Chapter 42: Deadly Gamble
Parang sirang plaka sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Tita Tess.
May hinahanap sa akin ang mga nagpapadala ng documents na 'yon? Kung may mga hawak naman na silang documents, ano pa ang hahanapin nila?
Iniisip ko kung sino-sino ba ang posibleng makaaway nitong mga nakaraan, pero wala akong ibang maisip. Si Leo, pinag-iinitan ng mga Chua, oo. Pinasusundan naman ako noong nakaraang taon at ang suspect ay mga Yu. Pero natigil na kasi 'yon. Wala nang nagmamanman sa akin ngayon na talagang nakikita ko. Kung meron man, ano ba kasi ang kailangan nila?
Balisang-balisa ako nang makipagkita kay Calvin sa isang mall sa south. Maraming tao kasi palubog na ang araw. Nakatayo na ang iba't ibang stall na nag-o-offer ng Valentine's Day gift kahit February 12 pa lang. Pulang-pula na nga ang buong paligid tapos eto ako, problemado sa mga document na 'yon.
"Ano meron?" bungad niya nang lumapit sa akin. Halatang walang lakad 'to. Naka-T-shirt lang saka shorts na pambahay at tsinelas. Walang ibang dala maliban doon sa maliit niyang handbag na nakasabit sa pulso.
"May chance ba na makausap si Mother Shin?"
Nagusot agad ang mukha niya at takang-taka sa tanong ko. "Para saan?"
"'Tol, may nagpadala ng documents sa office namin ni Leo, naka-address sa 'kin. Ang sender, Mickey Mouse. Ang address, Clubhouse. Ang laman ng envelope, mga records ni Leopold."
"Records means?"
"Police record noong na-blotter tayo sa pag-kidnap kay Kyline? Yung rape case niya? Mga bank statement? Pati sworn statement ninyo nina Elton, kasama sa envelope—"
"Hwoy, putang ina, anong sworn statement?" biglang putol niya sa 'kin.
"No'ng nakasuhan tayo, di ba, hiningan tayo ng statement? Nasa envelope 'yon, 'tol! At ang problema ko ngayon, nakatanggap ang mommy ko ng kaparehong list of records pero under naman sa pangalan ko. Doon pa ipinadala sa school niya sa QC! 'Tang ina, ang layo ni Mami sa Las Piñas, paanong nakaabot 'yon doon?"
Kahit si Calvin, napaisip din sa ikinuwento ko. Inaya niya ako roon sa gilid na bakod na may tanim na mga halaman. Ilan lang ang nakaupo roon kasi masyado nang madilim.
"Vin, alam kong alam mo na ako lang ang nag-iisang Mickey Mouse sa Coastal," mahinang sabi ko sa kanya.
"Yeah, iniisip ko nga rin. Ang weird kasi ng sinasabi mo."
"Hindi ba related 'to kay Mother? Hindi ba posibleng sina Jian ang may gawa nito?"
Himas-himas niya ang baba habang nag-iisip. "Posibleng si Jian, pero busy siya ngayon. Nasa Cambodia siya para sa bagong project nila."
"What if yung mama ni Mother?"
Mabilis siyang umiling. "Magpapadala na lang siya ng taong papatay sa 'yo. Hindi ka naman niya kayang takutin ng documents lang."
Natigilan ako. "May point."
Pareho kaming natahimik at napatingin sa sahig.
Wala akong ibang suspect na naiisip, puta.
"Hindi kaya mga Chua?" biglang tanong ko. "Kasi may documents si Leopold, e."
"May galit ba sa 'yo ang mga Chua?"
Mabilis akong umiling. "Wala naman."
"Then, ano'ng point?"
Oo nga naman. "Sina Jackson?"
"Patay siya kay Uncle Bobby kung uulit na naman siya."
Shet, hindi na nga pala niya puwedeng ulitin ang ginawa niya kay Pat.
"Pero sino-sino lang ba ang nakakakilala sa 'kin sa Coastal, e ang tagal na n'on?" sabi ko na lang. "Baka may alam si Mother, baka puwedeng makausap kahit ten minutes lang?"
Ang lalim ng buntonghininga ni Calvin nang magkamot ng ulo. "Hindi puwedeng lumabas si Shin sa kanila, Clark. May kasunduan na sila ni Mama na doon lang siya. Hindi rin ako puwedeng magsalita roon sa kanila ng tungkol diyan kasi lahat—I mean lahat ng parte ng bahay nila, puro maid saka bantay. Kung magsalita man ako, hanggang kumusta lang."
"Hindi ba siya puwedeng ayaing mamasyal? Grabe naman, talagang ikinulong siya roon?"
"Doon sa mamamasyal, hindi ako sigurado. Nakakalabas siya ng bahay, pero meron pa ring kasamang—ewan ko, dalawa o tatlong bantay? Kailangan pa rin nilang i-report si Shin."
Puta naman kasi, wala akong ibang puwedeng lapitan kundi si Mother Shin lang. Siya lang naman ang may hawak ng Coastal hanggang magsara 'yon, e!
"Vin, baka kayang gawan ng paraan?" pagpilit ko pa rin. "Kasi si Mother lang ang nakakaalam ng mga transactions sa Coastal at kung sino-sino ang puwedeng umatake sa 'kin. Maliban na lang kung alam mo ang alam niya."
Napangiwi agad si Calvin sa sinabi ko. "Si Syaho lang ang nakakaalam ng mga alam ni Shin."
"E, paano nga, wala na si Syaho? Sino pa'ng tatanungin ko maliban kay Mother?"
"Bakit ba kasi?" naiirita nang tanong ni Calvin. "Ano ngayon kung magpadala sila ng mga document? Hindi naman nakakamatay 'yon!"
"'Tol, nagbigay ng ultimatum si Tita Tess. Kakalkalin niya ang records ko, bibigyan ko sila ng authorization na mag-interview at mag-conduct ng investigation sa mga taong involved doon sa Coastal at sa kaso natin kay Kyline dati. Ultimo records sa casino, meron doon sa documents ni Leopold! Ibig sabihin, pati mga handler sa casino, kakausapin din ng kahit sinong taga-Afitek para lang ma-trace kung sino ang suspect dito sa pagpapadala ng documents na 'to! At kapag hindi ako pumayag, hindi na siya papayag na ikasal kami ni Sabrina!"
"Putang ina, seryoso ba?"
"'Tol, baka kayang gawan ng paraan si Mother. Kahit five minutes na usap lang! Kahit ito lang, ibigay n'yo na sa 'kin. Minsan lang naman ako makikiusap."
Ayoko ng nakikita ko sa mga mata ni Calvin. Halatang ayaw niyang pumayag tungkol kay Mother Shin.
Oo, nandoon na kami sa pahirapang ilabas si Shin sa poder ng mama niya. Pero baka lang kayang gawan ng paraan. Kasi kung hindi, talagang pupuslit ako kung saan man nakatira si Mother.
"Titingnan ko, Clark. Hahanap ako ng timing. Hindi ngayon, pero hahanap ako ng timing."
Wala na akong choice kundi panghawakan ang uncertainty ni Calvin. Kung hindi mga Chua, mga Yu naman ang suspect ko. Ang problema kasi, irrelevant ngayon.
Sa daming beses, sa tagal na panahon, bakit ngayon lang 'yan lumalabas? 'Yon din kasi ang tanong ni Tita Tess, e. Ano'ng meron doon sa mga document na 'yon para ipadala sa amin? Ano'ng pakay nila? Ano'ng gusto nilang palabasin? Ano ang sinasabi ni Tita Tess na kailangan nila sa 'kin na hinahanap nila?
Wala akong maisip! Ultimo nga si Tita Tess, hindi niya maisip!
Umuwi ako at ang unang-unang ginawa ko, nagkalkal ako ng mga file cabinet. Tiningnan ko ang lahat ng lumang records ng lending company namin na nasa lukot nang ledger. 'Yon pa ang record na sina Calvin at Will ang nagma-manage at hindi pa ako.
Gusto kong hanapin kung may drug dealer ba kaming naging kliyente na hindi nila binanggit, o meron bang kahina-hinala sa mga naka-transact nila noon na ngayon lang rumeresbak.
Buong gabi, inisa-isa ko ng text lahat ng nasa lumang ledger na 'yon. Kahit ang mga dating classmate ni Will na hindi ako kilala, pinadalhan ko rin ng message! Na kung puwedeng bumanat agad ng "Hi, may atraso ba 'ko sa 'yo? Sabihin mo lang, ha." Talagang 'yon ang sasabihin ko sa kanilang lahat.
Ayoko ng ganito na binabaliw ako ng hindi ko alam at hindi ko maremedyuhang bagay.
Ni hindi ko nga namalayang nakatulog pala ako. Nagising na lang ako, hawak ko ang ledger na nakapatong sa tiyan ko at ring nang ring ang phone ko dahil may tumatawag.
Sinagot ko 'yon at itinutok sa tainga hanggang may magsalita.
"Video call 'to, bobo."
Napaungot na lang ako at kunot-noong tiningnan ang screen ng phone paglayo ko n'on sa mukha ko.
"Ano'ng oras mo balak umalis?" tanong ni Leo, at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kaliwanag sa likuran niya, at ang dami pang tao! Karga rin niya si Luan na naka-white T-shirt.
"Nining Kwerk, punta kami sa casew!"
"Anong casew?" Mabilis akong napabangon at pinagtatambak ko na lang sa sahig ang mga ledger bago ako pumunta sa kuwarto.
"Castle," paliwanag ni Leo. "Nandito na kami sa Intramuros."
"Putang ina, alas-siyete y medya na?"
"Sige, mura pa. Kaharap mo lang anak ko."
"Ay, sorry! Wuwan, walang bad words, ha?" Mabilis akong pumunta sa closet para mamili ng isusuot na damit. "Navy blue, di ba? Ano isusuot ni Tammi? May picture ka ba?"
"Wala. Pero okay na kahit anong kulay basta navy blue."
"'Tang in—" Hindi ko na natapos ang mura ko. "Kahit anong kulay basta navy blue?" Putang inang kulay 'yan, napakaraming option.
Pinili ko na lang kung ano ang meron ako na navy blue. Meron akong designer's suit dito na token sa isang modeling gig. Meron pa akong apat na navy blue, kaso agaw-eksena kasi. Yung designer's suit lang talaga ang simple. The rest, may kanya-kanyang design na mas pangrampa sa Met Gala kaysa pang-best man lang. Mukha akong taga-Capitol sa Hunger Games.
Binilisan ko na ang pagligo at sinubukang humabol sa photoshoot.
February 13, at ang saya dahil nakisama sa pagsira ng umaga ko ang traffic. Inabot na ako ng alas-onse bago nakarating sa Intramuros, at unang-una kong napansin sa labas pa lang ang limang itim na van na may logo ng Afitek sa gilid.
Pag-park ko sa labas ng venue, pinasarado pala 'yong area na 'yon at nakabantay ang mga naka-dark blue polo at black slacks na mga agent ng Afitek sa buong paligid.
Matic, ang inisip ko agad, baka related doon sa documents kaya ang daming taga-Afitek. O baka sa mga Chua? Pota, hindi ko na alam kung bakit nandito sila.
Pagpasok ko sa loob, hinanap ko agad sina Leo, pero naabutan ko pa si Tito Ric na kinakausap ang . . . hindi ko sigurado kung sino siya. Babae kasi na nakasuot lang ng casual na blouse at tinuturo ang mga bintana mula sa garden kung nasaan ang lahat.
Naka-white pants, white golfing shoes, at yellow polo shirt lang si Tito Ric. Mukhang kagagaling lang nitong mag-golf diyan sa kabilang golf club at dumayo lang dito.
"Dude!" Si Will ang sumalubong sa akin. May hawak-hawak siyang bote ng tubig at sinabayan na akong maglakad. Sa third floor ang room natin. Alam mo naman na yung number, di ba? 302."
Nakasuot na ako ng pants at black leather shoes, pero naka-white V-neck shirt lang ako pagpunta. Bitbit ko na lang sa kaliwang braso ang white long sleeves ko pang-undershirt at navy blue suit kasi ayokong marumihan agad at mapawisan pagdating dito.
Sa third floor daw, pangalang pinto raw 'yon sa left side. Hindi mahirap hanapin, ang kaso, hagdan ang gamit. Ang elevator, pupuntahan pa sa loob. E, may daan naman paakyat sa gilid mula sa labas kaya ayoko nang lumayo.
Hindi naka-lock ang hotel room kaya pagpasok ko, hinanap ko agad ang mga gamit nina Rico.
Pero putang ina, napatingin ako sa gitna ng kuwarto. May manikin kasi na nakasuot ng wedding dress. Nilapitan ko pa kasi baka haunted dress 'to galing ukay-ukay at nagmumulto lang ngayon dahil may ikakasal.
Mahaba ang dress. Turtleneck yata ito pero ruffles ang neck part na naninilaw pa nga. Tapos puffed sleeve sa bandang balikat pero hanggang wrist ang haba ng manggas. At naninilaw rin sa kilikili na part. Maganda ang shape ng manikin kaya mukhang mahaba ang dress. Nakasimangot pa ako nang amuyin.
Amoy na-laundry naman. Pero kapag tinitingnan ko, parang amoy anghit.
"Hi, Clark!"
"Ah!" Napatalon ako sa gulat dahil doon sa nagsalita.
"Hahahaha! Ano'ng ginagawa mo?"
Hiningal ako bigla habang sinusundan ng tingin si Jaesie na nakasuot ng light blue na dress. Ang pagkakasuot niya sa dress niya, parang pinulupot na kurtina sa leeg tapos backless na.
"Akala ko, multo!" Itinuro ko ang dress na katabi ko bago ako lumayo. "Pota, kanino 'to? Buhay pa ba may-ari nito?"
Sumimangot lang si Jaesie at may kinuhang ladies' bag sa gilid ng pintuan na maraming bag din. "'Yan daw ang gown na gagamitin ni Ky. Family heirloom daw 'yan."
"Eto?!" tili ko pa at itinuro ulit ang dress na mukhang minumulto pa! "Grabe naman! E di, isuot na lang ni Ky yung maternity dress niya, maganda pa 'yon!"
"I know, right?" Kinuha ni Jaesie ang lipstick niya at nakangusong inayos ang labi niyang nabawasan ng kulay pagdating dito.
"Ano ba? Blinowjob mo ba si Rico? Grabe sa lipstick! Kapalan mo pa!"
"Alam mo, buwisit ka talaga ever." Akma niya akong babatuhin ng lipstick, umiwas naman ako. "Lunch time na kaya! Hindi ka ba ginugutom?"
Ay, shet, oo nga pala. Sa sobrang late kong dumating, hindi ko na napansin ang oras. Ni almusal, wala pa 'ko.
Nag-lipstick lang talaga si Jaesie at bumaba na rin. Nagbihis na ako habang minamata ang wedding dress daw ni Kyline na pasado nang damit ng multo sa Shake, Rattle, and Roll.
Best man ako ni Leo, pero hindi gaya sa mga naunang kasal ng barkada, hindi ko nararamdaman ang pagiging best man ko ngayon. Malamang kasi wala 'to sa original na plano tapos may problema pa 'ko ngayon.
Pagbaba ko sa garden kung saan sila kumukuha ng shot, sina Kyline at mga bridesmaid niya ang kasama niya. Ilang lang naman sila, anim na pumayag sa schedule. Tanghaling-tapat, bilad na bilad sila sa araw.
"Dude."
"O?" Napatingala ako nang bahagya kay Rico nang lumapit siya sa 'kin.
"May sinabi si Mum about you and Leo and some documents. She didn't elaborate pero baka raw mapilit kitang pumirma sa pinapapirmahan niya, if ever. What was that?"
Ang bigat ng buntonghininga ko nang panoorin na lang sina Jaesie na magtawanan doon sa gitna ng garden habang sunod-sunod ang tunog ng camera.
"Authorization para mag-investigate."
"Investigate for?"
"Naka-receive kasi ako ng documents sa office. Records ni Leopold." Mula sa panonood kina Jaesie, inilipat ko ang tingin kay Rico. "Records sa casino, records noong muntik na tayong makulong sa pag-kidnap kay Kyline. Bank records, lahat ng records na galing Coastal, nandoon. At kahapon, nakatanggap si Mami ng same list of records pero sa pangalan ko na."
"Oh." Napakurap si Rico bago kumunot ang noo. "That was odd. Closed na ang Coastal. What are those documents for?"
"'Yan din ang gusto kong malaman at gustong malaman ni Tita Tess kaya nga nagre-request 'yon ng pirma ko."
"And you declined."
Hinarap ko si Rico saka ako nagpamaywang. "Dude, pati mga casino, iimbestigahan nila. Baka lang gusto mong alalahanin, lahat tayo, bumili ng chips para mag-poker."
"Oh, shoot." Napatakip tuloy siya ng bibig gamit ang kanang kamao. "That's a huge trouble. Don't sign that."
"Kaya nga ayokong pumirma," sagot ko. "Pero ang agreement na ngayon ni Tita, hindi ako ipakakasal kay Sab hangga't walang pirma 'yon. Kasi nga raw, delikado ang lagay ni Sab kapag ikinasal kami tapos may sabit akong ganito."
"Hmm. She's not wrong either." Napahimas pa siya ng baba habang nag-iisip.
Gets ko naman ang point ni Tita Tess. Gets na gets ko. Ang problema nga kasi, hindi malinis ang records ko, to think na ako ang runner noon ng barkada. Kapag may kailangang gawin, kailangang kausapin, kailangang i-settle na usapan sa ibang handler, ako agad 'yon. Never humawak si Patrick, si Leo, si Will, o kahit si Rico ng external affairs. Ako lahat. Si Calvin, alam na niya ang ginagawa niya. Buhay na niya 'yon bago pa pasukin ni Patrick ang Coastal kaya wala akong kaba sa kanya.
Pero kina Will? What if malaman ng parents niya ang mga ginawa namin during college? What if malaman nila na connected kami sa mga nagda-drugs sa Coastal noon saka mga ilegal na kumakarera? I know, Will is old enough para sawayin pa ng parents. But the idea na baka next family meeting, maging main topic 'yon sa table?
And besides, what if makarating na naman 'to kay Uncle Bobby? Si Uncle Bobby, pumitik lang, napasara na niya ang talyer ni Jackson. Partida, halos buong summer ng freshman year namin, si Jackson at ang lambo ang issue namin. Doon pa lang sa idea na kayang bawiin ni Uncle Bobby ang lambo ni Pat sa isang bulong lang niya, marami na kaming dahilan para kabahan sa kung ano pa ang kaya niyang gawin.
What if malaman niya ang lahat . . . lahat-lahat ng pinaggagagawa namin noong college? Paano pa ang magiging treatment niya sa amin n'on?
Higit sa lahat, sina Mami. Doon sa mga document na 'yon, ano ang mga nakita niya? Nakita ba niya ang record ko sa Red Lotus? Nalaman na ba niyang prostitute ako noong college hanggang mag-26 ako?
Parang umuulan ng problema sa ibabaw ng ulo ko, hindi ko alam kung ano ang uunahing i-solve. Kasi kung hindi involved dito si Sabrina, hahayaan ko na lang 'to.
Kung malaman nila ang tungkol sa Coastal at sa ginagawa namin doon dati, ano ngayon? Sarado na ang Coastal. Matagal nang tapos ng buhay namin doon.
Pero kasal ko kay Sabrina ang nakataya ngayon, at gusto ni Tita Tess na ilapag ko na lahat ng kaya kong ilapag para lang makuha ang anak niya.
Ang problema kasi, hindi ako pumupusta sa alam kong talo na agad ako. At sa ganitong mga pagkakataon, hinihiling kong sana may tapang talaga ako na gaya ng kay Rico. Yung kayang sumugal sa 1% chance dahil lang chance 'yon kahit gaano 'yon kaliit.
Kailangan ko ng tulong nila ngayon. Sana lang din, matulungan nila ako. Ngayon lang naman ako hihingi ng tulong para sa sarili ko.
(commercial haha)
♥♥♥
(TITA TESS POV: THE DREAM CHILD)
Sa sobrang panic ko, tinawagan ko agad si Ali kasi hindi ko alam kung ano na ang gagawin.
"Sabrina was asking for Clark! Pero nagsabi nga si Clark na hindi muna siya pupunta sa bahay dahil kay Sabrina! Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung bakit ayaw nang pumunta sa bahay ni Clark, hindi ko alam kung bakit uminom ng fabcon si Sabrina—"
"Ate, calm down!"
"How can I calm down, my daughter is dying?!"
"The doctor's doing everything na! Walang magagawa ang pagpa-panic. If Clark didn't want to see Sab, let's respect that. Kausapin na lang kapag ready na siya. Huwag nating sisihin ang walang kasalanan."
Hindi ko sinisisi si Clark. Hindi ko rin kayang sisihin ang batang 'yon dahil nag-decide siya para sa sarili niya, nagpaalam siya nang maayos, at hindi na niya kontrolado kung ano pa ang nangyayari sa bahay.
But what my son said cleared up all the confusing parts of this tragedy.
"Sabrina loves Clark like a boyfriend, Mum. And Clark knew that kaya siya umiiwas."
I was staring at my son's eyes with so much sadness at lahat ng takot ko para sa mga anak ko, nabuo sa mismong minutong 'yon.
Iniisip ko buong maghapon hanggang gabi . . . kaya ba umuuwi nang maaga si Clark para makita si Sabrina?
May relasyon ba silang dalawa? Nagdadalaga na si Sabrina. Lagi silang nasa kuwarto? May ginawa na ba silang hindi nila dapat gawin?
May ginawa ba si Clark sa anak ko na hindi ko alam kung kakayanin ko bang tanggapin kung malaman kong meron nga?
Naniniwala ako at gusto kong panindigan na mabait na bata si Clark. Na hindi niya magagawa ang kung ano man ang iniisip ko. Na kahit bata pa si Sabrina, alam kong kaya niyang respestuhin ang boundary nilang dalawa bilang babae at lalaki.
Gusto ko siyang tanungin, "Clark ano'ng ginawa mo sa anak ko?"
You can read the whole chapter on www.patreon.com/ElenaBuncaras
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top