Chapter 86: Not Again
Paalis na dapat kami ni Mother Shin matapos kong magbihis, pero nakiusap ako kahit five minutes lang.
"Saan po yung mga trainee?"
"Ma'am, nandito po ba yung mga trainee?"
"Nasaan po?"
"Sa dulo? Puwede po ako dumaan saglit? Saglit lang po, two minutes lang!"
Alam ko namang hindi ko kailangang mag-explain pero feeling ko kasi, hindi ako makakatulog nito (kahit hapon pa lang) nang hindi ako nagpapaliwanag.
"Si Sabrina po?" tanong ko.
"Sabrina daw."
"Yes, sir—"
Natigilan si Sab na may hawak na notebook at nagsusulat habang nakatayo.
Mag-isa lang siya roon sa puwesto niya sa gilid, nag-o-observe ng mga inaayusang model ng damit. Photoshoot pa rin naman pero sa dami ng busy sa paligid, halatang walang time ang iba na isipin ang hindi naman nila trabaho.
"Hi, Sab," mahinang bati ko paglapit.
"Clark."
Sa loob-loob ko, hindi ko pa rin matanggap na Clark na lang ang tawag niya sa 'kin. Nawawala talaga ang tuwa ko kapag 'yon lang ang naririnig ko sa kanya.
"Langga . . ."
Biglang tumalim ang tingin niya sa 'kin kaya napaatras ako. "Sorry. Sab, sabi ko nga."
"What is it ba?" masungit niyang tanong.
"Yung ano . . ." Itinuro ko ang entrance ng studio. "Friend kami ng owner."
Kagat niya ang labi nang magsulat ulit sa notebook niya, hindi ako pinansin.
"Medyo close lang kami nang kaunti."
"Okay."
"Saka kasal na siya."
"Okay."
"Pero hindi sa 'kin."
Bigla siyang ngumiwi saka ako tiningnan ulit nang masama. "Are you feeling bad about it?"
"Huy, hindi, grabe!"
"Then why are you telling me that?"
"Nag-e-explain nga lang kasi ako."
"What for?"
Napakamot agad ako ng ulo. "Grabe naman. Masama na bang mag-explain?"
Salubong na salubong lang ang kilay niya habang nakanguso nang sulyapan na naman ako. Wala naman siyang sinabi, sinimangutan lang ako.
"May kasama ka pauwi?" tanong ko na lang.
"Sina Ma'am Michelle. We van naman pabalik sa dorm," masungit pa rin niyang sagot.
"I see." Napatango na lang ako. "Kumain ka na?"
Kagat niya ang labi nang tumango saka bumalik sa sinusulat niya.
"Uhm." Itinuro ko ulit ang entrance. "Bale, babalik na 'ko sa office ko."
Tutok pa rin siya sa notebook nang tumango.
"Alis na 'ko, ha?"
Wala pa rin siyang sinabi, tumango lang ulit.
Naglalakad ako paalis pero nakailang lingon din ako sa kanya. Kada lingon ko, nakikita ko rin naman siyang pasulyap-sulyap sa 'kin at iiwas kapag nahuhuli ko.
"Aalis na 'ko, ha!" sigaw ko sa may entrance, dahilan para maglingunan ang mga staff sa akin sunod kay Sab na nasa sulok natanaw sa akin.
Kagat pa rin niya ang labi saka tumango nang mabilis.
Mabilis pa akong kumaway para magba-bye.
Tumalikod na lang siya imbes na kumaway pabalik kaya naglakad na ako sa hallway habang palingon-lingon pa rin sa entrance ng studio.
Sana hindi siya galit. Friends lang naman talaga kami ni Mother Shin.
♥♥♥
Unti-unting nabawasan ang trabaho ko kasi nag-assign na ako sa mga manager ng magiging trabaho nila sa mga hawak ko ring business.
Dalawang taon din ang inabot bago na-furnish ang toy museum na plano ni Rico kaya habang nasa nasa graduate school siya, ako na ang nag-o-organize ng mga laruan doon.
Noong na-ban ang laruan sa mga Dardenne, ipinamigay nina Tita Tess ang mga laruan ni Rico sa foster home. Ilan na lang talaga ang naiwan na naitago ko pa. Kaya mula pa noong 15 ako, kapag may laruan akong nakikita at kaya kong bilhin, binibili ko.
Yung pinagtataguan ko dati ng mga trophy, itinambak ko sa isang kahon ang mga trophy ko at doon sa naiwang spaces ko pinaglalagay ang mga laruang nabibili ko.
Kapag may toy meal akong nabibili o nililibre sa akin, tinatago ko roon sa trophy room ko dapat. Kapag may bagong labas ng toys sa kiddie meal, bumibili talaga ako.
Buong college days ko, ginagawa ko 'yon kasi naaawa ako kay Mr. D na mag-isa lang siya.
Hindi ako mayaman. O kahit pa may pera na ako, hindi ako puwedeng mag-hoard nang mag-hoard ng laruan. Itong mga laruan nga, kung hindi nasabi ni Rico na magpapagawa siya ng toy museum, ireregalo ko na lang 'to kay Eugene.
Ngayon, meron na silang pagtatambayan na pangkanila na talaga.
Best friend ni Rico si Mr. D. Kung may isang bagay kaming hindi kayang i-provide kay Early Bird, 'yon na ang comfort na kayang ibigay ni Mr. D sa kanya. Kayang isuko ni Rico ang lahat para lang sa mga laruan niya kahit dati pa—yung tipong mas inuna pa niya ang laruan kaysa kapatid niya. Nakakatawang isipin pero ang laking shift ng transition na 'yon kay Rico kasi selfish naman na talaga 'to noon pa man.
Ayaw niya ng may kahati. Buwisit na buwisit siya kapag alam niyang dapat kanya lang pero may kahati siya. Pero mula yata nang mabuo kaming barkada, kung kaya niyang hati-hatiin lahat, hahati-hatiin niya para lahat kami, meron. Hindi ko kasi kaya 'yon. Ako pa, e buraot ako. Pagkain nga ni Patrick, inaagaw ko pa.
Hindi ko alam kung kaninong fault ba kaya siya nawalan ng karapatan sa mga laruan niya, pero alam kong sinusubukan niyang i-heal ang na-damage na part na 'yon ng childhood niya dito sa lugar na malayo sa family niya.
"Ser, dito na lang po ba 'to?"
"Oo, Manong. Pababa na lang diyan sa gitna."
Ibinagsak nila ang malaking Snorlax bed sa gitna ng napakaraming plushie sa unang section ng toy museum.
Itong Snorlax bed, pina-customize ko 'to sa isa sa mga exporter namin ng upholstery sa Japan. Tinanong ko kung kaya nilang gumawa ng 10 feet by 10 feet na customized bed. Ang materyales nito, galing Japan. Pero ang manufacturer, nasa Valenzuela naman.
Noong bata kami nina Rico at Mat, meron kaming upuang Snorlax chair sa dating bahay nina Rico sa Zamboanga. Para siyang single sofa pero Snorlax. Doon kami nag-aagawan ng puwesto kapag gusto naming matulog nang mahimbing.
Gusto ko rin talaga ng Snorlax bed, pero hindi para sa 'kin.
Isang araw lang ang kinailangan, simot ang trophy room ko sa bahay nina Mami.
Naubos ang buong November ko sa pag-aayos ng toy museum ni Rico habang wala na halos siyang uwian kasi from grad school, deretso siya sa farm nila sa Batangas para sa research. Ang rest day niya, dinadaan naman namin sa inuman. Hindi pa niya nakikita ang sarili niyang bahay.
Pagkatapos ko sa toy museum ni Rico, nagulat ako kasi nag-notify sa email ko na may payment akong natanggap. 50k pa. Napaisip ako kung para saan. Pagtingin ko, sa Red Lotus.
At saka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako tapos sa kontrata ko sa catalog bilang paid escort doon.
Tiningnan ko ang site at nakita kong binago na pala nila ang display photo ko roon. Yung naka-phantom mask na ako at seryoso lang, topless pa rin naman pero naka-jeans.
50k ang nasa rate ko for one night. Hindi ko matandaan ang agreed changes namin dito ni Mother Shin after Cheska kasi nasa 20k plus lang yata 'yon bago ako nagsabing hindi muna ako tatanggap dahil medyo na-trauma ako.
Nakita naman sa note kung sino ang kikitain at ano ang number. Aiko ang name ng client. Ang nakalagay sa postscript, magkita raw kami sa isang condo malapit sa PSE. Doon sa building ng Green Serenity.
Hindi hotel. Mukhang personal service nga.
Paid na siya. Hindi ako puwedeng basta-basta mag-refund. Nag-text na lang ako.
: Hi Aiko, this is CJ of Red Lotus. Sa lobby ba ang meeting place?
Paliko na ako sa kabilang lane mula sa U-turn slot nang may mag-text.
: Hello CJ! Thanks for responding. You ask the front desk attendant na lang. Nasa kanila ang loot bag and other info. See ya latur!
Wow, napaka-enthusiastic naman nito. May pa-loot bag pa.
Sumaglit ako sa bahay nina Mami sa San Lorenzo para maligo. Hindi na ako nagpabango ng lagi kong suot na seductive perfume. Baka isipin ng kliyente ko, type ko siya. Ni hindi ko nga alam na may record pa pala ako sa site ng Red Lotus. Kung ano lang ang amoy ng shower gel ni Dadi na amoy nilunod sa menthol at aqua scent, 'yon lang. Amoy bagong ligo na takot magka-dandruff.
Nagbaon na lang ako ng black polo kung sakaling umalis akong pawisan. Nagsuot na lang ako ng putting long sleeves na madaling hubarin ang butones.
Basa pa ang buhok ko nang bumiyahe papunta sa meeting place. Natuyo na lang pagdating doon. Ang gulo tuloy kasi hindi na rin ako nagsuklay.
Mabilis ma-trace ang condo, hindi rin masyadong crowded pagdating doon sa lobby.
Rounded ang porma ng alley, pabilog din ang setup ng front desk. May dalawang babae roon saka isang lalaki na nasa magkakahiwalay na pagtutok ng monitor sa ibabang part ng desk.
"Hi, good evening!" bati ko sa babaeng concierge habang nagsusuklay ng magulong buhok gamit ang daliri.
"Good evening, sir. How may I help you?"
"Nag-text ako kanina kay Miss Aiko. She didn't give me any information kung saan ang floor niya or even the room number. Pero meron daw loot bag for me? Pa-confirm naman, thank you."
"Oh, yes, sir! Wait a moment." Umalis sa puwesto niya ang babae at binulungan ang babaeng nasa dulong puwesto. 'Yon ang umalis naman at ang kumausap sa akin ang bumalik sa post niya. "Wait, sir. Pinakuha na po namin. Si Miss Aiko po ay nasa floor 16, room 1608."
"Ayun! Thank you!"
Ilang sandali pa, bumalik na ang isa pang attendant at inabot sa kausap ko ang itim na string bag. Hindi naman malaki, parang sinlaki lang din ng notebook.
"Here, sir. We'll call her na rin po, to inform her na nandito na kayo." Sumilip pa siya sa ibaba, parang may binasa roon. "Sir . . . CJ, tama po?"
"Yes, correct."
"Okay, sir." Itinuro niya ang kanang gilid. "Dito po ang elevator, sir."
"Thank you!" Nag-jogging na ako papunta roon at sinilip ang laman ng loot bag daw.
Pagtingin ko, may mask sa loob. Yung rubberized pero may hard part na parang phantom mask. May card din.
Hey handsome!
Today is our friend's birthday. Please let her enjoy the night with you.
P.S.
Can you be a bit gentle with her? *whispers* It's her first time. *wink, wink*
Ah . . . birthday gift pala ako, pota.
May instruction pang naiwan. Mag-mask daw kasi nahihiya siyang tumingin sa guy.
Mukha ko na nga lang pambenta ko, tatakpan pa!
May inipit pang tatlong condom na magkakaiba ng flavor.
Napaka-thoughtful naman ng barkada ng client ko. Bakit hindi namin 'to ginagawa ng barkada ko?
Ay, oo nga pala. Na-trauma na kami kay Leo.
Sa elevator pa lang, nagsuot na ako ng mask at ginawang salamin ang elevator panels. Pota, mukha akong ninja turtle na bagong gising. Mula noo hanggang tungki ng ilong ang pinaka-cover ng mask, pero pa-round naman sa hulma ng pisngi ang ibang parte. Balot halos ang buong mukha maliban sa butas ng ilong hanggang parteng bibig.
Ilang beses ko inamoy ang kilikili ko baka lang amoy pawis ako. Nag-deo naman ako kaya amoy maanghang na tubig pa rin ako until now. Ilang beses ko pang sinuklay ng daliri ang buhok ko kaso may pumapaling ng kaliwa, may pumapaling ng kanan, tapos may nakatayo pa sa tuktok. Putang inang 'yan, bakit kasi hindi nag-wax? May kanya-kanyang direksiyon na sa buhay mga parte ko ng katawan.
Kasusuklay ko, lalo lang ako nagmukhang bumangon lang sa kama tapos dito na dumeretso.
1608 daw. Nag-doorbell lang ako tapos may narinig na ako sa loob na "Come in!"
Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Napaka-hospitable naman.
Hindi naman naka-lock ang pinto. Pagbukas ko, may tugtog nang seductive. Pamilyar pa nga.
"I look and stare so deep in your eyes
I touch on you more and more every time . . ."
Pulang-pula ang paligid, para akong pumasok sa torture chamber pero amoy baby cologne na mas matamis pa.
"When you leave, I'm beggin' you not to go
Call your name two, three times in a row . . ."
Wala namang nakakatakot sa loob pero kinakabahan ako. Baka lang kasi makakita ako rito ng putol-putol na katawan.
Putang ina naman kasi, kasalanan talaga 'to nina Elton. Iba na tuloy definition sa imagination ko ng dark room na may red lights.
Pagdating ko roon sa pinaka-living room, may nakatayo na roong babae na naka . . . lingerie?
Napalunok ako, hindi dahil natu-turn on ako, pero ang weird lang na hindi ako sanay sa ganito.
Yung babaeng huli kong nakitang naka-lingerie, tinutukan ng baril sa ulo.
Sana nag-T-shirt at shorts na lang siya, sanay naman akong maghubad ng damit.
"Hi . . . Aiko."
Halos mapatalon pa siya at napatalikod. Sapo niya ang dibdib nang magulat yata sa akin.
"Sorry!" tili niya.
Naka-mask din siya na parang butterfly at takip ang buong pisngi maliban sa bibig at chin na parte. Pula ang buhok na malalaki ang alon. Makapal din ang lipstick, kitang-kita ultimo sa dim light.
"Hi!" aligaga niyang bati sa akin. "Uhm! I'm Aiko!"
"Oo nga. Sabi ko nga." Tumango naman ako at inilapag sa side table malapit sa akin ang loot bag na dala ko. "Three hours lang 'to, ma'am. Birthday n'yo raw?"
"Yes! Uhm, oh my gosh. Sorry. Whooh!" Pumaling siya sa gilid habang nagpapaypay ng mukha.
"Chill lang kayo, ma'am. Mabilis lang 'to."
Gulat siyang bumaling sa akin habang sapo ang dibdib. Natawa tuloy ako nang mahina habang napapailing.
Pinasada ko ang dila sa ibabang labi saka isa-isang nagbukas ng butones.
"May music kayo. Sasayaw ba 'ko?" tanong ko. "Hindi kasama sa bayad pero pa-birthday ko na."
Takip na niya ang bibig habang nakatitig lang sa 'kin.
"It's the way that you know what I thought I knew
It's the beat that my heart skips when I'm with you
But I still don't understand
Just how your love can do what no one else can"
"OMG, wait!"
Kagat ko ang labi habang nagpipigil tumawa. At least, hindi ako mahihirapan dito kapag humiling 'to ng balibagan ng katawan.
Nakahubad na ang mga butones ng damit ko nang lapitan ko siya. Kinuha ko ang kamay niya at naghatak ako ng isang dining chair na malapit sa kitchen area.
"Kinakabahan ka ba?" tanong ko nang yukuin siya.
Wala siyang sinabi, mabilis lang na tumango.
"Kapag may ayaw kang ginagawa ko, sabihin mo sa 'kin, then stop tayo. Okay?"
Tumango na naman siya nang mabilis.
Pinaupo ko siya sa dining chair bago ako naupo sa sakong ko at ipinatong ang nakatupi kong mga braso sa hita niyang walang takip. Tinunghayan ko siya para makita ang mukha niyang takip-takip ng maskara.
"Birthday mo ngayon?" malambing kong tanong habang nakasilip sa kanya.
"Yes," mahina niyang sagot.
"How old are you?"
Kagat niya ang labi at hindi agad nakasagot.
"Minor ka ba?" tanong ko na lang.
Umiling siya.
"18?"
Umiling na naman siya.
"Higher?"
Mabilis siyang tumango.
"Okay, hindi ko na itatanong. Goods na tayo sa higher."
Tumayo na ako at naghubad ng shirt.
Inoobserbahan ko lang ang reaksiyon niya at napanganga na lang siya nang ibato ko sa end table ang damit ko. Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya nang mapansin din yata ang sariling nakanganga.
"Uhm, sir—"
"I have a name," sabi ko.
"Sorry, I forgot the name na bigay ng friend ko po."
"It's okay. You can call me any name you want," sabi ko na lang saka kinuha ang kanang kamay niya.
"Okay lang po?"
"Yeah," sabi ko. "Bakit may po? Hindi ka minor, ha?"
Mabilis na naman siyang umiling. "You look older po kasi."
Aray naman sa I look older.
"Can I call you . . . Clark?"
Natigil sa hangin ang kamay naming dalawang ihahawak ko dapat sa dibdib ko.
"Clark?" gulat na tanong ko.
"Yeah. Kent. Like Superman . . . Clark Kent?"
"Oh." Lumutang ako nang ilang segundo bago ko nakagat ang labi saka tumango para pumayag. "Okay. Clark. Why? Do I look like Superman?"
"You sound like a Clark."
Napatingin ako sa gilid habang nalilito. I sound like a Clark? May sound ba ang pagiging Clark?
"Uhm, okay rin po ang Valentin."
"I'll go for Clark," sabi ko na lang.
"Okay po. Clark."
"Start na tayo?"
"Opo."
♥♥♥
Ayoko sanang iwan si Aiko sa condo kasi mag-isa lang siya. Baka lang kasi wala siyang kasama, birthday pa naman. Kaso baka ako naman ang pagalitan ni Mother Shin, e nag-extend na nga ako noon kay Cheska tapos nasermunan pa ako kasi hinatid ko.
Natural, nagmagandang-loob lang naman ako. Malay ko bang bawal pala 'yon sa policy.
Pagdating ko sa parking lot, nagbihis agad ako ng polo. Doon na lang din ako nakapag-wax ng buhok na nagsariling buhay na talaga. Pero ayos lang din siguro na hindi ako nag-wax. Nasabunutan pa naman ako. Sa kotse na lang din ako nakapagpabango ulit para puwede na akong dumalaw kay Mother Shin na amoy pogi na ulit ako.
Pasipol-sipol ako nang maka-receive ako ng chat kay Early Bird.
: Dude, free ka?"
Mabilis akong nag-type habang sumisilip sa salamin para ayusin ang paling ng buhok ko.
: yes, y?
: pasundo nga si Sab. Kanina pa ko rito sa Bacoor di talaga kami makagalaw
Si Sab? Pagtingin ko sa petsa ngayong araw na kahilera ng battery, bigla kong naalala kung anong araw ngayon!
Putang ina!
Tinawagan ko na si Rico.
"Hoy, gago! Birthday pala ngayon ni Sabrina?"
"Uhm, yeah?"
"Walang party?"
"Meron, pero next week pa raw kasi wala pa sina Daddy sa Manila. Pag-uwi pa nila galing Denmark."
"Shet! Saan si Sab ngayon?"
"Sa Green Serenity. Nasa lobby na raw siya."
Biglang nawala ang panic ko at napalitan ng panibagong kilabot. "Saan?"
"Green Serenity. Malapit 'yon sa PSE. Makikita mo 'yon sa Waze."
Nakaawang lang ang bibig ko habang nakatingin sa elevator ng underground parking lot.
"Nasa condo ng Green Serenity siya?"
"Uh, yeah? Tinawagan na kasi ako, nagpapa-service. Kaso ang traffic nga kasi now."
Napatakip ako ng bibig at mabilis kong pinaandar ang kotse palabas ng parking area. Huminto ako sa entrance at nasa call pa rin nang bumaba sa sasakyan.
"Nasa Green Serenity," pag-ulit ko pa kay Rico.
"Dude, how many times do you have to repeat that?"
Pagpasok ko ulit sa entrance, takip ko lang ang bibig nang maabutan doon si Sabrina sa lobby—yung babaeng naka-jacket at pajama, pula ang buhok na malalaki ang alon, may malaking duffel bag na dala, at nakatutok sa phone.
"Clark."
Ibinaba ko na lang ang call habang natutuod sa puwesto ko. Nanginginig ang labi ko habang nakatitig sa kanya.
Ilang saglit pa, nagtaas siya ng tingin at nakita agad ako.
Napalunok na lang ako habang humihinga nang malalim.
Umirap lang siya pagkakita sa akin at kinuha na lang din ang bag niya. Nakatitig lang ako sa kanya kung paano siya ngumiwi habang iika-ika maglakad palapit sa akin.
Putang inaaaaaaaa!
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top