Chapter 37

HINDI NIYA MAUNAWAAN. Ano ang nangyayari at hindi man lang niya nakitang kakaiba na ang nangyayari sa paligid. Bakit hindi man lang nalaman ni Manoela kung napasok ng Formosa ang katawan ni Missy gayon ang bilis naman nitong natukoy si Clyde. Nahawakan na niya si Missy, nayakap pero bakit wala siyang ibang naramdaman? Bakit hindi gumagana ang kanyang pangitain? Tiyak na may ginagawa ito para maitago ang identity. Tuso si Siera kahit noon pa man.

"Beatrix, ibigay mo na lang ang hiyas. Makakaalis ka rito ng ligtas. Please..." Missy begged, her hand outstretched. Her actions and the manner in which she spoke perplexed her.

Beatrix shook her head. "Ikaw ba si Siera?" dudang tanong niya dahil sa hindi pagtugma ng akto nito sa dapat kung ito nga si Siera.

Umiling si Missy. "No!" Beatrix quickly went in search of the person she thought might be Siera. Missy's mother was on the balcony on the second level of the house, watching what was going on below.

"Siera," usal niya. Kaya marahil ganoon na lang ang takot ni Baltazar kay Missy. Dahil kung tititigang mabuti ang babae ay hawig ito ni Missy at kung si Siera ang babaeng ito ibig sabihin ay ito ang pumatay sa pamilya ni Baltazar na kinosente ni Missy. Ibinalik niya ang tingin kay Missy.

"Traydor ka!" Hindi ni Beatrix mapigil ang mapaluha sa sama ng loob sa kaibigan.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito, Beatrix. Nakiusap ako sa 'yo na huwag mong babawiin si Romulus sa akin. Iyon lang ang paraan para makuha ang hiyas kung makakapasok ako sa pamilya niya, pero ano ang ginawa mo, inagaw mo pa rin siya kahit nagmakaawa na ako."

"At ginamit mo pa talaga si Romulus."

"Masisisi mo ba ako? Gusto ko lang iligtas ang nanay at kapatid ko mula kay Siera at Avalonia. Ginagamit nila ang katawan ng mommy at kapatid ko. Makakabalik lang sila kapag nakuha nila ang hiyas...Beatrix, please! I'm begging you." Pinaglapat ni Missy ang dalawang palad sa pagmamakaawa.

"Sa tingin mo ba mangyayari 'yon, Missy? Napasok ni Siera ang katawan ng nanay mo dahil wala na itong buhay at imposibleng makabalik pa. Nililinlang ka lang niya. Ginagamit. At sa tingin mo ba, bubuhayin ako ng impaktang 'yan kapag nakuha niya ang hiyas na ito? Hindi. Her goal is to get the queen's power and kill anyone that is from Celtici's bloodline...wala siyang puso o kahit konsensiya man lang. Papatayin niya ang lahat ng hadlang sa kanya...katulad ng pagpatay niya sa pamilya ni Baltazar."

"Baltazar?"

"Ang batang nasa bahay. Kaya natakot sa 'yo ang bata dahil ikaw ang inakala niyang babaeng pumatay sa pamilya niya dahil sa pagkakahawig niyo sa nanay mo...his now alone, Missy, because that evil killed his whole family."

Suminghap ng marahas si Missy dahil sa sinabi niya. . "Ngayon mo sabihin na bubuhayin nga ako ng babaeng 'yan?"

"Matalino ka talaga!" Lumipad ang tingin ni Beatrix at iba pa kay Siera na ngayon ay lumulutang na sa ere, pababa. Nang makababa ay itinarak nito sa lupa ang hawak na baston na ngayon ay natitiyak niyang hindi lang isang ordinaryong props sa holloween.

"Subalit hindi ganoong katalino. Higit akong mahusay. Nakita mo, nalinlang kita na walang pagdududa. Naharang ng aking kapangyarihang taglay ang iyong kakayahan para makita ang mga nangyayari. Kahit ang mga Lycan ay nalinlang ko pati ang mga emosyon niyo—ng taong nagmamahalan ay nagawa kong pigilan." Gumuhit ang ngisi sa mapulang labi ni Siera, na lalong pinalitaw ang kademonyuhan anyo nito.

"Hindi ko naman talaga nililinlang si Missy. Aalagaan ko siya at ituturing na tunay na anak na siyang ipinangako ko sa kanyang ina kapalit ng kanyang katawan...at iyon naman ang ginagawa ko hindi ba, Missy?" baling nito kay Missy. Naglakad palapit kay Missy ang babae. Bigla na lang hinablot mula sa leeg ni Missy ang talisman.

Nanatili itong nakaharap kay Missy habang nagpatuloy ito sa pagkausap kay Beatrix. "Ang panlilinlang lang naman na ginawa ko kay Missy ay nang tiyakin kong hindi ka masasaktan sa oras na makuha ko na ang hiyas...dahil iyon ang hindi ko kayang gawin!" Kasabay nang mabilis na pagharap ni Siera ay ikinumpas nito ang baston patutok kay Breatrix. Naglabas iyon ng pulang enerhiya at tumama kay Beatrix. Ang tanging nagawa ni Beatrix ay ang mapadaing sa sakit nang tumalsik at tumama ang katawan niya sa puno.
Her bodysuit is unscathed; not even a tiny scratch is present on it. However, her internal organs felt injured. Nangapos ang kanyang paghinga nang tila may sumuntok sa kanyang baga. Agad na pinanghina ang kanyang katawan.

"Siera, stop! Tumupad ako sa gusto mo!" Sigaw ni Missy na nahihintakutan pero hindi ito pinansin ni Siera. Mabagal lang itong naglakad.

"Puso? Bakit? Kung ang Reyna ay walang pusong pinatapon ako sa Vila Dos Pecadore habang ang aking ina ay pinapatay nila. Ano ang aking kasalanan kung bukod sa reyna ay inanakan din ng diyos na si Ares ang aking ina. Pinagbintangan nila kami ng aking ina na nakikipag-ugnayan sa isinumpang diyos para sakupin ang kaharian at agawin ang kanyang trono kahit walang katotohanan...ang aking ina ay panganay na anak ng hari sa isang Formosa na totoong minamahal at siya ang higit na mas may karapatan sa lahat ng kung anuman ang tinatamasang karangkayaan ng kasalukuyang reyna. Ang aking ina ang dapat na sumunod na reyna matapos mamatay ng hari pero mas pinili ni inang lumayo sa palasyo para sa ikatatahimik ng lahat...pero hindi pa rin nakuntento ang reyna, pinapatay niya si ina at ako naman ay inalisan ng kapangyarihan, pinatapon sa Villa Dos Picadore at namuhay bilang isang mortal sa mundo ng mga tao." Muli itong humakbang at kapagkuwa'y tumigil din, muling humarap kay Beatrix na ngayon ay itinayo na ang sarili.

"At hindi pa roon nagtapos ang lahat! Pinaslang pa nila ang dalawa kong anak!" Higit pa ang galit na makikita ngayon sa anyo ni Siera nang mabanggit ang anak.

"Isinumpa ko na babalik ako at kukunin ang trono sa sakim na Reyna. Papaslangain ang sinumang hahadlang sa akin. Ngayon, na nabiyayaan ako ng kapangyarihan ng isinumpang diyos at kakampi ang malalakas at makakapangyarihang nilalang ay wala ng makakapigil pa sa akin!" Itinuro ni Siera ang hawak na baston kay Beatrix

"Ikaw na lang ang nag-iisang balakid na kailangan alisin sa landas ko. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, Celtici. Ang makaharap kang muli."

"Hindi ako si Celtici, Siera. Na-reincarnate lang si Celtici sa akin pero iba na ang katauhan ko. Paano akong magiging balakid sa 'yo?"

"Ikaw si Celtici. Ikaw pa rin si Celtici na muling isinilang at maaaring piliin ng hiyas para maging may-ari nito na siyang hihiranging Reyna ng Formosa! At hindi ko iyon pahihintulutan dahil ako ang dapat na maging Reyna bilang isang may dugong maharlika."

The fuck! Wala siyang planong maging Reyna ng mga incanto. Shit! Bakit ba kasi hinangad pa niya ang magkaroon ng kapangyarihan noon? Wala siyang balak na maging makapangyarihan. Ang hangad lang niya ay pigilan si Siera na makuha ang nais nito dahil gagamitin lang nito sa kasamaan ang kapangyarihan at ang makasama si Romulus panghabangbuhay. Siya si Celtici noon at siya si Beatrix Naval ngayon at wala ng balak maging Celtici pa sa panahon na ito. Siya ang may hawak ng kanyang kapalaran at hindi kung sino pa man.

"Anak ako ng isang mortal at ng descendant ni Celtici pero hindi ako purong Formosa kaya paanong pipiliin akong maging reyna?"

"Iyon ang akala mo. Si Doroteia, ang tunay mong ina ay isang Formosa na may dugong maharlika na umibig sa isang Elysian na nagmula rin sa linya ni Celtici. Itinago lang niya ang pagkatao sa lahat. Ang tagal kitang hinanap. Ang walang hiya mong ina. Masyado akong pinahirapan. Hindi kita magalaw dahil sa proteksyon na ibinigay sa 'yo."

Itinaas ni Siera ang talisman. "Pero ngayon na pinagkalooban ako ng isinumpang diyos ng kapangyarihan ay magagawa ko na ang lahat ng naisin ko at kahit ang patayin ka pa! Wala ng silbi ang proteksyon na iyan." Muling iwinasiwas ni Siera ang baston, ang enerhiyang ibinuga niyon ay muling tumama sa kanya dahilan ng muli niyang pagtilapon. Nanglalabo ang kanyang paningin habang nakahiga sa damuhan, aninag ang buwan mula sa maliit na hiwa ng kanyang mata.

She's gonna die in this place without a fight. And no one...no one will help her. No one can save her. 

***
PALAKAD-lakad si Romulus habang sinusubukan muling tawagan si Beatrix. Hindi maganda ang kanyang kutob. Tila narinig niyang tinatawag nito ang pangalan niya. Wala ring sumasagot sa telepono sa bahay. Nang sabihin ni Beatrix na may susundo rito, driver nina Missy ay hindi siya pumayag kaya agad niyang pinapunta roon si Viktor para siyang magbantay kay Beatrix. Kanina ay nag-text sa kanya si Viktor at sinabing maayos ang lagay ni Beatrix, na nage-enjoy ito sa party kaya panatag naman siya pero nang lumalim na ang gabi. May bigla siyang naramdaman na puwersa na pilit pumapasok sa utak niya, isang telepathic link na kumukonekta hanggang marinig niya ang boses ni Beatrix na tinatawag ang kanyang pangalan kaya agad niya itong tinawagan.

Si Viktor ang muli niyang tinawagan na kanina pa rin niya hindi makontak pero bigo siya kaya muli ay tinawagan niya ang numero ni Beatrix.

"Fuck!" mura ni Romulus nang sa wakas ay may sumagot.

"Boss?"

"Where the hell are you? Kanina pa kita tinatawagan. Si Beatrix kasama mo ba? Nakauwi na ba kayo?" sunod-sunod niyang tanong nang marinig ang boses ni Viktor sa kabilang linya.

"Ako lang. Hindi ko siya kasama." Pakiramdam ni Romulus ay bumugso ang lahat ng dugo niya patungo sa ulo.

"Nasaan siya? Iniwan mo?"

"Hindi. Hindi niya ako kasama na nagpunta ng party.

"Ano'ng sinasabi mo?" Higit pang kinabahan si Romulus sa narinig.

"Nag-text ka kanina at sinabi mong nasa event na kayo."

Romulus heard Viktor groaned. "Hindi ako 'yon. Hindi ko nasamahan si Beatrix. Kanina sinundo ko sa bahay ng magulang at hinatid ko sa bahay mo. Kaso kanina may babaeng naligaw sa lugar mo. Hinatid ko sa labasan, pero tang-ina, bampira pala. She detained me for awhile. Pero hindi naman ako sinaktan. Wala namang ginawang masama sa akin...katunayan—" binitin nito ang sinasabi.

"Ano!?" nauubusan niyang pasensiyang tanong.

"We fucked!"

"Fuck you, Viktor! Kapag may masamang nangyari kay Beatrix ikaw ang papatayin ko. Puntahan mo ngayon din si Beatrix!" bulyaw niya sa kausap.

"Mukhang sadya ito. Planado lahat. May text message dito kay Beatrix mula sa akin na sinasabing hindi ko na siya masusundo kaya marahil nagpasundo sa driver ni Missy." Sunod-sunod na nagmura si Romulus at galit na bumaling sa lalaking nakagapos sa silya gamit ang tali mula sa enerhiya ni Manoela.

Ang takot ay nahaluaan ng matinding galit dahil sa naaaliw na pagngisi ng lalaki.

"Wala ka ng magagawa. Tiyak na napatay na ni ina ang babaeng pinakamamahal mo." Pasugod na lumapit si Romulus sa lalaki at hinablot ang neckline ng damit nito. "Kasabwat niyo ba si Missy? Nasaan si Siera?"

Tumawa ang lalaki. "Ikaw ang dahilan ng naging kamatayan namin noon, Heirmonimos. Kayo ni Celtici kaya mamamatay kayong muli!" sigaw nito sa kanyang mukha.

"Huli na ang lahat! Sa mga oras na ito natitiyak kong nakuha na ni ina ang hiyas at wala ng buhay ang mahal mo!" Ang malakas na pagtawa nito ang siyang umubos sa pasensiya ni Romulus. Ang mga kuko ay naging matulis, nabalot ng balahibo ang isang kamay at buong isang braso, ang mga mata ay naging mabalasik at nag-iba ang kulay, ang singtulis ng punyal na pangil ay lumabas. Itinaas ang kamay at hindi nagdalawang isip na itinarak nito ang mga kuko sa dibdib ni Clyde na ngayon ay inaari na ng isang Formoso. Nang hugutin niya ang kamay ay dala na niya ang itim na puso nito, ang kanyang kamay ay balot ng itim na dugo.

Nanglaki ang mata nito. Nahintakutan lalo na nang pumasok si Manoela sa silid at segundahan ang ginawa ni Romulus para tuluyang tapusin ang lalaki. Unti-unti natunaw ang katawan nito nang simulan itong gamitin ni Manoela ng kapangyarihan.

"Moura," usal ng lalaki sa pagtukoy sa lahi na kinabibilingan ni Manoela hanggang sa tuluyang itong maglaho. Tanging abu ng katawan ng pinamugaran nito sa silya ang naiwang bakas nito.

"I can kill fairies but not Siera. The only thing that can kill her is God's sword. She's not mortal anymore. She gained her immortality again as she got her power back at nadagdagan pa mula sa isinumpang diyos. At sa oras na makuha pa niya ang kapangyarihang ng hiyas ay higit pa tayong mahihirapan."

"Si Beatrix," ang nasabi ni Romulus. Sa lahat ng ito ay si Beatrix ang inaalala niya. Kung bakit hinayaan niya itong mawala sa paningin niya gayong alam nila ang posibilidad na nanganganib ito kay Siera. Inakala nilang si Siera ang lalaking ito pero hindi. Isang Formoso ang narito na mukhang anak ni Siera. Hindi rin ito nagsasalita kung saan matatagpuan si Siera.

***
"ORAS NA!" Siera raised the talisman. The gem disentangled from Beatrix's ring and it floated through the air towards Siera's location. Ang talisman ang tinatahak niyon hanggang sa lumapat ang hiyas sa gitna ng talisman. Nakakasilaw na liwanag ang sumabog mula roon. She shut her eyes involuntarily in reaction to the hazy light. She opened her eyes again when the intense light vanished. Siera looked happy as she stared at the talisman.

"Ang punyal," deklara nito. Ang espiritu na nagbabantay sa punyal ay lumapit dala ang punyal na nakatusok sa isang solid na bakal na may bigat na isandaang kilo. Siya ang mismong nagtarak sa bato na iyon. Iyon ang ipinagawa sa kanya ni Profesor Armadillo. Ang espiritu ay isang tila maiitim na usok na lumulutang sa ere at walang kahirap-hirap na nadala kay Siera ang punyal. Nahigit ni Beatrix ang paghinga nang biglang lumabas ang nakakatakot na mukha nito at gumawa ng nakakabinging ingay.

Inabot ni Siera ang punyal. Mariin iyong hinawakan at sinubukan itong hilain pero bigo ito.

"Aah! Ako ang nararapat na mag-may-ari sa 'yo! Anak rin ako ng diyos na nagmamay-ari ng punyal na iyan!" Muli ay malakas na sigaw ni Siera sa matinding galit dahil mismong punyal ang bumigo rito.

"Ina...Inaaaa!" Malakas na sigaw ni Gladys ang kumuha sa atensiyon ng lahat. Unti-unting natutunaw ang babae na parang isang papel na nasusunog ng apoy. Nagsimula sa paa ang pagkatunaw, paataas.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo, Avalonia?" Ang galit ay nahaluan ng takot. Marunong din palang matakot ang bruha.

"Si Avalon. Pinatay nila ang kakambal ko. Tulong, Ina! Ayaw kong maglaho!" Malakas na sigaw ni Avalonia ang pumunit sa malalim na gabi nang hindi mapigil ang paglaho nito.

"Avaloniaaaa!" tanging pagsigaw lang ang nagawa ni Siera. Hindi nito nailigtas ang sariling anak sa tuluyang paglaho.

"Avalon! Aaahhh!" Nakakakilabot na sigaw ni Siera ang pumunit sa gabi. Ang dalawang kamay nito ay nakadipa, hawak sa kabilang kamay ang baston ng majika at talisman naman sa kabila habang nakatingala at naghihinagpis na isinisigaw ang pangalan ng mga anak. Ang kagubatan ay nabulabog. Ang mga hayop na tahimik ay nagkagulo na para bang may trahedyang magaganap. Nang ibalik ni Siera ang tingin kay Beatrix ay higit siyang kinilabutan nang makita ang mata nitong pinuno ng itim. Nag-iba nang tuluyan ang anyo nito. Ang totoong mukha na ni Siera ang makikita at hindi ang mukha ng nanay ni Missy. Nakakakilabot ang anyo nito. Ang mukha ay naging puti at tuyo na napuno ng maliliit na ugat na kulay itim at ang labi ay naging kulay itim at natuyo. Hindi na ito mukha pang fairy kundi isang halimaw.

Ikinuyom ni Beatrix ang mga kamay at muli ay marahang binuksan. Lahat ng enerhiya na kaya niyang ipunin ay inipon niya. Kung mamatay siya mamatay siyang lalaban kahit alam niyang wala siyang kalaban-laban. Ang kapangyarihang mayroon siya ay hindi ganoon kalakas. Mga ordinaryong tao lang ang kayang pinsalain niyon pero susubukan niya. Ang kalaban niya ay malakas. She possessed dark magic and can summon demons and other dark entities and inflict massive amounts of destruction on anyone—she could even kill her opponent if she wanted to.

"Ikaw ang tatamasa ng ganti ko sa ginawa nila sa amin noon at hanggang ngayon." Nang magpakawala ng enerhiya si Siera ay sinabayan niya iyon—ang pulang enerhiya mula kay Siera at ang asul mula sa kanya ay nagtagpo sa gitna pero nilamon lang niyon ang kanya at dire-diretso iyong tumungo sa kanya. Sa bilis ay hindi na niya naiwasan. Mas malakas kaysa sa una ang tumama sa kanya at sa pagkakataon na iyon ay hindi na niya naigalaw ang katawan niya matapos siyang bumagsak sa sahig na nalalatagan ng damo matapos niyang tumilapon nang malayo.

She can't move. She can't feel anything. Ang tanging nararamdaman niya at pakunswelo ay tumitibok pa naman ang puso niya. Gumagana pa naman ang utak niya at humihinga. Buhay pa siya pero natitiyak niyang isa pang tama sa kanya ng malakas na kapangyarihan ni Siera ay bibigay na ang kanyang katawan.

"Beatrix." Isang boses ng babae. Malumanay ang bigkas. Nagbibigay ng comfort na kailangan niya ngayon. Pilit niyang iminulat ang kanyang mata. Isang magandang mukha ng babae ang nakatunghay sa kanya. Higit siyang nagkaroon ng kapanatagan ng loob nang matunghayan ang magandang mukha ng babae. Buhay pa ba siya o anghel na ang kanyang nakikita?

"My daughter." Daughter? Ang kanyang ina. Siya nga ba?

"M-mommy?" pilit niyang bigkas. Sumilay ang ngiti sa labi nito na lalong nagpaganda sa babae.

"I know you can do it. You can. Accept your destiny...Accepting your fate is the only way to unleash your true power. You can't beat your opponent if you doubt your own abilities. You have to save our realm, Beatrix. Stop her." Ipinilig ni Beatrix ang kanyang ulo at tuluyang iminulat ang mata. Pinilit niyang ibinangon ang sarili sa kabila ng panghihina pero hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay muli siyang inatake ni Siera, muli lang din siyang tumalsik nang malayo. Gustong maiyak ni Beatrix sa kawalan ng laban at kawalan ng pag-asa.

"Maaari na kitang patayin pero hindi ko gagawin. Ipaparanas ko muna sa 'yo ang hirap." Mariing ipinikit ni Beatrix ang mata nang tila may maramdaman siyang puwersa na pilit pinapasok ang kanyang isipan. Someone is trying to forge a telepathic link with her which she willingly allowed.

"Beatrix, baby?" Si Romulus iyon.

"Romulus," tugon ng kanyang isip. "Help me!" Naputol ang link nang bigla na lang atahikin si Beatrix ng mga evil spirit. Hindi niya mabilang ang eksaktong bilang ng mga iyon na sumusugod ng sabay-sabay habang tila nagtatawanan. Nakakakilabot ang tunog na nililikha niyon na kasing kilabot ng anyo ng mga ito—itim na anino na may pulang mga mata. Ni hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na gamitin agad ang kapangyarihan sa mga ito dahil sa pagkabigla. Pagharang ng kamay at braso lang ang tangi niyang nagawa sa simula pero nang makahanap ng pagkakataon ay nagawa niyang mapalabas ang kapangyarihan at mapatamaan ang mga ito. Nang sa wakas ay tumigil ang mga ito sa pag-atake ay ginamit niya ang pagkakataon para tumayo.

"Kaya mo pa ba? O handa ka ng mamatay?"

"Siera, tama na!" sigaw ni Missy pero walang balak na magpaawat si Siera. Tuloy-tuloy nitong itinaas ang baston. Higit pa ang liwanag na nabuo sa hiyas na nasa baston, senyales ng mas malakas na kapangyarihan. Alam niyang walang laban ang kung anumang kapangyarihan meron siya. Wala siyang silbi. Ang kapalaran niya noon ay mauulit lang ulit ngayon sa kamay ni Siera.

Katulad ng inaasahan ay pinakawalan iyon ni Siera para tuluyan siyang patayin pero ang kanyang hindi inaasahan ay ang nilalang na bigla na lang lumabas sa portal at tinakbo ang direksiyon niya, iniharang ang katawan sa kapangyarihan mula kay Siera. Alulong ng nasaktang malaking Lycan ang umalingawngaw sa buong lugar nang tamaan ito at tumilapon ng malayo.

Nanglaki ang mata ni Beatrix. Agad na nakilala ang Lycan na may kulay abo na balahibo. Ang balahibo ay unti-unting hinigop ng balat, ang mga matatalas na kuko at pangil ay bumalik sa normal hanggang mahantad ang hubo't hubad nitong katawan.

"Romulus!" Ang takot ay nilamon siya ng buo—takot hindi para sa sarili kundi para kay Romulus.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top