Chapter 3: Setup

This chapter is dedicated to daintylei na first comment last chapter. Uy, may editing project ako ngayon na kapangalan mo ang bida hahaha for sure, familiar ang karamihan sa story na 'yon kasi sikat ang author.

Anyway, enjoy reading!

♥♥♥


May disclaimer naman na si Rico na baka nga raw umiyak si Sabrina sa kalagitnaan ng gabi. Ako naman ang mahimbing na natutulog sa gilid na nananaginip na may humihingi raw ng hustisya sa kanya.

Pabiling-biling ako sa kama kasi butil-butil ang pawis ko roon sa umiiyak na humihingi ng tulong, putang ina, sumigaw pa ako pagbangon ko sa sobrang takot.

Pagtingin ko sa gilid, kaya pala may umiiyak sa panaginip ko, may umiiyak pala talaga!

"Sab?"

Iyak na naman nang iyak si Sabrina habang nakapikit. Ibinangon ko agad siya saka ginising.

"Sab, ano nangyari?" Mabilis kong pinunasan ang mukha niya gamit ang palad. Nang manlagkit ako, kinuha ko na ang face towel na ipinatong ko sa nightstand at 'yon ang ipinampunas sa mukha niyang basang-basa.

Mugtong-mugto na naman ang mga mata niya, pulang-pula ang ilong at labi, pati pisngi. Wala siyang sinasagot sa tanong ko kaya inurong ko na lang ang sarili ko sa headboard para sumandal at doon ko siya sa balikat ko pinahiga.

"Tahan na, ha?" Nakailang tapik ako sa likod niya habang ipinapahinga rin ang sarili kasi ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko, akala ko kung sino'ng multo ang humahabol sa akin sa panaginip ko kaya umiiyak.

Ilang taon na rin kasi. Noong ako pa ang nagbabantay kay Sab, umiiyak pa rin naman siya tuwing gabi pero kapag pagod siya sa hapon tapos mananaginip nang masama.

Pero ilang taon pa lang kasi siya n'on. Kumbaga, normal din minsan sa mga bata na binabawian ng pagod sa pagtulog.

Pero 26 na si Sabrina. Kung dahil kay Ivo itong pag-iyak niya, parang ang scary naman yata ng iniiyakan niya para umiyak nang ganito kalala.

Anticipated naman na namin na bad shot talaga si Ivo kay Tita Tess, lalo na ngayon. Si Rico, paniguradong mas masama ang loob kasi nakita pa naming nag-post si Ivo ng bagong babae niya.

Kung may isang bagay lang siguro si Rico na hindi niya namana kay Tita Tess, 'yon na malamang na kapag nagagalit siya, vocal siya pero hindi siya gaanong namimisikal. Si Tito Ric, bihira kasing magbuhat ng kamay sa mga anak niya. Si Tita Tess, oo. Kung mananampal siya, mananampal talaga siya.

Ilang beses ko ring na-witness magalit si Tita sa mga anak niya, at nakaka-trauma rin minsan kasi hindi naman ako sinasaktan sa bahay namin.

Nasa biyahe na kami nang i-trace namin ni Rico kung nasaan si Ivo. Mula South, dumayo pa kami ng Tomas Morato sa North para lang makasapak kay Ivo.

Sabi ko nga, kung bubugbugin lang namin si Ivo, magpasalamat na lang siya. Kasi si Tita Tess, hindi pa namin alam ang plano. Sa amo ng mukha ni Tita, kayang-kaya niyang mag-summon ng mga demonyo any time kung gugustuhin niya.

Kung tutuusin, may expectations naman na kami kay Ivo. Hindi lang namin siya mai-separate kay Sabrina kasi may ugali si Sab na kapag hindi siya nasusunod sa gusto niya, ang dami na niyang ginagawang kung ano-anong kagagahan. Mukha tuloy kaming sira na sunod nang sunod sa gusto niya.

Ngayon, humiwalay na si Ivo. Baka kung anong kagagahan na naman ang gawin nito kapag hindi nabantayan.

♥♥♥


Kuha naman na namin 'yon na may pressure kaming lahat kasi si Patrick, nape-pressure din kay Melanie. Pangalawang kasal nina Rico at Jaesie, at wala pa kaming mga plano maliban kay Patrick na iniiyakan na si Mel dahil ayaw nga raw magpakasal ngayong August kasi nga, January ang usapan ng mga pamilya nila.

Damay-damay na kami sa pressure, tapos sumingit pa 'tong kay Sabrina.

Alam na ni Tita ang nangyari kina Ivo at Sabrina, at inaasahan naming may gagawin siyang masama. Pero 'yon ang point.

"If I do something sa lalaking 'yon, the suspects are very obvious," sagot ni Tita Tess bago sumisim ng tsaa niya. "Sabrina should have learned her lessons by now. She chose that pain; she must bear what it inflicts."

Kung kami lang kasi ang tatanungin, inaasahan talaga naming gaganti si Tita Tess para sa anak niya. Ganoon kasi ang nararamdaman namin, e. Pero nakakapag-post pa si Ivo sa social media. He looked okay. Although, alam naman namin na may fault din si Sabrina, pero kailangan kasi naming may panigan. And obviously, this time, gaya ni Cheska, hindi naka-side si Tita Tess sa anak niya kahit 'yon ang umiiyak ngayon.

"Hindi ka ba nagagalit na pinaiyak ni Ivo si Sab, Tita?" tanong ko ulit.

"She's crying because Ivo told her the truth na hindi sila puwedeng ikasal. At least, habang maaga pa, nalinaw na 'yan."

"Wala ka bang gagawin kay Ivo, Tita?"

"That kid is jobless! College dropout pa at walang kahit anong credentials! Ano'ng mapapala ko sa kanya? Babawiin ko lang ang mga ginastos ni Sabrina sa kanya, and I'm done!" katwiran ni Tita. "He can continue leeching out sa kung sino-sino pang babae, kung may mauuto pa siya. But I'll take the car, I'll take the luxury items, kukunin ko ang unit na binabayaran ni Sabrina for him, everything na ginastos ng anak ko, at bahala na siya sa buhay niya."

Kapag naririnig kong ganito ang paraan ni Tita Tess para magbayad ang mga tao sa pagpapaiyak sa anak niya, parang mas okay sa aking nag-resort siya sa mas brutal na paraan.

Aalisan niya ng bahay si Ivo, kukunin niya ang kotse, basically, sinisimot niya lahat doon sa tao.

Ewan ko na rin. Mahilig yata sa slow-burn punishment si Tita Tess, mas malala pa sa sana ipinakulong na lang niya si Ivo. At least, doon sa kulungan, may libreng pagkain at tirahan si gago.

"Si Sab pala, Tita, naiyak pa rin tuwing gabi, ano?"

Sinulyapan lang ako ni Tita Tess habang ine-enjoy ang tsaa niya.

"Naipagamot na ba 'yon?"

"Mild na 'yon ngayon after several therapies. She's taking melatonin gummies every once in a while, kapag wala siyang kasamang matulog."

"Sino ba lagi niyang kasamang matulog."

"Kuya niya, of course. And Ivo in his useful moments," sagot ni Tita sabay paikot ng mata.

"Paano 'yon, break na sila. E di, balik siya sa gummies."

"Wala siyang choice."

"Akin na lang anak mo, Tita! Ako mag-alaga," biro ko sabay ngisi sa kanya. Ang kaso, nanunukat agad ang tingin, nagbibiro lang naman ako. "Joke lang, Tita! Eto talaga, hirap biruin, e." Napanguso tuloy ako.

"Wala kang dine-date ngayon?" tanong agad niya.

"Sa ngayon po, wala. Busy kami kay Pat, ang hirap magsingit ng babae."

"Kayo nina Calvin, mga wala ba kayong balak mag-asawa?"

Napakamot tuloy ako ng ulo. "Tita, paano mag-aasawa, wala namang aasawahin. Si Calvin, naghihintay lang 'yan ng Chinese girl na ihahain sa kanya ng daddy niya. Si Will, alam mo naman, Tita, ang gusto ni Tito Abe, siya ang magkakasal, hindi ikakasal."

"At ikaw?"

Nagbuka ako ng bibig at may sasabihin sana kaso naitikom ko na lang ang bibig ko kasi wala akong masabi. "Saka na 'yan, Tita. Si Pat nga, hindi pa kasal, e. Saka dapat si Leo muna bago ako."

"Hmp!" Inirapan lang ako ni Tita Tess saka siya tumanaw sa malayo.

Big deal kay Tita Tess ang kasal ng panganay niya. Si Rico 'yon, e. Siya ang magdadala ng apelyido nila sa magiging mga apo. Kung family background ang basis niya ng pagpili, hindi talaga papasa si Jaesie.

German ang daddy ni Jaesie na kumuha na lang ng citizenship dito sa Pilipinas. Ang kaso, hindi ganoon kayaman ang daddy niya. Maykaya lang sila, nakatapak naman ng lower middle-income class. Kaya rin siguro mataas ang pangarap ni Jaesie para sa sarili niya.

Kung may dahilan man kaya pumasa si Jaesie kay Tita Tess, kung hindi ako nagkakamali, Purple Plate ang rason.

Noong pinaimbestigahan kasi ni Tita Tess si Jaesie, marami talagang nakalkal si Tita Tess na mas marami pa sa nakalkal ko noon about kay Jaesie.

Kaya iniisip ko, ano bang klaseng team meron 'to si Tita Tess at hukay na hukay lahat ng impormasyon sa kanya?

Maganda na sa 'kin ang credentials ni Jaesie mula sa pagiging machine operator niya at pagiging mekaniko niya noon out of necessity. Kasi bihira kang makakakita ng babaeng mekaniko. Tapos business-oriented. Goods na 'ko roon, e. Pasado na siya sa 'kin.

Pero si Tita Tess noong nagkalkal, kung puwede ko lang ibenta pa nang mas sobra si Jaesie sa kanya para kay Rico, ibebenta ko talaga si Jaesie sa kanya kesyo hindi ipinanganak na alta si Jae.

Mga nakita ni Tita Tess sa record ni Jaesie; three-time MVP player sa volleyball league, former research team leader sa Los Baños Urban Agriculture about crop production, member ng research team sa dairy training, tapos ambassadress pa ng bio-enterprise during entrep days niya sa college.

Sa isip-isip ko, akala ko, probinsiyana lang si Jaesie na lumipat dito sa Manila. For sure na mas marami pang alam sa farming, plant breeding, at research centers si Jaesie kaysa kay Rico. Good investment, practically para sa mga Dardenne.

Ang mas matindi sa lahat, naging big deal lang kay Tita Tess ang existence ni Jaesie kasi binigyan pala si Jae ng offer ni Tito Ric! At ang taas ng offer! Milyon, e. Pero declined kasi ayaw ibenta ni Jaesie ang recipe niya.

Kaya alam kong bago pa aminin sa amin ni Rico ang kanila ni Jaesie, alam na 'tong lahat ni Tita. At ang taas ng na-set na standard ni Jaesie para sa aasawahin ng buong barkada, to think na sa aming lahat, si Leo lang ang hindi dumaan sa kanya. Siya ang dumaan kay Leo at hindi sila magandang combination dahil mas nakakatakot kung nagkaroon man ng chance.

Kapag may gathering, lagi naming naririnig na baka may mahanap pa raw kami na gaya ni Jaesie.

Kaming mga ex-fling ni Jaesie sa mesa, nananahimik na lang, e. Kasi kapag nagsalita kami, mapapahiya talaga kaming magbabarkada.

Si Jae 'yon, e. Mahirap maghanap ng gaya niya.

Pero may dahilan din naman kasi kaya hindi siya nag-work sa aming magbabarkada maliban kay Rico. She just set the bar too high, but the standard varies.

Hindi ideal ang schedule ni Jaesie para sa love life. Ni hindi nga sila mukhang mag-asawa ni Rico, mukha silang business partners na laging may project linggo-linggo.

It varies.

Saka ayoko ng gaya ni Jaesie kung aasawahin lang naman. Kaya niya sarili niya, e. Siyempre, gusto ko yung mabe-baby ko. Kapag si Jae, baka sapukin lang ako n'on.

Kaya rin siguro ako napag-initan ni Tita Tess.

Naghahanap lang naman ako ng mabe-baby, nagulat na lang ako, may plano na pala siyang nakalatag noon pa.

♥♥♥


Hindi alam nina Mami na bihira lang akong umuwi sa bahay ko. Madalas kasi, nakikitulog ako kina Leo sa sala nila kapag wala si Kyline. Kapitbahay ko lang naman sila kaya ano lang ba kung doon ako matutulog.

Kaya napabalik ako sa bahay kasi tumawag si Mami, bibisita nga raw.

"Malungkot ka ba rito sa bahay mo, anak?"

"Hindi naman, 'Mi. Doon ako minsan kina Leo," sagot ko, nakasunod ang tingin sa kanya habang nagsasalin siya ng dinner namin sa ibang pan para initin.

"Wala ka bang dinadalang babae rito?"

Napangiwi ako sa tanong ni Mami. "'Mi, di ba, nag-usap na tayo diyan? Ayokong may babae rito sa bahay."

Nilingon lang ako ni Mami habang concerned na concerned ang tingin.

Ayoko ng babae sa bahay ko kasi karamihan ng kilala ko, mga pakialamera. Sa bahay lang ni Pat, nakikita ko sila, lahat na lang, ginagalaw. Yung iba, nangunguha pa ng kung ano-ano bilang souvenir, parang mga ewan.

Si Mami saka si Tita Tess pa lang ang babaeng nakapasok sa bahay ko. Si Ky, alam na dito ako nakatira pero ayaw niyang pumasok kasi pinipigilan din ni Leo. Si Mother Shin, inaya ko before, ayaw namang sumama. Si Jaesie, hanggang labas lang ng bahay ko at siya lang ang nakakaalam na tagarito ako. Maliban sa kanila, wala na akong ibang pinagsabihang babae na dito ako nakatira.

Naghain na si Mami ng beef steak na luto niya at nang-aamo ang tingin niya nang panoorin akong kumain. Hagod-hagod pa ang buhok ko.

"Kain ka na rin, 'Mi," aya ko.

"Busog pa ako, anak. Kakain ako maya-maya." Nginitian ako nang matamis ni Mami at hinagod naman niya ang likod ko.

Tahimik akong kumain, at hinintay talaga ako ni Mami na matapos bago siya nagsalita ulit.

"Bukas, anak, may pupuntahan tayo, ha?"

Napatingin ako sa kanya habang umiinom. "Hmm?"

"Magsuot ka ng formal."

"Formal? Suit and tie?" tanong ko pa.

Matipid ang ngiti ni Mami nang tumango. "Kasama naman si Dadi mo. May kakausapin lang tayo."

Nagduda agad ako. "Business meeting ba 'to, Mami? School-related? Mami, ayokong magturo sa college. Mangangarag ako, pramis!"

Natawa nang mahina si Mami sa sinabi ko. "Hindi ka magtuturo, ano ka ba naman, anak?" nakangiting sagot niya at hinagod na naman ang likod ko. "Si Dadi mo kasi, tinawagan kagabi. Sasamahan lang natin siya."

"Formal talaga, 'Mi? Baka puwedeng mag-polo. Ang init kasi. Naka-air con ba yung meeting place?"

"May air con doon, anak," paninigurado pa ni Mami, tapik-tapik ang balikat ko.

"Religion-related ba, 'Mi? Kasal? Binyag ba 'to? Anong kulay ng suit ang susuotin ko? Black? White?"

"Basta formal, anak, okay na 'yon. Guwapo ka naman, bagay sa 'yo ang kahit ano."

Napangiti agad ako. "'Yan gusto ko sa 'yo, Mami, e. 'Galing mong mambola."

Tinawanan lang ako ni Mami saka hinagod-hagod ang buhok ko. "Behave ka doon bukas, anak, ha? Mabilis lang naman 'yon. May kakausapin lang tayo tapos uuwi rin tayo agad."

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top