39: Unchosen

CHAPTER THIRTY-NINE
Unchosen


Posible pala 'yon 'no? Posible pala na gano'n kabilis na subukin ng tadhana ang dalawang taong nagsisinula pa lang? Posible pala na kahit kasisimula niyo pa lang ay may katapusan na agad na nakaabang? Mariing ipinikit ko ang mga mata ko nang muling mag-init ang magkabilang sulok no'n.

Dalawang linggo. Dalawang linggo na akong palaging nauuwi sa ganitong tagpo sa tuwing umuuwi ako. Sa harapan ng malawak na field sa gitna ng unibersidad. Nakaupo sa bench habang pilit na kinukumbinsi ang sarili na okay lang ang lahat.

Ilang araw ko nang pilit na kinukumbinsi ang sarili ko na okay lang. Na lilipas din ang mga araw na magiging maayos lang ang lahat sa pagitan naming dalawa. Ilang araw ko nang pilit na kinukumbinsi ang sarili ko sa isang bagay na hindi ako sigurado kung may kasiguraduhan pa ba. And pinagkaiba lang ng araw na 'to sa mga nakaraang araw ay hindi ako nag-iisa.

Sa loob ng dalawang linggo hindi ko alam kung paanong tila mahika na hindi kami nagtagpo. Ang isang napakaimposibleng bagay na katulad no'n ay nakakalokong nangyari ngayong mga panahon na kailangan ko ng ekplanasyon. Nasa iisang subdibisyon kami, magkapitbahay. Nasa iisang unibersidad at iisang gusali ang pinapasukan. Pero ni ang dulo ng daliri niya ay hindi sumagi sa paningin ko sa loob ng isang linggo.

Klaro na sa isip ko ang kagustuhan na pakinggan siya, ngunit paanong mangyayari 'yon gayong wala ni anino niya? Gusto kong isipi na umiiwas siya. Gusto kong isipin an baka nga totoong wala akong importansya sa kaniya. Na lahat ng mga bagay na namagitan sa aming dalawa ay biro lang at walang katotohanan. Na ang bawat buwan na nagdaan na puno ng saya ay pawang mga pagpapanggap lang. Pero malaking parte sa puso ko ang umaasa na kahit isang araw lang sa mga araw na 'yon ay totoo.

Pero ano pa nga ba ang totoo ngayon kung ang taong akala ko ay hindi ako sasaktan ay pinapahirapan ako ng ganito?

"Ano na ang plano mo ngayon?" Napabuntong hininga ako sa tanong na 'yon ni Veda.

"Hindi ba nagpaparamdam?" tanong naman ni Isa.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako sagumagot sa kanila. "Wala akong plano dahil hindi ko rin naman alam kung dapat pa ba akong gumawa ng hakbang para ayusin kung ano mang problema." Nilingon ko si Isa na katulad ko ay sa malayo rin nakatanaw. "Mababaw na ba ako?"

Agad na lumingon siya sa akin at maagap na umiling. "Of course not! Kung ako ang nasa sitwasyon mo ay baka umatungal na ako ng iyak."

"You feel used, Bliss." Nilingon ko si Veda na hindi naman nakatingin sa akin. "Malamang masasaktan ka. Higit na nasasaktan ka dahil ginamit ang kondisyon mo ng taong akala mo ay siyang nakakaintindi sa'yo ng lubos."

Napayuko ako sa sinabi niya. Muli na namang namuo ang mga luha sa mga mata ko sa muling pagsigid ng sakit sa puso ko. Tama siya. Tama siya sa lahat ng sinabi niya. Siguro iniisip ng ibang tao madali lang naman kalimutan at ipagsawalang bahala ang mga nangyari. Hindi naman big deal at madaling kalimutan.

Pero hindi kasi, e. Hindi nila alam ang pakiramdam na ginamit ka. Hindi nila alam 'yong pakiramdam na dati ka nang hirap hanapan ng halaga ang sarili mo at pilit na itinatayo ang kumpiyansa mo. Pero sa isang iglap lang ay mababalewala ang lahat ng iyon dahil mas pinili kang gamitin ng isang tao. Mas pinili ka niyang gamiting kasangkapan para sa sariling kapakanan.

Natatakot ako na baka bumalik ako sa punto na muli ko na namang ikulong ang sarili ko. Ayaw ko nang bumalik sa buhay na puno ako ng takot at wala akong kahit na maliit na porsyento ng kumpyansa. Gusto ko nang tuluyang talikuran ang punto na 'yon ng buhay ko. Pero paano ko gagawin 'yon kung ngayon pa lang ay muli na namang ipinaparamdam sa akin na hindi ako karapat-dapat na mahalin bilang tao.

"Hindi ko na alam. Paano kung hindi naman pala totoo ang lahat? Paano kung ginamit lang talaga niya ako?" sabi ko na hindi tinatago ang takot.

"Pero paano kung hindi?" makahulugang tanong ni Isa.

Umiling ako sa kaniya. "Ano man ang dahilan niya, hindi na mababago no'n ang katotohanan na ginamit niya ako at ang kundisyon ko."

"Naiintindihan kita. He was like a knight in shining armor who came into your life to shield you from any kind of pain. He was your hero. He lifted you up from your misery. And he gave you confidence to face the world with no worry. Pero ginamit ka niya. Natural na magagalit ka. Na tatanungin mo ang sarili mo ng mga tanong na hindi ka sugurado kung masasagot ba. Pero Bliss." Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng maliit na ngiti. "Alam ko na mahal ka niya. Nararamdam ko naman iyon kahit hindi tayo madalas na magkakasama."

Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko nagawang makasagot sa sinabi na 'yon ni Veda. Higit na mas naiintindihan ko ang sinasabi niya. Nararamdaman ko rin naman ang pagmamahal na tinutukoy niya. Alam ko na mahal ako ni Devyn ng higit pa sa pagmamahal ko sa kaniya.

Pero hindi ko maiwasan na kuwestyunin ang intensyon niya. At natatakot ako na dumating sa punto na ang pagmamahal ko para sa kaniya ay mabura ng dahil sa kasalanang nagawa niya.

Nawawalan ng pag-asa na napapikit ako ng mga mata habang ang ulo ay nakatingala sa madilim na kalangitan. Hindi ko alintana ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa lantad ko mga braso dahil mas nag-uumapaw ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

Napakuyom ako ng mga kamay nang sa pagpikit ng mga mata ko ay kusang nagbaliktanaw sa ala-ala ko ang mga masasayang tagpo sa pagitan naming dalawa. Mula sa unang beses na nagtagpo ang mga mata namin sa auditorium, hanggang sa pagtugtog niya ng gitara sa tent, hanggang sa araw na nagtanong siya tungkol sa panliligaw niya. Hanggang sa tagpo na sinagot ko siya.

Lahat 'yon ay pumasok sa isip ko na may takot na baka hindi na masunda pa ang alinman sa mga iyon.

"Schön."

Napadilat ako ng mga mata ko nang pumailanlang ang boses na iyon. My heart started beating fast. So fast that it aches that part of my chest where it was located. Two weeks without him was hell and now that I am hearing the pain in his voice, it doubled the pain that I am feeling.

Kakatwang siya man ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngunit nasasaktan din ako sa kaalaman na nasasaktan siya.

Nanikip ang dibdib ko sa paraan na nahihirapan na akong huminga. I took repeated deep breaths to calm myself but no to avail. Patuloy pa rin ang mabibilis at masasakit na pagpintig ng puso ko habang nakatingin sa kawalan.

Nakita ko siyang mabagal na naglalakad patungo sa direksyon ko. "Let's talk, please," pagsusumamo niya.

Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko nang magsalubong ang mga mata naming dalawa. Kahit na nararamdaman ko na ang pagkilos nila Isa at Veda ay nanatiling nasa kaniya lang ang paningin ko. Even when the both of them said goodbye didn't pass through my ears. Tanging siya lang ang nakikita ko at ang presensya niya lang ang nararamdaman ko.

Habang nakikipagtitigan ako sa kaniya ay siyang biglang paglitaw ng mga imahe sa utak ko. Mga imahe na para bang bumalik ako sa punto na pinapanood ko ang sarili ko mula sa screen sa saliw ng malamyos na musika. Mga imahe na siyang dahilan kung bakit nauwi kami sa ganito.

Mabilis na ibinaling ko sa kawalan ang mga mata ko nang muling sumigid ang sakit. Pakiramdam ko ay unti-unti akong bumabalik sa punto na sarili ko lang ang kakampi ko. Pakiramdam ko ay mas naubos na ang kung anong mayroon sa akin kaysa sa kung anong kakulangan ko noon. He took a big part of me with what he did. Hindi lang pagkainsulto ang nararamdaman ko. The great amount of betrayal is what's hurting me more.

Hindi ko inaasahan na siya pa. Hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba talaga? O pawang pagpapanggap lang ang mga namagitan sa aming dalawa? I tried my best to be passive when I feel the presence of a person on my side.

"I'm sorry," he whispered. Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagtanaw sa kung ano habang pilit na pinipigilan ang sarili ko na sugurin siya ng yakap. "I'm sorry If I did that," pabuntong hininga na sabi niya.

Umangat ang kamay niya upang marahang haplusin ang buhok ko. Nasa isip ko ang pag-iwas ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan ng puso ko na mapalapit sa kaniya.

"Hindi ko alam na mauuwi sa gano'n. Hindi ko intensyon, maniwala ka sana."

Humugot ako ng malalim na hininga matapos ay bumaling sa kaniya. "I want the truth, Devyn." Tinitigan ko ang mga mata niya at umaasang sa pamamagitan no'n ay maliwanagan ako ng bahagya. "Why did you use me?"

Nakita at naramadaman ko nang matigilan siya. Maging ang paghaplos niya sa buhok ko ay huminto hanggang sa tuluyan na niyang ibinaba ang kamay niya. Inaasahan ko na. Katulad ng unang beses kong naitanong pero umaasa pa rin akong iba ang magiging resulta ngayon. Gusto kong masaktan sa ginawa niyang pag-iwas ng tingin.

"Just be honest with me," mahinang sabi ko sabay baba ng tingin sa mga paa ko.

"It will hurt you."

Parang punyal na paulit-ulit tumarak sa dibdib ko ang sinabi niya. Kulang man sa impormasyon at hindi buo ang eksplenasyon ay nakuha ko na ang gusto niyang iparating. I am the perfect subject for a research. I am the perfect topic to be documented.

Gusto kong buhayin ang galit sa puso ko ngunit mas nananaig ang sakit at pagkatalo roon. "Nasasaktan na rin naman ako bakit hindi pa natin lubusin, diba? Sanay naman na akong masaktan kaya wala ng bago. You can't hurt me more than they hurt me. Parehas lang din naman na sakit iyon."

Kasinungalingan. Alam ko na magkaiba ang uri ng sakit na naramdaman ko noon na dulot ng mga estranghero sa sakit na idinudulot niya sa akin ngayon. Hindi kayang higitan, ni hindi nga kayang tapatan, ang sakit na naranasan ko noon sa sakit na dahil sa ginawa niya. Malaki ang pinagkaiba dahil mahal ko siya. Mahal ko si Devyn pero hindi na ako sigurado ngayon kung gano'n din ang nararamdaman niya.

I can feel the heat at the corner of my eyes. I can feel the rapid beating of my heart. I can feel my defenses crumbling down. And I can also feel the defeat in my soul. But I chose to feel nothing. I chose to coat my heart with nothingness as I brace myself for the pain that his words will cause me.

"You are perfect, Bliss. You are the perfect fit," mahina ngunit puno ng pagsisisi na sabi niya. "I've already lost a year. Isang taon akong huminto. I cannot afford to take another year in college. Kailangan kong pumasa, Bliss."

Mabilis na gumuhit ang mainit na luha sa magkabilang pisngi ko sa kumpirmasyon na iyon. Akala ko ay wala ng hihigit pa sa sakit na una na niyang ibinigay sa akin ngunit nagkamali ako. Isang pagkakamali dahil hinihiling ko na lang ngayon na bumalik sa punto na wala siya sa buhay ko. Dahil sa gano'n ay kuntento na ako. Dahil noon na puno man ako ng takot ay hindi ko nararamdaman na parang ginamit lang ako.

Mabilis na pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko para lamang mabigo dahil sa mga bagong luha na patuloy na naglalandas sa pisngi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para magawang mapigilin ang humikbi ngunit nabigo na naman ako. Ang kaninang mahinang pag-iyak ay nauwi sa isang masakit na hagulgol.

"I'm sorry if you feel like I used you. Maniwala ka, wala sa intensyon ko---"

"Pero ginawa mo," puno ng hinanakit na sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya ngunit hindi ko na iyon inintindi pa. "It felt like an answer to my problems when I first saw you at the auditorium, Alam ko, napakalaki kong gago sa ginawa ko. Ang gago ko kasi nakipaglapit ako sa'yo para lang magawa kong pumasa sa kolehiyo. At ang laki kong gago dahil kahit nahulog na ako ay nagawa ko pa ring ituloy ang nasimulan ko kahit na alam ko ang maaaring mangyari oras na malaman mo. Gusto kong pagsisihan ang mga desisyon ko pero..." Mapait na ngumiti siya sa akin. "Hindi ko magawa, Bliss Audrey. Hindi ko makuha sa sarili ko na magsisi."

Umiling-iling ako kasabay nang pagtatakip sa magkabilang tainga ko. Ayaw ko nang marinig. Wala na akong gustong pakinggan dahil habang mas binibigyan niya ng linaw ang ginawa niya ay unti-unti na naman akong nilulukob ng kadiliman.

Parang isang telenobela sa radyo na umalingawngaw sa pandinig ko ang bawat mga pangungutya at insulting natanggap ko simula pa noong unang nagkaisip ako. Naging sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko habang animo isinisigaw sa tapat mismo ng tainga ko ang lahat ng mali sa pagkatao ko.

Napatayo ako nang hindi na makaya pa ang sakit na nagmumula sa puso ko. Nagpakawala ako ng matinis na sigaw habang paulit-ulit na tinatampal ang magkabilang tainga ko na para bang kayang tanggalin no'n ang mga boses na naririnig ko.

"Anong nangyayari?" puno ng pag-aalalang tanong niya.

I shook my head harshly, ruthlessly that it's already hurting me, still trying to get rid of the voices that's resonating all over my head. Nagpatuloy lang ako sa paglulumikot habang pilit na pinapalis ang mga boses na iyon. Naging mas marahas ang naging pagkilos ko na nagagawa ko ng saktan ang sarili ko.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong uri ng sakit. Ngayon lang ako nakaramdam ng sakit na kayang higitan ang anumang uri ng pisikal na sugat na nakuha ko noon. Sobrang sakit na hindi ko na alam kung kaya ko pa bang makabagon. Sobrang sakit na maging ang kahit na anong uri nang pagpapatibay ng loob sa sarili ay nawalan ng epekto.

Mainit na palad ang nagpatigil sa akin sa mararahas na paggalaw. Nanghihina na napaupo ako sa damuhan at agad naman niya akong inalalayan at dinaluhan. Sa nanghihinang kamay ay pilit na pinalis ko ang mga kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

Unti-unting nawala ang mga tinig na nagtatawanan at nangungutya. Unti-unti kong naramdaman ang pagkalma.

"Huwag mo akong hawakan," malamig na sabi ko bagaman naroon pa rin ang sakit. "Tapos ka na diba? Tapos na ang parte ko sa buhay mo. The least you can do is to leave me alone."

"Mahal kita."

Pagak akong natawa. "Pero gago ka."

Hindi niya nagawang makasagot. Bumaba ang paningin ko sa bulsa ng pantalon ko nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko doon. Marahan akong tumayo habang sinisigurado na higit pa sa sapat ang distansiya sa pagitan naming dalawa.

Nangunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ni Kervin doon. Buong araw siyang wala at hindi pumasok kaya hindi kami nagkita mula pa kaninang umaga. Sasagutin ko na sana ng mamatay ang tawag.

"Bliss, listen to me, please? Mahal kita. Mahal na mahal."

Tiningnan ko siya ngunit walang salita na lumabas sa bibig ko. Alam ko na nagsasabi siya ng totoo pero hindi naging kabawasan iyon sa sakit na siya rin ang nagdulot. Muling natuon ang paningin ko sa hawak na aparato at dali-daling sinagot ang tawag nang muling mag-vibrate iyon.

"Kervin." Binalot ng kaba ang puso ko ng imbes na ang boses niya ang marinig ko ay ang mabilis na pagkilos niya ang sumalubong sa pandinig ko. "Kervin?" muling sabi ko sa naguguluhan at natatakot na boses.

"I need you here, babe. Please come here..."

Ang kaninang sakit na naramdaman ko ay napatungan ng matinding kaba sa naging tono ng boses niya. Ang kaninang mga nanunuya at nangiinsultong boses na kaninang naririnig ko ay natabunan ng puno ng takot na boses ng niya.

"Anong nangyari?" kinakabahan na tanong ko.

"Accident. Please, babe."

Mas lalong dumoble ang kaba ko nang mapagtantong hindi para sa sarili ang takot na nararamdaman niya. "Address, Kervs."

Pinutol ko na ang tawag at nasa akto na sanang babalik sa bench na pinagiwanan ko ng mga gamit nang humarang sa daraanan ko si Devyn. Naroon pa rin sa mga mata niya ang paghingi ng tawad ngunit ang pagsisisi na gusto kong makita ay wala.

Napangiti ako ng mapait. Totoong wala nga siyang maramdaman na kahit na anong pagsisisi sa ginawa. Totoong hindi niya makuha na magsisi kahit na ang kapalit no'n ay ang galit ko sa kaniya. Muli ko siyang tiningnan ngunit sa pagkakataon na ito ay hinayaan ko na siyang makita ang nararamdaman ko ngayon sa kaniya, pagkadismaya.

"Saan ka pupunta?" may bahid ng taranta ang boses na tanong niya. "Kay kervin?"

"Oo." Nagtangka ako na dumaan sa gilid niya ngunit maagap siya nakaharang sa harapan ko. "Kailangan ako ni Kervin. Padaanin mo ako, Devyn," napapagod na sabi ko.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Bliss Audrey."

Umiling-iling ako. "Ilang pag-uusap pa ba ang kailangan magdaan sa pagitan nating dalawa? Ilang beses mo pa bang kailangan na ipamukha sa akin na ginawa mo lang akong kasangkapan para sa sarili mong kapakanan?" Bumalatay ang sakit sa mga mata niya. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil sa kabila ng sakit na dulot niya ay nagagawa ko pa rin na makaramdam ng awa sa kaniya dahil lang sa nasasaktan siya.

Mariin akong pumikit at sa muling pagdilat ng mga mata ko ay nagsusumamong tumingin ako sa kaniya. "Hindi ka pa ba kuntento sa sakit na binigay mo sa akin, Devyn? O may isa ka pang proyekto na kailangang ipasa at ako na naman ang gagamitin mo?"

"No!" mariing pagtutol niya. "It's not like that, baby. Mahal na mahal kita. Maniwala ka naman sa akin."

"Naniniwala ako. Nararamdaman ko naman na mahal mo talaga ako." Nakita ko ang pagkabuhay ng ekspresyon ng mukha niya. "Pero hindi ko lang kaya na harapin ka habang naaalala ko ang ginawa mo habang ikaw ay hindi ko man lang makitaan ng kaunti pagsisisi sa sakit na idinulot mo."

Nawalan siya ng imik at napayuko. Ilang minuto pa ang lumipas na naghihintay ako ng tugon niya ngunit wala. Nanatiling tikom ang bibig niya habang nakapako ang paningin sa sariling mga paa.

"Aalis na ako," pagbibigay alam ko.

"Hindi ba puwedeng dito ka na lang?" nawawalan ng pag-asang tanong niya.

Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko sa naging tono niya. Muli ko na namang nakikita ang nasaksihan kong estado niya noon sa ospital. Muli na naman niya ipinapakita sa akin kung gaano siya kasira at kahina. Pero hindi tulad noon na handa akong damayan siya, ngayon ay ibang tao ang nangangailangan ng pagdamay ko.

"Kervin needs me."

"But I need you too," sinalubong niya ang tingin ko. Puno ng pagod ang mga mata na tumingin siya sa akin. "Kailangan din kita, Bliss."

It felt like a strong hand griped my heart hard when I saw the defeat in his eyes. Para siyang ilang araw na walang maayos na tulog at pahinga. Parang isang pitik lang sa kaniya ay bibigay na siya. Isang bagay na hindi ko napansin kanina.

Sa nalilitong tono ay muli akong nagsalita. "Kervin needs me."

"You are choosing him over me, your boyfriend."

Naguguluhan na tiningnan ko siya ngunit sa isip ko ay mayroon ng pasya. "Wala namang kumpetensya, Devyn. Sa simula palang na dumating ka sa buhay ko ay ikaw na ang pinili ko. Kervin knew his stand on my life, but you do not, clearly. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari. You want to have me after you used me. Bullshit, right?" Dumaan ang sakit sa mga mata niya sa sinabi ko. "I chose you over Kervin a lot of times. Gano'n ka kaimportante sa akin. Gano'n kita kamahal. Pero ngayon, hayaan mo naman akong piliin 'yong tao na kahit kailan ay hindi ako nagawang saktan. Let me choose the person who did nothing but to protect me. Let me choose right this time, Devyn."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top