Chapter 30
"People claim that Celtici asked the forest goddess to disintegrate her physical form so that her spirit may roam freely to guard Heiromimos' tomb. Mabubuhay siyang muli sa katawan ng sanggol na babae mula sa linya niya sa takdang panahon...and it was you." Nilinga niya si Manoela na nanatiling tuwid na nakaupo sa batong upuan sa hardin.
"How about Siera? Paano kung wala na talaga siya?"
"She's here. Ang Formosa na walang hinangad kundi kapangyarihan at makapaghigante ay hindi nakakalimot sa isinumpa, Beatrix. Nandito lang siya at naghihintay ng tamang panahon. Babalik siya sa mundo ng mga Formosa at maghahari roon dahil iyon naman ang nais niya noon pa man bago siya ipinatapon sa Vila Dos Pecadore. Ang kailangan niya ay malakas na kapangyarihan para magawa iyon."
"At ang hiyas ang kailangan niya para makuha ang kapangyarihan ng reyna ng Formosa," kinikilabutan niyang usal.
Nagmulat ng mata si Beatrix, tumitig sa kisame. Hindi mawala sa isip niya ang napag-usapan nila ni Manoela. Si Siera ay isang dark fairy na ipinaton sa Vila Dos Pecadore at nawalan ng kapangyarihan. Naging mortal ito, katulad ng normal na tao, may espiritu. Pero mautak si Siera kaya nagawa nitong manipulahin ang mga nilalang na magagamit nito sa masamang balak katulad na lang ng Citanian—ang lahing kinabibilangan ni Heironimos—at ilang mangkukulam at itim na diwatang katulad nito para maibalik ang kapangyarihan nawala rito. Pero hindi iyon sapat para makapaghari ito sa mundo ng mga Formosa kaya pilit nitong kinukuha kay Celtici ang hiyas kung saan nakakulong ang kapangyarihan ng Reyna. Napatay ni Flavia ang katawang tao ni Siera pero hindi ang espiritu na siyang naghasik pa rin ng lagim. Pumaslang ng mga sanggol na babae sa linya ni Celtici gamit ang iba't ibang klaseng nakakakilabot na nilalang na kapanalig nito.
Hindi na-reincarnate si Siera. Nanatili itong espiritu. Pero maaari itong gumamit ng katawan ng mortal para maging vessel ng espiritu nito na hindi raw madaling gawin. Nagiging matagumpay ang paggamit sa katawan ng mortal kung bukal sa loob ng may-ari ng katawan ibigay ang katawan nito, walang pandarayang gagawin. Ang tanong, nanatili bang espiritu na lang si Siera o nabubuhay na ito sa katawan ng isang tao? At kung ang hiyas ang kailangan nito tiyak na lalapit ito sa taong tagapangalaga ng hiyas. Na kay Peter iyon at ngayon nasa pangangalaga ng mga Saldivar.
Mabilis na napatuwid ng upo si Beatrix. Ang mga Saldivar ang lalapitan ni Siera at ibig sabihin lang ay nanganganib ang pamilya ni Romulus kay Siera. Saan niya hahanapin si Siera? Paano niyang matutukoy ang taong ginagamit ni Siera?
"Hoy!" Wala sa loob na tumingala si Beatrix sa taong tumapik sa kanyang balikat. Si Krizzy.
"Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala."
Wala sa loob na tumango si Beatrix. "Gaga ka, wala kang natapos sa ipinapagawa sa 'yo ni Ms. Chavez." Sinapo niya ang kanyang noo at hinilot iyon.
"Gagawin ko na." Inusog niya palapit sa desk ang upuan at pumindot sa keyboard para mabuhay ang naka-sleepmode na computer.
"Gagawin mo kung kelan uwian na?" Natuon ang kanyang pansin sa widget clock ng screen. Ala-sais na. Seryoso? Inabot siya ng ala-sais sa kakaisip kay Siera pati na rin kay Romulus.
Lumagpas ang tingin niya kay Krizzy nang makita ang pagdaan ni Ms. Chavez. Umiling ito na mukhang disappointed nang husto sa kanya bago naglakad palayo.
"Girl, kanina pa iyan badtrip dahil hindi mo ginawa ang parte mo para sa promotional presentation. Iyong inis niya sa 'yo ibunton sa iba dahil hindi ka naman mapagalitan. Lakas mo talaga, ah? Kayo na ba talaga ni Sir Sixto?"
"Hindi. Ano ka ba? Actually, kaibigan ko siya. Boyfriend kasi siya ng kaibigan ko. Hindi ako ang girlfriend niya." Itong si Sixto talaga. Siguro sinabi sa mga head dito sa department na huwag siyang papagalitan. Ayaw naman niya ng ganoon. Ayaw niya ng special treatment.
"Hmm. Kaya pala malakas ka. Anyway, tara na. Let's party and get wasted."
"What? Saan? Saka bakit bigla-bigla naman kung magyaya?"
"Ano'ng bigla-bigla. Kaninang umaga palang pagdating mo rito sinabihan na kita at um-oo ka." Wala siyang matandaan. Masyado siyang ukupado ng maraming iniisip kaya baka um-oo na lang siya kanina ng yayain siya ni Krizzy.
"Pass na muna ako. Tatapusin ko na lang itong ipinapagawa sa kin ni Ms. Chavez. Sa bahay ko na lang tatapusin."
"Hoy, grabe ka naman! Ngayon lang ito, Beatrix. Huwag naman KJ." Nilinga ni Krizzy ang kaibigang si Brian at humingi ng tulong para kumbinsihin siya. Lumapit si Brian sa kanila.
"Birthday ko ngayon, girl. Hindi mo man lang ako pagbibigyan?" Nilingon niya si Brian na nakatayo sa kanyang likuran. Oo nga pala. Noong isang linggo pa nito ito na plano at um-oo na rin siya.
"Saka you look stressed, oh? It can help you to relax." Siguro nga kailangan niyang makapag-relax man lang. Sa dami niyang iniisip hindi na talaga niya magawa ang dapat na prioridad niya. She was thinking about Romulus...Missy and Siera. It's consuming her. It's tiring.
"Sige na."
"Good!" tili ng dalawa.
Matapos maiayos ang mga gamit ay sabay-sabay na silang nag swiped-out. Excited ang mga ito lalo na si Brian na magbo-boys-haunting daw sa bar na pupuntahan. Ang iingay ng mga kasama niya habang inaantay ang pagbukas ng elevator habang siya naman ay tahimik lang. Ang totoo ay hindi siya excited at wala siya sa mood pero gusto naman niyang makisama. Maybe her mood will get much better if alcohol gets into her system.
"Hoy, Beatrix! Ang tahimik mo," puna sa kanya ni Krizzy.
"Ayos lang ako. Huwag mo akong pansinin."
Inakbayan siya ni Brian. "Don't you worry, frenny. Alcohol will get you loosened up."
"Yes! Let's get wasted tonight!" Masayang itinaas ni Krizzy ang dalawang kamay na sinundan naman Precilla na iginiling pa ng dalawa ang mga balakang. Marahang napatawa si Beatrix habang pinapanood ang dalawang sinayawan ang isa't isa na pinalo naman ni Brian sa puwet ang dalawa.
"Mamaya lumandi. Mahinhin mode muna habang nasa loob ng workplace." Nagtawanan ang dalawa.
"Saka may pasok bukas utang na loob. Baka gusto niyong bugahan na tayo ng apoy ni Ms.Chavez." Mas lalong nagkatawanan ang lahat. Si Beatrix ay nakagat ang ibabang labi. Siya ang dahilan kung bakit beast mode si Ms. Chavez at dinamay pa niya ang mga katrabaho.
Nang nagawi ang tingin ni Beatrix sa kaliwang bahagi ay napa-double-take siya nang makitang naroon si Romulus. May kausap itong isang lalaki. Bagatmat tila may ipinapaliwanag ang kausap ay wala naman doon ang atensiyon ni Romulus kundi nasa kanya. Bago siya hinila ni Brian ay parang nakita niya ang pagitaw ng ngiti sa labi nito.
"Let's be boys-haunting. Hanapan natin si Beatrix ng lover para hindi laging stress," ani Brian na tuloy-tuloy siyang hinila papasok sa elevator pero bago siya tuluyang makapasok ay nilingon pa niya si Romulus. Mukhang guni-guni lang niya ang nakitang munting ngiti sa labi nito dahil madilim na anyo na naman ang nakikita niya. Mukhang wala na silang chance. Matapos ang nangyaring pag-uusap sa opisina nito sa distillery ay hindi na nasundan pa. Dalawang araw na rin ang lumipas.
Sa BGC sila nagtungo. Kumain muna sila bago pumasok sa isang bar. Sampu lahat silang magkakasama at tatlo roon ay lalaki kasama si Brian. Hindi niya inaasahan na naroon sina Drake kaya nadagdagan pa sila ng tatlo. Parang gusto niya tuloy umalis na lang pero hindi naman niya magagawa pa dahil hinila na siya paupo ni Krizzy. Inipit na siya nito at ni Brian. Ipinatong niya ang kanyang shoulder bag sa kanyang hita at hinila ang laylayan ng hot-pink above-knee pencil skirt kahit hindi naman siya masisilipan dahil nahaharangan naman iyon ng mesa, plus the whole place was dimly lit. Moon-shaped ang couches sa mga bar na talikuran. You can chi-chat with other customers at the back if you want to dahil dikit ang upuan sa ibang table. Dudungaw ka nga lang dahil mataas ang backrest ng couches. May oval na mesa sa harapan at may dalawang single padded chair naman sa kabilang bahagi kung saan nakaupo ngayon Drake na ngayon ay matiim ang pagkakatitig sa kanya habang umiinom ng alak sa baso nito. Katabi nito si Benj na kasama nito sa R&D department. Their reserved table was facing the dance floor, giving them a view of the action going on there. Agad namang dumating ang inumin at bar food.
"Grabe ka, beks! Ang yaman mo. Afford mo talagang magpa-reserve ng table dito sa sosyal na bar na ito," ani Krizzy sa namamanghang tinig. Krizzy was right, Prime Club may not be the top but one of the most lavish nightclubs in the city. Isa ito sa madalas nilang puntahan nang nag-aaral pa siya rito sa Manila. A table reservation has a required minimum order of Twenty thousand and higher on weekends.
Inilagay ni Brian ang likod ng palad sa ilalim ng baba. "Hmm. Iba ang maganda. May sponsor na afam ito."
"Argh! Gusto ko rin niyan. Baka naman may mairirito ka riyan, beks. Hindi sapat ang talino ko para yumaman agad."
Kinuha ni Brian ang shot glass mula sa mesa at ibinigay kay Beatrix na hindi naman niya tinanggihan. "Tequila from Lua Azul. Ayusin ang pag-inom para walang tapon. Wasak puwet ko para lang ma-afford 'yan." Malakas na naghalakhakan ang lahat sa mesa. Maging siya ay malakas na napatawa sa lakas ay nagalaw ang buo niyang katawan dahilan para may matapon sa laman ng kanyang shot glass.
"Sinabing huwag sayangin. Laklakin na 'yan." Kinalma niya ang sarili mula sa masayang pagtawa bago ininom ang laman ng shot glass. Pinahid niya ang kanyang mata ng dulo ng daliri. Napaluha siya sa malakas na pagtawa. Brian never fails to amuse them. He is a master at making people laugh. Napakasaya talaga nitong kasama. That's why she loves gays friend. They were so natural and their sense of humor was superb. Okay. Right decision na sumama nga siya. The frustration she's feeling is slowly easing.
"Beatrix, may relasyon kayo ni Sir Sixto?" Si Benj na ikinatawa niya.
"Marites ka na rin, Benj?" Napakamot ito sa ulo. She likes Benj, he's so cute when he's shy and he's a gentleman. Hindi feeling guwapo kahit guwapo naman.
"But to answer your question, wala. Sixto is a friend of mine even before I worked in Lua Azul."
"Hmm. So, puwede kang ligawan kung ganoon?" Marahan siyang natawa sa tanong nito at ininom ang shot ng tequila na ni-refill ni Brian.
"May balak ka bang ligawan siya, Benj?" tanong ni Precilla. Nahihiyang ngumiti sa kanya si Benj. Hindi naman sa assuming siya pero hindi rin naman siya manhid at alam na alam naman niya kapag interesado sa kanya ang isang lalaki. Hindi na ito bago sa kanya.
"Naku! I'm a complicated person. I'm not a good catch. Saka hindi priority. I have parents that need my support."
"Ouch!" pagreak ni Benj na sinapo ang dibdib.
"Hindi pa nga nakakapagtapat basted na," tumatawang sabi ni Jerome na nakaupo naman sa dulo ng couch, katabi si Xena.
"Bawi na lang sa next life," dagdag pa ni Jerome.
Naging masaya ang bonding nila. Maraming kuwento tungkol sa trabaho, tungkol sa personal na buhay, biruan, tuksuhan at itong si Benj ay naitukso na kay Krizzy. They are fun to be with. Nang magkayayaang sumayaw ay nagpahila na rin siya dahil ayaw niyang maiwan kasama si Drake na kanina pa titig na titig sa kanya. Naiirita siya sa titig nito at kasabay ang kilabot. May kakaiba sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi iyon titig ng nagkakagusto sa isang babae. Hindi rin titig ng isang kuryusidad. Parang inaaral nito ang bawat kilos niya na tila ba isa siyang kaaway at kapag nakabisa ay saka siya aatakihin.
Napatili si Beatrix nang bigla siyang hilain ni Krizzy matapos nitong sumayaw sa gitna nila habang nakapaikot silang lahat. Iyon ang naging dare, ang magpamalas ng galing sa pagsayaw. Siya pa talaga hinamon ng mga ito. Laman kaya siya ng club noong nag-aaral sila ni Luna sa Manila. Sexy dance? That was easy for her. She mastered a lot of party moves. She always has courage to show her talent. She raised her right hand, as if telling her audience to shut up and pay attention to her. Her self-assurance elicited yells and cheers from her peers. She began with a seductive hip movement, her hands moving gently up her body till her arms flailed in the ceiling above her. She exuded confidence as she did this. Naghiyawana ang mga kasama niya ng lapitan niya si Brian at sayawan. Diring-diri naman itong tumakbo palayo. Malakas na tumawa si Beatrix sa reaksiyon ni Brian.
Sabay-sabay na silang sumayaw. Nakakawala talaga ng problema ang ganito kahit panandilaan lang. Ngayon ay magaan ang pakiramdam niya. Para siyang nakawala sa kulungan. Nakapikit siya habang nakataas ang dalawang kamay sa hangin, iginigiling ang balakang, isinasabay sa saliw ng musika. She was enjoying the music, the vibration that was created by the loud sound, and the moment when someone interrupted her by grasping her butt. Napatigil siya sa pagsasayaw at mabilis na nilingon ang gumawa. Isang lalaki na nagawa pang ngumisi sa kanya na tila ba proud pa ito sa sariling pambabastos. Humakbang ito paatras bago naglakad palayo, patungo sa bar counter at doon naupo.
She gritted her teeth in rage, and decided to follow him. Naupo siya sa bakanteng stool. Isang bakanteng stool ang nakapagitan sa kanila ng bastos na lalaki. Ngumisi pa itong muli sa kanya at kumindat bago humingi ng alak sa bartender. Ganoon din ang ginawa niya. Isang tequila ang order niya. Batid niyang nakatitig sa kanya ang lalaki na lalong nagpapakulo sa kanyang dugo. This man deserves to be punished. His fucking cock should be permanently dysfunctional. Ipinikit niya ang kanyang mata, itinuon ang buong atensiyon sa enerhiyang nais niyang palabasin sa kanyang katawan. Napagtagumpayan niya, nararamdaman niya ang pagkakaisa ng electric current na nabubuo sa kanyang katawan, patungo iyon sa iisang direksiyon—sa direksiyon patungo sa lagusan.
"Ito na po, ma'am." Nagmulat si Beatrix, kinuha ang shot glass na inilapag ng bartender sa kanyang harapan. Tipid niya itong nginitian bilang pagpapasalamat. Niyuko niya ang kanyang braso, mula sa ilalim ng seda na tela ng kanyang puting long-sleeves ay kitang-kita niya ang kumikislap na asul na kuryente habang dumadaloy iyon pababa sa kanyang braso. Kinuha niya ang shotglass habang ang kamay ay ibinaba niya sa kanyang hita. Bumaling siya sa lalaki na kasalukuyang iinumin ang hawak na alak. Itinaas niya ang shotglass, ipinakita rito bilang pagbigay ng tahimik na toast, ganoon din ang ganiwa nito saka magkasabay na dinala ang mga baso sa bibig ng isa't isa. Paglapat na paglapat ng labi ng shotglass sa kanyang labi ay kumawala mula sa dulo ng kanyang mga daliri ang kuryente. Ungol mula sa lalaki ang humalo sa malakas na tugtog, sapo ang ari ay nalaglag ito sa kinauupuan, bumagsak sa sahig.
Inilapag ni Beatrix sa counter top ang shotglass. "M2 table," aniya sa bartender para doon isama ang in-order niya bago bumaba ng stool. Niyuko niya ang lalaking namimilipit sa sakit. Hindi naman ito mamatay pero tiyak na hindi na nito magagamit ang armas nito. Hindi na titigas at hindi na puputok pa. Umalis na si Beatrix nang lapitan na ito ng bouncer at iba pa na marahil ay mga kaibigan nito. Tinungo niya ang mesa nila, kinuha ang bag saka dumiretso sa restroom. Naghugas lang siya ng kamay at lumabas din agad. Ang pagbalik sana sa mesa ay hindi na natuloy nang makita si Xena na hinihila ng isang lalaki palabas sa likod ng bar, patungo sa parking lot. Sinundan niya ang dalawa. Pilit na nagpupumiglas si Xena at tinatanggihan ang lalaki na namumuwersa.
"C'mon, baby, let's just talk in my car."
"Ayoko nga! Bitawan mo ako kundi magsisisi ka."
"Oh! I love that. Come with me and you won't regret it." Mahinang napamura si Beatrix nang makita ang pagtulis ng mga kuko ni Xena. She's now out of control and will expose herself. Mabilis niyang nilapitan ang dalawa habang hinayaang dumaloy ang enerhiya sa kanyang katawan patungo sa kanyang kamay hanggang mamuo roon ang kuryente.
Nagtagis ang kanyang mga ngipin nang makitang pilit na hinahalikan ng lalaki si Xena na ngayon ay isinandal na sa gilid ng sasakyan. Itinaas niya ang kamay at handa nang gamitin ang kapangyarihan sa lalaki ng...
"Get off her." The authoritative voice abruptly forced the lightning in her hand to dissipate and Xena's claws return to normal. They all turned to face the owner of the voice—it was Romulus. The look on his face was composed, yet the danger is visible in the eyes. He moved slowly towards the direction of the two, passing Beatrix.
"She's my girl—" Hindi pa man natatapos ng lalaki ang tangkang pagsisinungaling ay bigla na lang itong hinablot ni Romulus sa neckline ng T-shirt, ipinulupot ang tela sa kamao at walang kahirap-hirap na itinaas nito ang lalaki sa ere.
"Inirerespeto ang mga babae, hindi binabastos." Romulus' eyes changed its color—they are now glowing golden-yellow. Nahintakutan ang lalaki sa pababago ng kulay ng mata ni Romulus at higit nang lumabas ang pangil nito. Pero bago pa man ito makasigaw ay naihampas na ito ni Romulus sa hood ng sasakyan. Suminghap ang lalaki, nanatiling naroon ang takot sa mukha habang nakatitig kay Romulus bago tuluyang nagsara ang mata.
"Did you kill him?" nag-aalalang tanong ni Beatrix.
"He's just unconscious," he said, taking the phone out of his trouser pocket to take a picture of a man, and then he contacted someone.
"Prime Club's parking lot." Obtain the CCTV footage and ensure that this scene will be erased from this man's mind. Humarap si Romulus sa kanya.
"I'll drive you home, let's go," ma-awtoriad nitong sinabi. Hinila niya si Xena pasunod kay Romulus. Sumakay sila ni Xena sa likod ng sasakyan habang si Romulus ay nasa driver seat na. Hindi nito pinaandar ang sasakyan. Nakatitig lang ito sa kanya sa rearview mirror, nakatiim ang mukha. Hindi nito kailangan magsalita para malaman niya ang gustong sabihin. Agad siyang kumilos para lumipat sa front seat. Sa halip na bumaba ay sa pagitan ng upuan ng driver seat at front seat siya dumaan. Napatawa pa siya nang mauntog siya sa windshield.
"Shit! Am I drunk?" she chuckled. Ngayon niya naramdaman ang hilo. Isinandal niya ang ulo at ipinikit ang mata. Habang tamihik na hinihintay mawala ang hilo ay bigla siyang may nalanghap na napakabangong amoy—klase ng amoy na ngayon lang niya nasamyo buong buhay niya. Lumanghap siya ng malalim, pinuno ang baga ng napakabangong amoy.
"Where's that scent coming from?" she murmured, opening her eyes and snapped her head to the driver seat where Romulus was seated while giving her a very serious look. The moment their gaze locked, that scent became intensified, making her feel as though it was numbing her senses and consuming every bit of her. Naging mainit bigla ang pakiramdam niya. Marahas siyang napalunok dahil sa kakaibang nararamdaman at ang imahinasyon niya ay nagsimulang maging malikot.
"Beatrix, kauri ka ba namin?" Thankfully, Xena interrupted her filthy thoughts. Nilinga niya si Xena.
"Paganus—ah no! Elysian."
"Elysian? Hindi ba dalawang Elysian lang ang natitira? Ibig sabihin—" Suminghap ito na hindi na tinapos ang sinasabi. Mukhang alam na nito ang sagot sa tanong nito. Mapagtutugma na nito kung sino siya dahil naroon ito noong magkaroon sila ng kumprontasyon ni Drake.
"Ikaw ba ang tagakita?" Nang ngumiti siya at tumango para kumpirmahin ang tanong ay muli itong suminghap. Matinding excitement ang bumaha sa mukha nito. Parang gusto pang tumili.
"Hindi ako makapaniwala! Ikaw at ang itinakda ang nagligtas sa aming lahat. Alam mo bang pangarap naming makilala kayo ng itinakda. Tiyak matutuwa si nanay kapag nalaman niyang katrabaho kita." Marahang natawa si Beatrix. Parang gusto siyang dambahin ni Xena. Ang kamay nito ay bumubukas-sara pa na parang gusto siyang pisilin.
"Young lycans should be trained before they are allowed to work or study at universities, except from the school for lycans and Paganus." Nawalang bigla ang ngiti ni Xena na napabaling kay Romulus.
"Hindi ka mukhang nasanay nang mabuti. Muntik mo nang ipahamak ang buong lahi!" Nasa boses ni Romulus ang matinding disappointment at pinipigil na galit.
"S-sorry po, sir. Nasanay naman po akong mabuti sa pagkontrol ng emosyon at pagbabagong anyo. Hindi ko lang kasi talaga akalain na makaka-encounter ako ng ganoon."
"Bago ka pa lang dito sa siyudad kaya dapat iniiwasan mo ang magpunta sa mga ganitong lugar."
"Romulus—"
"Isa ka pa, Beatrix! Ano'ng balak mong gawin sa lalaki kanina? Patayin?" Hindi na nagsalita pa si Beatrix. Batid niyang galit na si Romulus at hindi tamang mangatwiran pa siya lalo't may punto naman talaga ito. Minsan na niyang nagamit ng walang kontrol ang kapangyarihan meron siya na dahilan ng pagkamatay ni Clyde.
"Boys-haunting, huh?" iritang usal nito bago pinaandar ang sasakyan. Mariing kinagat ni Beatrix ang ibabang labi.
Habang paalis sa lugar ay may namataan siyang pinagtutulungan sa kalsada na isang lalaki. Napataas ang kanyang kilay nang mamukhaan ang lalaking binubugbog. Ito ang bastos na lalaki sa club kanina. Kapag mayabang talaga at bastos ayan ang napapala. Hinatid muna nila si Xena sa tinitirhan nito bago siya hinatid ni Romulus sa kanyang condo. Nag-text na lang siya kay Brian at humingi ng pasensiya sa biglaang pag-alis.
"I saw what you did to that man." Sa wakas ay binasag ni Romulus ang nakakabinging katahimikan na kanina pa namamayani mula nang umalis sila ng bar. Ngayon ay naglalakad na sila sa pasilyo ng condo patungo sa kanyang unit.
"Man?"
"The man whose use of his cock you damaged. Iyong nambastos sa 'yo." Tumaas ang kilay niya. Hmm. Mukhang alam nito ang ganap na nangyayayari sa club. Puwede ba niyang i-assume na sinundan siya nito.
"Ang lalaking pinabugbog mo?" Napangisi si Beatrix sa hindi nito pagtugon na isa lang ang ibig sabihin. Ito ang nagpabugbog sa lalaki pero sana naman ay hindi nito pinapatay o ma-damage pa ang ibang parte ng katawan nito.
"Nakita mo ba kung paano akong sumayaw?" Kumunot ang noo nito na parang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"How did you learn to control your power?" Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay iyon ang sinabi nito.
"Heironimos. He taught me how to control my power." Huminto siya hustong marating ang pinto ng unit.
"Good coach," anito na humarap sa kanya.
"Yeah. Sobrang matiyaga siya." Isinandal niya ang likod sa dingding at sinalubong ang matiim na titig sa kanya ni Romulus. Parang may gusto itong itanong pero hindi magawang sabihin. Nag-iwas itong bigla ng tingin, tumingin sa kaliwang bahagi ng pasilyo.
"Do you wanna ask me something?"
Ibinalik nito ang paharap sa kanya ang mukha pero nasa sahig ang tingin at kapagkuwa'y umiling ito. "Pasok ka na. You need to rest."
Tumango si Beatrix at bumuntong-hininga. In-unlock niya ang pinto sa pamamagitan ng passcode. Hindi niya itinuloy ang pagpihit sa serudara. Muli siyang sumandal sa dingding paharap kay Romulus.
"Ako na lang ang may itatanong, Romulus."
"What is it?"
"If I ask you to kiss me, pagbibigyan mo ba ako?" Hindi ito umimik. Nanatili lang ang titig sa kanya. Bad thing is she couldn't read what was in his mind. A real mate can do what she can't. Si Missy, she probably felt and read Romulus' mind. Ipinikit ni Beatrix ang mata at marahang natawa sa sarili. Nagmulat siya saka pumihit sa pinto.
"Good night, Romulus. Thank you for driving me home," aniya saka itinulak pabukas ang pinto, pero ang tangkang pagpasok ay napigil nang hawakan siya ni Romulus sa braso at marahang pihitin paharap. Sa pagharap niya rito ay hinawakan nito ang kanyang baba at tiningala ang kanyang mukha. Napakabanayad ng hawak nito na para bang hindi nito gustong galusan ang kanyang balat. Kontras niyon ay ang matiim na titig nito. Hindi tumutugma ang gaan ng paghawak nito sa matigas nitong pagtitig at pag-igting ng panga. It was a beautiful contrast.
Ipinikit ni Beatrix ang mga mata nang sa wakas ay tuluyang lumapat ang labi ni Romulus sa kanyang labi. His kiss sent shock waves through her body the instant his lips began to move, making her heart raced. His lips were soft yet firm, his kiss was gentle yet thorough. She was overcome by the incredible emotion his kiss brought her and wished it would never end. Dinala niya ang isang kamay sa batok ni Romulus, bumaon ang kuko sa balat nito nang palalimin nito ang halik habang ang kamay ay nasa gilid ng kanyang leeg at ang isang kamay ay nasa likod ng maliit na baywang. Matagal na sandali nilang pinagsaluhan ang halik hanggang sa tapusin ni Romulus kaya nagkaroon siya nang pagkakataon na humugot ng hangin. Tumitig siya sa namumulang labi ni Romulus, naghintay sa muli nitong pag-angkin.
"Good night." Disappointment and frustration flooded onto her upon hearing the word she didn't want to hear at this very moment. Hindi man nais ay wala siyang nagawa kundi ang bumitaw kay Romulus at sibihin din ang ganoong salita.
"Good night." Dismayado siyang pumasok. Nang maisara ang pinto ay isinandal niya ang likod, nabitawan niya ang dalang bag. Nanginginig ang kanyang tuhod dahil sa sensasyong naiwan sa kanyang katawan—ang sensasyon nais pa niyang paglunuyan sana. She felt her blood flow increased in certain areas and the tingles she felt weren't just imaginary. She was able to physically feel them all over her body, notably in her tummy, taut nipples, and genitalia.
"Oh damn! I'm so fucking horny!" malakas niyang palatak at ipinikit ang mata. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili pero walang chance. Ayaw humupa ng pangangailangan ng kanyang katawan.
"I need my release. I need to orgasm," humahangos niyang usal sa sarili. Napapitlag si Beatrix nang biglang may marinig na katok sa pinto. Binuksan niya iyon para mapagsino at hindi niya inaasahan na naroon pa rin si Romulus.
"R-Romulus? What—" She gasped when Romulus grabbed her by the nape and claimed her lips.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top