reaching through
Taong 2020. Matagal nang masidhi ang salungatan ng Pilipinas sa isyu ng karapatang pantao, at maging sa tanawin ng akademya ay lalo pang umiigting ang tunggalian para sa tunay at makabuluhang prinsipyo. Samantala, sa kalagitnaan ng mga nagkakasiyahang lider-estudyante sa bayan ng Las Piñas, matatagpuang nagmamatigas ang makatwirang Kristiyanong si Aaron Jeremiah Perez sa mga kabarkadang panay ang alok sa kanya ng isang tungga ng alak.Kailangan niyang tumakas...Sa ngalan ng prinsipyo.Sakto namang nautusan siyang akyatin ang kilalang presidente ng kolehiyo ng mga artista at mahusay na aktibistang si Benjamin Yves Gonzalvo. Bakit wala itong suot na pantaas, may dala-dala pang panungkit, at talagang litaw na litaw ang fluffy slippers? Malay niya ba. Basta tulungan niya lang daw itong maggayak ng mga bakanteng kwarto para sa mga inabutan ng kalasingan.Ito mismo ang takas niya.Isang gabing kwentuhan. Hindi sapat upang lumalim ang pagkakaibigan. Kailan ba pwedeng isakripisyo ang prinsipyo para sa pansariling interes?…