Chapter 14
Isang gabi habang nagbo-browse si Aeious sa FaceNook ay may dumating sa kanyang email. Gulat na gulat siya nang mabasa niya kung ano ang nilalaman nito. Agad na tinawag niya ang kanyang ina para ibalita ang good news.
"Mama, pumayag na yung company na pinag-aaplyan ko sa ibang bansa! They answered my email!" sabi ni Aeious na sobrang excited
"Talaga ba anak? Patingin nga! Diyos ko, akala ko naman eh kung ano na ang nangyari sa iyo." sabi naman ng nanay ni Aeious
Pagkatapos noon ay ipinakita na niya ang email, when her mom saw the confirmation ay napayakap na lang ito sa kanyang anak.
"Congratulations anak! Dito na magsisimula ang mga pangarap mo. Masakit man na mahihiwalay ka sa akin ay ayos lang, at least eh matutupad mo na ang pangarap mo." sagot naman ng nanay ni Aeious
"Oo nga Mama, hayaan niyo po at madali naman na ang panahon. Mamaya niyan hindi niyo namalayan eh naka-uwi na pala ako." sabi naman ni Aeious
"Oh, kailan ba ang flight mo? Huwag mo kakalimutan na magpaalam muna kay Alice, Marina at Mc Neil at baka magtampo iyon kung hindi ka sa kanila magpapaalam." sagot naman ng nanay niya
"Next Wednesday na po ang flight ko. Hayaan niyo at magpapaalam po ako sa kanila this Friday. Syempre naman, hindi ko sila kakalimutan." sagot ni Aeious
"Tama iyan anak, napaka-laki ng tulong na naibigay ni Marina sa iyo. Kung tutuusin, siya talaga ang nagbalik ng sigla sa mg guhit mo." sagot ng nanay ni Aeious
"Gusto mo ba siyang makilala? Matagal mo na din kasi akong kinukulit about doon. Now, this is the time." sabi ni Aeious
"Sige anak, sabihan mo lang ako next Wednesday at sasamahan agad kita papunta kay Marina. At last, makikilala ko na din ang babae sa likod ng mga ngiti ng aking anak." tuwang-tuwang sagot ng nanay ni Aeious
Dumaan na nga ang araw ng Miyerkules, pumunta na si Aeious at ang kanyang nanay sa ospital kung nasaan si Marina. Bahagyang naalala ng nanay ni Aeious na dati nga pala ay takot ang kanyang anak sa atmosphere ng mga ospital.
"Anak, naalala mo nung bata ka, takot ka sa ospital?" sabi ng nanay ni Aeious sa kanya
"Oo nga, ang sabi kasi sa akin ni tatay ay kapag nasa ospital ka ay may posibilidad kang mamatay. Kaya never akong nagpagamot sa ospital. Panay sa bahay lang ako nagpapagaling noon." sagot ni Aeious
"Nakakamiss din minsan ang Papa mo, ano? kung nandito lang siya ay matutuwa iyon dahil nakahanap ka na ng taong magmamahal sa iyo ng tunay." sabi ng nanay ni Aeious
"Mahal nga namin ang isa't isa pero hindi naman siya gising edi wala rin. Halika na nga Mama, oras na po para makilala mo ang tao sa likod ng mga ginuguhit at pinpinta ko." sabi ni Aeious at ngumiti siya
Ilang minuto pa ay nandoon na sila, kumatok si Aeious sa pintuan at pinagbuksan naman siya ni Mc Neil. Nagulat si Mc Neil dahil ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Aeious sa kanila, akala nga niya ay iniwan na naman nito si Marina.
"Aba, pareng Aeious. Napadalaw ka yata, ang tagal mo ding hindi nagparamdam ah. Anong nangyari? Upo muna kayo." sabi ni Mc Neil
"Pasensya ka na pare, madami kasi akong inasikaso kaya hindi na ako nakakadalaw dito. Gusto ko lang sanang pormal na magpaalam kay Tita Alice, sayo at kay Marina eh." sagot naman ni Aeious
"Bakit pare? Aba, parang iba iyan ah. Maiiyak ba ako dyan?" hirit pa ni Mc NEil
"Ikaw talaga, panay ka kalokohan. Pare kasi, may big offer sa ibang bansa eh. Kaya ngayon, ito kami ni Mama eh gusto naming magpaalam ng personal kay Marina at sa inyo." sagot naman ni Aeious
"Aba anak, ang ganda naman pala ng inspirasyon mo. Kung ako nga ang nasa kalagayan mo ay maiinlove ako sa babaeng ito, ang amo ng mukha eh parang anghel. Kaya pala parang ang liwanag ng mga gawa mo. Alam mo iyon, parang may pag-asa sa bawat guhit mo?" sabi ng nanay ni Aeious
"Oo naman, ang ganda kaya niyan ni Marina Mama. Lalo na kapag asar na asar siya sa akin. Sana nga lang ay gumising na siya. Sobrang tagal na niyang natutulog eh." sagot naman ni Aeious
"Hayaan mo anak, ipagdadasal ko na gumising na siya. Kapag pumunta ka sa ibang bansa eh ako na ang papalit sa iyo para magbantay sa kanya. Ayos ba iyon?" sabi ng nanay niya na sobrang saya
"Talaga Mama? Gagawin mo iyon for me?" sagot ni Aeious
"Oo naman anak, kung iyon ang kaligayahan mo at iyon na din ang magpapanatag sa loob mo habang nasa ibang bansa ka. Why not, hindi ba? Gawin mo siyang inspirasyon, sabi mo nga ay mabilis lang ang panahon kaya kapag umuwi ka na eh sure ako na gising na siya." sagot naman ng nanay ni Aeious
"Oh pare, paano? Ikaw muna ang bahala kay Marina ah, saglit lang naman akong mawawala. Ipagdadasal ko naman siya kada-araw doon. Uso naman ang video call sa Sky app kaya pwede mo siyang ipakita sa akin kapag magkavideo call tayo." sagot ni Aeious
"Aba, kinabahan ako bigla dyan pare ah. Baka pag-uwi mo ay bakla na ako at tayo na ang inlove sa isa't isa.Pare ha, huwag ganoon!" loko-lokong sagot ni Mc Neil kay Aeious
"Loko ka atalaga, ano? Dyan ka na nga, teka nasaan ba si Tita Alice? Kailangan kong magpaalam sa kanya eh." sabi naman ni Aeious
"Ah, wala eh. Umuwi muna sa bahay nila, kumukuha ng mga damit. Hinahanap ka din noon eh, hindi mo na daw dinadalaw yung anak niya. Akala nga namin, kinalimutan mo na si Marina bigla." sabi naman ni Mc Neil
"Ah sayang naman, mukhang hindi na kami magkikita ah. Sige, sa Friday ay daan ulit ako dito para personal na magpaalam sa kanya ah." sagot naman ni Aeious
"Pero baka pauwi na din iyon, hindi mo na ba talaga hihintayin?" sagot ni Mc Neil
"Hindi na eh, pasensya ka na pare ah. Madami pa akong aayusin at sa Friday na kasi ang alis ko papunta sa ibang bansa. Sabihin mo na lang sa kanya na dumaan kami ni Mama dito ah." sabi ni Aeious
Bago sila umalis na mag-ina ay humalik muna sa noo ni Marina si Aeious. Bumulong din sa tenga ng dalaga ng mga salitang mahal kita. Nangako din siya dito na babalik siya sa Pilipinas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top