng vanity table ni Ei.

Tumayo agad ako at pumasok sa banyo para maligo. Natapos din naman ako kaya sinuot ko na ang biniling pajama set ni Ei para sa akin. Nang okay na ang lahat, tinabihan ko si Ei sa kama at inayos ang comforter niya ng makitang nakababa na 'yon.

"Caddel..." mahina niyang bulong ng maitaas ko ang kan'yang kumot.

Ilang beses na niyang nababanggit si Sir Winslow. Nilalamon tuloy ako ng kuryosidad kung anong meron sa kanilang dalawa.

Binuksan ko na lang ang lampshade na nakapatong sa bedside table sa puwesto ko bago talikuran si Ei. Hindi ko na talaga kaya ang pamimigat ng talukap ng mata ko.

Si Atlas agad ang pumasok sa isipan ko ng pumikit na ako. Alam ko na bakas ang gulat sa mukha ko ng una ko siyang nakita kanina. Pero ngayon... habang iniisip ko ang itsura niya kanina dahil ang tagal kong nakatitig sa mukha niya, unti-unti siyang nagiging pamilyar sa akin.

Na parang nakita ko siya noon pero hindi ko maalala kung kailan. At higit sa lahat alam kong unang pagkikita naming dalawa 'yon.

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan ang sarili na lamunin ng kadiliman. Kahit na gano'n ay mukha pa rin ni Atlas ang nasa isipan ko bago ako tuluyang makatulog.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top