Chapter 9

Chapter 9

KYLE'S P.O.V

"May problema?"

Napatingin ako kay Dad nang magsalita siya. Kanina pa ako hindi mapakali dahil gusto ko nang makausap si Kei. Gusto ko na siyang ma-solo upang magkalinawan kami.

Huminga ako ng malalim. Heto na naman yung nakabara sa dibdib ko.

"Ewan ko, Dad, ang hirap eh. Sa tingin ko ay may iba siyang gusto." Para akong bata na nagsusumbong sa Tatay.

Narinig kong tumawa si Dad. Napakunot ang noo ko.

"Tinamaan ka talaga," ngisi ni Dad

"Dad, alam niyo naman ni Mama na bata pa lang ako ay tinamaan na ako sa kanya. Pakiramdam ko hindi ko matatanggap kung may iba siyang magugustuhan," pagmamaktol ko. Sa totoo lang ay ilang gabi na akong hindi nakakatulog. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ako nilagnat.

"Sinagot na ba niya yung sinasabi mong gusto niya?"

"Sabi girlfriend na. Ewan," walang ganang sagot ko. Hanggang ngayon ay nag e-echo pa rin sa utak ko ang sinabi nung Tom na 'yon.

"Tsk, sabi lang? Sinong nagsabi? Yung lalaki? Haha. Ganyan din ako sa Mama mo dati, ako lang ang nakakaalam na girlfriend ko siya. Ano? Purket sinabi nung lalaki na girlfriend na niya si Kei susuko ka na? Hindi ganon, anak."

Tumungo lang ako. Sumasakit na kasi ang ulo ko kaiisip kay Kei, tapos sumasabay pa yung abnormal na pagtibok ng puso ko.

"Kung talgang gusto mo siya, ipakita mo. Iparamdam mo sa kanya kung gaano mo gustong mapasayo siya. Ganyan talaga, may kalaban. Hindi yung madalian mo lang makukuha, paghirapan mo. Dahil lahat ng bagay na pinaghirapan mong makuha nagiging maganda yung resulta," payo ni Dad. Paghirapan? Ang hirap nga makuha ni Kei, parang sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko sa kanya lang ako nahirapan ng ganito.


"Kung may boyfriend na si Kei, dapat wala siya dito ngayon. Kung lumalaban yung kaagaw mo, labanan mo rin. Hindi yung magmumukmok ka rito sa unit mo, kaya ka nagkakasakit," sermon sa akin ni Dad.

"Paano nga Dad kung yung pinaglalaban ko ayaw sa akin?"


"Ipaglaban mo hanggang sa magustuhan ka! Ganun lang 'yon, anak! Anong nangyari sa mga itinuro ko sayo noon? Tsk, wala ka, mahina ka pala anak eh. Sa short relationship ka lang yata magaling, pero pag tinamaan ka na mahina ka." May halong pang-aasar na sinabi ni Dad 'yon.

"Dad, hindi mo ako naiintindihan eh! Takte kasi masakit kapag kasama niya 'yon. Nakakagago yung sakit dito." Para akong sira na tinuturo-turo pa ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"Ganun talaga. Kahit anong gawin mo kapag nagmahal ka masasaktan at masasaktan ka. Hindi naman mawawala yung sakit na 'yon eh. Sabi nga nila kung sino pa yung taong nagpapasaya sayo, yun din yung mananakit sayo. Kagaya niyang Mama mo, kahit matagal na kaming kasal minsan may hindi kami napagkakaunawaan. Kung minsan hindi ako kinakausap niyan. Sa simpleng bagay na 'yon nasasaktan ako kasi mahal ko siya, but at the same time, masaya ako sa kanya at ayokong mawala siya."

Napakakomplikado naman ng pagmamahal na 'yan. Wala naman akong balak isuko si Kei eh, yun nga lang naduduwag ako. Takot ba ako sa rejection? Takte, oo, takot ako sa rejection kung sa kanya ko matatanggap 'yon. Pero bahala na! Mahal ko siya!

Bago umalis sila Dad may sinabi pa sila sa akin.

"Ligawan mo ng maayos. Yung mga babaeng katulad niya hindi mo dapat itulad sa mga naging babae mo noon. Umayos ka na, bente tres ka na ayusin mo na yang buhay mo. Napaka-isip bata mo pa rin."

"Aish, oo na, Love... Sumasakit ulo ko sa inyong mga babae. Ang labo niyo," iritadong sabi ko kay Mama. Totoo naman. Minsan komplikado mag-isip yung mga babae na sila lang ang nakakaintindi sa sarili nila.

"Intindihin mo na lang," payo ni Dad.

Tumango na lang ako. Napatingin ako kay Kei na nakaupo sa couch. Nakatungo lang siya at hinihintay kaming matapos mag-usap dito sa kitchen.

Lumapit sa akin si Mama at humalik sa pisngi ko. Humalik naman ako sa noo niya.

"May sakit ka pa rin. Dito ka lang. H'wag kang mag-gala. Magpahinga ka para gumaling ka na, okay?"

"Yes, Love..."

Naglakad na kami papunta sa pinto. Nagpaalam na rin sila kay Kei. Ibinilin pa ako ni Mama kay Kei.

"H'wag makulit, Kyle ha? I love you baby..."

Nanlaki ang mata ko sa itinawag sa akin ni Mama. Narinig kong humagihik si Kei.

Ang laki-laki ko na para tawaging baby. Napansin naman ni Dad ang pagkapikon ko kaya tinawanan ako nito.

"Sige na. Kei, hija ikaw na ang bahala ha? Yung gamot niya," paalala ni Mama kay Kei.

"Opo, Tita," nakangiting sagot niya.

Nakahiga lang ako sa couch nang maramdaman kong dumapo ang kamay niya sa noo ko. Nahihilo pa rin ako dahil sa lagnat. Iminulat ko ang mata ko at tinitigan ko siya. Na-miss ko siya. Na-miss kong ganito siya kalapit sa akin. 'Pag ganito kasing malapit siya sa akin, pakiramdam ko akin talaga siya. Pakiramdam ko wala akong kaagaw sa kanya.

"I miss you," bulong ko.

Kinuha ko ang kamay niya na nakadapo sa noo ko at iniligay iyon sa kaliwang dibdib ko. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kalakas tumibok yung lintik na puso ko para sa kanya. Nangungusap yung mata niya, parang may gusto siyang sabihin sa akin. Langya mas lalo akong tinatamaan sa mga titig niya.

"I'm sorry. Alam ko masyado akong naging pakialamero sa mga gusto mo. Pero gusto ko lang sabihin sayong kahit hindi mo ako magustuhan, yung pagpintig nitong puso ko para sayo hindi magbabago."

Sobrang sakit isipin na hindi niya ako magugustuhan. Pero gusto kong ipaalam sa kanya na sigurado na akong siya na talaga. Kahit ilang beses ako makatanggap ng rejection sa kanya, hindi ko siya isusuko! Ang tagal kong hinintay yung ganito, yung ganitong sobrang lapit niya sa akin. Ngayon pa ba ako lalayo!

Marahan kong pinisil ang kamay niya. Inilapit ko 'yon sa labi ko at isa-isa kong hinalikan ang daliri niya.

"Kung bibigyan mo ng chance si Tom, sana ako rin. Bigyan mo rin ako ng pagkakataon na ipakita sayo kung gaano kita kagusto at kamahal. I'm dead serious, Kei. I love you, to the point na parang sasabog na ako sa pagmamahal ko sayo."

Liligawan ko siya ulit. Kung kailangan maghintay ulit ako ng sobrang tagal, kakayanin ko. Dahil gago man pakinggan, totoong parang sasabog na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Gagawin ko lahat, mapa-sa akin lang talaga siya at hindi ako papayag na sa iba siya mapunta.


KEI'S P.O.V


Natulala ako sa sinabi niya. Sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ako, pakiramdam ko tumitigil yung mundo ko.

Hawak niya pa rin ang kamay ko. Dahan-dahan siyang umupo nang hindi binibitawan ang kamay ko. Sobrang init niya dahil sa lagnat.

"H'wag mo akong itulak palayo, Kei. Dahil pakiramdam ko, kapag ginagawa mo 'yon, parang nawawalan na rin ako ng pag-asa na maging akin ka," sabi niya, at nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin at ramdam na ramdam ko yung init ng katawan niya dahil sa lagnat.

"Mahal kita, Kei," bulong niya.

"Kyle?" tawag ko sa kanya dahil parang biglang lumuwag yung yakap niya sa akin. Maingat ko siyang inilayo sa akin at isinandal sa couch.

Nakakunot ang noo niya at pinagpapawisan siya. Masakit siguro ang ulo niya.

"Kyle! Kailangan mo nang magpahinga," sabi ko sa kanya. Kinakabahan ako kasi inaapoy siya ng lagnat.

Iminulat niya ang kanyang mata. Namumula ang mga 'yon dahil sa lagnat. Sinubukan niyang tumayo kaya naman inalalayan ko siya papasok sa kwarto niya. Inihiga ko siya sa kama at kumuha ako ng malamig na tubig saka pinunasan ko ang ulo at braso siya.

Habang pinupunasan ko ang braso niya, nakatitig lang siya sa akin. Ngumiti siya kahit nahihirapan.

"Tabihan mo ako," ngisi niya dahilan para hampasin ko siya.

"Kyle ha! May sakit ka na nga, ganyan ka pa rin!" suway ko sa kanya.

"Gusto lang kitang yakapin," nanghihinang sambit niya kasabay non ang pagpikit ng kanyang mata.

Mukhang nakatulog na siya. Inilagay ko ang towel sa noo niya. Tinitigan ko siya, para siyang batang natutulog. Napatingin ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Sobrang higpit nito, para bang ayaw na niya akong bitiwan.

Tatayo sana ako para kumuha ng tubig para paggising niya may iinumin siya, pero mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Nagising kaagad siya?

"Stay here. Don't leave me, Kei..."

Bakit parang nasasaktan siya nung sinasabi niya 'yon? Muli akong umupo at siyang mulat naman niya.

"Tabihan mo ako Kei. Wala naman akong gagawin sayo. Gusto ko lang katabi kang matulog."

Tinanggal niya ang towel na nakalagay sa noo niya. Uupo sana siya pero pinigilan ko siya.

Sandali ko muna siyang pinagmasdan at lumunok.

"S-sige," sabi ko. Umayos siya ng higa para makatabi ako sa kanya. Medyo naiilang akong humiga kasi naka-uniform pa rin ako ng trabaho ko, pencil cut na itim na lagpas tuhod at black na long sleeve.

Iisang kumot lang ang gamit namin. Kagaya nung sa Laguna, nakadiretso lang ang higa ko habang siya nakatagilid at nakayakap sa akin. Mainit pa rin siya. Parang nalilipat nga sa katawan ko yung init niya. Parang napapaso ako.

Nagulat ako nang dahan-dahan niya akong pinatagilid sa kanya. Magkatapat na ngayon ang mukha naming dalawa at kaunting galaw ko lang maglalapat ang labi naming dalawa.

Pero bago pa ako makagalaw, siya na ang gumalaw at napapikit kaming pareho nang lumapat ang mainit niyang labi sa labi ko.

Mainit yung labi niya dahil sa lagnat, pero nagiging dahilan 'yon para mas lalo kong magustuhan ang halik niya. Hindi ko alam pero hinanap-hanap ko 'to nung araw na pinalayo ko siya sa akin. Na-miss ko ang halik niya. Narinig kong napaungol ako nang ipasok niya sa loob ng bibig ko ang dila niya. Sobrang init n'on at nababaliw ako.

Sobrang lalim at masarap. Nakakahibang siyang humalik, parang dinadala niya ako sa malayong lugar.

Pero siya rin ang pumutol ng halik naming dalawa. Nakakahiya man pero para akong hiningal sa paghalik na ginawa namin. Ngumiti siya at naramdaman ko ang thumb niya sa ibabang labi ko. Dahan-dahan niyang hinaplos yung ibabang labi ko habang yung mga mata niya kinakausap na naman yung mata ko.

Mahal kita, Kei.

Paulit-ulit na sinasabi ng mga mata niya 'yon at parang may nagwawala sa loob ng dibdib ko. Ipinikit na niyang ulit ang mata niya saka niyakap ako at hindi ko alam kung bakit kusang bumuka ang bibig ko at sinabing—


"Mahal din kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top