Chapter 7

EACH student examined the newly discovered bones excavated around the cave, the newly discovered cave in Tuguegarao after the earthquake, near the Callao cave. These fossils, according to researchers, are comparable to those fossils unearthed in 2003 at Callao Cave, which they believe belong to a new species of early human dubbed Homo luzonensis. Homo luzonensis exhibits a combination of ancient and contemporary characteristics: most of its teeth are tiny and simple in shape, comparable to modern humans; while its finger and toe bones resemble those of Australopithecus, the progenitors of humans who last wandered in Africa some 2 million years ago. They also studied the material remains such as artifacts. 

Their attention was drawn to their professor as he approached them.  He was accompanied by a man in his seventies.

"Everyone, this is Archaeologist Armadillo Tavarez, a leader of this project."

Sabay-sabay na bumati ang lahat sa lalaki. "Good morning, everyone. I'm delighted to meet all of you, future archeologists. I'm hopeful one of you will join our team in the future." With a smile on his lips, he cast his glance to the students. His eyes passed her, but then he did a double take, it was as if he recognized her or noticed something strange. The instant his gaze met hers, the smile on his lips vanished. Awkward na ngumiti si Beatrix. Naiilang siya sa pagtitig ng lalaki sa kanya. 

***
NANG mapagod sa pagpapa-picture ay naupo si Beatrix sa silyang nasa ilalim ng tent. Nakuntento na lang niyang pinanood si Luna at Faro na kumukuha ng larawan. Ginawa nilang photographer si Luna. Ayaw naman ni Luna magpakuha ng larawan kaya sila na lang ni Faro ang kinuhanan nito. Hindi pa rin tapos si Faro. Lahat na anggulo na yata ay ginawa nito. Tingin niya kung wala lang itong obligasyon sa Paganus ay baka nag-model na itong si Faro. GGSS pa naman ang isang ito. 

Mula sa mga kaibigan ay bumaling si Beatrix kay Mr. Armadillo Tavarez nang tumikhim ito. Tipid niya itong nginitian. Bumaba ang paningin nito sa bakanteng folding chair, humakbang at naupo roon. He let out an audible sigh. That sigh is an indicator of how at ease he was. Nakakarelax din  naman kasi talaga ang lugar na ito. Kahit saan mo ibaling ang paningin ay berde ang kulay na matatanaw dahil sa iba't ibang halaman na naroon at nagtatayugang mga puno sa paligid. Sumimangot siya nang mahagip ng paningim ang nakakakasira ng ganda ng lugar–ang malaking hukay sa paligid ng kuweba. Doing a scientific excavation is not only costly, and time-consuming, but destructive to nature.

"We are responsible archaeologists." Naibalik niya ang tingin sa lalaki. Mukhang nahulaan nito ang nasa isip niya. Tipid na ngumiti si Beatrix. 

"Why are you interested in this field?" he asked. 

"Women with beauty premium would prefer to pursue modeling career o di naman kaya'y pag-aartista. They are more inclined to utilize their attractiveness to get more money in an easy way. Tingin ko mas bagay ka sa modeling kaysa sa ganitong field. Panlalaki ang ganitong career. Nakakapagod."

Ang baba naman ng tingin ng lalaking ito sa mga babae. "Baka iyon po kasi ang gusto nilang career…katulad din ng mga lalaking piniling maging modelo. Women are free to do anything they choose. "There is no job that a woman cannot do as well as a man."

"Oh, I'm sorry! I didn't mean to offend you." 

"No, sir." Hindi naman siya na-offend para sa sarili niya kundi sa pagtingin nito sa kakayanan ng isang babae. Maraming kayang gawin ang babae. Si Luna nga naging life saver ng angkan ng Paganus at Lycan. Tumanaw ito sa malayo at ganoon din siya. 

"Pero hindi ko naman po talaga ito bet noong una. Hindi ko nga alam kung ano ang gusto ko. I couldn't decide. Ginaya ko lang si Luna…iyong kaibigan kong 'yon." Itinuro niya si Luna na buong tiyagang sinusunod ang gusto ni Faro.

"Siya talaga ang gustong maging archeologist. It sounds exciting, kaya nag-enrol din ako. But I like it now…parang ang exciting mag-hunting treasure." 

Marahang natawa ang professor. "This profession is a really exciting job. By visiting archeological sites around the world, you can transport yourself to a different time and places. You would understand the cultural, religious, and political life of ancient humans." Nang ibalik nito ang tingin sa kanya ay matiim itong tumitig. "And the discoveries. You can discover something you never expected." 

"What are the greatest archeological discoveries you've unearthed?" curious niyang tanong. Nanatili itong nakatitig sa kanya na tila ba tinatanya kung sasabihin ba nito o hindi pero sa bandang huli ay nagkuwento ito.

"In a cave in Portugal…we unearthed a limestone coffin." Bahagyang tumaas ang kilay ni Beatrix sa sinabi nito. Is it great or interesting? It's a common archeological discovery unless may lamang mummy na maaaring mabuhay. 

"How noteworthy is it in comparison to other discoveries? May mummy po bang laman?" In a joking tone, she inquired.

"A limestone casket housed an incorruptible body...a woman of corpse with a silver knife lodged in the chest. An unremovable knife. Isn't it magical?"

Beatrix's grin faded as his statement sparked curiosity in her. "An unremovable knife?" 

"Yes. Kahit ano'ng klaseng gamit na ang ginamit namin para tanggalin ang punyal na nakatarak sa dibdib niya ay hindi matanggal."

"Wow! That will be the greatest discovery of all time. May plano po kayong isapubliko ito?" 

"I'm not sure. Hindi ko pa 'yan pinag-iisipan. May hinahanap pa ako. Pero tingin ko malapit na. Malakas ang hinala ko na may Elysian pa rin na namumuhay sa panahon na ito." Bahagyang namilog ang mga mata ni Beatrix sa tinuran ng professor. 

"E-elysian?" 

"Hmm. A tribe that was last seen almost 2 centuries ago. Pinaniniwalaan na ang labi na lang ng ito ang natira…ang ibang mga Elysian ay pawang nasunog na kahit buto ay naabo." 

"Paano niyo naman pong nasabing isa itong Elysian?" 

"Sa kuweba ng Elysium, ang kagubatan kung saan naninirahan ang tribu ng Elysian natagpuan ang naturang labi, kaya natitiyak naming isa itong Elysian." They were aware of Elysian's existence. Elysium, according to Manoela, is a little tranquil village, similar to one where a Paganus resided, but it's now part of modern-day Portugal's northwestern region, with no precise location as if it never existed. It seems like a lost village. Following the hamlet's burning by Lusitania and Seraphim, a major volcanic eruption occurred, burying the settlement in ash and pumice. The eruption destroyed the settlement and killed all of its inhabitants. Mahirap tukuyin kung saan matatagpuan ang lugar katulad kung gaano sila nahirapan ni Romulus hanapin ang himlayan ni Lusitania para kunin ang angel's dagger noon. Kung hindi sa tulong ni Manoela ay hindi nila iyon makukuha. Para na lang itong isang matandang kuwento na maaaring totoo o hindi.

If this man is rigth, and If it's Elysian who it was? It might be one of the Elysians who died before the tragic incident and it might be known by Manoela.

"If you want to see it. You can visit me in my lab. Naroon ang labi." Kung kanina ay namamangha siya. Na-e-excite na makita ang labi hindi ngayon. Marahil bilang isang Elysian ay nais niya ang katahimikan para sa nilalang na iyon kung sino man iyon. At katulad ng sinabi ng lalaking ito, hinahanap nito ang iba pang kauri nila. Hindi niya alam kung bakit ganito ito kainteresante sa Elysian. May alam kaya ito sa kung ano'ng kapangyarihan mayroon ang Elysian?

"Dinala niyo sa Pilipinas? Hindi po ba dapat hinayaan niyo lang ito sa lugar kung saan niyo siya nakita."

Umiling ang lalaki. "I'm an archeologist and my major job is to discover and study things to get a better understanding of historical societies." 

Manoela should know about this. Marahil ay alam ni Manoela ang kuwento sa likod ng naturang labi. An incorruptible corpse of a woman with an unremovable knife on her chest. Ano'ng klaseng misteryo ang bumabalot sa nilalang na iyon.

"Do you believe in reincarnation?" That inquiry jolted her awake from her reverie.

"Ho?" 

"Reincarnation. Do you believe that?" 

Napaisip siya. Noon hindi niya alam kung paniniwalaan ang bagay na iyon hanggang sa dumating si Javiah, na sinasabi ni Luna at Fhergus na reincarnated ni Octavia, ang kapatid ni Fhergus na pinatay ni Oz at Seraphim. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Beatrix saka tumango. 

"Yes." 

"They claim you'll sense things before they happen and have déjà vu, and that's one of the few evidence your soul has reincarnated; have you had those experiences?"

"Sometimes. Dreams…I'm not sure if it's connected in my past life." May kakayanan siyang makita ang nakaraan at hinaharap. Noong hindi pa niya kayang manipulahin ang kakayanan niyang iyon ay madalas sa kanyang panaginip niya nalalaman ang kanyang pangitain. 

"What kind of dreams do you have?" Tinitigan niya ang lalaki. Nagtataka sa pagiging matanong nito. He's an archeologist. He definitely believes in science rather than myth or the supernatural. Or maybe he believes it as well. There are lycans, demons, fairies, and witches, and this man may be one of the few who believes in them.

Hindi dapat pero natagpuan ni Beatrix na patuloy na nakikipagkuwentuhan sa propesor. "I had a dream about a child...a girl who was trapped in a fire and cried out for rescue." Tumaas ang mukha ng lalaki at matiim siyang tinitigan. Hindi niya sigurado pero kita niya ang katuwaan sa mga mata nito dahil sa sinabi niya. And for some reason, she wanted to foresee something about this man. She finds him mysterious. Hinugot nito ang pitaka sa bulsa at mula roon ay kumuha ng calling card at inabot sa kanya. "Visit me in my lab if you are interested about this Elysian. I'll show you her."

Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong calling card. Pangalan nito ang naroon, numero at address ng lab nito na nasa Manila pa. 

***

HINDI mawala sa isip ni Beatrix ang mga panaginip nang nagdaaang gabi. Ang bata…may mukha na ito at siya ang batang iyon. Mukha niya iyon nasisiguro niya…pero tila nasa ibang panahon. Ang salita ay banyaga. Portuguese kung hindi siya nagkakamali. Ang batang iyon ay tila pinangingilagan ng mga tao. Malungkot. Hindi kaya siya iyon sa past life niya katulad nang napag-usapan nila ni Professor Tavarez. Pero ano ang koneksyon niyon sa kasalukuyan niyang buhay? Hindi niya maunawaan pero hindi mawala sa kanyang isip. Ginugulo siya. 

"Nandito na tayo." Baritinong boses ni Sixto ang humugot sa kanya mula sa malalim na iniisip. Mula sa labas ng bintana ng sasakyan ay bumaling siya kay Sixto na siyang nagmamaneho. Nilinga siya nito bago sumulyap sa labas para tukuyin ang bahay na pakay nila sa lungsod ng Makati. 

"Hintayin mo na lang ako dito, Sixto." 

"Hindi puwede, Beatrix. Sasamahan kita sa loob." Sumimangot si Beatrix sa ma-awtoridad na tono ni Sixto. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang sinabi nito at umibis na ng sasakyan. Tinungo niya ang gate at pinindot ang door bell. Hindi naman nagtagal ay bumukas iyon. Sumungaw sa gate ang isang guardiya at nang magpakilala siya ay agad naman sila nitong pinapasok. Sinamahan sila nito sa maindoor ng bahay. They were greeted by a middle-aged maid in a cream uniform. 

"Maupo muna kayo," ani ng babae na itinuro ang sofa nang makapasok sila sa kabahayan. 

"Ipapaalam ko lang kay propesor na nandito ka na." 

"Salamat po." Nginitian niya ang babae na tumitig lang sa kanya bago sila iniwan. Pagsalubong palang nito sa kanya kanina ay nakitaan na niya ng gulat sa anyo. She sat on  the four seater upholstered brass chair while Sixto sat on the single chair. Nag-de-cuatro pa ito habang ang mga braso ay ipinatong sa metal na armrest ng upuan. Inilibot nito ang tingin sa kabahayan at ganoon din ang ginawa ni Beatrix. This residence is fully dominated by antique art furnishings, sculptures and paintings. Lumalarawan sa kung ano'ng propesyon ni Professor Tavarez. Moderno ang bahay lalo na ang exterior pero nagmumukha itong Victorian dahil sa mga makalumang kagamitan higit lalo ang mga painting. Mukhang mahilig sa painting si Professor Tavarez. Halos bawat sulok ng dingding ay may nakasabit na painting.

Professor Tavarez had been anticipating her arrival since she phoned him before to arriving. She's curious to see the remains that the professor claimed as Elysian. Pero ibinilin sa kanya na siya lang ang maaaring magtungo. Sa kanya lang nito ipapakita. Ayaw pa raw nitong isapubliko ang bagay na iyon. Hindi rin alam ni Beatrix kung bakit tila pinagkakatiwalaan siya nito sa bagay na iyon? She learned that Armadillo Tavarez is an archaeology professor at the University of the Philippines-Archaeological Diliman's Studies Program.

"Beatrix." Naibaling ni Beatrix ang tingin sa kaliwang bahagi niya nang may marinig na boses. Mahina lang iyon pero malinaw. Pangalan niya ang tinatawag. 

"I don't like this place. I feel something eerie." Ibinigay niya ang atensyon kay Sixto. He's studying the whole place while drumming his fingers against the metal armrest.  Sixto is a Lycan who is part of the well-trained troops. Ito ang pinagkakatiwalaan ni Romulus na magbantay sa kanya hindi nga lang ng magulang niya. They preferred Faro over Sixto. Hindi pupuwede si Faro ngayon kaya si Sixto ang kasama niya.

"Beatrix." Muling naibaling ni Beatrix ang tingin nang marinig muli ang tinig. Mula sa pasilyo ay lumabas ang kasambahay. Nginitian niya ito pero hindi ito gumanti ng ngiti. Katulad kanina ay ganoon din ang pagkakatitig nito sa kanya. Para bang hindi pa rin nakakabawi sa pagkamangha sa kung ano man ang dahilan nito. 

"Pumasok ka na sa laboratory. Doon mo na raw hintayin si propesor." Agad namang tumayo si Beatrix na sinundan naman ni Sixto. Napatingin ang babae kay Sixto. Agad naman niyang nakita ang pagtutol sa ekspresyon ng babae kahit wala pa itong sinasabi. 

"Ahm…hindi kasi pinapahinutulutan ni propesor ang kung sino man na pumasok sa lab niya. Ikaw lang ang maaaring pumasok."

Magsasalita sana ng pagtutol si Sixto pero agad niyang itinaas ang kamay para patigilin ito. "Nauunawaan ko ho." Hinarap niya si Sixto. 

"Nandito lang ako sa loob. Mag-uusap lang kami ni propesor." Tumitig lang ito sa kanya na may pagdadalawang isip. 

"I'll be okay," pagtitiyak niya. Bumuntong-hininga ito, nagkibit-balikat saka muling naupo. Nakangiti niyang hinarap ang babae. Bahagya itong tumango saka nagpatiuna sa paglalakad na agad naman niyang sinundan. Tinungo nila ang isang pinto sa bandang dulo ng  right wing ng bahay. Binuksan ng babae ang pinto. Isang hagdan pababa ang bumungad sa kanya. Maliwanag naman sa loob. Kahit sa may bandang hagdan ay maliwang dahil na nakahilirang ilaw sa kisame. 

"Halika." Naunang bumaba ang babae na agad naman niyang sinundan. Nang makababa ay itinuro nito ang sofa sa receiving area. 

"Maupo ka muna. Nasa silid lang niya si propesor pero pababa na siya." Humakbang siya patungo sa sofa. Inalis ang sling bag mula sa pagkakasabit sa kanyang balikat bago naupo at ipinatong iyon sa ibabaw ng kanyang hita. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob. This is a collection room based on the equipment and other items in the room.  The equipment is comparable to those at their school's collection room. Several small, high-density rolling storage units with separate cabinets and trays as well as open storage space are available. There were also several tables for specimen arrangement and examination. Reference collections include ceramic kinds, glass bottles, and clay pipes for use in research.

Nang mabalingan niya ang babaeng matiim ang pagkakatitig sa kanya ay tipid niya itong ngitian. Naiilang siya sa pagtitig nito.

"Kamukhang-kamukha mo siya." Bahagyang
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito sa pagtataka. 

"Kamukha ko po? Sino po?" 

Bumaling ang babae sa kanang bahagi; sa dingding ng receiver area. Ang kanyang mata ay unti-unting  nanglaki ng makita ang portrait ng isang babae. Dahan-dahan siyang tumayo habang ang mata ay hindi maalis sa painting. Dahan-dahang ang ginawa niyang paghakbang palapit sa painting at mas lalo siyang hindi makapaniwala nang matitigan niya nang malapitan ang babae sa painting. 

The woman seemed to come from a previous era. She's wearing a black Minhota. But why on Earth do they look alike? 

"Who is she?" Bumaba ang paningin ni Beatrix sa pirma na nasa painting. B. Tavarez. Iyon ang pirma na naroon. Tavarez ang pintor. Humamplos ang kanyang mga daliri patungo sa maikling sipi at mahina iyong binasa. "Minha Bela Senhora." 

"My beautiful lady." Mabilis na nabawi ni Beatrix ang kamay. Pumihit siya paharap sa taong  nag-translate ng mga salita sa wikang Ingles. Si Professor Armadillo Tavarez. 

"Iwan mo na kami, Masinda. Asikasuhin mo ang bisita sa labas." 

"Sige po, propesor." Tumingin ang babae sa kanya ng ilang sandali bago tuluyang tumalikod at pumanhik ng hagdan. 

"Sino po ang babae sa painting?" Nilinga niyang muli ang portrait. 

"Ako lang po ba, o talagang magkamukha kami?" Ang ilong, ang mga mata, hugis ng labi at mukha, at pati ang cleft chin ay parehas na meron. Magkaiba nga lang ang kanilang buhok. Parehas na itim pero unat ang kanya habang ang sa babae ay perpekto ang pagkakakulot. Para iyong wire ng telepono. 

"Siya si Celtici, isang Elysian." Sukat sa narinig ay muli siyang napabaling sa propesor na ngayon ay humakbang at tumabi sa kanya. Itinuon  nito ang tingin sa portrait. 

"Elysian siya?" Humarap ang propesor sa kanya. 

"Oo." Posible kayang kaanak niya ang babae. Magkamukha sila. Maaaring kapatid ng kanyang 6th great grandmother. Kaya pala ganoon na la g ang pagtitig sa kanyan ng propesor sa unang pagkikita nila. Ito rin ang dahilan kung bakit pinahintulutan siyang makita ang labi. Iniisip marahil nito ang koneksyon niya sa babae. Iniisip marahil nito na siya ay isang Elysian.

"Bakit po kayo may painting niya? Saan mo 'yan nakuha?" 

Muling humarap ang propesor sa painting. "Sa kalulu-lolohan ko pa." 

"Pintor siya? He painted her?" 

"Yes." Inabot nito ang pirma sa painting at hinaplos iyon ng mga daliri. 

"They were lovers." Pinakatitigan ni Beatrix ang painting. Ang mukha ng babae ay nagbabadya ng iba't ibang emosyon pero isa ang tiyak at nangingibabaw. Ang matinding kaligayahan sa mukha nito. 

My Beautiful Lady. Iyon ang titulo ng painting na ito. Para itong ipininta ng taong umiibig. 

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit magkamukhang-magkamukha kayo?" Curious siya. Pero hindi siya makapagtanong at hindi niya masabi ang palagay niya sa bagay na ito. She can't disclose their lineage's secret. 

"Baka kamukha ko lang talaga. May ganoon naman po. Magkamukha kahit hindi kaano-ano."  

"O baka may mas malalim pang mysterio ang paggiging magkamukha niyo." Nahigit ni Beatrix ang paghinga dahil sa sinabi nito. 

"Posibleng iisang lahi ang inyong pinanggalingan. May nasabi ba sa 'yo ang magulang mo patungkol sa Elysian?" Itinikom niya ang kanyang bibig, pinigil ang sariling magsalita. Marahan siyang umiling. 

"Wala po. Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa bagay na iyan." She noticed the dubious look in his eyes, but it went as soon as he nodded. He returned his attention to the portrait.

"Si Celtici…labi niya ang nahukay namin sa Portugal." Muli ay marahas niyang naibalik ang tingin sa propesor. Nang ibalik nito ang tingin sa kanya at makita niya ang kanyang reaksiyon ay bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito. 

"Do you want to see it?" 

She nodded through her jumbled thoughts. Tumalikod ang propesor at naglakad patungo sa isang nakapinid na bakal na pinto. He placed his right hand on the scanner that was mounted on the wall and then he twisted the lever handle. Agad na sumalubong sa kanya ang lamig sa pagbukas ng pinto. Mas mababa ang temperatura ng naturang silid kumpara sa may receiving  area. Sumunod si Beatrix papasok sa propesor. Ang pinto ay kusa nang nagsara. Natigil siya sa paghakbang at agad na niyakap ang sarili nang tila higit pang lumamig sa loob nang makita niya sa gitna ng halos walang laman na silid ang isang limestone coffin na nakapatong sa isang marble podium habang nasa loob iyon ng isang salamin. Tinungo ng propesor ang isang machine na nasa gilid ng silid. Nang pindutin ang buton ay tumaas ang salamin. Nilapitan nito ang coffin, tumayo sa dulo at ipinatong ang kamay sa ibabaw niyon at tumitig kay Beatrix. 

"Celtici, according to my great-grandfather, is a powerful black fairy." Sinimulan nitong buksan ang coffin na natitiyak niyang mabigat dahil sa ekspresyon nitong medyo nahihirapan sa pagtulak ng natakip niyon. Nanatili ang mga mata ni Beatrix sa binuksang himlayan hanggang sa tuluyan iyong mabuksan. 

"Lumapit ka, Beatrix." Hindi alam ni Beatrix kung kaninong boses iyon nanggaling…kung sa propesor ba o iba ang nagmamay-ari. Ang boses ay parang galing sa napakalalim na hukay. Humakbang si Beatrix hanggang sa unti-unting tumambad sa kanyang paningin ang labi na nasa loob ng kabaong. She has dark and dry skin. Wala na ang ganda ng mukha nito. Pipis. Para bang wala ng laman at pawang buto na nababalot ng tuyong balat. Tila hinigop ang enerhiya sa katawan nito. Buo pa ang buhok, maging ang damit na suot nito.  Isang itim na woolen hooded cloak ang suot nito. Katulad ng sinabi ni propesor, may nakatarak ngang punyal sa bandang puso nito. 

"May kukunin lang ako," paalam ng propesor. Hindi na binigyan ni Beatrix ng atensiyon ang propesor. Nakatuon ang buo niyang atensiyon sa labi. Humakbang siya, naglakad paikot sa kabaong na bato habang hindi iniiwanan ng tingin ang labi. Huminto siya nang marating ang kanyang dating kinatatayuan. Pinakatitigan niya ang labi na puno ng katanungan. Black fairy. Katulad din ito ni Manoela kung gayon. Fairy. Masama ba ito? Sino ba talaga ang nilalang na ito? Bakit kamukha niya? 

Dahan-dahang tumaas ang kamay ni Beatrix para abutin ang punyal pero napatigil ng maalala ang sinabi ng propesor. Ayon kay propesor ay hindi ito naaalis. Marahil ay dahil sa majika. Baka naman masamang nilalang ito na ikinulong sa majika ang kaluluwa. Katulad ni Lusitania. Ikinulong ng majika ang kaluluwa upang tuluyang hindi na makapinsala pa. 

"Toma-lo." She heard a strange voice again, urging her to take the knife. That command was persuasive. Too powerful to refuse. She kept reaching for the knife until her fingertips came into contact with the cold metal. She wrapped her fingers slowly around the metal. Suminghap si Beatrix nang tila may malakas na enerhiyang pumasok sa kanya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata hanggang sa tila dalhin siya ibang panahon kung saan ay nakikita niya ang kanyang sarili. 

She's sitting on the grass-covered mat, her hands on her lap. She remained still. Her gaze was fixated to someone who was painting her. He is presently refining her hair curls.

"Você é muito bonito," said a man, putting the paint brush down on pallet. Kapagkuwa’y nilapitan siya nito dala ang isang pulang rosas. Naupo ito sa kanyang tabi. Marahan siyang tumawa na kinuha mula rito ang bulaklak. Dinala niya sa kanyang ilong ang bulaklak at sinamyo iyon. 

"Obrigado," she said with a smile on her face. Noon ay unti-unting niyang nakita ang guwapong mukha ng lalaki.

"Obrigado, Baltasar," ulit niya. Muling marahas na suminghap si Beatrix nang may maramdamang kamay na pumisil sa kanyang balikat. Sa pagmulat niya ay marahas siyang bumaling sa likuran niya. A very handsome man was behind her, the same man she saw in her vision. Ang tanging pagkakaiba ay ang kasuotan at ayos ng buhok nito. The man in her vision was in nineteenth century looks while this man is in modern looks. 

"Baltasar," she muttered. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki.

"You know me," he said in awe. But the smile slowly vanished, brows furrowed.

"Celtici," he uttered.

"This is amazing!" Sabay na bumaling ang dalawa kay propesor nang marinig nila ang manghang pagbulalas nito. Hindi lang ang boses nito ang tila namamangha kundi maging ang reaksiyon sa mukha nito habang nakatingin sa kamay ni Beatrix. Bumaba ang paningin niya sa bagay na nakakapagpamangha sa professor. Ang punyal. Hawak niya ang punyal. 

"Ikaw nga…I knew it. Ikaw si Celtici. Ikaw si Celtici sa panahon na ito." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top