10-B [ lemaris galis ]
Umatras ako nang umatras nang ma-realize kong pahiga na ako sa sofa. Tinawag ko na ang lahat ng santo at santa para iligtas ako mula kay Cloud.
Halos dumikit na ang katawan niya sa akin. Ang gulo ng blonde niyang buhok. Ang ganda rin tingnan mula sa view ko ang tainga niyang maraming piercing. Bad boy look at ang mga mata niya—teka, bakit ko ba dine-describe? Hindi ba dapat umalis na ako?
Pero nanghihina ako sa ginagawa niya. Lumapit siya sa mukha ko at bumulong. "Alam kong gusto mo rin ako, Ianne." Tumayo siya at bumalik ng kwarto habang nakangisi.
Hindi pa rin ako makagalaw sa pagkakahiga ko nang dumating si Nate, ilang segundo lang ang dumaan. Yumuko siya at tiningnan ako nang nagtataka. "Inaantok ka? Bakit ka nakahiga?"
Ikababaliw ko talaga si Cloud!
Maling-mali eh. Kikiligin na sana ako sa mga pinaggagagawa niya pero pinsan siya ni Nate. Si Nate ang pinsan niya at girlfriend ako ng pinsan niyang si Nate.
Ano bang hindi malinaw?!
Ewan ko ba minsan naiisip ko, sunod sunod ang pagkamalas ko nitong school year. Isa pa ang play na ikamamatay ko na ata.
Utos dito, gawa d'yan, kabisado kung saan-saan. Mababaliw na ako. May photoshoot pa para sa poster ng play e hindi ako marunong mag-pose. Halos two weeks na lang, grand opening na ng Foundation Week at ang daya pa dahil lahat kami busy, pwera sa isa.
Clue?
Lalaking walang emosyon.
NAGHALO-HALO na lahat ng problema ko. Isama pa si Nate na hindi ko na ma-take ang sobrang kabaitan. Hindi sa nagrereklamo ako pero hinahayaan lang niyang ganun si Lemaris sa kanya. Hindi ba niya naisip na may girlfriend siyang iritang-irita na sa babaeng 'yun?
Nung sinabi ko sa kanyang pwede bang minsan, 'wag umepal si Lemaris sa amin? Ang sabi lang niya, "Kailangan niya ako, Ianne. May sakit kasi siya. Intindihin mo na lang."
Kailangan? Intindihin? Aaahhh!
Gumiba ang lahat pagdating ng Sunday.
Date namin ni Nate at magsisimba kaming dalawa pero ang unang nakita ko ay si Lemaris na nakapulupot sa braso ni Nate pagbukas ko ng gate.
"Magsimba tayo . . . Ate Ianne."
Lalo akong nabwisit sa simbahan dahil sa mga sinasabi ng tao.
"Ang bata pa ng mga ito oh."
"Kung makahawak sa braso, parang mawawala."
At ang pinakamalala sa lahat: "Mga magsyota talaga ngayon."
Maiinis ako kung sa amin sinasabi ni Nate 'yan—pero mas naiirita ako dahil hindi sa akin sinasabi 'yun!
Paano kasi, napakalinta ni Lemaris. AAAAGGGGGHHHH!
Ako ata ang magkakasakit.
"Peace be with you, Moe!" Sa sobrang lakas ng boses ni Lemaris, napatingin halos lahat ng nasa paligid namin. Hinalikan niya sa pisngi si Nate tapos ngumisi sa akin.
Anak ng tokwa. Nang-aasar ba siya o sadyang nakakaasar lang ang pagmumukha niya?
Tinawag ako ni Nate at nagulat ako nang halikan niya ako sa labi. Gusto kong matawa nang makita ko si Lemaris na napanganga. Hah. In your ugly face.
Nag-CR si Nate nang matapos ang misa kaya sa kasamaang palad, kasama ko si Lemaris sa labas. Gusto ko nga sana iwan kaya lang sabi kasi, bawal daw iwan ang mga pet sa simbahan kaya napilitan tuloy akong bantayan.
Hay life, why must you be so hard?
"Bakit ka ba nandito?" Out of nowhere, nagsalita si babaita. "Ugly."
"Woah, ako ba kausap mo? O may kausap kang salamin?"
Umirap siya sa akin. Isa pang irap dudukutin ko mata nito eh. "Whatever, I won't argue with a fool."
"Then stop arguing with yourself. Masama 'yan, baka mapagkamalan kang baliw eh."
Natawa ako sa sinabi ko. I'm so funny, OMG.
Nanlaki ang mga mata niya at after ilang seconds, nagulat ako dahil bigla siyang naglupasay sa sahig. Anong ginagawa niya? Playing dead?
Good girl. Never wake up na.
"Lemaris!"
Napalingon ako kay Nate na tumatakbo palapit sa amin. Nilagpasan niya ako at lumapit sa alagang nag-play dead. Binuhat niya ang babaeng 'yun. Napaatras ako nang tumingin siya sa akin nang masama.
"Ano ba, Ianne? Anong ginawa mo? Sabi ko sa'yo may sakit siya. Bakit kailangan mong awayin?"
Tumakbo siya palayo sa akin habang buhat-buhat si Lemaris.
Nang tumingin ako sa paligid, nakatingin halos lahat ng taong malapit sa akin.
Umuwi ako ng bahay na sabog. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, nakita ko agad ang pangit na pagmumukha ni Kuya.
"O ano 'yang kinakana-kana mo? Bakit mukha kang dugyot?"
Tumingin lang ako kay Kuya at walang paalam na niyakap siya. Alam kong kadiri kapag ginawa namin 'to ni Kuya on a daily basis pero. . . hindi ko kinaya.
"O—Oy takte—a-anong nangyari?"
Nagsimula akong umiyak.
ALAM kong masamang hindi pumasok pero nawalan talaga ako ng gana sa buhay. Hindi tumatawag si Nate sa akin pero si Belle, kulang na lang patayin ako mula sa cellphone dahil sa mga text niya. Kailangan na ako sa play. . . pero si Nate, hindi pa ata ako kailangan. Ang lakas ng epekto sa akin ng nangyaring parang lindol at nagka-aftershock pa. At hindi ko akalaing masakit pala ang aftershock.
First time ko nakitang magalit si Nate. First time niya akong sinigawan. First time niyang mag-care sa ibang babae nang ako ang kasama. First time lang ako. . . nasaktan nang ganito.
Buset. Buset na mga first time 'yan.
Sa sobrang pagkairita ko, nagkaroon ako ng art skills. Dinrawing ko si Lemaris sa bond paper at dinikit ko sa pader. Iritang-irita ako habang nakatitig sa mukha niyang dinrawing ko. Kamukhang-kamukha niya. Walang labis, walang kulang. Lemaris na Lemaris. Sa sobrang inis ko, nanghingi pa ako ng push pin at ipinasak sa ngipin ni Lemaris.
What? Kailangan niya ng braces.
KINAGABIHAN, binuksan ko ang laptop ko para tingnan ang buhay sa internet world. Ang daming tanong kung nasaan ako; mga comment at testimonial sa Friendster pero ni isa, wala akong pinansin.
Wala si Nate. . . hindi talaga siya nagca-care sa akin. Paksyet.
Pagkabukas ko ng YM, na minsan ko lang gamitin, nagulat ako kasi may nag-buzz agad sa akin.
BUZZ!!!
Lemaris22 is typing a message.
Si Lemaris? Fascinating.
Lemaris22: hey b!tch
I 1<3 N: hey b i tcher! =))
Lemaris22: watevs. 8-|
I <3 N: :-*
Lemaris22: yak! :-& lesbo!
Lemaris22: Eww :-& :-& :-&
I <3 N: >:D<
Lemaris22: luk at ur pic.
Lemaris22: eww
Lemaris22: d bagay! :-&
Buset. Picture namin ni Nate 'to eh. Samantalang 'yung picture niya, parang mapapasabi ka na lang ng, "Hala hindi uso damit sa inyo?"
I <3 N: OMG! :-O
I <3 N: look at ur pic!
I <3 N: bold ba yan!? X_X @-)
I <3 N: nku! :-O /:)
I <3 N: banned ka sa mtrcb :-S
Lemaris22: :-|
I <3 N: :-| din
Lemaris22: wala kang mgwa sa layf mu
I <3 N: luk hus talking #-o
Lemaris22: ugh, ur nonsense!
Lemaris22: d q lam pnu ka ngusthan ni nate
Lemaris22: kumpara sa akin
Lemaris22: duh, bumababa ang taste niya
I <3 N: nung ikw pinili niya? :-/
I <3 N: oo nga e =))
Lemaris22: my god ianne
I <3 N: dapat capital letter ang ginagamit kapag God. Tandaan :)
Lemaris22: ktnxbye
Lemaris22 has signed out. (1/19/2010 3:18 PM)
I <3 N: :-O 8-} :-h
Siya talaga masasabi kong bastusing bata eh. Nag-off ba naman bigla. Ay wait, baka nag-invisible lang?
BUZZ!!!
I <3 N: BUZZ!!!
BUZZ!!!
I <3 N: BUZZ!!!
BUZZ!!!
Tinype ko na lang ang ibang 'buzz' dahil bawal ang flood buzz. Grabe, kinikilig ako sa effort ko para lang asarin siya.
Lemaris22: wtf! Wats ur problem!?!
I <3 N: la lang namiss kita e > : D < :-*
Lemaris22 is typing a message.
I <3 N: loser!! L-)
Sabay sign out. Kung pwede ko lang iparinig sa kanya ang lakas ng pag-click ko, sana mabingi siya. Kung bastusin siya, sorry, pero mas bastusin ako sa kanya.
Pero grabe, ang saya ko. Ang sarap sa feeling. Lumuwag talaga ang dibdib ko, ang saya. Makapasok na nga bukas, sinipag ako mag-aral dahil kay Lemaris. Thank you, Lemaris Galis.
MASAYA akong pumasok sa school dahil free day namin at pwedeng mag-civilian. Sinuot ko ang pinakakumportableng damit ko para makapag-practice nang maayos. Nakangiting lumapit sa akin si Belle sabay kutos sa akin at nagsimula na rin siyang manermon.
". . . Alam mong ikaw ang kailangan namin. Paano kami gagalaw nang wala ang bida? Two days ang nasayang Ianne. . ."
Hinanap ng mga mata ko ang gusto kong makita. Nawalan ako ng hangin nang makita ko siyang nakatayo at nakatalikod mula sa kinatatayuan ko.
"Kapag tinatanong namin si Nate, wala siyang kibo. Ano ba. . ."
Napapikit ako nang lumingon siya sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga nang maglakad siya palapit sa akin. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Masaya ako. . . totoo, masaya ako.
"Ayusin n'yo kung may gulo man kayo. Nadadamay kaming mga walang alam. . ."
Pero nawala ang ngiti ko nang lumagpas siya sa akin. Paglingon ko, sinusukatan siya ng isang mananahi. Napangiwi ako.
"Hoy Ianne, nakikinig ka ba sa akin?"
Tumingin ako kay Belle pero hindi ko na rin siya masyadong makita dahil sa panlalabo ng mga mata ko.
Sabi ko masaya ako . . . pero bakit nasasaktan ulit ako?
dedicated to zyronzester for this comment! mukhang we've come a long way na, ah. at true din yung ugali ni ianne. ang teenager nga niya kaya nahihirapan akong i-edit siya wahahaha. salamat ditooooo ~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top