49-A [ rekindle ]


NAGISING ako nang tumutulo ang luha ko. Ang panaginip na naman na 'yon. Ilang beses na rin sa ilang buwan pero ang bigat.

Ang bigat pa rin sa loob kahit sa panaginip lang.


It hurts a lot but then, I need to move forward.


S-in-ave ko na ang tinayp ko at sh-in-utdown na ang laptop. Sa pagpatay ko ng laptop, pinatay ko na rin ang lahat; ang pagkalungkot ko, ang galit, ang sakit pati na rin ang pagmamahal ko, wait—no. Hindi ko pinatay ang pagmamahal ko dahil hanggang ngayon na lumipas na ang ilang buwan . . .

Mahal ko pa rin siya.

Sila.

Ang selfish ko na nga siguro dahil dalawa silang mahalaga sa akin.

"Ianne, tara na!" sigaw ni Erin mula sa baba.

"Ito na, teka."

Tumingin na muna ako sa salamin at napangiti nang makita kong kasing aliwalas ng panahon ang mukha ko. Ang ganda ko rin, grabe.

Pagbaba ko, bumungad sa akin si Erin na sumisigaw.

"Buti naisipan mong bumaba, akala ko bukas pa tayo makakaalis, eh," reklamo niya. "Ano bang ginawa mo sa kwarto mo, nag-lead ka pa ata ng kulto mo."

Tumawa siya kaya napangiti na lang ako. Ang ingay pa rin niya.

"S-in-ave ko lang ang last entry ko," nakangiti kong sabi habang palabas na para ilagay ang mga gamit ko sa kotse.

"Last entry? Ano 'yon?" pagtataka niya.

"Yo!" pagbati sa akin ni Cloud. Tinulungan niya akong ilagay ang mga gamit ko sa kotse. "Let's go?"

Magbabakasyon kami sa isang resort para makapag-enjoy at makapag-relax dahil naging sobrang stressful ang graduation namin. Stressed din daw sina Erin at Cloud sa negosyo nila kaya kailangan nilang magpahinga.

Ayaw ko mang sumama kina Cloud dahil sobrang sweet nila ni Erin pero wala na akong nagawa dahil puno na rin ang iba pang van. Marami kaming magbabakasyon—kasama sina Leah, Merry, Joy, Sunny, Maria at pati si Humi. Isasama sana namin si Ellaine pero busy raw.

Napagod ako sa biyahe kaya pagdating namin sa resort, natulog kaagad ako sa kwartong binigay nila.

"Naririnig mo ba ako?"

"Hm?"

"Masaya akong nagkita ulit tayo."

"Hm . . ."

Nagising ako nang madilim na ang paligid. Napatitig ako sa kisame dahil parang narinig ko ang boses ni Art. Napapanaginipan ko na naman siya.

Hay, Ianne, so pathetic.

Pagbangon ko, nagtaka ako dahil nakakumot na ako at nakaayos na rin ang mga gamit ko. Inayos nina Erin? Naririnig kong maingay na sa labas at mukhang nagsasaya na sila.

Palabas na sana ako nang mapatigil ako dahil sa taong nakaupo sa sala habang nagbabasa. Pinipilit kong tingnan ang mukha ng lalaking nagbabasa pero mukhang into the book talaga siya. Sobrang natatakpan ng libro ang mukha niya.

Sino naman kaya 'to?

"Uhm . . ."

Pagkababa ng lalaki sa libro, natulala ako nang makita ko ang mukhang napakapamilyar na matagal ko nang gustong makita.

Singkit na mata. Nakasalamin. Maputing balat. Mga tinging nakakalunod. Buhok na hindi pa rin nasusuklay.

"Iann—"

Napalingon ako sa tawag sa akin ni Erin. Nakangiti pa siya pero nawala rin ang ngiti nang makitang magkatapat kami ng lalaking nakaupo sa sala.

"Oh, nga pala. Si Art, nandito," nakangiting sabi sa akin ni Erin. "Nakita ko siya sa art exhibit ng kaibigan ko."

"Ano 'to?" bulong ko kay Erin.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero parang hindi na niya ako pinansin. Nanlalamig ang mga kamay ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Art, si Ianne." Hinila ako ni Erin palapit kay Art. "Ianne, si Art."

Napalunok ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Gusto kong maupo sa sobrang panghihina.

"Oo, kilala ko siya. Uhm, hi."

Naaalala na ba niya ako? Nakatingin siya sa akin habang nakangiti at ang hirap huminga. Nawala ang excitement na nararamdaman ko nang magsalita siya ulit para sagutin ang tanong ko sa isip.

"Pasensya nga pala nung pinalayo kita sa ampunan dati. Sobrang sumakit kasi ang ulo ko. Parang binibiyak."

"Okay lang," sabi ko sabay ngiti.

"Okay na ako ngayon."

Nagkatitigan kami sandali.

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Okay? Paanong okay na siya? Gusto kong itanong. Pero . . . parang obvious ang sagot.

Gusto ko na maluha sa harap niya. Hindi pa rin niya alam ang nangyari noon. Wala pa rin talagang pag-asa. Siguro nga mas okay na hindi niya ako maalala—para hindi na siya masaktan pa.

Tinanong ko kay Erin kung paano nangyaring nandito si Art. Ang sabi lang niya, gusto raw niya akong maging masaya. Hindi ko gets kung bakit.

Tahimik ako buong gabi. Gusto ko na nga sana matulog na lang ulit pero hindi ako hinayaan nina Cloud. 'Wag daw akong KJ. Nakaupo lang ako sa isang sulok habang pinagmamasdan sila—si Art—na masaya at nakangiti.

Ngumingiti rin ako . . . kahit sobrang sakit ng puso ko.

Nagkantahan pa sila at inuman. Pinipilit akong pakantahin ng mga kaibigan ko pero sabi ni Erin, maawa raw sa planet Earth so hindi na ako kumanta.

Pero nang pilitin nilang kumanta si Art? Nagulat ako.

Mukhang may amnesia nga talaga siya dahil ayaw na ayaw niyang kumakanta.

Hawak ang mic, nakaupo siya habang nakatingin sa screen ng karaoke.


https://youtu.be/ClUKBn4kMWg


Para kang asukal, 'sing tamis mo magmahal
Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta


Kinilabutan ako nang marinig ko ang boses niya. Ang lalim. Iba sa boses ni Nate pero masarap pa rin pakinggan ang kay Art. Nakisabay ang mga kaibigan ko sa kanta samantalang tahimik lang ako at pangiti-ngiti.


Para kang unan, pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot, na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot
Kaya't wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala...


Kinabahan ako nang mapatingin sa akin si Art. Ngumiti siya habang kumakanta kaya nginitian ko rin siya pero nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.


Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalalay di ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw


Umiwas siya ng tingin sa akin nang mawala siya sa lyrics. "Hindi ko na ata kayang kumanta," natatawa niyang sabi. Ang saya-saya ni Art. Ang saya niyang hindi na ako naaalala.

"Aw, KJ!" sigaw ni Erin.

Pagkarating ng madaling araw, halos tulog na ang lahat ng tao dahil sa kalasingan. Kung saan-saan natulog ang mga kasama ko; sa cottage, sa sofa, sa mga kama at ang ilan ay sa tabi ng swimming pool.

Nakaupo lang ako sa gilid ng swimming pool habang nakalublob ang binti sa tubig nang may lumapit sa akin. Halos mamatay ako paglingon dahil huminto ang puso ko sa pagngiti ni Art sa akin.

"Gusto mo?"

Napatitig ako sa hawak niyang chocolate—KitKat. Favorite chocolate ko.

Umiling ako pero nagtanong. "Gusto mo 'yan?"

"Okay lang, masarap naman."

Naubos na niya ang KitKat nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na kasi napigilan kaya nag-panic siya. "A-ayos ka lang?"

"Paborito ko kasi 'yan . . ." natatawa kong sabi. Hinilamos ko ang mukha ko ng tubig ng pool. "Ang tagal ko nang hindi kumakain ng KitKat."

"Bakit hindi mo sinabi? Meron pa ako, gusto mo?"

Tumingin ako kay Art at tinitigan ang mga mata niya. Kahit basa na ang mukha ko ng tubig ng pool, alam kong obvious pa ring tuloy lang ang pagtulo ng luha ko.

Luha . . . akala ko ba okay na tayo?

Kailan ka ba talaga titigil?

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang mukha ko. Sobrang init ng palad niya. Sobrang na-miss ko ang paghawak niya. Pinahid niya ang hinlalaki niya sa pisngi ko.

"Bakit ka ba umiiyak?" seryosong tanong niya. Gusto kong isagot na siya ang dahilan pero ayaw kong mangyari ulit ang nangyari noon. Ayaw ko nang masaktan pa siya dahil sa akin. "Bakit nasasaktan akong umiiyak ka?"



note:

2nd to the last chapter with 3 parts! ready na ba tayo sa ending? hihi.

thank you kay d_lavigne para sa technical edits ng chapter na ito :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top