02: Little One

CHAPTER TWO
Little One

"We want you to perform a piece in the act. If it's okay with you."

Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Kuya Gio. Pero alam ko naman na ang sagot kaya hindi ko na kailangan pa na mag-isip ng matagal. Marahan akong umiling at tipid na ngumiti, senyales nang pagtanggi. Hindi pa ako handa sa ganyan at hindi na ata ako magiging handa kahit kailan. Isipin ko pa lang na haharap ako sa dagat ng mga tao ay natatakot na agada ko, kumakabog na agad ng malakas ang puso ko.

Kaya nga pinili kong maging script writer kasi sa pagsusulat, there's no need for me to be in front of a huge crowd. Hindi ako makikita ng mga tao. It would always be better for me to stay behind the curtains. No eyes would look at me with disgust and judgement.

"Come on Bliss, just think about it, okay? Hindi mo naman kailangan ngayon sumagot. Give it some time and if you made your choice, whatever it may be, tatanggapin namin," sabi ni Kuya Gio matapos ay binigyan ako ng magaan na ngiti.

"Just think about it, Bliss. Please?" nakikiusap na sabi sa akin ni Isa.

Kahit naman pag-isipan ko pa nang matagal na panahon hindi na rin naman magbabago ang desisyon ko. Pero para pagaanin na lang din ang loob nila ay nag tumango na lang ako.

"Sige, pero huwag na kayo umasa kasi alam niyo naman na hindi ko kayang tumayo sa gitna ng maraming tao," mahina ang boses na sagot ko.

"Then forever be a coward."

Halos magkakasabay na lumingon kami paharap sa nagsalita. Akala ko ay niloloko lang ako ng pandinig ko sa boses na narinig pero sa tingin ko naman wala pang mali sa dalawang tainga ko. Si Devyn nga ang nagsalita.

Gusto ko man siyang kontrahin kasi hindi naman niya naiintindihan pero mas pinili ko na lang na manahimik dahil wala namang mali sa sinabi niya. Tama nga din naman kasi siya, e.

This is me being a coward.

Napatingin ako kay Kervin nang akbayan niya ako. Maybe he's pissed pero pinipigilan niya lang ang sarili niya at kinokontrol lang niya ang nararamdaman niya. Ayaw na ayaw niya kasing may naririnig na sinasabi tungkol sa akin na hindi maganda, mababaw man o hindi.

But people are entitled to their own opinion so there's nothing wrong with that. Pero ang katotohanan na sinabi niya ay masakit sa parte ko bagaman totoo 'yon.

"We understand you, Bliss. And you don't have to be mean Devyn," istriktong sabi ni kuya Gio kay Devyn na nagkibit balikat lang sa narinig.

"It's okay, Kuya. Wala namang mali sa sinabi niya."

The meeting ended earlier than planned. Nagdesisyon kasi si Kuya Gio na tapusin na agad ang meeting bago pa man tuluyang mag-build up ang awkwardness sa aming lahat. Mas lalo na sa part ni Kervin na kanina pa iling ng iling blang senyales ng hindi pagsang-ayon sa narinig mula kay Devyn.

Magkakasama kaming tatlo nila Isa at Kervin papuntang parking lot ngunit napahinto ako ng may naalala akong dapat sabihin kay Isa.

"Hindi mo ba ako bibigyan ng copy para sa act natin?" tanong ko sa kanya.

Normally kasi sa pag gawa ng script ay binibigyan niya ako kahit na assistant lang naman niya ako para kung may insights man ako ay puwede kong sabihin o i-suggest para mas mapaganda ang play. Kaya nagtaka lang ako na hindi niya pa ako binibigyan ng kopya ngayon.

"Hindi muna. Ang intindihin mo muna is 'yong decision mo about performing your piece. I understand you naman, girl, nang sobra-sobra. But try to give it some thought. Katulad nang sinabi ko sa iyo kanina, no one will judge you. Just be you."

Inakbayan niya ako habang naglalakad kami hanggang sa huminto kami sa gilid ng pulang Kawasaki Ninja na motor niya. Nakasunod lang naman sa amin si Kervin at nakikikig sa pinag-uusapan naming dalawa. Malamang nasisiyahan pa 'yan sa naririnig niya kasi someone is lifting up my self-esteem.

"Alam kong takot ka sa mga sasabihin ng iba not because you'll get hurt hearing them, but because you're afraid that it might hurt the people who loves you. I can't understand what you really feel. But I can assure you na hindi kami masasaktan katulad ng inaasahan mo. Trust me girl, we'll be the proudest when we saw you stand up on that stage. Believe me."

Bago pa man ako makapagsalita ay nagmamadali na siyang sumakay sa napakaporma niyang motor at nag-helmet. Mabilis na pinasibad niya iyon paalis bago ko pa man magawa na kontrahin siya Pasimple namang tumabi sa akin si Kervin at siya ang pumalit sa braso ni Isa na nakaakbay sa akin.

"She's right."

Inilahad ko sa mukha niya ang palad ko para patigilin siya sa pagsasalita. Alam ko naman na ang sasabihin niya e. He'll just agree to what Isa said. Hahaba lang ang diskusyon at pareho lang din ang maririnig ko. But it will be a long process for me to finally digest what they have been trying to say to me. Gusto ko rin naman na maging matapang sa paglalahad ng sarili ko sa publiko, but the society that I grew up with has always been so cruel. Walang araw na lilipas na hindi ipapamukha sa akin ng mga taong nakakasalamuha ko na kakaiba ako.

Maybe if I were born in a different situation with different people surrounding me, siguro hindi ako ganito, takot humarap sa maraming tao. Siguro ako duwag, at siguro may kumpiyansa ako.

"Narinig ko na Kerv. Uwi na lang tayo."

"Okay, babe."

"Babe ka riyam. Tigilan mo Kervin, ha?" sinimangutan ko siya.

Natawa lang siya sa sinabi ko at hinatid na ako sa passenger's seat ng sasakyan niya. The minutes we spend on the road on our way home was full of silence. Nabasag lang 'yon nang papasok na sa subdivision ang sasakyan niya.

Sa iisang exclusive subdivision lang kasi kami nakatira pareho. Ilan lang ang mga bahay dito at malalayo ang agwat sa isa't isa. Puro mga kilalang tao ang nakatira rito kaya mahigpit ang security sa area. Mayroon pa ngang dating presidente na nakatira rito pero ang alam ko nag-migrate na sila kaya bakante na 'yong bahay. May bakanteng lote rin bago sa bahay namin pero ang alam ko ay may nakabili na no'n at on-going na ang construction.

This subdivision is the perfect as a hiding place for me. Wala masyadong tao at madalang kung magpansinan ang mga tao. There's a high possibility na hindi ako makikita ng ibang mga residente. Na kahit maglakad-lakad ako ay walang mga mata na susunod sa bawat galaw ko.

Ang papa ni Kervin ay dating senador at ang mama naman niya ay sikat na aktress na umaarte pa rin hanggang ngayon. Ang yaman kaya ng taong 'yan. Kaya nga sumasabit na lang ako sa sasakyan niya dahil wala naman akong kotse. Tsaka hindi rin naman ako marunong magmaneho.

"Hindi mo naman siguro nakalimutan kung anong mayro'n sa Sunday, diba?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Sunday. Bukod sa wala akong gagawin kundi ang makipaglaro kila cloud at vanilla na mga aso ko. And Maxim kung pupunta sila--- MAXIM! Of course! How can I forget that?!

"Looks like you forgot. Anyway, just to remind you, babe. It's Maxim's first birthday this Sunday."

Napatingin ako sa kanya. Boses pa lang niya alam kong may tampo na siya. Bakit ba kasi nakalimitan kong birthday na pala ng cute na baby boy na 'yon?

"Hala! Dapat pinaalala mo! Wala pa akong regalo kay Maxim!" I slapped his arm out of frustration. Hindi ko dapat nakalimutan na birthday na pala niya. Hindi pa rin ako nakakabili ng regalo.

"You don't have to bring any gift. Your presence will do."

"It isn't just a simple celebration, isn't it?" medyo alangan na tanong ko sa kanya.

Malaki kasi ang pamilya nila na kabaligtaran naman ng pamilya namin dahil parehong only child ang parents ko, only child din ako. Ang pamilya naman ni Kervin ay malaki talaga, sa mga pinsan niya pa lang ang dami na. For sure naman hindi papayag si Tita Crisa, ang mom ni Kervin, na maliit na selebrasyon lang ang mangyayari para sa first grandchild niya.

Naramdaman kong hinawakan ni Kervin ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Will you be okay?" tanong niya sa akin.

Naramdaman niya siguro yung uneasiness ko sa mangyayari. Mangyayari pa lang pero alam ko na 'yong pakiramdam. Nararamdaman ko na agad 'yong mga tingin na ipupukol sa akin ng mga tao.

To be honest, wala naman talagang mali sa akin e. It's just that people tend to give someone, who's different from the usual, stares and unnecessary comments that's making the person uncomfortable. Kaya mas pinipili na lang nila, mas pinipili ko, na huwag magpakita even though I wanted to.

Nagkibit-balikat lang ako sa tanong niya. Hindi ko rin naman alam kung anong mangyayari, e. Pero hindi naman ako puwedeng mawala sa birthday ni Maxim dahil bukod sa inaanak ko siya ay halos anak na ang turing ko sa bata.

"Siguro I'll just stay in Maxim's room? Or sa gazebo? Or sa tree house?" unsure na sagot ko. Makakaisip naman siguro ako ng paraan para hindi ako mapansin ng mga tao.

"Let's just make things work," sabi niya at bahagyang pinisil ang kamay ko.

"Don't worry, I'll be fine. Anyway, uuwi ba si Kuya Kyle?" pag-iiba ko sa usapan naming dalawa, dahil kung hindi ko gagawin iyon ay paniguradong tuluyan ng mawawalan sa mood si Kervin.

Si Kuya Kyle ang panganay na kapatid niya, lima kasi silang magkakapatid, Si Kuya Kyle ang panganay na nasa Canada ngayon dahil nag-migrate na sila ng asawa niya doon 2 years ago. Pangalawa si Kuya Ken na kasama nila sa bahay currently working as an engineer sa isang company, single pero babaero. Pangatlo si Kervin, pang-apat si Klea na senior high school na ngayon at bunso naman si Koby na grade six pa lang.

"Siguro, nasabihan ko naman na siya, e."

After a 5-minute drive ay nakarating na rin kami sa tapat ng bahay namin sa wakas. He was the first one to step out of the car para lang pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Siguro kung may makakakita lang sa aming dalawa, iisipin na may something nga sa amin.

Katulad ng madalas na sinasabi ng mga tao sa tuwing nakikita kami, we looked, and we act like a couple. Even our schedules in school, sinadya niyang mag papalit ng night shift para lang may maghahatid at magsusundo sa akin. Pero wala talaga. We will never cross the line. I wouldn't dare.

Nagpaalam na kami sa isa't isa, pero siya ay paulit-ulit pang pinapaalala ang birthday ni Maxim sa linggo na hindi ko naman na makakalimutan. Hindi ko na rin naabutan sila Mom and Dad at baka nagpapahinga na silang dalawa.

The rest of the night passed by with me thinking what the best gift for Maxim on his birthday would be. And I found myself coming up with a decision, pupunta akong mall para mamili ng puwede kong ibigay kay Maxim. That thought alone made my heart hammered so hard with so much nervousness. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko o sa huli ay magsisisi lang ako.



HUMUGOT AKO NG malalim na hininga gabang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa whole body mirror na nandito rin sa walk-in closet ko. It's Saturday, at gaya ng plano ko ay pupunta ako ngayon sa mall para bilhan si Maxim ng regalo. Nagsuot lang ako ng plain brown hoodie at black pants and I partnered it with my white sneakers. Hindi na rin ako na nag-abala pa na maglagay ng kolorete sa mukha dahil hindi naman no'n magagawang baguhin kung sino ako talaga.

You can do it, Bliss!

Isang buntong hininga pa ang ginawa ko bago ako nagdesisyon na tuluyan nang lumabas. Naabutan ko si Mom sa salas na tahimik na nakaupo habang may hawak na may kakapalan na papel at nagbabasa. On-break kasi siya ngayon kaya hindi muna siya tumatanggap ng trabaho. Si Dad din sa pagkakaalam ko ay naka-break din kaya madalas sila dito sa bahay.

"Mom," tawag ko sa kanya at agad naman niya akong nilingon. Ngumiti siya sa akin ng maaliwalas at tinapik ang kanang bahagi ng inuupuan na tila inaanyayahan akong maupo sa tabi niya.

"Going somewhere?" tanong niya.

"Hmm. Bibili lang ako ng gift ni Maxim."

"Oh right. Birthday niya nga pala this sunday."

"Yes. Pupunta ba kayo ni Dad?"

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa inilapag niyang binabasa kanina bago makalapit. Loving the Different You. 'Yan yung nakalagay. Pero sa tingin pa lang alam ko ng hindi siya libro. It's a script!

"You have a project again?!" excited na tanong ko.

"Yes, a movie with your Dad." Napatili ako sa sinagot niya sa tanong ko. Nagtatalon na rin ako at bago ko pa man mapigilan ang sarili ko sa sobrang tuwa, niyakap ko na ng mahigpit si mom na natatawa na lang sa naging reaksyon ko.

My Mom and Dad are both in the acting industry, at 3 years ago pa ata ang last na movie na pinagsamahan nila. And after that puro sa small screens na lang sila pareho up untill last month na sabay silang nag-break sa industriya.

"Mom! I'm so excited for this movie!"

Natawa siya sa naging reaksyon ko. Nakakatuwa lang kasi makikita ko na naman ang parents ko na magkasama sa big screen.

"And I also want to consult you about something. Pero mamaya na lang siguro para kasama natin ang Dad mo."

Nag-agree na lang ako kahit gusto ko nang malaman kung ano ba 'yon. Pero mas maganda na nandito na rin si Dad kapag sinabi ni mom ang gusto niyang sabihin.

Nagpaalam na rin ako sa kaniya at umalis na para maaga na rin akong makauwi At first, nag-alala pa siya since 3 months ago na ata noong huling lumabas ako na mag-isa lang. Pinahatid na lang niya ako kay Kuya Sonny para hindi na raw ako mahirapan pa sa pagpunta sa mall na siyang ipinagpasalamat ko dahil hindi ko na kakailanganin na mag taxi pa.

Pagkaapak ko pa lang sa entrada ng mall ay nararamdaman ko na agad ang mga tingin ng mga tao sa akin. I quietly put on the hood of my hoodie to cover all of my face and kept my head bowed down so that they won't see me. Kinakabahan ako pero alam ko namang kaya kong pumasok sa loob kahit pa maraming pares ng mga mata na nakasunod sa bawat galaw ko. Hindi na rin naman nila ako makikita ulit kaya okay lang sa akin.

Pumasok na ako sa loob pero naroon pa rin ang mga tingin nila. Maybe they find me weird kasi iba naman ang appearance ko kumpara sa karamihan. Hindi ko na lang sila pinansin at nagikot-ikot na lang muna ako. At first, nakakailang pa rin para sa akin but as time goes by nasanay na rin ako. Hindi man nawala ang tingin nila pero nagawa kong ignorahin ang mga 'yon.

Inabot ako ng trenta minuto sa pag-iikot sa buong mall para maghanap ng puwedeng iregalo kay Maxim. Pumasok ako sa Baby's World, a store for baby stuff, na nakita ko sa isang gilid habang tahimik na nagdadasal na may mahanap na akong regalo. Pakiramdam ko ay nagningning ang mga mata ko habang nakatingin sa bagay na 'yon na nakakuha ng atensyon ko. Maliit siya na sasakyan na pangbata. Puwede siyang paganahin through remote control pero puwede rin naman gamit ang mga controls sa loob mismo ng maliit na kotse. Maxim would be so cute using this mini car!

Excited na nagbayad na ako habang sa utak ay naglulumikot pa rin ang imahe ni Maxim sakay sa sasakyan. Matapos maibigay ang impormasyon kung saan ide-deliver 'yon ay lumabas na rin ako.

Pauwi na dapat ako pagkatapos kong mamili nang makakita ako ng bake shop sa loob ng mall. Agad na pumasok sa isip ko sila Mom and Dad. Agad na bumili ako ng maliit na chocolate cake para i-celebrate ang balik-tambalan nilang dalawa sa isang pelikula. After kong makabili ay agad na lumabas na ako ng mall at hinihintay ko na lang si Kuya Sonny na siyang magsusundo sa akin.

I was busy hiding myself under my hoodie when I heard someone spoke behind me.

"Hey coward."

I don't know if it's for me kaya hindi ako lumingon. Pero pamilyar ang boses sa akin, ayaw ko namang maging assuming na lumingon tapos hindi naman pala ako yung tinatawag. At ayaw ko namang panindigan ang pagiging coward. Just like what that Devyn guy said the other day.

"Hey."

Napalingon na ako this time dahil sa naramdaman ko nang may kumalabit sa akin. At kaya naman pala pamilyar ang boses niya, because he was Devyn. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko sa kanya at kung ano ba ang kailangan niya sa akin. Ngumiti na lang ako ng bahagya sa kanya bago muling nagbaba ng tingin.

I was about to move away when he called me again. May inilabas siyang dalawang papel pero hindi ko mabasa ang nakasulat doon dahil malayo sa akin. Naglakad siya palapit kaya automatikong napaatras ako ng isang hakbang.

"Can you do me a favor? Watch a movie with me?"

Napatingin ako sa kanya, nawiwirduhan sa mga salita na lumalabas sa bibig niya. The last time I checked we are not close for him to invite me to watch a movie with him. At medyo hindi maganda ang first meeting naming dalawa. I can still remember what he said. And now, he's even calling me a coward. Again.

"Okay ka lang?" Naguguluhang tiningnan ko siya. Hindi lang kilos niya ang nagpapalito sa akin kundi maging ang dahilan kung bakit niya ako nilapitan.

"Come on. Think of it as my apology for what I've said the last time."

Hindi na niya ako binigyan pa ng oras para mag-isip dahil bigla na lang niya akong hinila sa manggas ng hoodie ko para hilahin ako papasok muli sa mall. Kinuha niya mula sa kamay ko ang cake na dala-dala ko at siya na ang nagdala no'n.

Okay, mukha bang may choice pa ako? Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko gamit ang bakanteng kamay habang hatak-hatak niya pa rin ako gamit ang manggas ng suot ko. I dialed Kuya Sonny's number para sabihin na medyo matatagalan ako ng uwi. Pero hindi ko pa man napipindot ang call button ay nag pop-up na ang caller ID ni Kervin.

"Kervs?" sagot ko sa tawag niya.

Saglit na nahinto sa paglalakad si Devyn at napatingin sa akin. Nangunot ang noo ko nang mapansin kong medyo kumunot ang noo niya. Ano na namang problema niya?

"Hey, you're in the mall, right? Nasabi sa akin ni Tita," tanong ni Kervin na nasa kabilang linya.

"Yes, bakit?"

"What time do you think you'll be done? I'll pick you up. May kailangan din kasi akong daanan diyan for Maxim's party tomorrow."

"After two hours?" unsure na sagot ko.

Siguro naman by that time ay tapos na ang movie na panonoorin dapat namin diba? 2 hours lang naman ang movie.

"Okay. I'll call you later."

"No, just text me kung nandito ka na."

Binaba na niya ang tawag after niya magpaalam. Nag text na lang ako kay kuya Sonny and he said okay at mauuna na lang daw pauwi. Mabilis na narating namin ang cinema at inalalayan niya akong pumasok dahil madilim na ang loob nang makapasok kami.

"Wala akong makita," mahinang bulong ko.

I have a poor eyesight at hindi nakatulong ang dilim ng lugar sa akin. Wala sa sariling napakapit ako sa laylayan ng puting t-shirt na suot niya at sa ganoong ayos hinayaan ang sarili na magpatangay sa kaniya.

He was leading our way but was still able to assist me. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niyang kanina ay hawak ang manggas ng hoodie ko sa kamay ko na nakahawak sa damit niya. Nahigit ko ang sariling hininga sa biglang pagsalakay ng kakaibang pakiramdam ang kiliti sa iba't ibang parte ng katawan ko nang sa unang pagkakataon ay nagdikit ang balat naming dalawa. Mabilis na umiling ako upang maiwaksi ang mga kakaibang pakiramdam at kaisipan na idinulot niya sa akin kasabay nang mariing pagtutol ng utak ko para sa mga kakaibang pakiramdam na 'yon.

Itinuon ko na lang ang pansin sa dinadaanan at nakahinga ako nang maluwag nang piliin niya ang puwesto sa pinakadulo ng cinema. Wala kaming dalang pagkain o inumin man lang. Sarili lang talaga namin ang dala naming dalawa. And the cake na hanggang ngayon ay bitbit niya pa rin. Hindi ko nga rin alam kung anong movie ba ang panonorin namin, e. I just hope na hindi siya romance.

Tamihik lang kaming dalawa nang magsimula ang palabas, kapuwa nakakulong sa sari-sariling mga mundo. But the awkwardness is greater than the silence, dahil ramdam ko naman na hindi siya komportable sa puwesto niya. Ako rin naman, lalo na at hindi naman ako madikit sa mga lalaki talaga. Well, except kay Kervin at Dad. And the brothers of Kervs.

I almost sighed in relied when I realized that the movie wasn't romance. It's a Korean action movie, na balita ko ay sikat daw pero wala naman akong time na panoorin. I tried my best to focus on the film and understand the story, but I failed. Paano ba naman kasi, naririnig ko si Devyn na bulong nang bulong sa upuan niya na sure naman ako na hindi related sa pelikula ang mga pinagsasabi niya.

"Okay ka lang ba?"

Napatingin siya sa akin pero hindi naman siya nagsalita. Hindi ko na lang pinansin at ibinalik ko na lang ang tingin ko sa screen.

"I'm sorry."

Awtomatikong bumaling ang ulo ko kay Devyn nang magsalita siya. Tama ba ang narinig ko? Did he just say sorry?

"Sorry? For what?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

As far as I remember, wala naman siyang kasalanan sa akin. Hindi lang maganda ang first meeting namin pero hindi sapat 'yon para maging kasalanan.

"For the first time we met?" hindi rin siguradong sagot niya.

Natawa ako nang mahalata na hindi rin niya alam ang dahilan ng paghingi niya nang tawad sa akin.

"Kung tungkol 'yan sa nasabi mo noong nakaraan, okay lang."

"But I mean it though."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "It's fine. If that's how you see me then," I shrugged both of my shoulders.

Wala namang kaso sa akin 'yon. Ewan ko lang kay Kervin kasi mas affected pa sa akin ang taong 'yon pag dating sa ganitong usapan.

Gulat na nagpatingin ako kay Devyn nang hilahin niyang muli ang manggas ng damit ko para makatayo ako. He didn't say anything and just took me out of the cinema. Hindi na ako nakipag-argumento dahil ang totoo ay hindi ko na rin naiintindihan pa abg itinatakbo ng pelikula. Lumabas kami at napadpad sa isang cafe para kumain ng miryenda, na siya ang nagbayad sa kabila nang pagpipilit ko na bayaran ang sariling pagkain.

"I won't let you pay. Not when you are with me, alright?"

Bahagyang umusli ang nguso ko sa pagpipigil na ngumiti sa istriktong dating ng boses niya. "Okay," pigil ang ngiti na sabi ko.

"Good." He faced the counter again snd ordered our food.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako umaalis na siyang dapat ay kanina ko pa ginawa. I am not really comfortable to be left alone with a guy but being with him feels different. For some reason ay bigla na lang nawala ang kaninsng awkward feeling na bumabalot sa amin. And he made it easy for me to feel comfortable even though this is just the second time the we met.

Everything was moving smoothly until everything started to go south when reality hit me again like a roaring thunder in the sky amidst a heavy storm. Two girls who were standing right before us were eyeing me. Halos magkapanabay na tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa, sa nanunuyang paraan.

"Sa tingin mo ilang galon ng gluta ang pinaturok niya? Isn't her skin color too much? And look, even her hair and eyebrows are white." sabi ng isang babae na hindi ko naman kilala sa kasama niya.

Hindi ko alam kung narinig din ba ni Devyn but I've decided to do what I always do whenever I face people like them. I don't want to make Devyn feel uncomfortable kaya gumawa ako ng excuse na may kikitain at hindi na hinintay pa ang magiging sagot niya. I existed the shop while covering my head with the hood of my hoodie. Nakayuko ang ulo na naglakad ako patungong parking lot habang nasa isip pa rin ang mga salita ng babae kanina.

"What now? Running away again?"

Gulat na napabaling ako sa boses na 'yon ni Devyn. Seryosong nakatingin lang siya sa akin habang ako ay gulat sa naging pagsunod niya. Ang inaasahan ko ay pababayaan niya na lang ako dahil hindi nan kami gano'n kalapit sa isa't isa kung tutuusin.

"Running away?" pag-uulit niya.

I'm not. Ayaw lang kitang ilagay sa awkward na sitwasyon. Hindi ko na lang siya sinagot at nag-iwas ng tingin bago tinawagan ko na lang si Kervin.

"Kervs, san kana?" bungad ko.

"Malapit na ako. Tapos na ang movie?"

Mabilis na kumunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko sinabi sa kaniya na manonood ako ng movie kaya paano niya nalaman? Kusang dumapo ang paningin ko kay Devyn nang makita kong nag-iwas siya ng tingin. What was that?

"Yes. Nasa parking lot ako."

Nakarinig ako ng langitngit ng sasakyan mula sa harapan kaya agad akong bumaling doon para lamang mabungaran ang papalapit na sasakyan ni Devn. Mabilis na umukit ang masayang ngiti sa mga labi ko nang makitang lumabas ang lalaki bitbit si Maxim sa isang braso.

"Why did you bring him?"

"He's been crying non-stop until I took him inside the car."

Ipinasa niya sa akin si Maxim na nakangiti na ngayon. Kinuha naman niya ang cake na dala ko at nilagay sa backseat ng sasakyan niya.

"I'll just get Maxim's clothes for tomorrow. Wait for me in the car," he instructed.

Tumango lang ako at pumasok na sa sasakyan niya nang hindi na nililingon pa si Devyn. Bahala na sila. Their actions and words confused me but I chose to let it go.

I put Maxim on my lap, and he immediately started playing with my shirt. Sa tuwing tinititigan ko talaga siya hindi ko maiwasan na makita ang mukha ng mama niya sa kanya. He's a carbon copy of his Mom. He's beautiful. Mahaba ang pilik mata niya at kulay asul ang mga mata niya. May pagkabrown din ang buhok niya at maputi ang balat niya.

"You are so precious, little one. Only if your Mom could see how much you've grown." I said to him in kiss the tip of his nose.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top