CHAPTER 7
Chapter 7
Buong bakasyon kaming nasa Japan dahil iyon ang gusto ni Daddy. Syempre hindi ako naging masaya dahil kasama ang asungot na mag-ina. I just become silent, si Daddy lang ang nakakakwentuhan ko.
Nakakausap ko naman ang mga kaibigan ko through social media. At nakita ko rin na nagbabakasyon sila sa iba't ibang lugar. Si Astryl, Alle, at Serrah ay sa probinsya, at sina Jak, Kade, Chio, at Rhian ay sa ibang bansa rin. I miss them, kung pwede lang kami ang magkakasama buong bakasyon ay gugustuhin ko pa. Gusto kong makasama si Daddy, pero nawawalan nalang ako ng gana twing nandyan ang pangalawa niyang pamilya.
I spent my whole vacation like that, nothing special, walang memorable moments na dapat alalahanin.
Bumalik kami sa Forzeo, two weeks bago magpasukan. Kakababa ko lang ng sasakyan ay nakita ko si Chio sa garden nila, nakaupo sa bakal na upuan habang panay ang strum sa gitara. Gulong-gulo ang buhok at itsurang tinatamad sa buhay, naka-puting t-shirt siya na V-neck at itim na short. Kahit ang gulo ng itsura niya ay ang lakas parin ng dating niya para sakin.
"Dad, susunod nalang ako sa loob." paalam ko sa kanya bago naglakad palapit sa gate nina Chio. Humawak ako sa railings ng gate nila at nakangiti siyang tinawag.
"Zachiro!" ulit ko pa nang hindi niya ako naririnig.
Nakita na niya ako at napakurap-kurap pa ang mata na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Dahan-dahang lumitaw ang ngiti sa labi niya bago lumapit sa akin.
"Teka, bubuksan ko ang gate." natawa ako nang mabilis niya iyong ginawa. Nakangiti lang siya sa akin at inaya akong maupo sa tabi niya. He's still holding his guitar. "Kababalik niyo lang?"
"Oo, ikaw? Akala ko nasa France kayo ni Tita Aida?"
"Hindi kami nagtagal don, alam mo naman si Mama, walang importante sa kanya kundi ang negosyo." he bitterly smiled.
Alam ko ang tampo niya sa Mama niya simula pa noong bata kami. Palagi itong busy, minsan ay ang mahahalagang araw para kay Chio ay nakakalimutan niya rin. His father died because of a car accident when he was just 7 years old. Si Tita Aida lang ang pamilya niya dahil only child siya, kaya hindi ko na rin siya masisisi na magkaroon ng tampo sa ina. Tita should be with him, lalo na kapag kailangan siya ng anak niya. Pero puro negosyo lang ang nasa isip nito.
Ngumiti ako sa kanya at inayos ang gulo niyang buhok.
"Nawala lang ako, nagmukha kanang adik. Ayusin mo nga ang sarili mo!" pabiro ko pa siyang sinampal. Narinig ko ang mahina niyang tawa at iyon ang gusto ko. Ayokong makita siyang malungkot.
"Yes, Ma." pang-aasar niya. Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri. "Sabay tayong papasok sa first day, ha? Baka humarot ka agad kapag nakakita ka ng iba."
I gulped with my sudden thoughts. "Sino ba dapat ang harutin ko?" I want to slap myself for asking him. Dapat ay sa isip ko lang yon e,
"Ako," namula ako dahil sa sagot niya. "Si Jakoda, si Kade, si Allenon." ngumuso siya kaya napangiwi ako.
Pwedeng ikaw nalang?
Napailing-iling nalang ako at napangiti.
Siguro ay hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Tunog nagseselos man siya ay hindi ko pwedeng lagyan ng malisya iyon. I know him, he just don't want me to flirt someone else. Naiirita siyang makitang nakatitig ako sa ibang lalaki, pero sabi niya ay okay lang daw na magkagusto ako sa iba. Ewan ko, ang gulo niya.
Umayos kami ng upo nang makita si Tita Aida. Pormal na pormal ang suot niya at mukhang paalis ng bahay. Mabait naman siya pero nakakatakot ang istrikta niyang mukha.
"Zachiro, you should be studying right now. Anong mangyayari sa kompanyang pinaghirapan ko kung mapupunta lang sa isang tamad na katulad mo?" istriktang sabi nito. Napasulyap siya sa akin kaya napatungo ako. "Go to your room. Dapat ay pag-aralan mo kung paano mag-manage ng company. Hindi yang kung ano-ano ang inaatupag mo!"
She walked out after saying that. I heard his deep sighed. Nang makita niya akong nakatitig sa kanya ay ngumiti siya. But I now the truth, I know him. Nasasaktan siya sa salita ng ina niya sa kanya.
"Chio, siguro uuwi muna ako--"
Natigil ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Dito ka muna," parang batang nakikiusap ang tono niya.
I sighed and nodded on him. Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan iyon. I freezed. Nagkumawala na naman ang puso ko. Simpleng galaw niya ay parang tumakbo sa marathon ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
"Pagpasensyahan mo na si Mama, realtalk no'?" mahina siyang natawa. "Mas malimit niya pang makausap ang business partners niya kesa sakin na sarili niyang anak,"
Parang may kumirot sa puso ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya. He's always being emotional when it comes to his life, dahil kagaya ko ay may pinagdaraanan rin siya sa pamilya niya.
"Anyway, nag-aya si Serrah sa bahay nila bukas. Bonding daw muna tayo,"
Nag-usap pa kami tungkol sa mga kaibigan namin. At umuwi na rin dahil baka maabutan pa ako ni Tita Aida at mapagsalitaan pa si Chio.
Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Daddy na aalis at papunta sa bahay nina Serrah. Pumayag naman siya, he's on leave kaya masaya akong nandito lang siya sa bahay. Nakangiti kong tinawag si Chio sa kanila at niyaya ng umalis. Hinatid kami ng driver nila hanggang sa bahay nina Serrah. Poblacion 1 rin sila, medyo malayo lang sa amin. Bale ang malapit na bahay sa kanya ay kina Jakoda.
"Nandito na ang gwapong kapitbahay!" sigaw ni Jak na may dala pang tupperware. Nasa tapat kami ng pintuan at nag-aantay na pagbuksan ni Serrah.
"Ano 'yan?" umakbay ako sa kanya habang nakasilip sa laman ng dala niya.
"Nanghihingi ng ulam si marecakes, kaya ito, dinalhan ko ng pinagmamalaki kong bicol express ni Mama."
Parang naglaway agad ako don. Peyborit ko rin ang maanghang kaya balak kong agawan mamaya si Serrah.
Ang kasambahay nila ang nagbukas ng pintuan at pinapasok na kami dahil naliligo pa daw si Serrah. Wala daw ang magulang niya dahil nag-out of town. Mayamaya lang ay dumating na rin ang iba naming kaibigan.
"Nagdownload ako ng movie! Nood tayo mamaya!" excited na sabi ni Astryl.
"Anong movie?" tanong ni Rhian habang inaayos sa mesa ang mga binili nilang crackers at softdrinks.
"Hello love goodbye, at Five feet apart."
Napangiwi si Kade. "Wala bang Hentai?"
Napamura kaming mga babae bago natawa sa kanya. Kahit kailan talaga, parang tanga.
"May horror movie, mamayang gabi."
Napatingin ako kay Chio na prenteng nakaupo sa may sofa salas. Rinig niya ang usapan namin kaya napabuntong hininga siya.
"Sleep over ba tayo dito?..hindi ako nagpaalam kay Daddy." napanguso ako. Natatawang kinurot ni Rhian ang tagiliran ko.
"Gaga, para kang bata. For sure namang hindi ka pagagalitan ni Tito, at 'yung stepmother mong bruha pag sinaktan ka ulit--" kusa siyang tumigil sa pagsasalita ng magsink-in sa kanya ang nasabi. Buti nalang at hindi iyon napansin ng boys.
Napalingon ulit ako kay Chio, nakatingin lang ito sa akin.
He sighed. "Ako na ang tatawag kay Tito, hindi ka naman non pagagalitan basta kasama mo ako. Ipagpapaalam kita,"
Napahawak ako sa ilong nang mag-init na naman ang mukha ko. Ganito ba kalala ang epekto niya sakin? Kunting salita pero ganito kaagad ang nararamdaman ko?
Nakita namin si Serrah na palapit na sa amin kaya napunta na sa asaran ang usapan.
Sumulyap lang ako kay Chio nang makita itong lumbas habang hawak ang cellphone. Siguro ay tatawag na kay Daddy.
"Where's Alle?" paghanap ni Serrah sa lalaki.
"Oh, hanap mo agad ang kagwapuhan ko?" sumulpot si Allenon sa likuran niya na ikinagulat niya. "Sorry ka, Serrah. Hindi na available ang gwapong mukha ko, may pinaglalaanan na 'to."
"Sino? Si Kylen? Yuck! Hindi ka nga pinapansin e!"
"Gago, narealtalk na naman."
Natawa nalang ako sa asaran nila. Wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong sumunod kay Chio sa labas. Nasa may garden siya at nakatalikod sa akin. I walked towards him.
"Uy, ano?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango.
"Ang gwapo ko daw kaya payag siya. Okay lang daw dahil kaibigan naman natin ang mga kasama."
Napangiti ako sa sagot niya. Expected ko naman na payagan ako ni Daddy, hindi naman yon istrikto sakin. Basta sabi niya.."you know your limitations naman baby ko, diba? May tiwala ako sayo kaya pinapayagan kitang malayang gumalaw."
"Ikaw? Nagpaalam ka kay Tita?"
"Kay Mama?..nagtext lang ako, palagi naman yong wala sa bahay kaya di 'non mapapansin na wala ako." he pouted.
"Nagda-drama ang Zachiro," pang-aasar ko at hindi naman ako nabigo dahil napatawa ko siya. Damn, that's Xinichi Fritz supremacy.
Hinila na niya akong paloob kaya kinilig na naman ako. Potakte! Anong nakakakilig? Ang babaw ko naman, kailangan kong magpahard to get!
Nakita kong nakain si Serrah kaya lumapit ako dito at nakisalo sa dala ni Jak na bicol express. Sobrang anghang kaya parang napaso ang dila ko.
"Jak! Sagana ba kayo sa sili?! Tae, ang anghang!" rinig ko ang tawa ng mga kaibigan ko nang mabilis kong kinuha sa ref ang nutella na palaman at kumain ng isang kutsara niyon.
"Ah ah, reklamo pa. Isang tasang siling labuyo lang naman ang inilagay ni Mama d'yan. Bicolano 'yon kaya wala lang sa kanya ang anghang na yan."
Gusto kong maiyak sa sinabi ni Jak. Isang tasang sili?! Napatingin ako kay Serrah. Namumula rin ang mukha niya pero hindi siya gaanong naanghangan. Napanguso nalang ako dahil masarap ang luto kaso nangunguna ang lasa ng sili. Nilantakan ko nalang ang nutella na hawak ko para mabawasan ang pagkapaso ng dila ko.
"Movie marathon tayo!"
Nang maggabi ay iyon agad ang suhestyon ni Astryl. Dala niya ang laptop niya habang kami ay nagdala ng mga crackers at softdrinks bago tumaas sa master bedroom nila Serrah. Malawak iyon at may malaki ring flat screen tv.
Inayos na ni Astryl at Serrah ang papanoorin namin kaya nahiga muna kami sa kama. Nasa kanang dulo ako ng kama, katabi ko si Rhian na hawak ang cellphone, sa tabi niya si Kade, Jak, Alle, Serrah at sa kaliwang dulo naman si Astryl.
"Nasa cr pa si Chio, antayin niyo muna." sabi ni Jak bago kumuha ng crackers.
Mayamaya lang ay pumasok na ang lalaki at napangisi ako sa loob ko nang lumapit siya sa akin.
"Usod ka, dito ako sa dulo." sumiksik siya sa tabi ko kaya napausod kaming lahat.
Sinimulan na namin ang panonood ng movie habang nagkukwentuhan na rin. It's just a simple bonding for us but means a lot. Ginto para sa amin ang pagiging magkakaibigan namin, sobrang halaga, mahirap mawala. Walang alak, kwentuhan lang, nood ng movie, pero ramdam ko ang kaligayahan ko kasama sila.
Napangiti ako nang makitang nakatulog si Serrah habang nakaunan sa dibdib ni Alle. Inayos ng lalaki ang higa nito at hinawi pa ang buhok na nakaharang sa mukha ni Serrah bago siya bumalik sa pagkakahiga.
Bumalik ako sa panonood at nang makaramdam ng antok ay napatingin ulit sa mga kaibigan ko. Tulog na silang lahat! Napabaling naman ako sa lalaking katabi ko at nakitang nakamulat parin ito.
"Hindi ka pa matutulog?" mahinang tanong ko sa kanya.
Medyo paupo siyang nakahiga sa kama kaya nakatingala ako sa mukha niya. "Antok kana?" I nodded. Tumayo siya para patayin ang tv at mabilis ring bumalik.
Tatalikod na sana ako sa kanya nang hilahin niya ulit akong paharap kaya nagtama ang paningin namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumigat ang paghinga ko dahil sa kaba.
He's just looking directly into my eyes. Hinaplos ng isa niyang kamay ang buhok ko. Sa simpleng galaw niyang iyon ay halos nataranta ang buong sistema ko.
I'm scared that it's possible for him to hear my heart beating very loudly. Hinaplos niya ang pisngi ko kaya mas lalo akong natigilan.
"Nich..." pabulong na tawag niya. Inilapit niya at ipinilig ang ulo ko sa dibdib niya. "Tulog na tayo," I just felt his arms around me, embracing me with his fascinated warmth.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top