Chapter 15

6 months after..

Naka-alis na si Aeious papunta sa ibang bansa. Simula noon ay ang nanay na niya ang nagbantay kay Marina. Busy na nag-aayos ng flowers si Tita Eura nang biglang nagising na si Marina.

"S-sino po kayo? Nasaan po ako?" sabi ni Marina

"Hala, salamat naman sa Diyos at gising ka na anak ko! Teka lang, tatawagin ko lang si Alice at ang mga doktor para i-check ka nila ah. Diyos ko, sa haba ng hinintay namin! Finally, gising ka na!" sagot naman ni Tita Eura

Lumabas ang nanay ni Aeious sa kwarto at tinawag ang mga nurse at doktor. Tinawag din niya si Alice na nasa canteen at kumakain.  Walang humpay ang pagtakbo niya papunta dito.

"Alice, ang anak mo! Gising na siya!" sobrang sayang balita ni Eura

Dahil sa gulat ay naibuga niya ang tubig na iniinom. Agad siyang tumayo at pumunta kay Eura. Hindi na nga niya naubos ang pagkain, wala na siyang pakialam dahil ang importante lang ngayon sa kanya ay ang magising ang anak niya.

"Totoo ba iyang sinasabi mo, Eura? Paano? Akala ko talaga ay hindi na siya magigising." sabi ni Tita Alice habang naglalakad sa hallway papunta sa kwarto ng kanyang anak

"Oo, nagulat nga ako nung nag-aayos ako ng mga bulaklak malapit doon sa kama niya. May himala talaga Alice, hindi pinabayaan ng Diyos ang anak mo." sagot ni Eura sa kaibigang si Alice

"Malakas nga talaga tayo sa Diyos Alice. Salamat sa mga dasal niyo ni Aeious. Ibalita mo na iyan sa anak mo at tiyak ako na matutuwa iyon!" sabi naman ni Alice sa kaibigan

"Sige, mauna ka na sa kwarto ng anak mo.  It's time na kayo naman ang mag-usap. I-text mo na lang ako kapag may kailangan ka ah. Nandito lang naman ako sa labas." sabi ni Eura

Pagkatapos noon ay excited na ngang pumasok si Alice sa kwarto ng kanyang anak. Nadatnan niya ang mga nurse atilang doktor sa loob ng kwarto kaya tinanong niya agad ito sa lagay ng kanyang anak.

"Doc, okay naman po ba ang anak ko? Pwede na po ba siyang maka-usap?" tanong ni Alice

"Opo, misis. Pwede niyo na pong kausapin ang anak niyo, stable na po siya. Titingnan lang po natin siya for about three days, pagkatapos po noon ay pwede niyo na po siyang i-uwi sa inyo. Alam ko naman po na matagal niyo na itong hinihintay. Napakatagal niyo na po dito sa ospital." sagot ng doktor

"Salamat po sa Diyos at di sumuko ang anak ko sa laban. Tama po kayo, sobrang tagal ko na itong hinintay. Halos nawawalan na nga ako ng pa-asa na magigising pa siya, akala ko ay hindi na sasagutin ng Diyos ang prayer namin." sagot naman ni Alice sa doktor

"Well, ngayon po ay malaya niyo nang makaka-usap ang anak niyo. Maiwan ko na po kayong dalawa, congratulations po ulit, misis." sabi naman nung doktor at umalis na

Agad na lumapit si Alice sa anak at niyakap niya ito. Umiiyak na nga siya sa labis na galak. Sa kabilang banda ay hindi pa din maiwasan ni Marina na mag-isip kung paano ang nangyari sa kanya. 

"Mama, bakit po pala ako nandito? Saka, kailan pa po ako nandito Sino po pala yung babaeng nakita ko kanina?" sunud-sunod na tanong ni Marina sa kanyang ina

"Anak, isa-isa muna ah. Saka kailangan mo pa rin na magpahinga kahit na sabihin nung doktor na okay ka na." sagot naman ni Alice sa kanyang anak

"Mama, hindi pa ba ako nakapagpahinga ng mahaba? Sa pagkaka-rinig ko kanina ay matagal na po akong na-coma hindi ba? So, kailan pa po ako dito?" makulit na tanong ni Marina sa kanyang ina

"Ah, eh. Anak, kasi halos mag-iisang taon ka na dito. Matagal kang na-coma. Akala nga namin ng Tita Eura mo eh wala nang pag-asa pero dasal pa din kami nang dasal sa Diyos. Ito na nga, sinagot na niya ang mga panalangin namin." sagot naman ni Alice

"Eura? Sino naman po iyon? Iyon po ba yung babaeng natagpuan ko nung gumsing ako? Sino naman po siya?" tanong ni Marina

"Ah, oo nga pala. Si Eura ay nanay ni Aeious, anak. Simula nung nawala si Aeious ay siya na ang nagbantay sa iyo dito. Ang laki nga ng naitulong nang mag-inang iyon sa atin eh. Mamaya pagbalik niya dito ay pormal kitang ipapakilala sa kanya ah." sabi naman ni Alice na may ngiti sa kanyang labi

"Si Aeious po, anong nangyari sa kanya? May masama po bang nangyari nung nawala ako? Nasaan po siya, Mama?" sunud-sunod na tanong ni Marina

"Ah, anak, nasa ibang bansa na si Aeious. Nasa anim na buwan na rin ang nakakaraan. Alam mo ba, lagi siyang nandito noong comatose ka. Ito pa nga ang art works niya, iniwan niya para paggising mo daw ay nakangiti ka." sagot naman ni Alice sa kanyang anak

"Hindi man lang niya ako inintay magising. Napakadaya niya, hindi man lang siya nagpaliwanag sa akin. Ano pang silbi ng paggising ko kung wala naman siya sa piling ko, Mama? May sinabi po ba siya kung kailan siya babalik dito sa Pilipinas?" pagtatampong sagot ni Marina

"Naku naman anak, huwag ka na magtampo sa kanya. Ginawanaman niya ang lahat ng kaya niya para matulungan niya tayo. He even sold his art works para makapagbayad tayo ng bill sa ospital. Ngayon, nagpapadala siya monthly ng panggastos dito. Naku, oras na malaman niya na gising ka na ay labis na matutuwa iyon." sabi naman ni Alice sa anak

"Ano pa nga ba ang magagawa ko, Mama? Edi maghihintay ako sa pagbalik niya, kahit alam kong matagal iyon." nagtatampong tono pa din ni Marina sa kanyang ina

"Isang taon at kalahati na lang naman ang hihintayin mo eh. Paano kasi, panay ka tulog. Iyan, hindi mo na tuloy siya naabutan pa." pang-aasar na sabi ni Alice sa kanyang anak

Ilang oras ang nakalipas ay dumating na si Mc Neil, excited na excited itong niyakap si Marina kasama si Krishtel. Nagpatawaran na din silang dalawa dahil sa nangyari noon sa pagkakaibigan nila. Pagkatapos noon ay pormal nang ipinakilala ni Alice si Eura sa kanyang anak, kahit papaano ay masaya na din si Marina dahil nakilala na niya ang babaeng nagluwal sa taong mahal niya.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top