Chapter 37: Valentine

Every Valentine's Day, meron talaga akong ka-date ever since tamaan ako ng puberty. May mga nag-aaya naman kasi so I used to have someone to date before. Sadly, this year, single ako. Wala ring nanliligaw because things are complicated and Mum made things a bit more difficult for me.

Nine in the morning when I woke up. I checked my messages kung may mag-aaya ba sa 'king makipag-date, yet wala na ngang date offer, puro pa spam kung gusto ko bang kumita ng dollars sa NFT.

I checked my IG, and fuck the universe kasi puro mga mag-jowang may kahalikan at may flowers ang umuulan sa feeds ko.

"Magbe-break din kayong lahat!" Then I threw my phone on my bed and got up.

I could feel the isolation inside my parents' mansion kasi super tahimik. Pagbaba ko sa dining area, nakasalubong ko agad si Ate Becca.

"Si Mum?"

"May date daw sila ni Sir Ric sa Pampanga. Sa 16 na raw sila uuwi."

I threw a dagger look at Ate Becca upon hearing that. "Tapos hindi ako isinama?"

"Ma'am Sab, baka raw kasi may date ka ngayon kaya hindi ka na ginising."

"Paano ako magkaka-date, e wala nga akong boyfriend! My gosh!" I was throwing a tantrum when I sat on the center chair na laging upuan ni Daddy. "Ano'ng breakfast?"

"Gulay ba kayo ngayon, ma'am, o mag—"

"Pahinging bacon saka cheese. Saka apple. Saka egg sandwich din pala ni Manang Sabel."

"Sure ba, ma'am?"

"Oo nga."

"Ang dami n'on, ma'am."

"Stress eating ako ngayon kasi wala akong jowa."

Ate Becca shrugged at that and went to the kitchen.

Ang tahimik talaga. Kahit gusto kong magbabad online, ayoko kasi puro lang mga nang-iinggit ang mga makikita ko sa feeds.

Wala bang manliligaw sa 'kin kahit today lang? Ang boring naman ng buhay ko.

"May iniwan bang pera si Mum for me?" tanong ko kay Ate Becca.

"Wala pong sinabi, ma'am."

"Puwede ba kayong mag-withdraw?"

"Puwede naman po, ma'am, pero ipapaalam po muna namin kay Madame."

That was another cause of my glare kasi lahat na lang, kailangang ipaalam kay Mum.

"Ate Becca, pakuha nga ng laptop ko sa kuwarto," utos ko.

"Sige, ma'am, saglit."

For sure naman, may sariling pera pa rin ako. All I have to do is to transfer all of my money sa ibang account para makapag-withdraw nang hindi na kailangan pang itawag kay Mum.

I tried to check my accounts para sana kahit fifty thousand, may panggala ako today. But I couldn't believe my eyes as I scanned all of my records.

9,765.78

2,943.12

12,229.90

8,549.10

What?

Bakit ito na lang ang laman ng bank accounts ko?

I tried to check all of my previous transactions kasi baka kinuha ni Mum ang laman.

I withdrew more than 800k last year sa ibang bank account. If I'm not mistaken, pinambili ko ng gift 'to for Ivo. Yung shoes niya.

I spent 1.5 million sa vacation namin ni Ivo last summer sa Paris.

I wire-transferred an amount worth of 3 million pesos accumulated sa cousin ni Ivo na need daw ng pang-ospital.

And the rest went to my insurance plan, deduction sa salaries, tax, and utility bills sa penthouse.

Can I cry right now?

Can I have a fucking refund?

Since last year, wala akong work! Wala akong source of income kaya walang pumapasok na pera sa account ko!

Oh my gosh, I'm fucking broke.

"Ma'am Sab, okay lang kayo?"

I fake wiped my fake tears and fanned my face. "I'm poor. OMG. It's breaking my heart. I'm freaking poor!"

Isinara ko ang laptop saka ko inilayo sa akin. Dinampot ko ang sandwich at kumagat doon habang kunwaring naiiyak.

"I have no money. I . . ." I wept so loud and faked a cry. "Wala akong pera!"

"Okay lang 'yan, ma'am. Dama kita." Ate Becca tapped my back to calm me down.

Why did Mum let me spent all of my hard-earned money para lang sa gagong Ivo na 'yon! My gosh, yung stress ko! Wala na 'kong pera!

"Ate Becca, next time, kapag may ipinakilala akong lalaki rito. Please . . . please, don't forget to remind me na huwag akong gagastos."

"Ma'am, di ba, araw-araw ka namang sinasabihan ni Madame noong jowa mo pa si Sir Ivo?"

Kusa nang tumalim ang tingin ko sa kanya dahil doon. "Ate Becca, kapag si Mum ang nagsasabi, hindi ako madaling naniniwala because she's a kontrabida from the roots. Kapag ikaw, at least, I might consider."

"Kailan kayo magkakajowa, ma'am?"

Lalo tuloy akong sumimangot dahil sa tanong na 'yon. Wala ngang nanliligaw, e.

"Oo nga pala, ma'am, baka hindi nasabi ni Beth. Hanggang 3 p.m. lang daw kami rito ngayong araw."

"Kayo lang ni Yaya Beth?"

"Lahat po kaming maids saka helpers."

"Why?"

"Para daw ho makapag-celebrate kami ng Valentine's Day, sabi ni Madame."

"Ah, so kayo lang," sarcastic na sagot ko. "Tapos maiiwan ako rito."

"Alam ho kasi ni Madame, may date ho kayo taon-taon, e."

"Sige na, Ate Becca," madrama kong sagot saka umilag sa kanya habang kunwaring nagpupunas ng luha. "Sanay na 'kong mag-isa. I can live alone."

"Balik na lang kami bukas ng madaling-araw, ma'am."

"No, it's okay," mangiyak-ngiyak na sinabi ko. "Wala akong boyfriend, so I have to face the consequences of being single."

Grabe talaga. Wala na nga akong ka-date, lalayasan pa ako ng mga maid dito sa mansiyon.

I finished my breakfast and took a warm bath. Kahit pang-spa, wala rin ako. Ayokong gastusin ang natitirang maintaining balance sa bank accounts ko kasi baka lalo akong mawalan ng pera.

12k? 9k? 8k? Pang-isang meal ko lang 'yon, a!

Hindi ko matanggap na naubusan ako ng pera sa walang katuturang bagay.

Wala na nga akong work, wala pa akong pera, wala pa akong boyfriend. Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko?

Nakahiga lang ako sa kama habang nagwi-window shopping online kahit wala naman akong pambili nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko.

Akala ko si Ate Becca pero tinitigan ko lang si Clark na nandoon at kasasandal lang sa hamba ng pinto.

I was about to ask him what was he doing here, but my eyes instantly shifted at the club sandwich he was holding. He even wore a sleeveless black shirt and shorts. Naka-slides nga lang din siya at hindi pa nasusuklayan ang medyo nag-grow nang buhok na lampas sa tainga at batok ang haba.

"Nasa Pampanga raw si Tita Tess," sabi niya habang ngumunguya.

"You're enjoying your free meal dito sa bahay, huh?"

"Of course!" proud pang sagot niya. "Nasa Intramuros pa rin sina Leo, walang tao sa kanila."

"In short, wala kang free breakfast sa kapitbahay."

He closed my room's door and went to my bed. "'Tamis ng pabango mo. Sakit sa ilong."

"You can go out, jerk."

My eyes followed him as he hopped on my bed and slid himself inside my arms.

"Clark, kumakain ka pa!" sigaw ko sa kanya.

He put the whole remaining sandwich inside his mouth and kissed me on the right cheek.

"Kadiri ka, amoy ham ka pa! Yuck!" Mabilis kong pinunasan ang pisngi kong hinalikan niya saka siya pinalo sa balikat. "Get off of me."

He didn't listen. He just buried his face above my chest and wrapped his arms around me. I couldn't move properly because he was lying above my whole body, and he weighs a lot more than me.

"Wala ka bang ka-date at ako ang pinagtitripan mo ngayon?" reklamo ko sa kanya.

"Tinatamad ako."

"Oh, so ako ang sasalo ng katamaran mo today."

"Ang lambot mo."

Pinalo ko ang likod niya dahil doon. Alam kong tumataba ako, hindi na niya kailangang sabihin! 'Kainis.

Amoy ham pa rin siya dahil sa sandwich, pero nakatutok kasi sa mukha ko ang buhok niya, and it was way manlier than smelling like sandwich. Ang bango talaga ng shower gel niya, parang ang sarap kagatin ng amoy.

Since he didn't let go of me, ginawa ko na lang siyang patungan ng braso ko habang tumitingin ako ng online shops. Kapag nakikita ko ang presyo, bigla kong naaalala kung magkano na lang ang laman ng bank accounts ko.

I could use a credit card. But since I have no work right now, wala akong pambayad doon monthly. If I were to pay for something with my CCs, most probably Mum or Dad would pay for the monthly billing. That also means I have to be their puppet until I pay them back the money I "borrowed" from them.

Ang malas ko naman.

I slightly peered at Clark's face resting just below my collarbone. I wore a fitted tank top and denim shorts, and my skin is open for a warm touch. Clark is warm; he was opposing the coldness of the AC's breeze covering the whole room.

I thought he was just making fun of me when I heard him snore. At kakakain lang niya ng sandwich!

My gosh. At talagang ginawa akong higaan?

I could tell that he really fell asleep kasi bumigat siya compared kaninang nakukuha pa niyang mang-inis.

It was seven minutes before ten in the morning, and he was snoring after he ate his sandwich.

Boys.

As much as I wanted to read Clark's mind, I couldn't. Same as how I wanted to assume Mum's actions, but Dad even told me that that was close to impossible.

I stopped scanning my phone and opened my room's speaker to play music. I let my fingers run through his soft hair. These are the moments when I didn't want to complicate things even more. Just me lying in my bed, and . . . well.

"Time's been ticking, hearts are running
Think that Cupid's up to something . . ."

My mind knew what Clark was to me. My system has already reserved a special place for him in my heart. Sadly, that special place didn't have a clear name until now. I wanted to name that special place after him, but as time passed, it became far from what I had envisioned.

"But I crave us hugging
Yeah, I stay stubborn
'Cause I can't admit that you got all the strings
And know just how tug 'em . . ."

My skin felt his heavy, warm breathing. As my mind wandered about Clark, bigla kong naisip na hindi nga pala ako mag-isa ngayong Valentine's Day.

"And we ain't got a label
We're just rolling with the punches
I make fun of your belly
And tell you to do some crunches . . ."

Kinuha ko ang phone ko saka ako pumunta sa IG para mag-post. Wala akong pakialam kung single ako. Ang importante naman, may pam-flex ako right now na hindi ako mag-isa.

I chose a nice filter na para akong may makeup para hindi ko na kailangang mag-retouch. I slightly angled the camera sa part na hindi makikita ang mukha ni Clark. I took some shots and chose the better angle na maganda ako.

I was grinning from ear to ear as I upload the photos sa IG.

Nagtse-check ako ng feeds para sana maghintay ng magla-like ng photos ko nang madaanan ko ang wedding photos nina Leo galing sa studio na ni-rent nila.

Unang photo pa lang, parang gusto ko nang sabunutan si Kyline sa sobrang feminine ng mukha niya. Walang effort ang ganda, kainis.

There are some shots na parang nagtatawanan sina Kuya at ang buong barkada niya. Naka-suspender lang sila and bow tie, walang coat. The next, kasama sina Jaesie and the rest ng bridesmaid.

The shots are so neat, and they really get what they paid for.

After three photos, pa-scan na sana ako sa susunod na photo nang balikan ko ang previous photo na nakakuha ng attention ko.

It was Luan's shot, maybe intended sana sa bata lang, pero karga siya ni Clark. Pareho silang nakangiti. The next photo was a photo of us—ako, si Clark, and si Luan. Stolen shot habang naglalakad kami papunta sa inupuan namin sa lilim.

Luan's smile was radiating as he held the leaf he picked. Pareho silang matamis ang ngiti ng Ninong Clark niya. Nahaharangan naman ng buhok ko ang mukha ko kasi nakatingin ako sa dinaraanan namin.

I thought it was fine but the next shot was the three of us again, sitting on the bench. Naka-pout si Luan habang nakatingin sa dahon. Nakangiti naman kami ni Clark sa kanya habang nakapatong ang chin ko sa balikat ni Clark.

Hindi ko tuloy alam kung saan ako kikiligin. Sa ka-cute-an ni Luan, sa smile ni Clark, o sa view namin sa photo.

Nag-slide pa ako at marami pang shots na sina Kuya na ang focus. Akala ko, tapos na. Before the last shots, may kuha na naman kaming tatlo.

Tulog na si Luan at karga ni Clark. Nakatayo kami exactly sa arc ng entrance ng garden. Nakatingala ako kay Clark habang amoy-amoy ang rose. Nakatingin naman siya sa akin nang sobrang sincere. Although if I would recall this exact scene, tinatanong ko lang si Clark kung saan niya dadalhin si Luan kasi nakatulog nga.

Valid bang kiligin sa shots na wala namang malisya noong kinukunan nila?

I thought those shots were my favorite, pero may isang photo kami ni Kuya na talagang "ninakaw" ko na para gawing wallpaper sa phone.

It was Kuya Ronie and I na nakatayo under the flower arc na ginamit sa photoshoot. I was resting on his chest, holding a full-bloom rose, and his arms were comfortably hugging me.

I sent that kina Daddy para sabihing may cute shots kami ni Kuya yesterday.

It didn't take them a lot of minutes to reply.

Mum
Ah, my gorgeous, breathing headaches. How lovely.

Kuya
( -_- ) Mum.


"Hahaha!"

My laugh woke Clark up and he was mumbling something about me disturbing his sleep.

"Sorry," I said, still laughing about Kuya's reply.

"Ano ba 'yan?" tanong niya saka sumiksik pa lalo sa akin para masilip ang phone ko.

"Kuya and I have a nice shot yesterday," I said, showing me the photo I sent to my family.

Kinuha niya ang phone ko at malapitang tiningnan ang picture. Nanliliit pa ang mga mata niya habang nakasimangot.

"Yeah," that was all saka niya ibinato sa gilid ang phone ko saka ako niyakap nang mas mahigpit pa habang sumisiksik sa leeg ko.

"Hey, amoy ham ka pa."

He grunted and removed his arms around me. Gumulong siya sa kanang gilid ko saka bumangon. Kakamot-kamot pa siya ng ulo habang papunta sa bathroom ng kuwarto ko.

"May extra toothbrush ka?" tanong niya, at basag pa ang boses, halatang nakatulog nga.

Kinuha ko ang phone sa kama saka siya hinabol papunta sa bathroom.

My bathroom is kinda huge. May malaking space sa gitna, and full-body mirror katabi ng pintuan. Katapat n'on ang marble sink and a long counter na puro beauty products.

"Parasite na parasite, ha," sabi ko paghinto namin sa sink. I took an unopened pack of pink toothbrushes inside the drawer and gave it to him.

"May boyfriend ka ba ngayon?" kunot-noong tanong niya, at busy ako sa pagkuha ng toothpaste nang may damputin siya sa loob ng drawer ko.

"Boyfriend?" nalilitong tanong ko.

Iaabot ko na sana sa kanya ang toothpaste nang itapat niya sa mukha ko ang isang pack ng cherry-flavored condom na nandoon.

Instead of yelling, I just cringed because it was there intended for Ivo, just in case mapadaan siya nang wala si Mum.

"Bilhin mo para magkapera ako," sabi ko. "In good condition. Never been used."

"Hahaha!" Bigla niyang ipinalo sa ulo ko ang pack saka ibinagsak sa counter. "Dami mong alam."

Sumampa ako sa counter saka siya pinanood na maglagay ng toothpaste. "Wala nang laman ang bank account ko."

"Not surprising."

"Alam mo kung bakit?"

He glanced at the mirror and opened the faucet for a second. "Magastos ka kasi." Then he put the toothbrush inside his mouth just to avoid adding another line after that.

That was offensive for me, pero totoo rin kasi. Ang hirap ma-offend kapag totoo. Parang fault ko na naman—kahit fault ko naman talaga.

"I'm jobless," I admitted.

He removed the brush from his mouth and pointed at the mirror. "Last year pa, actually."

"Ayokong mag-apply ng work. Feeling ko, haharangin lang ni Mum ang application."

"You're overthinking."

"Mum has the capacity to do that."

"She has, but she won't."

"How sure are you?"

"Mas malaki pa ang ibabayad niya sa pagharang ng application mo kaysa sa pasahod sa 'yo, so what's the point?"

The annoying part of that statement is the truth. May point pero ayokong tanggapin.

Nakakatamad kasi talagang magtrabaho.

"You left your unfinished business sa bahay," sabi niya.

"Yeah. I'll take that someday. Kapag nakapagplano na 'ko ng susunod na gagawin."

"Dapat lang na magplano ka. Disappointed na si Tita Tess na stagnant ka ngayon."

"Mag-waitress na lang kaya ako sa Purple Plate?"

Tinawanan lang niya ang suggestion ko saka umiling. "Sab, makakabasag ka lang doon. Baka si Jaesie pa ang mag-kickout sa 'yo palabas ng café niya."

I frowned kasi totoo rin. Hindi talaga ako ideal sa food services gaya ni Kuya.

"Swimming tayo," aya niya.

"May damit ka bang dala?" nanghuhusgang tanong ko.

"Ang lawak ng closet ng kuya mo."

"Wow, ha-ha! Sulit na sulit ang stay rito sa amin, ha."

"Tara." He cleaned himself and placed the toothbrush on the small brush tub. Tumayo pa siya sa harapan ko saka inalok ang likod.

"Sure ba?" nakangiting tanong ko habang nakatingin sa likod niya.

"Oo nga. Sakay na, baka magbago pa isip ko."

"Aahh!" Sumakay agad ako sa likod niya habang malapad ang ngiti.



♥♥♥


My childhood days are bittersweet memories I rarely recall. I was sheltered for so many years because of so many reasons na kahit ang parents ko, nire-regret ang nangyari.

Trauma is inevitable, and I already accepted that every person in this world is composed of different traumas and has built their own ways of coping with those strains.

Clark and I had sweet memories during my childhood years, and I'm deeply thankful that he did so many things for me and my family just to let me feel that I wasn't favored or loved.

I was born in an era where my parents had to prioritize our future over their children. But none of them ever reproached us for being disrespectful sometimes because they knew it to themselves na mas inuna pa nila ang pera kaysa sa amin.

It was a part of our broken past na hindi kahit kailan in-attempt ng parents ko na ayusin kasi alam nilang broken na 'yon at the very beginning. I couldn't remember my parents giving me and Kuya a lot of things just to tell us na, "O, ito, bibigyan kita nito kaya wala kang maisusumbat sa amin."

They gave us things we needed, but they didn't take away our freedom to speak ill of them. Kaya nga kahit harap-harapan sa ibang tao, sinasagot-sagot sila ni Kuya. Some questioned my parents about Kuya Ronie being hostile about them at some point. Na hindi raw maganda ang pagpapalaki nina Daddy kay Kuya kaya matabil ang dila. But Mum said, anak naman daw niya si Kuya. Kung paano niya kami palalakihin, desisyon na niya 'yon.

She gave Kuya the freedom to say bad things to her not because Kuya was being disrespectful, but because it was my brother's freedom to speak what was on his mind regardless kung anak lang siya ng mommy namin. And she said na mas pipiliin pa niyang sagutin siya ng anak niya rather than keeping Kuya's mouth shut. Ayaw niya n'ong deep inside, may malalang remorse ang kapatid ko sa mga magulang namin na never in-acknowledge kasi mas pinipili pa nina Daddy na manahimik siya for the sake of peace instead of addressing the problem.

Parehas namang matabil ang dila namin ni Kuya, pero hindi kasi ako kasintapang niya. I was too emotional to have an argument without crying. Kuya was raised by Inday Sita and Tita Ali. A lot of my early days were spent with Clark. Magkaiba sila ng way ng pag-aalaga kaya kahit paano, suwerte pa rin ako na hindi strict ang nagpalaki sa akin maliban kung gigising tuwing umaga.

Iba pa ring mag-alaga si Clark.

"Hoy, wait!"

Sabi ni Clark, swimming daw. Nagpabuhat naman ako sa kanya hanggang pool, and it was too late nang ma-realize ko na hindi pa nga pala ako nakakapag-swimsuit!

"Claaark—" Naputol ang sigaw ko nang bigla na lang siyang tumalon sa pool habang buhat ako sa likod.

Biglang bumigat ang timbang ko habang lumulubog sa tubig. Mabilis kong inahon ang sarili ko at ang lalim ng hugot ko sa hangin habang lahat ng buhok ko, takip-takip na ang buong mukha ko.

"Clark!" tili ko.

"Hahaha!"

Pagdilat na pagdilat ko, hinihingal akong napatingin sa kanya. "Nakakainis ka! Hindi pa 'ko nakakapagpalit!"

"Huwag ka nang magbihis!" sabi niya saka lumangoy-langoy sa pool.

Nakakainis!

Wala na, Basa na rin ako. Kahit mag-swimsuit ako, useless na rin. Buti hindi ko dala ang phone ko kundi lagot na.

Hinabol ko siya ng tingin habang umiikot siya sa pool. Angat nang angat ang sleeveless top niya kaya hinubad niya na lang kaysa makasagabal.

"Ang lamig!" bigla niyang reklamo saka ibinato sa tabi ng pool ang damit niyang kahuhubad lang.

"Bakit kasi biglang tumatalon sa pool?" reklamo ko rin.

Lumangoy ulit siya palapit sa akin saka kinuha ang kamay ko. "Karera tayo?" aya niya habang nakangisi.

"Ayoko. Matatalo mo 'ko, obvious naman."

"Hahaha! Matalinong bata." Hinatak niya ako papunta sa gitna ng pool, doon sa talagang malalim na part.

Malawak ang pool namin. May mini pool sa dulo na hanggang three feet lang. Itong main pool, from four feet hanggang eight feet ang pinakamalalim. Dad's tall kaya gaano lang kataas sa kanya ang eight feet.

Eleven in the morning, and the sun was getting a bit hotter, though hindi masyadong tumatama sa pool dahil sa mga puno unless doon talaga kami pupuwesto sa arawan.

"Naalala mo n'ong tinuruan kitang lumangoy sa dagat?" nakangiting tanong ni Clark, hawak pa rin ang kamay ko.

"Oo. Muntik mo na 'kong lunurin."

"Hahaha! Sorry na. Nakalimutan ko, hindi ka nga pala marunong lumangoy."

Ang sama tuloy ng tingin ko sa kanya.

I was seven when Clark "attempted" to teach me how to swim. Pumunta kami sa dagat, hindi naman sa malalim pero sa mabato. Lumublob kami roon sa malinaw naman ang tubig.

Sabi lang niya, kumapit ako sa kanya. Biglang sumisid sa malalim kasama ako. Ang natatandaan ko na lang, sinasabunutan ko siya kasi hindi ako makakita saka makahinga sa tubig.

Hindi na siya umulit after that. Wala naman akong naging trauma sa tubig, pero natuto lang akong lumangoy noong si Kuya Ronie na ang nagturo sa akin when I was nine. Basta sabi ni Kuya, kung hindi ako matututo, mamamatay ako agad. So, yeah. The rest is history.

Clark was swimming back and forth, enjoying the water. Nag-floating naman ako kahit pa suot ko ang sando at denim jeans kong basang-basa na.

"Ang boring pala ng Valentine's Day natin, 'no?" sabi ko habang nakatitig sa malinis na langit.

"Nakakatamad kayang makipag-date," sagot niya. "Tinatamad nga akong mag-formal ngayon."

"Sa bagay. Ano na kayang ginagawa nina Daddy sa Pampanga?"

"Gusto mong malaman?"

Napangiwi naman ako nang ma-imagine ang sweetness ng parents ko. "Never mind. Parang kadiri."

"Hahaha! Grabe ka kina Tito Ric."

Nag-backstroke ako at saka tumaob para mag-butterfly stroke.

Pag-ahon ko, eksaktong nasa harapan ko na si Clark na naghahawi ng basang mukha.

And, there, behold . . .

I was gasping for air as I stared at him. Parang diamonds sa hangin na tumutulo ang tubig sa dulo ng ilong niya saka sa buhok. Pinasada na naman niya ang dila sa labi saka ngumisi sa akin.

I didn't want to consider his lip-moistening-and-playful-grin combo as one of my weaknesses, but it holds the power to trigger all of my hidden fantasies about him.

"Aarrgghh!" his sudden growl, like what he used to do to Luan kapag naglalaro sila. Bigla niya akong sinugod at halos ibagsak sa ilalim ng tubig gamit ang lakas ng balikat.

"Claaark—" Naputol na naman ang sigaw ko matapos naming malublob sa ilalim.

Sinisipa-sipa ko siya sa tubig kahit epic fail ang result, and he just laughed at me under the water kahit walang sound.

I flipped the bird and kicked him again. My hair was floating in different directions under the water and I was glaring at him.

He just smiled at me and took my hand. He effortlessly pulled me near him and kissed me underwater.

My eyes widened in surprise and all I saw was his eyes closed and feeling the kiss a lot more intimate.

Fuck!

Bakit ba niya 'to ginagawa?

He cut the kiss before I could respond and he swam upward to catch some air.

And there I was, forgetting how to fucking breathe!

"Hahaha!" Clark's laugh resonated above the water and a hand pulled me up.

At talagang pinandidilatan ko siya habang hindi pa rin ako humihinga nang maayos.

"Huy, hinga!" natatawang utos niya.

Grabe, confusion level: 1000 moments ko at that second habang nakatitig sa kanya.

Did he plan that? Or . . . random lang? Or . . . trip lang? Or . . . huh?

"Okay ka lang?" tanong pa niya.

"Ang daming CCTV rito!" nanggigigil kong bulong sa kanya saka siya pinalo sa balikat. "Sira ka!"

"Hindi naman ako akyat-bahay! Bakit ako matatakot sa CCTV?"

"What if makita ka nina Ate Becca? Gusto mo bang isumbong ka ng mga 'yan kay Mum?"

"E di, magsumbong sila."

I gave him my resting-bitch face after he said that.

"Easy ka lang kasi, Sab."

Lumangoy na naman siya palayo sa akin kaya lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. "Easy-easy ka diyan!"

"Hahaha! Chill!"

'Kainis.

I secretly gripped the chest part of my wet top and swam toward the poolside. My heart was beating double time and I didn't know what to do.

Langoy lang nang langoy si Clark sa pool habang nagpipiga ako ng buhok. He was enjoying the water habang ang utak ko, parang sirang player na ibinabalik ang view ni Clark na nakapikit. Kusa tuloy akong napapapikit habang sumisimangot.

Ayokong ma-imagine pero nai-imagine ko talaga, my gosh.

Nawalan na tuloy ako ng ganang lumangoy—hindi dahil nawala ako sa mood kundi dahil hindi pa ako nakaka-recover sa ginawa ni Clark. Not that it was his first time kissing me. Baka na-caught off guard lang din siguro ako.

I didn't want to assume things kasi naka-hang kami ngayon habang nagka-countdown ng wedding ni Leo pero kasi . . .

"Ma'am Sab."

Napalingon ako sa may doorway papasok sa receiving area sa likuran.

"Nagluto na kami ng tanghalian ninyo ni Sir Clark," sabi ni Ate Becca. "Aalis na raw sina Gigi. Susunod na kami maya-maya."

"Sige po," sagot ko. "Ay, Ate Becca, pakuha kami ng bath robe!"

"Sige, ma'am, pahintay na lang diyan."

Paalis na pala sina Ate Becca. Anong oras kaya balak umuwi nito ni Clark?

"Hoy, Clark."

"Ano?" sagot niya habang nag-e-enjoy pa rin sa tubig.

"Uuwi yung mga maid today. Hanggang 3 lang sila rito."

"'Ge." Lumangoy na naman siya at wala nang ibang sinabi.

Lumulutang talaga ang utak ko sa kawalan. Habang sinusundan ko ng tingin si Clark, nalilito na talaga ako sa nararamdaman ko.

He was unsure about us kaya ayokong mag-rely sa uncertainty. Pero nagkaroon lang naman kasi ng uncertainty between us kasi umeeksena si Mum. Ang chill nga lang namin last year! And now Mum's not showing any sign of "pangingialam" sa aming dalawa . . . parang gusto ko nang i-let go ang stress namin since last year.

I know, and maybe everyone close to us knows how genuine Clark is towards me. Maybe Mum forced him to do something na ayaw niya kaya siguro naging magulo. But I guess it was already over. After all, wala naman na akong naririnig kay Mum ngayon kundi tungkol sa kasal ni Leo na ikinaiirita niya minu-minuto.

"Umiinit na," sabi ni Clark nang mapansing tinututukan na ng araw ang buong pool. Nilangoy niya ang kabilang side ng pool kung saan niya iniwan ang shirt niya bago sumampa sa poolside. Nilakad na lang niya ang lilim at ginulo-gulo ang buhok para mabawasan ang tubig na tumutulo roon.

Umalis na rin ako sa puwesto ko sa poolside saka nauna sa malapit na round table para kunin doon ang pinakuha kong bath robe kanina.

"Magla-lunch ka ba muna o magbabanlaw?" tanong niya.

"Ayokong magbanlaw nang busog," sagot ko.

The maids couldn't serve us after lunch kasi nga may utos na si Mum na mag-enjoy sila ng Valentine's Day habang single ang anak nila, wow lang. After 3 p.m., self-serving na ako—o kami ni Clark.

We were supposed to go to my room, but we sneaked in Kuya's room para nga sa damit. Mangunguha kami ng damit ni Kuya nang walang paalam ha-ha.

"Amoy na amoy si Early Bird dito," puna ni Clark, at mag-a-agree ako kasi amoy spicy vanilla sa loob. Hindi nagla-lock si Kuya ng kuwarto because; first, walang makukuha sa kuwarto niyang kahit na ano; second, I used to sleep here kapag hindi ako makatulog nang maayos. May something sa room niya na nako-comfort ako kahit wala akong kasama o wala akong gamot; third, kahit pa naka-lock 'to, may susi kaming lahat kahit mga maid kaya useless ding mag-lock.

Kuya's bathroom is full of white and light blue things. Light blue is Kuya Ronie's favorite color because it calms his mind kaya halos lahat ng bahay niya, ganito ang kulay.

Ang cozy sa bathroom ni Kuya and the aroma was calming lavender.

Clark was busy looking for clothes when I went to the shower area para magbanlaw. Ibinato ko na lang sa hamper ang mga basa kong damit para makuha mamaya (o bukas) ng mga maid na maglilinis.

Ang bilis ng oras. Kalahati na pala ng araw ang nasu-survive ko kahit wala akong pera at existing boyfriend ngayong Valentine's Day.

"Hindi ka ba naligo kanina paggising?" biglang tanong sa likod ko.

"Hoy, naligo ako."

"Weh?" I heard him chuckle and the water sprinkling above my head turned into small trickles.

I was slowly running my palms over my chest when a warm presence covered my back. Alam ko namang nasa likuran ko lang si Clark pero may kung ano sa aura niya na pinaninindig ang balahibo ko.

"Clark . . ."

"Bakit?"

Kagat-kagat ko ang labi nang buong tapang na humarap sa kanya. I wore nothing, but it wasn't his first time to see me naked, though.

"Bakit?" tanong na naman niya sa mas mahinahong boses.

Nakatitig lang ako sa pagbagsak ng tubig mula sa katawan niya mula sa shower sa ibabaw namin. Nang bumaba ang tingin ko, mabilis kong inilipat ang atensiyon sa mukha niyang tutok din sa akin.

"Uhm . . ." Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niya. Naiirita ako sa sarili ko kapag nadi-distract ako sa facial features niya. Ang guwapo ni Clark, nakakainis.

"Bakit nga?" ulit na naman niya.

"Bakit mo 'ko hinalikan kanina sa pool?" tanong ko, kahit pa iba sana ang gusto kong itanong pero nawala na sa utak ko sa sobrang distraction.

"Bakit kita hinalikan kanina?" ulit niya.

"Bakit nga?"

Tinawanan lang niya ako nang mahina saka kinurot ang ilong ko. "Ang cute mo."

"Ano ba!" Pinalo ko tuloy ang kamay niya palayo sa mukha ko. "Bakit ba hindi ka sumasagot?"

"Bakit ko sasagutin?"

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. "Nanghahalik ka nang wala kang paalam?"

"Ikaw nga, hinahalikan mo 'ko noon nang walang paalam, hindi naman ako nag-react."

Ah, at talagang ibabalik niya 'yon ngayon, ha.

"Hinalikan kita no'n kasi bata pa 'ko no'n."

"Wow, napaka-valid, ha. E di, hinalikan pala kita ngayon kasi hindi ka na bata."

"Are you freaking serious?" Kusa nang nanliit ang mga mata ko para hamunin siya ng tingin. Nang-iinis na naman kasi. Ang kaso, ginaya lang niya ang tingin ko habang nakakangisi.

"Hindi mo 'ko sinagot last time kung may balak ka bang pakasalan ako tapos pati itong simpleng tanong ko ngayon, hindi mo rin balak sagutin?" naiinis nang sinabi ko.

"Bakit ba kasi itinatanong?"

"Hindi ako magtatanong kung alam ko ang sagot."

"Alam mo ang sagot, gusto mo lang iba ang magsabi."

"Hindi ko alam, ikaw ang magsabi."

"Makulit ka talaga."

"I don't care."

Imbes na magsungit, tinawanan lang niya ang sinabi ko. Pinatay na rin niya ang shower at itinukod ang mga braso niya sa magkabilang gilid ng ulo ko bago itinapat ang mukha niya sa akin.

Hindi ko masasabing seryoso ang mga tingin niya kasi may ngiti roon, pero hindi ko rin masabing idinadaan na naman niya ako sa biro.

"Sagutin mo muna kung bakit mo 'ko hinahalikan noon tapos sasagutin ko lahat ng tanong mo, deal?" sabi niya.

Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niya.

Shit. Bakit pakiramdam ko, ako ang lugi rito?

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. At kahit malamig ang tubig sa shower, para akong pinaliliguan ng mainit na tubig.

"K-Kasi . . . hinahalikan kita noon kasi . . ." Saglit akong napatingin sa gilid saka mariing pumikit. Nilunok ko lahat ng hiya ko sa kanya saka ako buong tapang na sumagot. "Kasi gusto kita noon."

"Ah . . ." Tumango-tango naman siya habang nakangisi sa 'kin. Lalo kong nakagat ang labi ko habang tinitingnan na siya nang masama.

"O, ano na?" masungit na tanong ko. "Bakit mo 'ko hinalikan kanina?"

"Kasi gusto ko."

"'Yon lang?" di-makapaniwalang tanong ko.

"Yeah." Tumango naman siya. "Kung hindi ko gusto, hindi ko naman gagawin. Basic."

"So, basta gusto mo lang kaya ka manghahalik?"

"Hinahalikan mo 'ko noon kasi gusto mo ring halikan ako, di ba?"

"Oo nga! But that's not the point!"

"That's the point, Sab. Ayaw mo lang i-accept."

"Hindi! I kissed you because I love you. And kissing me just because you felt like kissing someone are two different things."

"Yes, those are two different things. Because I didn't kiss you just because I felt like kissing someone. I kissed you because I love you."

"Alam mo, inulit mo lang—"

Ha?

HA?

He what?!



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top