Chapter 36
"SINO ANG batang iyan?" tanong ni Missy nang matanaw si Baltazar sa lanai mula sa sala na maganang kumakain ng nilutong puto bumbong ni Mang Perla. Tuwang-tuwa rin ang kanyang mommy at daddy kay Baltazar. Nailibing na ang pamilya ng bata. Inaasikaso na rin nila pag-aampon sa bata para sila na ni Romulus ang maging legal na guardian nito. Si Manang Melita since wala naman pamilya ay isinama na nila at siyang magiging tagapangalaga ni Baltazar.
"Si Baltazar." Tumayo si Beatrix. "Halika. Ipapakilala kita." Tumayo naman si Missy, iniwan nito ang bag sa sofa.
"Oh, saan kayo pupunta? Ito ang meryenda." Inilapag ni Manang Perla ang meryenda sa center table.
"Sa lanai lang po. Ipapakilala ko lang si Missy kay Baltazar. Balikan po namin 'yan." Tinungo ng dalawa ang lanai. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi nang makita ang maganang pagkain ng bata.
"This is delicious, lola and lolo," ani Baltazar na muli na namang sumubo.
"Napaka-cute na batang ito, Beatrix. Gustong-gusto namin siya ng papa mo." Parang hinaplos ng banayad na kamay ang kanyang puso sa nakikitang kaligayahan sa mukha ng ina. Parang ngayon na lang niya uli ito nakitang ganito kasaya mula nang mamatay ang kanyang kapatid.
"Parang ngayon lang nakakain ng puto bumbong," nagagalak namang sabi ng kanyang ama.
"Dito na lang kayo tumira, Beatrix. O di naman ay iwan mo na lang dito si Baltazar muna habang nagtatrabaho ka sa Maynila," ang kanyang ina.
"Oo nga. Kakausapin ko si Madallena, baka may magawang paraan para maka-recover ako para ako na lang ang maghahatid kay Baltazar kapag papasok na siya school." Nagkatinginan ang mag-ina sa narinig na sinabi ng ama. Nagalak ng husto dahil nagkaroon muli ng dahilan ang kanyang ama para muling makalad. Handa pa itong makipag-ugnayan ngayon sa Paganus para lamang gumaling.
"Ahm. Pag-uusapan po muna namin ni Romulus at ni Manang Melita ang tungkol sa bagay na ito, mom, dad."
"Ako ayos lang." Naglapag si Manang Melita ng tubig sa mesa. "Ang ganda ng lugar na ito. Mas gugustuhin kong manirahan dito kaysa sa siyudad."
"How about you, Baltazar? Do you want to live here with lolo and lola?" tanong ng kanyang ama. Nag-angat si Baltazar ng tingin sa ama.
"Opo. I want to live here," tugon nito na muling ipinagpatuloy ang pagkain.
"Napaka-cute na bata naman nito," komento ni Missy na bahagyang umuklo sa tabi ni Baltzar matapos nitong lumapit.
"Hello, little boy. Puwede ba akong makipagkilala?" Luminga naman si Baltazar, dinilaan nito ang labi para linisin ang kumalat na pagkain.
"Hello, I'm Missy." Tumitig lang si Baltazar kay Missy at makalipas ang ilang sandali ng pagtitig ay bigla nitong binitawang ang tinidor na hawak saka tumalon mula sa kinauupuan. Tumakbo ito kay Beatrix at yumakap sa kanyang hita. Inilagay niya ang kamay sa ulo nito at marahang ginulo ang buhok.
"Nahihiya ka ba? She's Ate Missy."
"She's a monster." Malakas na tumawa si Missy sa sinabi ni Baltazar.
"Grabe naman ang monster. Mukha ba akong monster?" Muling umuklo si Missy para pumantay ang mukha sa mukha ng bata pero agad na sinubsob ni Baltazar ang mukha sa hita ni Missy.
"Go away!"
"Hindi niya ako gusto." Tumulis ang labi ni Missy. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Missy dahil marami pa raw itong aayusin para sa party na gaganapin bukas. Nagpunta lang ito para ihatid sa kanya ang kanyang costume na hindi pa niya na-tse-tsek. Kumaway siya kay Missy nang bumaba ang bintana ng sasakyan.
"May susundo sa 'yo bukas," pahabol nito na sinagot niya ng marahang pagtango. Bukas ng umaga ay tutungo sila sa bahay ni Romulus sa Benguet dahil mas malapit na iyon kina Missy. Kung dito pa kasi siya susunduin ay aabutin ng mahigit dalawang oras pa ang biyahe. Nang wala sa kanyang paningin ang sasakyan ay bumalik siya sa lanai. Wala na si Baltazar doon, ang kanyang magulang ang naroon. Naupo si Beatrix sa silya kung saan nakaupo kanina si Baltazar.
"Beatrix anak, ilagak mo na lang sa amin si Baltazar, ah? O kaya naman ay dito ka na lang ulit tumira."
"Nasa Manila ang trabaho, mom."
"Edi iwan mo na lang si Baltazar sa amin. Malakas pa naman ako kaya kayang-kaya kong mag-alaga ng bata."
"Pag-iisipan ko po muna."
"Bakit kailangan pag-isipan pa? Pumayag ka na. Malaking responsibilidad ang pagpapalaki ng bata. Saka baby ka pa, enjoy mo muna ang buhay na walang anak. Saka para hindi na rin kami kumontra sa relasyon ninyo ni Romulus."
Malakas na humalakhak si Beatrix. "Bakit may pangba-blackmail naman yata, Mommy?"
"Hindi iyon pangba-blackmail." Napapailing na lang si Beatrix. Ganoon ng mga ito kagusto si Baltazar para bigyan siya ng ganoon kundisyon.
"Beatrix, look, oh!" Lumingon si Beatrix sa pinto. Malapad na napangiti nang makita si Baltazar na nakakapa. Mahaba iyon dahil para iyon sa matanda. Kasama ito sa costume na ibinigay sa kanya ni Missy. It was a dark blue, almost black cloak.
"This looks like a monster's cape...a monster that killed my grandpa and my parents." Nawala ang ngiti sa labi ni Beatrix. Tumayo siya at nilapitan ang bata. Naupo siya sa harapan nito at tinitigan sa mga mata na halos natatakpan na hoodie.
"Ganito ang suot ng monster?"
"Yes. A black huge cape." Alam niyang hindi titigil si Siera hanggat hindi nito nakukuha ang gusto. Si Drake...minamanmanan na ito ng mga tauhan nina Romulus at inaalam na rin ni Manoela kung paanong mapapatahimik ang espiritu ni Siera upang hindi na ito makalipat pa sa ibang katawan.
***
SHE LIKES the costume. She looks like a sexy assassin in her costume—Midnight blue high neck sleeveless leotard topped with a dark blue metallic breastplate that almost looks like a hot-pink Tom Ford breastplate that Zendaya wore, over-the-knee boots and fingerless opera length gloves. Her outfit was covered with a hooded cloak. They are all midnight blue. From the outfit to the accessories, the same textiles are used. She was unsure of the fabric's identity because it wasn't leather. Ang kanyang unat na buhok ay kanyang pinusod nang malinis.
Mula sa life size mirror ay bumaling siya sa pinto nang marinig ang marahan na katok. Bumukas iyon at sumilip doon si Manang Melita na sinama niya sa bahay nina Romulus. "Nandiyan na ang sundo mo."
"Okay po. Labas na po ako." Muli niyang sinuri ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon. Kinuha niya ang phone sa nightable at nagpadala ng text message kay Romulus para ipaalam na patungo na siya kina Missy. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at lumabas na siya. Hindi na siya magdadala ng iba pang gamit maliban sa regalo para kay Missy at sa nanay nito. Nagpaalam lang siya sa kanyang magulang, hindi na kay Baltazar dahil tulog na ito sa kabilang silid kasama si Manang Melita.
"Ihahatid ka ba ulit?" tanong ng kanyang ina na hinatid siya palabas ng bahay.
"Opo. Sasaglit lang ako." Humalik siya sa pisngi ng ina saka tumuloy sa sasakyan na pinagbuksan na ng driver.
"Salamat po," aniya sa driver bago lumulan. Ang sabi ni Romulus ay magpapadala ng bodyguard para may makasama siya pero wala namang dumating. Ayaw nitong pumayag na siya lang mag-isang magtungo. Si Luna naman ay hindi na sumama pa dahil may party rin daw na tutunguhan ang mag-asawa.
"Minsan na kitang nakita noong kasa-kasama si Señorita Missy. Ngayon na lang kita uli nakita. Nangimbang bansa ka?" pagbubukas ng driver ng usapan nang nasa daan na sila.
"Ahm...Portugal."
"Hmm." Tumango ito. She didn't lie. Nagtungo naman talaga siya sa Portugal, sa lumang panahon nga lang.
"May pupuntahan kayong halloween party?"
"Sa bahay po mismo nila Missy. Birthday po ng mommy niya ngayon."
"Si Ma'am Afreda?"
"Opo."
"Kaarawan ba niya ngayon? Bakit parang wala akong nakitang paghahanda kanina?" ani ng driver na mas kinakausap ang sarili.
"Sabagay. Kaninang umaga pa naman iyon. Baka pagpunta ko ay hindi pa nagsisimulang mag-ayos. Dala ko na rin kasi sa bahay itong sasakyan kaya dumiretso na ako
"Siguro nga po," tipid niyang tugon na tumanaw sa labas. Tumingala siya sa langit, pinanood ang panaka-nakang pagsilip ng buwan sa mga nagtatayugang mga puno na kanilang nadadaanan. Full moon pala ngayon.
"Mabuti na lang at naka-survive ang mag-iina sa aksidente ano?" Ibinalik niya ang atensiyon sa driver.
"Aksidente po? Silang lahat?" Akala niya ay si Missy lang.
"Oo. Nabangga ng truck ang sinasakyan nila. Naging kritical ang lagay nila pero mabuti na lang at naka-survive...miracle ba. Kasi sabi ni Manang Tinay, ang kasambahay wala na raw senyales ng buhay ang mag-iina nang dalhin sa ospital." Niyakap ni Beatrix ang sarili. Thank God, they survived.
Marami pang naging kuwento ang driver na si Mang Cecillo, na dalawang dekada na palang driver ng pamilya ni Missy kaya kataka-taka na hindi nito alam na kaarawan ng amo. Naikuwento nito kung gaano kabait si Missy at kung gaano namang kamaldita ang nag-iisang kapatid nitong si Glayds. Wala ng ama si Missy, namatay noong highschool palang daw si Missy. Maging ang sariling buhay nito ay naikuwento sa kanya na ipinagpasalamat naman niya dahil hindi siya nainip sa halos isang oras na biyahe patungo sa bahay nina Missy.
Nagpasalamat siya kay Mang Cecillio matapos siyang pagbuksan ng pinto. Agad siyang namangha sa ayos sa paligid ng bahay nina Missy. The front yard was decked with a lot of creepy Halloween decorations, making it a really terrifying setting.
There's a graveyard's entryway built of stone and skulls, ground-breaking zombies, terrifying extra-large crows, and the tall pumpkin monster is an attention-grabbing. The floating witch hat lightning that hung on the porch and several trees nearby gave the entire front yard a more eerie appearance.
"Napakaganda naman ng ayos," komento ni Mang Cecillio at agree siya sa bagay na iyan. At dahil sa mga guest na naroon na nakasuot ng iba't ibang costume ay nagmukhang lugar iyon na pinamumugaran ng iba't ibang klase ng nilalang. Naalala niya bigla ang Vila dos Picadore kung saan ay iba't ibang klaseng nilalang ang naninirahan. Pero nakakatuwa na ang tugtog ay kinontra ang spooky vibe. Pang-disco ang tugtog at nakakaindak.
"Parang totoong mga nakakatakot na nilalang, lalo na ang isang iyon," tukoy ni Mang Cecillio sa isang black rider. Nakasakay ito sa isang itim na malaking kabayo habang may hawak na kadena na may bakal na bola. Hindi ito nakikisalamuha sa ibang mga bisita. In character talaga ito. Nasa ilalim lang ito finetree.
"Hindi nama ito mukhng party. Wala man lang tugtog. Ganito ba talaga dapat katahimik ang halloween party?"
"Ho?" Naguluhang tanong niya. Paanong walang tugtog?
"Ayan na pala si Señorita." Sa pagbaling niya sa direksyon na itinuro ni Mang Cecillio ay agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makita si Missy na sexy Pirate Hunter ang costume. She has green hair, and is wearing a mid-thigh length dark green kimono dress that is tied by a red sash over her waist and over-the-knee black boots.
"Hi," humalik ang kaibigan sa kanyang pisngi. She looks sad.
"Mang Cecillio, ang sabi ko po tawagan niyo ako kapag malapit na kayo," malambing na pangngungumpronta ni Missy sa driver.
"Nawala sa isip ko. Nalibang ako sa pakikipagkuwentuhan sa kaibigan mo." Lumagpas ang tingin ni Mang Cecillio kay Missy.
"Parang haunted house na ang bahay. Kayo-kayo lang ba ang magpa-party? Mukhang wala pang—"
"Maraming salamat po sa pagsundo sa kaibigan ko, Mang Cecillo," pagputol ni Missy sa lalaki at ikinawit ang braso sa braso ni Beatrix.
"You can go na po. Ako na lang ang maghahatid kay Beatrix." Hindi na hinintay pa ni Missy ang pagtugon ng lalaki. Hinila na siya nito patungo sa bahay. Lahat ng bisita ay natigil sa pakikipag-usap, lahat ng atensiyon ay natuon sa kanya na tila ba isa siyang napakahalagang panauhin. Hindi pagkailang ang kanyang naramdaman dahil sa mga titig na iyon kundi kilabot. Nakakatakot kasi ang mga costume. May superhero nga pero with a twist. Superman na tila isang corpse, meron pa ngang Darna pero naagnas ang balat.
"Gosh! They are ruining my childhood memories."
Marahang tumawa si Missy. Walang humour. Mukha itong wala rin sa mood. Napansin na agad niya iyon kanina palang na pagsalubong sa kanya. Tiningala niya ang graveyard entry hanggang sa malagpasan nila iyon.
"Nice halloween decoration, huh?" puri niya habang papasok sila sa malaking bahay. May mga dekorasyon din sa loob but more on monster pumpkin. Malamlam na mga ilaw lang ang bukas.
"Salamat nga pala sa costume, Missy. This one is nice."
"Yeah. It really looks good on you. Para kang iyong character sa anime." Inabot ni Missy ang cloak at hinaplos ang tela niyon. "Do you know that it's an armored suit?
"You mean bulletproof?"
"Not only a bulletproof but it also designed to withstand the pressure generated by bomb or any energy blast. It's made from Aramid fiber and other special materials to make it more durable."
"Wow!" Hinaplos niya ang kanyang katawan. Hapit na hapit ang bodysuit sa kanya. Pati ang kanyang breastplate ay hulmado sa kanyang dibdib. Nakakagulat na maganda ang fit niyon kahit hindi niya naisukat. Baka si Missy na ang nagsukat dahil magkasingkatawan naman sila nito. It's as soft and as comfortable as ordinary clothes. Parang katulad din ito ng isinuot niya noong magtungo sila ni Romulus sa kweba para kunin ang angel dagger ni Lusitania, kaya nga lang catsuit naman iyon habang ito ay crotch lang ang natatakpan at hindi hita.
"It can protect you, iyon nga lang ay hindi ko alam kung hanggang saan."
"Protect me from what?" It puzzled her.
"You!" Gulat na napabaling si Beatrix at Missy kay Gladys na bigla na lang sumugod.
"Where's my brother? Where is he?" Agad na umatras si Beatrix nang magtangka itong hablutin siya habang si Missy naman ay biglang humarang sa kapatid.
"Stop it, Gladys!"
"Where is my brother! You abducted him! Huh!?" sigaw nito sa nakaririnding level ng boses.
"Ano'ng nangyayari riyan sa kapatid mo? Sino'ng kapatid ang hinahanap niya? At bakit sa akin?"
"Stop it Gladys! Stop it!" Itinulak ni Missy ang kapatid pero muli itong sumugod.
"Stop it, Gladys!" Humahangos na tumigil ang babae nang marinig ang nagbabantang boses ng isang babae. Bumaling siya sa magarbong hagdanan. Nasa kalagitnaan ng hagdan ay naroon ang isang magandang babae. Hindi maipagkakaila na ina ito ni Missy dahil sa laki ng pagkakahawig nito. She looks like a dark queen in her black Victorian gothic style—a black Victorian long tail dress topped with a black cloak. May suot din itong gothic headpiece at hawak ang isang mahabang baston na tila ba kayang maglabas ng kapangyarihan. May itim na hiyas iyon sa ituktok. Her lips were painted with red blood lipstick.
"Ina, si Avalon!
"Manahimik ka, Gladys!" muling sita ng ina.
"Ilayo si Gladys!" sigaw ng babae habang nagsimulang bumaba ng hagdan at may agad na dalawang lalaking pawang nakaitim din ang lumapit. Kinuha si Gladys at sa sapilitang inilayo habang ito ay nagpupumiglas. Nang tuluyang makababa ang babae ay lumapit ito sa kanila.
"Ipagpaunmahin mo ang hindi kagandahang asal ng aking anak, hija." Inabot nito ang kanyang kamay. Bumaba ang paningin nito sa kanyang kamay. Gumuhit ang ngiti sa mapupulang labi nito.
"Si Gladys," anito na ibinalik ang tingin sa kanyang mukha.
"May problema sa pag-iisip. May mga bagay at tao siyang hinahanap na wala naman sa mundong ito katulad na lang ng tinatawag niyang kapatid niya. Naapektuhan nang maaksidente."
"Ganoon po ba? Naiintindihan ko po." Pinisil nito ang kanyang kamay habang ang mga mata ay bahagyang naningkit.
"Maraming salamat." Binitawan nito ang kanyang kamay at ang kanyang mukha naman ang inabot.
"I hope you'll enjoy the party, hija. Missy put so much effort into making this fabulous party happen." Hinarap ng babae si Missy, inabot ang mukha, pinaglandas ang mahahabang kuko na napipinturahan ng itim.
"Take care of her, Missy. Let her to enjoy this evening till the right time arrives." Nakangiting bumaling sa kanya ang babae. "Right time to go home," pagklaro nito sa sinabi.
"Regalo ko nga po pala." Inabot ng babae ang paper bag mula sa kanya, nagpasalamat ito saka sila iniwan. Muling pumanhik sa hagdan kung saan dinala si Gladys.
"Gift." Inabot niya kay Missy ang isang paperbag na mas maliit sa ibinigay niya sa ina nito.
"Salamat."
"Ano ang nangyayari sa kapatid mo? May mental health issue ba?" Tumalikod si Missy at nagsimulang maglakad na agad naman niyang sinundan.
"Huwag mo na lang siyang pansinin. Doon na lang tayo." Tinungo nila ang pinto na patungo sa backyard. Nagulat siya sa paglabas sa french door ay sumambulat sa kanya ang iba't ibang klaseng nilalang. In fairness sa mga bisita todo effort din. Nagsitigil pa ito sa pagsasayaw, pag-inom at nagkukwentuhan sa paglabas nila ng pinto. May lumapit sa kanila na isang lalaking naka-vampire costume, may dalang tray na naglalaman ng alak. Kumuha si Missy ng dalawang baso at ibinigay sa kanya. Nang hindi agad umalis ang lalaki ay inirapan ito ni Missy saka siya hinila palayo. Malakas na tumawa ang lalaki. Tinungo niya ang isang cocktail table na nababalutan ng itim na tela. Ipinatong ni Missy ang paper bag doon.
"Hindi siya waiter?" tanong niya.
"Waiter," tipid nitong tugon saka sumimsim sa baso.
"Hmm. Puwede siyang maging model, ah? Ang aristocrat ng face." Nilinga ni Missy ang kinaroroonan ng bampira. Nakatingin ito kay Missy. Nagtaas ng basong hawak pero muli lang itong inirapan ni Missy at ngumisi lang ang lalaki. Mukha itong hindi naman staff lang dito kung umasta. Walang staff na masyadong maangas kahit pa siguro gaano kagandang lalaki sa nagpapasuweldo rito.
"Ang ganda ng singsing mo." Bumaba ang tingin ni Beatrix sa kanyang kamay na nakapatong sa cocktail table nang magkomento si Missy patungkol sa kanyang singsing.
"Engagement ring?" Nag-alangan siyang sagutin iyon. It's insensitive if she'll answer yes. Ngumiti si Missy at kinuha ang kamay niya. Hinaplos nito ang diyamante.
"You deserve his love. Kayo ang nararapat sa isa't isa." Nilaro ni Missy ang singsing sa kanyang daliri.
"You love each other. Mas masarap mamuhay ng tahimik kasama ang minamahal hindi ba?" Sinubukan ni Missy na ikutin at kapagkuwa'y hinila iyon. Agad niyang binaluktot ang daliri kaya napigil ang tuloy-tuloy sa paghubad sa singsing. Binawi niya ang kanyang kamay. Dinala sa dibdib habang hawak ng isa pang kamay.
"Missy, I'm sorry!"
Umiling si Missy. "It's okay. Let's move on. Tanggap ko na 'yon."
"We're still friends?" Sinagot ni Missy ang tanong niya ng isang mahigpit na yakap na kanya namang sinuklian din ng yakap.
Wala siyang kilala sa pagtitipon kundi si Missy. Ayon kay Missy ay hindi rin nito kilala ang mga naroon. Ang kapatid at ina nito ang mga nag-imbenta ng naroon kaya sila ni Missy lang ang laging magkasama at paminsan-minsan ay nilalapitan sila ng vampire waiter para mag-refill ng inumin nila at para kulitin si Missy. Hindi na rin lumabas si Gladys. Mabuti na lang.
Itiningala ni Beatrix ang ulo para pagmasdan ang bilog na bilog na buwan. Halos nasa gitna na iyon. Mas lalong nagbigay ng spooky vibe sa event ang mapulang buwan. Habang pinagmamasdan iyon ay biglang bumalik sa kanya ang alaala ng paglakbay niya sa nakaraan. Ganitong araw iyon mismo naganap ang malagim na pangyayari sa buhay ni Heironimos at Celtici. Kaarawan ni Celtici. Bumuntonghininga si Beatrix at inilayo ang paningin mula sa buwan. Napakalawak ng backyard ng bahay at karugtong na niyon ay kagubatan na. Pumihit si Beatrix sa silangan, natigilan nang matuon ang atensiyon sa isang maliit na silid na nakahiwalay sa main house. Ang nakaagaw ng kanyang pansin ay ang bagay na nagliliwanag sa loob. Salamin ang dingding niyon kaya kita mula sa kanyang kinatatayuan ang loob.
Nilinga ni Beatrix ang paligid. Nagkakasiyahan pa rin ang mga bisita kahit malalim na ang gabi. Si Missy naman ay pumasok lang para magpaalam sa ina at ipapaalam na uuwi na siya. Nagpasya si Beatrix na lumapit sa silid. Inilapat niya ang palad sa salaming pinto at pilit inaninag ang bagay na nasa glass case. Unti-unti ang pagdaloy ng kilabot sa kanyang buong katawan nang mapagtanto kung ano ang bagay na nasa loob. Ang punyal ni Heironimos. Bakit ito narito? Ano ang ibig sabihin nito? Sa mga posibilidad na naisip ay nahintakutan siya. Itinulak niya ang salaming pinto pero muli lang siyang napaatras nang may bumulaga sa kanyang isang evil spirit na mukhang nagbabantay sa punyal.
"Shit!" Hindi niya gusto ang nangyayari.
"Beatrix." Mabilis siyang pumihit. Si Missy. Seryoso itong nakatitig sa kanya. Inilahad nito ang kamay.
"Ibigay mo sa akin." Awtomatikong napatingin siya sa kanyang singsing na ngayon ay nagliliwanag. Sa pagbalik niya ng tingin kay Missy ay noon niya napansin ang suot nitong talisman—ang talisman na nawawalan ng hiyas sa gitna; ang talisman ni Celtici. Hindi niya iyon napansin kanina na suot ni Missy. Marahil ay ngayon lang isinuot. Nagliliwanag ba ang hiyas dahil sa talisman? Nakikilala nito ang sariling tahanan.
"Siera," usal niya. "Ikaw."
"Ibigay mo na. Makakaalis ka ng ligtas kung ibibigay mo," pagpilit nito sa mahinahon na boses.
Umiling si Beatrix. "Fuck you!" Mabilis siyang pumihit para lumayo pero agad na nahagip ni Missy ang kanyang braso. Kasabay nang pagpihit niya paharap kay Missy ay namuo sa kanyang kamay ang asul na enerhiya, malakas niyang inihampas ang nakabukas na kamay sa dibdib ni Missy at tumalsik ito nang malayo. Dumaing ito sa sakit. Ang waiter na bampira ay dinaluhan si Missy pero nang galit na bumaling sa kanya ay lumabas ang mga pangil nito at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito. Tumaas ang isang kamay nito. Nangislap ang mahahaba at matutulis na kuko sa sinag ng buwan. Totoong bampira.
"No!" Malakas na sigaw ni Missy ang nagpatigil sa tangkang pagdakot nito sa puso ni Beatrix. Nanglaki ang mga mata ni Beatrix na napaatras nang ang lahat ng nilalang na naroon ay nagsibagong anyo. Iba't ibang klaseng nilalang. Incanto, halimaw, evil spirit, bampira at ang iba ay mga taong may mga pangil at mata na katulad ng sa lycan. Taong-lobo. Agad na pinanghinaan si Beatrix sa nasasaksihan. Set-up. Nilinlang siya ni Missy—ni Siera at katapusan na niya. Mariin niyang ipinikit ang mata.
"Romulus," usal ng kanyang isip.
—
Last chapter na talaga. Di kinaya sa isang chapter medyo mahaba. 😅So, ayon November na ang Dust of Memories. Sure na yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top