Chapter 2
Chapter 2
KYLE P.O.V
Nakakatuwa yung reaction niya nang halikan ko siya sa pisngi. Maski ako pakiramdam ko nag-iinit yung mukha ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang nahalikan mo yung talagang gusto mo, hindi yung hinalikan mo lang siya para lang sa ibang bagay. Pisngi pa lang 'yon pero pakiramdam ko naka-jackpot na kaagad ako!
Tinitignan ko siya ngayon habang kinakain yung bignay na kinuha ko sa puno. Kinagat pa nga ako ng mga langgam sa puno. Tsk, naranasan niyo na bang ma-rape ng langgam? Takte ako kasi oo, pinapak nila ako! Swerte nila ah!
Maganda rito sa probinsya nila Kei, kasing ganda niya. Maganda kasi fresh yung hangin tapos madaming mga nangingisda d'on sa dagat. Ang isa pang kinaganda rito, kasama ko si Kei, kasama ko ang pamilya niya at mas lalo ko siyang nakikilala.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Para namang hindi siya mapakali nung tinabihan ko siya.
"Ang putla na ng lips mo," puna ko. Paano ba naman, ang dami na niyang nakakain na bignay. Tinikman ko kanina yun, maasim pala.
"Ano naman?" iritadong sagot niya sa akin. Ang cute niyang mainis.
"Ano naman?" ulit ko sa sinabi niya. Napangiti na naman ako nang makita kong nanlilisik yung mata niya. Kaya gustong-gusto ko siyang inaasar eh.
"Ginagaya mo na naman ba ako?"
"Ginagaya mo na naman ba ako?"
"I hate you!"
"I love you!" nakangising sabi ko. Napansin kong namula na naman ang mukha niya. Takte ang cute niya. Pakiramdam ko kahit anong oras mahahalikan ko na naman yung namimilog niyang pisngi dahil sobrang pula. Ang lambot pa naman ng pisngi niya, sarap halik-halikan!
"Hijo! Nakahanda na yung CR. Maligo ka na at pawis na pawis ka na," nakangiting sabi ng Mama ni Kei.
"Sige po, Ma! Salamat po!"
*
KEI P.O.V
"Sige po, Ma! Salamat po!"
Nanlaki ang mata ko. Ano raw? Ma?! Kailan pa siya naging anak ng Mama ko?
"Maliligo muna ako. Gusto mong sumabay?" nakangiting tanong niya sa akin. For Pete's sake! Bakit pati pagligo niya gusto niya akong isama?
"Pwede ba maligo ka na lang! Ang baho mo na!" sigaw ko sa kanya, pero tinawanan niya lang ako. Ang totoo niyan, hindi naman talaga siya mabaho eh, para ngang pati pawis niya ang bango-bango. Naalala ko na naman tuloy yung pawis niyang tumutulo sa abs niya. Grabe, hindi ko maiwasang hindi mapanganga.
Tumawa lang siya at umalis na.
Bigla na namang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina. Oo, masasabi kong dalawang taon na niya akong inaasar dahil ako raw yung matagal na niyang hinahanap. Nakakairita lang dahil bakit kailangan niyang gayahin ang bawat sasabihin ko. Saka, bakit bigla na lang siyang naging ganyan? Yung parang nagising na lang siya bigla at naging bolero na sa akin. Saka isa pa, hindi ko matandaan kung paano kami naging magkaklase nung kinder pa lang kami, samantalang hindi naman ako nag-kinder sa Manila.
Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Nandito na kami ngayon sa sala.
"Eh kung sa kwarto na lang ni Kei patulugin si Kyle? Doon may aircon. Hindi siya maiinitan," suhestiyon ni Mama. Nanlaki ang mata ko. Seriously?! Patutulugin nila 'tong damuho na 'to sa kwarto ko?
"Oo nga, hijo. Magtabi na lamang kayo ni Kei," pagsang-ayon ni Lolo na nagpakunot sa noo ko.
"Pero 'Lo, hindi pwede!" sigaw ko.
"Bakit hindi pwede? Boyfriend mo naman ito ah? Saka may gagawin ba kayo?" tanong ni Lolo. Napalunok na naman ako ng sunod-sunod. Ilang ulit ko na bang sinabi sa kanila na hindi ko boyfriend 'tong stalker na 'to?
"Ano ba kayo, 'Tay? Kahit pa may gawin 'yang mga 'yan, matatanda na 'yan. 23 na si Kei, ganun din si Kyle," nakangiting sabi ni Mama. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Twenty-three? Matanda? God, ang bata ko pa para sa ganito.
"Saka, hijo, may balak ka naman bang pakasalan itong kaisa-isang anak ko?" tanong ni Papa.
"Oo naman ho! Nakatatak na po sa puso't isip ko na siya ang babaeng pakakasalan ko," pagyayabang ni Kyle.
Nagtawanan naman sila Mama. Bakit ganito? Bakit ang bilis nilang magtiwala sa lalaking 'to? Bakit ibinibigay na nila ako!?
Tumingin ako kay Kyle na sobrang lapad ng ngiti, yung parang nanalo siya sa lotto dahil sa gustong mangyari ng mga magulang ko.
Utang na loob, kahit pa nakadalawang boyfriend na ako nung college ako, hindi ko kailanman sinuko ang Bataan! Hanggang halik lang! Sa pangalawang boyfriend ko pa nga ako nakaranas ng first kiss eh!
"Basta ayoko!" sigaw ko. Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko.
Narinig ko naman ang pabulong na sigaw ni Lolo. "Aba! Bilisan mo na! H'wag kang babagal bagal! Gusto ko pang makita ang magiging apo ko sa tuhod!"
Kasabay non ang malakas na halakhak nilang lahat!
Isasara ko na sana yung pintuan ng kwarto ko pero mabilis na naharang ng kamay ni Kyle ito. Naipit pa siya at narinig kong napasinghap siya sa sakit.
"Hala! Sorry!"
Halos mapangiwi siya dahil sa sakit. "Hindi! Okay lang!"
Laking gulat ko nang bigla niya akong hilahin papasok sa kwarto ko at ni-lock 'yon. Humiga siya sa kama ko habang hawak-hawak pa rin niya yung kamay niya.
"Ang ganda ng kwarto mo. Mahilig ka pala sa kulay green at kay Kerokeroppi." Nakangiti siya habang nililibot ng dalawang mata niya ang kwarto ko. Oo, favorite ko si Kerokeroppi at lahat ng gamit ko rito sa kwarto karamihan ay kulay green.
Binuksan ko yung aircon. Nakakahiya naman sa isang 'to kung hindi ko bubuksan.
"Sigurado ka, dito ka m-matutulog?" nauutal na tanong ko.
"Oo, bakit ayaw mo?" May halo ng pang-aasar yung boses niya.
"Oo, ayoko!" Paano na lang kung bigla niya akong halayin? Bali-balita pa naman dun sa building ng condo namin na madami nang nakapasok na babae sa condo nitong Kyle na 'to. Grabe, napakahilig naman niya!
"Ako gusto ko!" sabi niya saka umupo sa kama ko at hinila ang kamay ko. Humiga siya dahilan para madapa ako sa dibdib niya.
"K-Kyle!" kinakabahan na sigaw ko.
"Shh..." suway niya sa akin. Tinignan ko siya at nakita kong nakapikit siya. Naramdaman niya sigurong itinaas ko ang ulo ko kaya isinubsob niya yung ulo ko sa dibdib niya. Napasinghot-singhot ako dahil sobrang bango niya, tapos ramdam na ramdam ko yung abs niya kahit na naka-T-shirt pa siya.
Parang biglang nag-init. Ano ba 'tong pinag-iiisip ko?
"Alam mo bang napanaginipan ko 'to dati? Ganito lang, simpleng yakap lang pero sobrang sarap sa pakiramdam," bulong niya. Bigla akong kinabahan nang marinig ko yung dumadagundong sa loob ng dibdib niya. Parang may nagwawala sa loob n'un at gustong kumawala. Nakakabingi pero ang sarap sa pandinig.
Pero bigla akong natauhan nang maramdaman kong tumaas ang mainit niyang kamay sa likod ko. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko kaya naman itinulak ko siya palayo sa akin.
"S-sa sahig na lang ako matutulog!" sabi ko saka akmang maglalatag ng blanket sa sahig, pero pinigilan niya ako.
"Dito ka na, wala naman akong gagawin sayo. Alam ko namang hindi ka pa ready eh," pang-aasar niya dahilan para mapalunok na naman ako. Bakit ba ganoon na lang kadali sa kanya magsalita ng kung ano-ano?
"Asa! Alam ko ngang patay na patay ka sa akin!" Pilit kong tinatarayan yung boses ko pero bakit pakiramdam ko nanghihina pa rin ako dahil sa yakap niya kanina? Parang hinila niya lahat ng lakas sa katawan ko.
"Oo patay na patay ako sayo. Sa sobrang patay na patay ko sayo hindi kita maikama. Para bang titigan lang kita solve na ako," sabi niya. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. Mukhang napansin niya 'yon dahil ngumiti siya ng nakakaloko. Tumayo siya at napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko magawang hilahin yung kamay ko kahit gustong-gusto ko. Pakiramdam ko may pumipigil sa akin na h'wag siyang bitawan.
Pinatay niya yung ilaw. Iyong ilaw lang sa poste sa labas yung umaaninag ngayon dito sa loob ng kwarto ko. Kinakabahan ako at nanlalamig yung kamay at paa ko. Pinahiga na niya ako sa kama at kinumutan. Tumabi naman siya sa akin. Nakadiretso lang ako at nakatulala sa kisame, pero yung buong presensya ko nasa kanya. Naramdaman kong tumagilid siya at ramdam kong tinititigan niya ako ngayon.
"Kahit dalawang taon na yung lumipas simula nang makita ulit kita, hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko nami-miss pa rin kita."
Kahit hindi ko siya tignan, alam kong titig na titig siya sa akin ngayon.
"Nung kinder tayo, hindi mo lang alam pero sinusundan kita palagi kahit saan ka magpunta. Nakakatawa nga eh. Pati sa labas ng CR hinihintay kita. Madami kang kaibigan n'un kaya hindi mo ako napapansin. Nagnakaw nga ako ng picture mo n'un sa teacher natin nung may pa-project siya dati, tapos ilang araw lang bigla ka na lang nagtransfer ng school," masayang kwento niya. Pilit kong inaalala yung kinukwento niya, pero kahit anong gawin kong pag-alala, walang pumapasok sa isip ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses niya ikinuwento sa akin yung pagiging mag-kaklase namin noon.
Dahil ba bata pa ako n'un? Pero bakit ganun? Ang natatandaan ko ay dito ako nag aral sa Laguna simula kinder ako hanggang Grade 6 ako. Hindi ko maintindihan.
Naramdaman ko na lang na mas lalo siyang lumapit sa akin at laking gulat ko nang hilahin niya ang kamay ko at yumakap siya sa akin. Para siyang bata na sumiksik sa leeg ko. Napalunok ako nang maramdaman ko yung mainit niyang paghinga sa leeg ko. Bigla na lang akong napapitlag nang lumapat ang labi niya sa leeg ko.
"Hmm, ang bango mo, nakakaadik ka," bulong niya. Kinikilabutan ako sa pagbulong niya. Nararamdaman ko rin yung pilik-mata niya sa leeg ko sa tuwing pumipikit siya.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sunod niyang sinabi. Sobrang laki at seryoso ng boses niya at wala akong ibang nagawa kundi ang manigas sa pagkakayakap niya sa akin.
"H'wag ka nang aalis ulit Kei. Pero kapag umalis ka ulit, tandaan mo hahanapin pa rin kita at hindi ako mapapagod na hanapin ka para lang makasama kitang ulit."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top