Chapter 10

Chapter 10

KEI'S P.O.V

"Hachu!"

Kinusot-kusot ko ang aking mata. Sinisipon na ako. Siguro ay nahawa ako sa kanya dahil sa pagkakahalik niya sa akin. Dumagdag pa yung sobrang lakas ng aircon niya dito sa kwarto.

Tinignan ko siya, at ang himbing pa rin ng tulog niya. Napalunok ako nang lumipat yung mata ko dun sa labi niya. 'Yang mga labi na 'yan ang nakapagpabaliw sa akin kay Kyle.

Hay, inamin ko na ngang mahal ko siya. Pero kasalanan ko bang makatulog siya kaagad? Hindi niya tuloy narinig na mahal ko siya. Mahal kita, Kyle! Hindi ko tuloy alam kung paano ko uulitin sabihin sa kanya 'yon, samantalang ayun na nga yung pagkakataon kagabi.

"Hmm."

Napangiti ako nang medyo gumalaw siya. Ang gwapo niya. Bakit ba may ganitong nilalang sa mundo? Yung tipong nakakabusog titigan. Idagdag mo pa yung katawan niya. Tapos napakatangkad pa niya.

Ipinikit ko na lang din ang mata ko. Nahihiya pa rin ako sa kanya dahil sa kagabi, yung basta ko na lang tinanggap yung halik niya.


Naramdaman kong gumalaw na naman siya at mas lalong humigpit yung yakap niya sa akin.


Maya maya lang, nagulat ako nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Mabilis kong iminulat ang mata ko. Nagtama ang paningin naming dalawa at kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya.

"Good morning," bulong niya sa ibabaw ng labi ko. Hindi pa rin niya tinatanggal ang labi niya sa akin! Bakit ganon? Kahit bagong gising siya, ang bango pa rin ng hininga niya.

Hindi ako makapagsalita. Naninigas na naman ako.

"My eyes... adored you... Though I never laid a hand on you, my eyes adored you..."

Nagtayuan ang balahibo ko nang magsimula siyang kumanta sa labi ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalubong niya ang mga daliri naming dalawa.

"Like a million miles away from me... You couldn't see how I adored you, so close, so close and yet so far..."

Ang sexy ng boses niya, lalaking-lalaki. Tumigil siya pagkanta at sinimulang dahan-dahang ginalaw ang labi niya sa labi ko. Mainit pa rin yung labi niya at yung katawan niya ramdam kong mainit pero hindi dahil sa lagnat.

Napapikit na rin ako dahil sa lalim ng halik na binibigay niya sa akin. Tinugon ko 'yon at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Hindi ko alam pero kusang lumabas ang dila ko para lakbayin ang loob ng bibig niya. Naramdaman kong may nag-form na smile sa bibig niya habang naghahalikan kami. Oh ghad, ngayon lang ako nahalikan ng ganito ng isang lalaki at si Kyle 'yon.

Naramdaman ko na lang na nasa ibabaw ko na siya. Napaungol ako ng maramdaman kong parang may tumusok sa puson ko.

Hindi pa rin niya pinaghihiwalay ang labi naming dalawa, para bang sobrang miss na miss namin ang isa't isa. Hindi niya rin binibitawan ang kamay ko. Sa katunayan, mas lalong humihigpit ang pagkapit niya d'on.

Naramdaman kong nagsimula siyang gumalaw sa ibabaw ko at hindi ko alam pero kusang sumunod ang katawan ko sa paggalaw niya.

"Uhm." Halos magkasabay kong narinig 'yan galing sa bibig naming dalawa.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero lumipat ang halik niya sa gilid ng tenga ko. Nanatili akong nakapikit. Nakakahibang yung ginagawa niya. Halos mapaliyad ako nang maramdaman ko ang mainit niyang dila sa tenga ko at ang marahan niyang pagkagat sa gilid ng leeg ko. Napangiti ako ng maisip kong nag-iwan na naman siya ng marka doon.

Tumigil siya paghalik sa akin at naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at parang may nagkakarera sa loob ng dibdib ko nang makita ko kung gaano kasaya ang mga mata ni Kyle, kung gaano sinasabi ng mata niya na mahal na mahal niya ako.

"I love you. Sinabi ko sa sarili ko na kakantahan ko ang babaeng mahal ko kapag nagising akong katabi ko siya. Thank you, Kei. Thank you dahil pinagbigyan mo akong matupad ang hiling ko—ang magising na kayakap ka at halikan ka sa umaga. I love you so much."

Hindi ko alam pero may sayang bumabalot sa puso ko nang sabihin niya iyon.

Bago pa siya tumayo, hinalikan niya ulit ang labi ko kagaya nung dati, yung sandaling halik pero binasa ang labi ko. Ngumiti siya sa akin at inalalayan akong tumayo.


"Magluluto ako ng breakfast," sabi niya.

"Hindi pa ba breakfast 'yon?" Ewan ko pero gusto ko siyang biruin ngayon. Ang malas mo lang Kyle hindi mo narinig kagabi na mahal kita.

He smirked.


"Kung yun ang tinutukoy mong breakfast, kulang pa 'yon. Dahil ang breakfast para sa akin, yung tipong mapapagod ka," nakangising sabi niya. Nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko nag-init ang mukha ko.


"Biro lang," halakhak niya saka hinalikan ang noo ko.


Biro lang 'yon? Pero nacu-curious lang ako paano ba 'yon? I mean, yeah paano nga ba 'yon? Hanggang halik lang kasi ang alam ko. Pero nanlaki nanaman ang mata ko ng maalala ko yung pakiramdam na tumutusok sa puson ko kanina.


Tumakbo ako palabas ng kwarto niya. Sumunod naman siya sa akin.

"Magbreakfast muna tayo," anyaya niya.

"Maliligo muna ako. May pasok pa ako eh," sabi ko. Medyo parang nalungkot siya nung sinabi kong papasok ako. Maybe because of Tom?


"Ah, sige. Pero bumalik ka ha? Magluluto ako ng breakfast natin." Pilit niyang ibinalik ang kanyang ngiti.

"Babalik ako," paninigurado ko. Pagkalabas na pagkalabas ko pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag dahil abnormal na yung pagtibok ng puso ko sa tuwing nasa paligid ko lang siya.
*
Naligo na ako. Hindi ako nakapag-shower kagabi kaya naman sinigurado kong naghilod ako mabuti. Inaayos ko na ngayon ang sarili ko sa tapat ng salamin.

Sa unang pagkakataon, pakiramdam ko bagay na bagay sa akin yung uniform ko sa trabaho—o dahil ba masyado lang akong masaya ngayong ayos na ulit kami ni Kyle?

Itinaas ko ang buhok ko at inipitan 'yon. Nang ilalagay ko na ang hikaw ko napatigil na naman ako dahil sa marka. Magagalit na naman si Tom pag nakita niya 'to. Siguro, dapat kausapin ko na siya para maging malinaw na ang lahat sa amin. Bago pa ako lumabas ng kwarto ay tinakpan ko ng maliit na band aid ang marka sa aking leeg.

Inayos ko na ang mga dadalin ko sa trabaho at lumabas na ako. Nag-door bell na ako sa unit ni Kyle, at nagbukas kaagad 'yon. Napanganga ako nang makita kong nakaligo na rin siya at naka-blue polo na long sleeve na nakatupi hanggang siko niya. Bakat na bakat ang katawan niya, tapos naka-pants siya.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko at itinikom ang bibig ko sa pamamagitan ng paghalik sa labi ko.


"Pakitikom ang bibig naaakit akong halikan ka," pang-aasar niya. Biglang nag-init ang mukha ko! Hinila na niya ang kamay ko papasok sa loob. Ang bango niya. Ang sarap niyang singutin hanggang maubos siya.

Natauhan ako nang hawakan niya ang bewang ko at naglakad kami papunta sa kitchen niya.

"Naggisa lang ako ng corned beef saka nagsaing ako. Naisip ko kasi baka ma-late ka na," sabi niya habang pinaghahain ako. Tumayo ako, pero pinigilan niya ako.

"Saan ka pupunta?"

"Ha? Tutulungan ka!" sagot ko. Isang magandang ngiti ang ibinigay niya sa akin dahilan para mapaupo ako sa may lamesa.

"Hayaan mo lang akong pagsilbihan yung babaeng mahal ko." Napanganga na naman ako sa sinabi niya. Bakit ba ganyan siya? Kulang na lang sumabog ako sa sobrang pag-iinit ng mukha ko.

Nagulat na naman ako ng halikan niya ulit ang labi ko!

"Pa-para saan 'yon?" naguguluhan na tanong ko.

"Sabi ko naman sayo, itikom mo yang bibig mo. Naaakit akong halikan ka," aniya, saka tumalikod at kumuha ng tubig sa ref. Narinig kong umubo siya na parang may nakabara sa kanyang lalamunan. Tinignan ko ang likod niya. Kahit likod niya ang sexy tignan, sobrang manly ng tindig niya.

Nakita kong uminom muna siya ng tubig bago bumalik sa lamesa at umupo. Magkatapat na kami ngayon at tahimik na kumakain. Bakit ba feeling ko ito na ang pinakamasarap na corned beef na nakain ko? Kahit na simpleng gisa lang naman ang luto nito.

"May halong pagmamahal yan." Nagulat ako nang bigla siyang magsalita na para bang narinig niya ang sinasabi ng isip ko.

"Huh?"

"Yang niluto ko, may halong pagmamahal," Aniya saka kinindatan ako na siyang nagpapula sa mukha ko.


Pagkatapos naming kumain may pinagamit sa akin na toothbrush si Kyle. Bago lang 'yon dahil nasa kahon pa. Naiilang ako kasi pati pagtoo-toothbrush ko pinapanood niya.

"Napakaganda mo talaga, kahit anong kilos pa ang gawin mo." Nakahalukipkip na aniya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil nahihiya na ako sa mga pinagsasasabi niya.

Pagkatapos kong mag-toothbrush siya naman yung pumasok sa CR.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong tinapon niya yung toothbrush niya sa bowl!

"Bakit mo tinapon yung toothbrush mo?!" hindi makapaniwalang sigaw ko.


"Tinapon ko ba? Akala ko nalaglag," aniya habang nakangiti sa akin at dahan-dahang kinuha yung toothbrush na ginamit ko. Nanlaki ang mata ko sa binabalak niya.

"Nag-iisa na lang 'tong toothbrush na ginamit mo, kaya ito na lang din ang gagamitin ko." Napanganga nanaman ako sa sinabi niya. Napansin kong lalapit na naman siya sa akin kaya inunahan ko na siyang itikom ang bibig ko. Narinig kong ngumisi siya. Sumosobra na siya ha! Nakakarami na siya ng halik sa akin!

Seryoso ba siyang gagamitin niya yung toothbrush ko? Nakakadiri iyon! Mas lalong nanlaki yung mata ko nang magsimula na siyang magtoothbrush! Grabe, bakit ganyan si Kyle? Ligayang-ligaya pa siya sa pagtoo-toothbrush niya habang ako diring-diri sa ginagawa niya.

"Yuck, Kyle!" singhal ko matapos niyang mag-toothbrush.

"Anong yuck? Naghahalikan nga tayo," paalala niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ko siya tuluyang tinalikuran.


Nandito na kami ngayon sa parking lot, sa loob ng kotse niya. Bagay na bagay kay Kyle yung pagkakahawak niya sa camera niya. Chine-check niya kasi 'yon ngayon. Sabi niya h'wag ko na raw gamitin yung kotse ko kasi siya na raw ang maghahatid-sundo sa akin. Iniisip ko tuloy paano kaya kung narinig niya yung sinabi ko kagabi? Ganito pa rin kaya siya ka-sweet?


Nagulat ako nang bigla niya akong picture-an.

"Ikaw na ang bagong subject ni Kyle Cando!" excited na aniya.

"Nakakainis ka! Ang pangit ko jan!" singhal ko dahil nakatulala ako sa kanya nang kuhaan niya ako ng picture.

"Kailan ka naging pangit sa paningin ko? Araw-araw yata maganda ka sa mga mata ko, kahit siguro tumatae ka maganda ka pa rin!"

"Nakakadiri ka talaga," nakangiwing sambit ko.

Ngumisisiya. "Pinapatawa lang kita."

Inilagay na niya sa backseat ang camera saka ini-start na yung engine ngsasakyan.

Wala yatang balak huminto si Kyle sa pang-aasar at pagpapatawa sa akin kahit nanagda-drive na siya.

"Pag nagagalit ka,maganda ka. Pag umiiyak ka... hindi ka pala maganda 'pag umiiyak, kaya walaakong planong paiyakin ka," maganang aniya. Napapangiti na lang ako dahilnapaka-energetic niya ngayon.

"Pag kumakain ka,maganda ka. 'Pag nagtoo-toothbrush, maganda ka. 'Pag tulog, maganda. 'Pag gising,maganda pa rin! Pag..." Bigla siyang natigilan kaya naman bumaling ako sakanya at napansin kong namumula ang kanyang tenga. Biglang sumagi sa isip koang sinabi ng Mama niya na kapag nahihiya siya ay namumula ang kanyang tenga.

"Pag?" Hinaluanko ng pang-aasar ang tono ng boses ko.

"Ha? Wala," nahihiyangsagot niya saka tumingin sa kalsada.

"Ano nga Kyle? 'Pagano nga?" pangungulit ko at natahimik ako nang sagutin niyaang tanong ko. Pakiramdam ko ako yung nahiya!


"Pag hinahalikan moako, maganda ka."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top