Chapter 38
Chapter 38
MARIE'S P.O.V
Nanatili siyang nakatingin sa akin.
"Ano?! Ganyan ka na lang?! Tatanga na lang?!" Naiinis na sigaw ko sakanya, tinignan niya ako ng masama. Gosh, nakakatakot talaga yung mata niya ngayon. Pero syempre hindi ko naman ipinakita na natatakot ako, ano ako tanga? Itinulak ko siya papasok ng bahay nila!
"Magbihis ka na! Nakabalandra pa yang katawan mo obvious naman na maganda!" Sigaw ko, biglang lumabas yung Mama niya, kinabahan ako.
"Kei iha?" Tawag nito sa akin, napalunok ako at umiling iling.
"Hindi po ako si Kei, si Marie po ako! Kakambal po ako ni Kei, sinusundo ko lang po ang anak niyo dahil binuntis niya ang kapatid ko!" Nakangiting sigaw ko, halatang nagulat ang Mama niya at halos mapatalon ako ng marinig ko ang sigaw ng isang lalaki, siguro siya ang Papa ni Kyle.
"Anong kagaguhan ang ginawa mo Kyle?!Kaya ba nagmumukmok ka sa kwarto mo dahil may nabuntis ka?!" Ma-awtoridad na sigaw nito! Marahas na sinuklay ni Kyle ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.
"Hindi ko alam Pa! Ngayon ko lang nalaman! Bullsht!!" Problemadong sigaw niya!
"Hindi mo alam?!Pero ginawa mo? H'wag mo akong niloloko anak, papunta ka palang pabalik na ako!" Galit na sigaw ng Papa niya, kitang kita ko ang galit sa mga mata nito!
"Hindi ko nga alam!Bat ba ang kulit niyo?! Tss!" Naiinis na sigaw ni Kyle saka umakyat sa kwarto niya, itinalpak pa nito ang pintuan niya! Napatingin naman sa akin ang parents niya, nakakatakot sila, parang galit na galit kasi ang Papa niya.
"H'wag kang mag alala iha, hindi ako papayag na takbuhan ni Kyle ang kakambal mo." Kalmadong sabi ng Papa niya, tumango tango na lang ako, maya maya pa bumaba na ulit si Kyle, nagtshirt lang siya.
"Amina yung susi." Walang ganang sabi niya, tinignan ko siya ng buong pagtataka.
"Huh?"
"Susi ng kotse ng kapatid mo!" Sigaw niya sa akin! Aba! Tinatakot niya ba ako?! Ibinato ko sakanya yung susi ng kotse ni Kei.
"Aalis na ako." Malamig na paalam niya.
"Ayusin mo yan Kyle!" Sigaw ng Mama at Papa niya.
"Kaya nga aalis na!!" Sigaw niya saka naunang lumabas.
"Naku iha, pasensya ka na ha? Medyo nagbago kasi ang pag uugali ni Kyle simula ng maghiwalay sila ng kapatid mo..." Sabin g Mama niya.
"O-okay lang po! Sige po mauna na po kami! Salamat po!" Paalam ko.
Tahimik lang siyang nagmaneho pero halos mamatay na ako sa sobrang bilis!!
"KYLE!!!" Sigaw ko! Pero hindi niya ako pinansin! Bwisit talaga 'tong lalaki na 'to!!
Wala pang isang oras nakarating na rin kami sa unit ni Kei, sandali ko siyang tinignan. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya pinindot ang code ng unit ni Kei, sumunod ako sakanya at pagpasok namin, wala siya sa sala kaya naman pumunta kami sa kwarto niya.
"Sht!Saan naman siya nagpunta!!" Sigaw ko. Napansin kong nakabukas ang cabinet niya at gulo gulo ang mga damit niya don.
"Tangina. Nasaan ba kasi yung tiwala niya sa akin." Matigas na bulong niya.
Tinignan ko siya ng masama.
"Hoy! Subukan mo lang saktan ang kapatid ko papatayin talaga kita!" Sigaw ko sakanya, ano ba?! Kahit ganito ako may pag-aalala pa rin ako sa kapatid ko kahit na naiinis pa rin ako sakanya!
"Sasaktan ko ba?! Nak ng putcha, kayo ang nagsimula." Galit na sabi niya at tinalikuran ako saka lumabas siya ng kwarto ni Kei, naku sasabunutan ko talaga 'to eh! Lumabas na rin ako at nakita kong nakaupo siya sa couch, nakatapat sa tenga niya ang cellphone niya, ang isang kamay naman niya marahas niyang isinasabunot sa ulo niya.
"Answer the phone baby..." Narinig kong bulong niya, napangiti ako... Ewan ko, bakit bawal ba akong kiligin? Bakit mas magandang pakinggan ngayon ang pagkakasabi niya ng baby kesa nung ako ang tinatawag niya, kfine kasi hindi ako ang mahal, geez. Desperadong desperado na ang boses niya, tinap niya ulit ang phone niya at tinapat ulit sa tenga niya, ang lalim ng paghinga niya.
Napansin kong napaayos siya ng upo at bigla niyang ibinaba ang isang kamay niyang nakahawak sa buhok niya, lumunok siya ng sunod sunod...
"Where are you?" Seryosong tanong niya...Napakunot ang noo niya.
"Pupuntahan kita..." Bulong niya, bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin...
"Langya Kei...Buntis ka di ba? Anak ko yan Kei...anak nating dalawa...a-ano?? Hindi ako gago para maniwala na hindi sa akin yan...Fck! Tama na ang pagsisinungaling Kei! Kung naloko mo ang dalawang mata ko, hindi mo maloloko ang puso ko!SA AKIN YAN KEI!Tandaan mo binigay mo ang sarili mo sa akin ng buong buo...Kaya lahat ng sayon akin... lalong lalo na ikaw... Akin Ka Kei! Sa ayaw at sa gusto mo dadating ako jan." Napalunok ako sa mga narinig ko mula sakanya, baliw na baliw talaga siya kay Kei...tama bang angkinin si Kei na parang isang bagay lang? Pero ang sweet...
Tumakbo ako at hinabol ko siya, pagkarating sa parking area mabilis kaming sumakay ng kotse ni Kei.
"Nasaan daw siya?" Kinakabahang tanong ko.
"Laguna." Matipid na sagot niya, Laguna?? Sana naman magkausap na sila ni Mama...
---
KEI'S P.O.V
Sinalubong kaagad ako nila Mama ng makita nilang bumaba ako ng tricycle, mabilis akong yumakap sakanila at nagsimulang umiyak! Siguro nga ganito talaga, kapag nasasaktan ka sila lang yung makakapag-pagaan ng loob mo.
"Bakit ka umiiyak?" Bulong ni Mama, mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya.
"Ma..." Yun lang ang tanging nasabi ko, naramdaman ko ang paghaplos ni Mama sa likod ko, kinuha naman ni Papa yung bag ko at inalalayan nila akong pumasok sa loob, nandun ang isa ko pang Mama, si Mama Faye., hindi ko namalayan na nginitian ko siya habang umiiyak ako... Kusa akong dinala ng mga paa ko palapit sakanya at niyakap ko siya.
"Sorry po..." Bulong ko... Naramdaman ko ang pagtanggap niya sa yakap ko.
"Ako ang dapat na humihingi ng tawad sayo anak...patawarin mo ako." Bulong niya sa tenga ko, wala namang mangyayari kunng magmamatigas ako na h'wag siyang kausapin, dahil unang una ako ang nagpapalayo sakanya sa tuwing lalapitan niya ako nung umuwi ako dito nung pasko... At kahit anong gawin ko siya pa rin yung nagluwal sa akin, ayoko naman na dumating yung panahon na kamuhian ako ng magiging anak ko.
"Hindi naman pupwede yon anak...dapat dalawa kayo." Sabi ni Mama Kristina sa akin...sinabi ko na sakanilang buntis ako at kakayanin kong mag isa ito...
Napatingin ako kay Papa, kanina pa siya hindi umiimik pero tinanguan niya lang ako.
"Tama ang Mama Kristina mo Kei...hindi madaling magpalaki ng anak kapag mag isa ka lang..." Sang ayon ni Mama Faye.
Tinawagan din ako kanina ni Kyle nung nasa biyahe pa ako...hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin tungkol dito lalo na at alam kong hindi basta basta mawawala yung sakit na dinulot ko saaming dalawa, si Marie kasi ang nagsabi sakanya na buntis ako...
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, pinagpahinga na ako nila Mama dahil napapansin nila ang pamumugto ng mata ko. Kinabahan ako ng marinig ko ang boses ni Marie mula sa ibaba, dahil alam kong nandyan na rin siya... Tumagilid ako at nagtalukbong ng kumot, sobra sobra nanaman ang kaba ko... Hindi ko siya kayang makita, paano na lang kung masaktan nanaman siya... Hindi ba sinabi niyang tuwing makikita niya ako nasasaktan ko lang siya, ayokong makaramdam nanaman siya ng sakit dahil sa akin.
Humigpit ang kapit ko sa kumot ko ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko, naririnig ko na ang malalim niyang paghinga...
Mariin kong ipinikit ang mata ko ng maramdaman ko ang paghiga niya sa kama ko at ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran ko... Tahimik lang siya at mas lalong hinihigpitan ang yakap sa akin...
Dahan dahan niyang inalis ang kumot sa ulo ko at mas lalo siyang lumapit sa akin, nakatalikod pa rin ako sakanya... Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.
"Bakit hindi mo sinabi..." Ramdam ko nanaman yung sakit sa pagsasalita niya...
"Sorry...ayoko lang balikan mo ako dahil sa isang responsibilidad." Bulong ko... Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin...naramdaman ko sa likod ko ang paghinga niya ng malalim bago nagsalita.
"Alam mo namang mahal kita, kahit sobrang sakit na Kei...bakit ba nag iisip ka ng ganyan?" Narinig kong pumiyok ang boses niya, umiiyak nanaman siya dahil sa akin... Naramdaman ko ang mainit na paghinga niya sa ulo ko dahil sa pag iyak niya...
"Yun nga kasi Kyle...dahil sa sobrang pagmamahal mo sa akin nasasaktan lang din kita ng sobra sobra..." Nakakainis umiiyak nanaman ako ang bigat bigat na nga ng mata ko.
"Kei naman...yung mga sinabi ko sayo noon, oo gusto kong lumayo...dahil hindi ko naman talaga alam kung paano matatakasan yung sakit...pero nak ng putcha Kei, para naman akong pinapatay kasi wala ka sa tabi ko...kahit anong gawin ko ikaw yung nasa isip ko." Humihikbing bulong niya at pilit niya akong iniharap sakanya, ipinikit ko ang mata ko...ayokong makitang umiiyak nanaman siya... Naramdaman kong pinunasan niya ang luha sa mata ko, pero napamulat ako ng ipasok niya ang kamay niya sa loob ng tshirt ko para damahin yung tiyan ko, ganun pa rin yung palad niya mainit...
"Sa akin 'to di ba? Bakit mo sinasabing hindi akin yan?" Pinagtama niya ang mata naming dalawa, yung luha niya ayaw tumigil ng katutulo...
"Akin 'to...nararamdaman ko Kei...h'wag ka ng magsinungaling..." Nahihirapang bulong niya, tumango tango ako habang tinitignan siya sa mata...
"I'm sorry Kyle..."
"Shh...I'm sorry baby..." Bulong niya at mas lalo niya akong inilapit sakanya para maabot ang labi ko, sandali niya akong hinalikan sa labi, parehong nanginginig ang labi namin dahil sa pag iyak...
"Mahal...na...mahal po kita baby..." Bulong niya saka niyakap ako...Ang sarap lang sa pakiramdam na yakap yakap niya ako ngayon.
"Kahit gaano pa kasakit ang ibigay mo sa akin Kei, ikaw at ikaw pa rin yung mamahalin ko...Kasi sayo lang ako naging masaya..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top