Chapter Two
Lagot ka, Gerardo!
Saina's
"GIRL, okay ka lang ba?"
Avery and I were talking over Facetime that night. Sa tabi ko ay naroon si Haniel, tulog na tulog na siya. Mukhang napagod siya sa mga school activities niya kaya pagkatapos naming magtulungan na gawin ang arts assignment niya ay nakatulog na siya sa mismong kama ko. Hindi ko na siya pinalipat sa kama niya, he needs to rest and I let him. He looked so adorable in his blue terno bunny jammies na bigay ng Momsi ni Avery. Nakakatuwa naman na apo rin ang turing nila sa anak ko kahit na hindi naman si Avery ang Mama ni Haniel.
"You look so stressed, girl." Hindi ko napigilang mag-make face kay Avery. Nasa living area yata siya. Hindi ko na sure kasi hindi ko na matandaan masyado iyong bahay ni Uriel, ilang beses lang akong nakapunta roon, iyong unang beses pa nga, naging napakainit ng pagtanggap sa akin ni Avery kasi inihagis niya ako sa pool na parang wala lang sa kanya. Kung noon ay naiinis ako sa tuwing naaalala ko iyon, ngayon ay pinagtatawanan na lang naming dalawa. I really like what we've become, siguro kung nagkakilala kami noon, magiging mag-best friend pa kaming dalawa.
"Isang linggo na akong nagtatrabaho sa kompanya namin, stress na stress na ako sa tatay ko. Hindi naman kasi dapat ganoon ang trabaho ko kung wala siya roon, everything should be under the hands of the investigators and the lawyers that the BOD hired. Pero iyong tatay ko, lahat na lang pinakikialaman, nadi-distract tuloy ang mga tao." Napakamot ako ng ulo.
Kaninang umaga ay gumawa pa siya ng eksena, he treated everyone to breakfast kaya pagdating ko at ng mga imbestigador ay walang tao sa accounting department kung nasaan lahat ng librong kailangan makuha para mapag – aralan. My father took all the accounting employees to breakfast – people were saying that my father was only treating them well – mula naman raw noon ay ganoon ang paglalambing ni Papa sa mga empleyado niya – isang dahilan rin kung bakit ayaw sa akin ng mga empleyado. Masama raw ang ugali ko.
But I know what he's doing. Kinukuha niya ang loob ng mga taong ito just to make sur that they stay loyal with him. Hinding – hindi ako makakapayag na ganoon – ganoon na lang. Kinuha niya ang perang para sa kompanya, I talked to some people who used to be under him, may puntong ilang buwang hindi sumasahod ang mga tao sa factory, hindi ko maintindihan kung bakit matay itanggi ni Papa ang mga nagawa niya samantalang open secret ang lahat ng ito, kaya nga madali para sa BOD na paalisin siya.
Gabriel Consunji is one of the Board of Directors, he bought his way in, I was thinking that it's his way of avenging his lost child, he bought his way in and now, he is the biggest investor in the company. Five per cent lang ang inilamang ng share ni Papa and since he is not the CEO, si Gabriel Consunji ang may control ng lahat.
"Grabe iyong tatay mo ang kapal rin ng mukha. Buti si Popsi makapal ang mukha pero maaayos ang utak, tatay mo may ubo at sipon sa utak." I can't help but laugh at Avery. She just says what's in her mind and she doesn't care kung anong magiging tunog noon, ngayon, tunog nakakagaan ng loob iyon. Inis na inis na kasi ako sa tatay ko.
"Uhm..." I looked at Avery who was busy munching on something, Nate-tempt na akong ipasilip sa kanya ang database ng kompanya. Gusto ko nang matapos ito, alam kong ganoon rin ang iniisip ni Gabriel Consunji. Alam kong may binabalak siyang mangyari, I just can't understand why he let two and a half years passed by without getting even, maybe it's because he was busy trying to bridge the distance that time brought between him and his son Adriel. Base sa mga kuwento ni Avery ay kung saan – saan dinadala ng mag – asawa si Adriel, they took him to Hong Kong and then to the USA. They keep buying him things, ang huli kong narinig ay nag-aaral ng college si Adriel, hindi na ako magugulat kung isa sa mga araw na ito, Adriel will be a full – blooded Consunji, tulad ng palagian kong naririnig mula sa mga nakakikilala sa kanila.
Isa pa sa kinaiinisan ko ay ang sobrang nakakabwisit na mukha ng lead attorney ng tatay ko, si Jose Gerardo Birada. Napakayabang niya! Sabagay lahat ng abogadong kilala ko ay mayayabang pero iba ang yabang ng isang ito, parang kaya niyang bilhin ang buong mundo – abogado lang naman siya at hindi diyos. Pakiramdam ng hambog na iyon, regalo ng diyos ang presensya niya sa mundong ibabaw – eh sa totoo lang mukha siyang natapakang chewing gum! Bwisit talaga! Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita kong ngingisihan niya ako. Ang kapal ng mukha niya!
"Avery, can you find some things about a certain Gerardo Birada?" Napatingin si Avery sa akin sa screen. I saw her eyes lit up.
"How soon?"
"Ikaw bahala. Basta kailangan ko lang malaman kung anong klaseng tao siya kasi punyeta siya, inis na inis na ako sa kanya!" Hindi ko napigilang i-roll ang itim ng mata ko = which I think, Avery found amusing, bigla kasi siyang natawa nang malakas.
"Ano bang hitsura niyang Jose Gerardo na iyan? Gwapo ba?" Obviously, she's teasing me.
"Mukha siyang natapakang chewing gum." I spat the words.
"Huh?" Naguluhan yata si Avery sa sinasabi ko. I only smiled at her again.
"I'd better go, Avery, it's nice having this talk with you. Magpapahinga na muna ako at maaga pa ako bukas. We're gonna visit some of the properties bought by my father while the company was under him. May pakiramdam iyong mga investigators nap era ng kompanya ang ipinambili roon."
"Ok--- okay..." Avery looked as if she knows something and most of the times, I want to ask her about what she already knows. Hindi ko alam kung anong background ng pamilya ni Avery pero may ideya ako na hindi sila tulad ng inaasahan ko. She easily found me in Italy, ang sabi ni Uriel ay ni hindi man lang daw lumabas si Avery ng bahay ng mga panahong iyon but she was able to give Uriel my complete address, she accessed my facebook account which led to her giving Uriel a video of our son celebrating his birthday, also, I know that she was also responsible for that epic heist in our company two and a half years ago. Maraming kayang gawin si Avery – just like how Uriel puts it every time, and I am so tempted to ask for her help, it's just that, I am not ready, I don't think I could face the fact that my father is indeed the reason why everything in our company is falling apart.
Alam ko namang may katotohanan ang iniisip ko, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang ayoko pa ring tanggapin, may parte sa pagkatao ko na handang bigyan si Daddy ng benefit of the doubt, but that part of me is only being stupid.
Naaawa ako sa sarili ko, naaawa ako kay Mommy – mabuti na lang talaga at noong malaman niya ang ginawa ni Daddy sa pamily nina Uriel ay siya na ang umalis sa buhay ni Daddy She filed for an annulment, maybe it's because of power and money, madaling lumabas ang resulta. Now my mom is quietly living her life – happily – I should add that – in her ranch in Batangas. She didn't want to be with a criminal – it's what she told me and I dop understand her. Siguro, iba lang sa akin kasi tatay ko ang pinag – uusapan dito at lumaki akong ramdam naman ang pagmamahal niya sa akin. I just... well, it just changed after he got greedy for money and power. Indeed, power and money changes everything.
I sighed and put my laptop on the side table. I faced Haniel who is peacefully sleeping by my side, I brushed away the fringes that strayed on his face. I couldn't help but smile at my son. He is the most beautiful that happened to me and I am willing to give him everything that I have.
"I love you so much, my sunshine." I kissed his forehead.
Si Haniel, siya ang pahinga ko.
xxxx
Jose Gerardo Birada
ANG Sabado ay palaging family day sa pamilya ko. Tinuruan ako ng nanay ko na huwag na huwag tatanggap ng trabaho tuwing araw ng Sabado dahil kailangan, isang beses sa isang linggo ay makikita ko ang buong pamilya ko kaya heto ako ngayon, sakay ng isang kotse, kasama ang kapatid kong si Jose Andres na pakanta – kanta habang iginagalaw ang ulo. Kanina pa ako natitiris, gusto ko na siyang batukan.
"Andres, ang ingay mo, tulog si Joshua sa likod." Malumanay na wika ko. Parang hindi naman niya ako narinig. Kumanta pa siya nang napakalakas.
"Every color, every hue! Is represented by me and you!" Sa inis ko ay binatukan ko na si Andres.
"Aray naman, Kuya! Nakaka-ano ha! Nag-eenjoy lang naman ako rito sa pagkanta!"
"Natutulog nga ang pamangkin mo! Puyat iyan. 'Wag kang maingay!"
"Sabi naman sa'yo, h'wag mong hayaang maglaro nang maglaro ng kung ano – ano iyang si Josh, baka mamaya maadik na sa games iyan, susunod na siyang ite-therapy ni Mama."
"Manahimik ka. Puyat iyan kakahintay sa tawag ni Alona." I sighed.
"At hindi na nga tumawag si Alona kay Gerardo kahit kailan kasi naka-move on na si Alona sa America, habang si Gerardo, kunwari magaling na abogado pero sa totoo lang, bobo siya pagdating sa pagsintang pururot niya sa dati niyang asawa. The end."
Muli kong binatukan si Jose Andres, gusto ko nan ga siyang ingudngod sa dashboard. Makulos si Andres – sa magkakapatid siya ang pinakamagulo sa lahat, feeling bunso pero siya naman ang sumunod sa akin. Pangalawa ako sa magkakapatid, si Andres ang kasunod ko, ang bunso namin ay si Alberto, ang panganay naman ay si Jose Maria, kaming tatlo palagi ang magkakakampi pero kahit kailan, hindi kami nananalo pagdating sa pang – iinis ni Andres sa aming lahat.
"Totoo naman iyong sinasabi ko. Ang tagal ninyo nang annulled ni Alona, naka-ilang jowa na iyong dati kong hipag, ikaw, naghihintay ka pa rin sa wala. Ano bang meron kay Alona? May jowa na iyon, Kuya, mas malaki pa iyong tite kaysa sayo. Americano eh."
Muli ko na namang binatukan si Jose Andres.
"Gago!"
"At least di naghihintay sa wala." He made a face. Inihinto ko ang sasakyan sa may gilid ng highway, bumaba ako tapos binuksan ko ang pinto sa side ni Andres saka siya hinatak pababa ng kotse ko.
"Bahala ka sa buhay mo! Bwisit ka!" Mabilis akong pumasok ng kotse ko at pinaharurot iyon. "Maglakad ka ngayon, Andres. Gago!"
Napabuntong – hininga na lang ako habang nagmamaneho. Alam ko namang may punto ang kapatid ko sa mga sinasabi niya pero ano bang magagawa ko? Limang taon na kaming hiwalay ni Alona, dalawang taon nang annulled pero heto pa rin ako, naghihintay na baka sakaling magbago ang isip niya, baka balikan niya ako, baka maging okay kaming dalawa kasi may Joshua namang kailangan naming alagaan at mahalin, pero sa limang taong iyon, kitang – kita ko rin na kayang mabuhay ni Alona na hindi kami kasamang mag – ama, at tama rin ang mga kapatid kong nagpapakatanga na lang ako sa kakahintay sa isang taong hindi naman na babalik.
Sa totoo lang, maliban sa pamilya ko, walang nakakaalam nito. Nakakahiyang malaman na ang isang tulad ko, a corporate lawyer who's always ready to fight is a hopeless man waiting for someone who used to love me. My colleagues will laugh at me, I don't think someone will hire me if they know how much of a loser I am in the inside.
I consider my feelings for Alona my greatest weakness. Hindi na healthy ito para sa akin pero hindi ko naman kayang tigilan kasi mahal ko siya. Siya ang nanay ng anak ko at gusto kong mabuo kami. I grew up not having my father around, hindi maganda sa pakiramdam na habang lumalaki ako, nakikita kong involve ang mga tatay ng mga kaklase ko sa buhay ng mga anak nila habang ako, kaming magkakapatid, we're always hungry for our father's love and attention.
Hindi naman ako galit kay Jose Birada. Pinalaki kami ni Mama nang maayos, iniwanan man siya ni Papa para sumama sa ibang babae – which is Tita Nadia, my father's ex – girlfriend – isang mahabang kwento – na hindi naman na dapat isingit rito. It's just that sometimes, I think about what our lives would be if he's with us.
Maaayos naman ang pagpapalaki sa amin ni Mama. Nagsusustento naman si Papa sa amin nang maayos kaya nga naging maayos din ang pag – aaral naming magkakapatid. Hindi lang talaga mawala ang mga what ifs sa isipan ko, naiisip kong ayokong matulad si Joshua sa akin na lumaking palaging may hinahanap.
Muli akong nagpakawala ng isang mahabang buntong – hininga bago ako lumiko papasok sa village kung saan ang bahay ni Mama. I parked my car in front of her home. I looked at the back seat, tamang – tama naman, my son is stirring up, I watched him with a smile on my face until he opened his eyes.
"Hey, kiddo." I greeted him. "We're at Granny's. Wanna come down and greet her?"
"Okay, but Dad, can I play with my tab while waiting? I promised my best friend Haniel that I will play with him this afternoon." Tinanguan ko na lang si Joshua. He's friendly, mabait siya, namana sa side namin, mabait rin naman si Alona, kaya nga na-in love ako sa kanya noong college kami. Mabait ang anak ko, hindi mahirap sa kanya ang makipag kaibigan sa mga bagong kakilala kaya hindi ako nagulat na noong ihatid ko siya sa first day ng school nila, may ipinakilala na kaaagad siya sa aking best friend raw niya.
His name is Haniel Consunji and he's the same age as Joshua. I've been hearing all about him since this summer and I really think that he is good for my son. Mabait naman iyong bata kahit na inglesero siya. Nakakatuwa, may bago na namang kaibigan ang anak ko.
We walked together until we reached my mom's house. She was all smiles when she saw her grandson. Kasama na ni Mama si Kuya JM, mukhang tulad ko ay kararating niya lang. Dumiretso si Joshua sa lola niya para humalik at magmano.
"Nandito na pala ang paborito kong apo!"
"As if my choice ka, Ma, iisa lang naman iyan." Tumawa pa ako.
"Kaya nga. Ang tagal magsipag-asawa ng mga kapatid mo, ano bang balak mo Jose Maria, mamalengke ng babae?"
"Ma?! Nakita mo na naman ako!"
"Natural, ikaw ang panganay tapos ganyan ka pa rin. Jusko, si Andres naman walang inatupag kundi ang maglaro ng computer games kasama si Jestoni, tapos si Alberto, kung ano – ano ring ginagawa sa buhay. Gusto ko lang namang mag – asawa na kayo at lumagay sa tahimik. I even told Andres that if he wants to be together with his friend Toni, okay lang sa akin, pwede namang mag – ampon kung same sex sila."
"MA!" Tawang – tawa ako sa binitiwang salita ni Mama. My mother is a psychiatrist, she has her own clinic in the heart of the city, she is passionate about her job, her name is Cynthia and she raised us all on her own and for that I will be forever grateful.
Lumapit ako kay Mama para yakapin siya.
"I missed you, Ma. Work has been so stressful these days." Naramdaman kong tinapik – tapik naman niya ang likuran ko.
"I missed you too, Gerry."
"MA!" Dumating na si Andres. Lumayo ako sa nanay ko. I grinned at him. Napatingin sa akin ang kapatid ko. "Si Kuya Gerry, iniwanan ako sa may highway! Napaka niya Mama! Nakakainis! Inapi ako!"
"Sabi ko naman sa'yo, Andres, h'wag kang nagsasama pinsan mong si Pepe, nagiging sumbungero ka na rin. Kumain na tayo, parating na rin si Alberto, kasama ang Papa ninyo, halika na."
"Kasama si Papa?" I asked kahit narinig ko namang malinaw. Lahat kami ay nakatingin lang sa kanya.
"Alberto told your father that Joshua will be here, gusto niyang makita ang apo niya. Kain na, tara na, nagluto ako ng paksiw na pata."
Akmang susunod ako kay Mama nang hampasin ni Andres ang balikat ko.
"Ano?!"
"Gago ka, anong ginawa mo kay Avery? Bakit hinahanap ka niya – ay hindi, nahanap ka na niya at nalaman niyang kapatid kita. Anong ginawa mo kay Avery Apelyido?! Hala lagot ka! Mamamatay ka na bukas!"
Napakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ni Andres?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top