Chapter 3

"ANG cute-cute naman talaga ng inaanak ko." Pinupog ni Beatrix ng halik ang pisngi ni Javiah. Bumungisngis naman ang bata. Grabe! Napakakyut talaga nito. Para itong manika. Namana nito ang pulang buhok ni Luna. Maputi nga lang ito at hindi niya alam kung kanino namana ang kulay ng balat dahil parehas dark ang skin ni Fhergus at Luna. Siguro sa mga lola nito.  Ay hindi. Sa kanya nito namana ang pagiging mestiza  nito. Parehas silang mestiza.

"Kamukha mo si, nang-namg 'di ba?" Itinaas ni Beatrix ang bata sa ere at muli ay narinig na naman niya ang nakakagaang pakiramdam na bungisngis nito. Hinalikan niya muli ito sa pisngi matapos ibaba. 

"Halika. Puntahan natin si mama at papa." Karga ang bata ay tinungo niya ang pinto sa likod ng bahay. Ayon sa katulong ay tumakbo raw sa gubat ang mag-asawa. Tiyak na pabalik na iyon dahil lagpas isang oras na raw mula nang umalis ang dalawa. 

Magkapit-bahay lang naman sila ni Luna. Ang bahay na tinitirhan nila ay nasa iisang compound. Pag-aari ito ni Manoela na napunta kay Fhergus ang pinakamalaking bahay bilang mana dahil ito ang unang nagkaanak. May properties rin si Manoela sa Baguio. Napakaganda ng lugar na ito. Liblib at malayong-malayo sa mga kabahayan kaya ligtas sa pagbabagong-anyo ng mga Lycan. 

"Look at this place, Javiah. Majestic, isn't it?" she asked Javiah as they began entering the forest. The entire area was shrouded in fog, making it difficult to view the woodland clearly. At midday, the dense fog will dissipate a little but not completely. In comparison to other parts of Benguet, this location is rather chilly. It is also safeguarded by Manoela's enchantment, which adds to its spectacular majesty. The place is rich in both flora and fauna that is very unusual in other forests here in Benguet and even in the entire Philippines, except of course the Isla Sanctuario–Lycan's headquarters-which has more species that you will never find in the Philippines.

Hindi naman kataka-taka iyon dahil matagal na itong pag-aari ni Manoela at talagang prinutektahan nito. May mga warning signage sa mga boundaries para hindi pasukin ng mga tao ang private property  na ito. All of the flowers have bloomed, the leaves have sprung, and the shrubbery is flourishing. It is surrounded by an unlimited number of green trees of varying sizes. The entire setting made you realize how wonderful nature can be.

Habang patuloy sa paglalakad ay unti-unting luminaw sa kanyang paningin ang dalawang imahe na sa kanyang paningin ay normal na nilalang lang pero natitiyak niyang hindi sa tao. Tiyak na matatakot ang sino man ang makakakita sa mga ito at tatawaging halimaw. Tumigil si Beatrix at nakasimangot na pinanood ang dalawang nilalang na magkapatong sa damuhan. Ang may pulang balahibo na malanding si Luna ay nasa ilalalim habang ang may itim na balahibo ay nakapaibabaw rito. 

"Grabe! Ang aga-aga nagse-sex kayo?" Bumaling ang dalawa sa kanya. Gumulong si Fhergus paalis sa ibabaw ni Luna. Kasabay ng pagtayo ni Luna ay nagbagong anyo ito. Her stunning image was shown, her crimson hair cascading over her shoulders. She gathered her garments off the grass and began to dress.

"Oh, huwag kang magbihis. Sige lang go, lang. Gusto kong makita kung paanong mag-sex ang mga Lycan in their humanoid forms." 

Malakas na tumawa si Luna. Kinuha naman nito ang damit ni Fhergus at itinapon sa asawa na nagbagong anyo na rin. Sinalo nito ang mga damit at nagsimulang magbihis.

"Good morning, bff," nakangiting bati sa kanya ni Luna at hinalikan siya sa pisngi. 

"Hello, my princess!" Kinuha ni Luna sa kanya si Javiah at pinupog ng halik sa mukha. Bumungisngis ito. 

"Sex ayo?" 

"Oh, my!" Malakas na humalakhak si Beatrix sa tanong ni Javiah na hindi pa mabuo ang salitang kayo. 

Sinipa naman siya ni Luna sa binti. "Ikaw kasi, eh. Kung ano-anong ipinaparinig mo sa anak ko." 

"But she should learn about that. Para naman handa na siya sa oras na makatagpo niya ang mate niya." 

"Stop that Beatrix!" Napakunot-noo si Beatrix dahil sa galit na boses ni Fhergus. Humakbang itong palapit sa kanila habang isinusuot ang puting sando. 

"Hindi lahat ng Lycan ay may mate." Kinuha nito si Javiah kay Luna. 

"At posibleng wala ring mate si Javiah. Stop teaching my daughter with nonsense," pagkasabi nito niyon ay naglakad na itong pabalik sa bahay. 

"What the heck is wrong with you, Fhergus? Bakit galit ka?" habol niyang tanong kay Fhergus subalit hindi mawala sa isip ang sinabi nitong hindi lahat ng Lycan ay may mate. Is that possible?

"What the heck, Ergus!" Javiah mimicked Beatrix's words.

"One-year-old's speech milestones shouldn't be that fast," Fhergus hissed. 

"Don't listen to your Ninang Beatrix when she's talking, okay? Every word that comes out from her mouth is bad."

"Siraulo talaga! Siniraan pa ako." 

Ikinawit ni Luna ang braso sa kanyang braso at hinila siyang pabalik sa bahay. "Totoo naman kasi." Pinukol niya nang masamang titig si Luna. Tumawa ito. 

"Grabe ka! I'm your bff. FYI! Dapat mas matimbang ang kaibigan sa lalaki." 

Tumawa lang si Luna. Hinawakan siya sa kamay at bigla na lang tumakbo. Hinila siya. "Nagugutom na ako." 

Pagdating nila sa bahay ay naroon na si Manoela, Damon at Romulus. Nakahanda na rin ang almusal at sabay-sabay  na silang naupo sa mesa. Magkatabi silang naupo ni Romulus at Damon sa kabilang bahagi habang sina Luna ay sa kabilang bahagi. Nakaupo si Javiah sa baby high chair sa tabi ni Luna. Habang si Manoela ay nasa kabisera. 

"How are you Beatrix?" Beatrix smiled sweetly at Manoela. Manoela is in her usual vibrant outfit. Fashionista talaga 'tong si Manoela. If she gravitated to a neutral toned outfit, Manoela loves to create her own vibrant look. She mastered the art of color mixing. She can pull off wearing three vibrant colors–hot pink, green and orange–together. Lalo na kapag nasa anyong bata ito. Ay grabe ang ganda nito. Para itong supermodel. Kapag naman nasa anyong matanda ito katulad ngayon, madam na madam ang dating nito. Iyong parang may toneladang gintong nakatago sa banko. 

"Okay lang po, Lola Manoela." Manoela is her 6th great grandmother. Pinsan actually ito ng kanyang 6th great grandmother. Kapatid ito ni Genoveva, na sinasabing pinakamagaling manghuhula at manggagamot noong panahon na siya naman niyang namana ang kakayahan nitong makita ang hinaharap at maging ang naganap sa nakaraan.

"Mabait ba itong si Romulus sa 'yo?" Bumaling si Beatrix kay Romulus. Agad nitong ginagap ang kamay niya. 

"Ano 'yan, pagbabanta para hindi magsalita?" si Damon na nakatingin sa kanilang kamay. Nakaupo ito sa dulo ng mesa sa tabi ni Romulus.

"Hindi 'yan kailangan magbanta. Mabait talaga 'yan si Romulus kay Beatrix. Sunod-sunuran. Takot lang niyan kay Beatrix," pang-aasar ni Fhergus. Parang gusto naman  nitong palabasin na masyado niyang ina-under si Romulus.

"Mabait naman ako," Beatrix defensed herself. 

"Kapag tulog," mabilis na kontra ni Romulus. Tumawa ito nang samaan niya ng tingin. 

"Oo na. Mabait na." Hinalikan nito ang gilid ng kanyang ulo. 

"How about your parents. Kumusta sila?"

"Maayos naman sila. Focus sa supermarket." 

"Kung kailangan nila ng tulong pinansyal magsabi ka lang." 

Ngumiti si Beatrix. "Sige po." Hindi hihingi ng tulong ang mga magulang niya. Hanggat maaari nga ayaw ng mga itong magkaroon pa sila ng involvement sa mga Paganus lalo na sa mga Lycan. Traydor ang turing ng mga ito sa Paganus lalo na nang huluhin ang mga ito dahil sa kanya. Pinatay pa ang kanyang kapatid kaya napilitan ang mga magulang niya na ibigay ang grace ni Seraphim. Ang mga ito pala ang nagtatago niyon. Nagpasalin-salin sa lahi hanggang sa mapunta sa mga magulang niya ang pangangalaga niyon. Kung mayroon ipinagpapasalamat ang kanyang mga magulang ay dahil sa proteksyon na naibigay sa kanya ng mga Lycan. Umalis na ito sa village kung saan naninirahan ang Paganus at mas piniling mamuhay ng tahimik sa Baguio.

"Wala pa ba kayong balak magpakasal ni Romulus?" 

"Naku! Wala po. Wala pa sa isip namin 'yan." Mabilis ang kanyang naging tugon. 

"Romulus needs an heir. Tumatanda na siya. Kailangan may papalit sa kanya sa pamamahala sa Lua Azul." His age is aging but not his appearance and that's the problem. Hindi ito maaaring mamuno sa ganitong itsura sa mga susunod pang taon. 

"Prosthetic mask can hide his appearance." 

"Yeah. Huwag nating madaliin si Beatrix. She's still studying at gusto niyan masolo pa ako…tapos isip bata pa kaya paano 'yan mag-aalaga ng bata." 

"Hey!" Tumawa si Romulus nang kurutin niya ito sa tagiliran kahit alam naman niyang hindi ito masasaktan. Habang masayang nagkukuwentuhan ay dumating naman si Faro. Si Javiah ay nagpumilit na tumayo mula sa kinauupuan nitong high chair habang tinatawag ang pangalan ni Faro.

"Faro! Faro!"

"Hi, Via!" Ang tangkang paglapit ni Faro ay natigil nang tumayo si Fhergus at kunin ang anak. Muli itong umupo at kinandong na lang si Javiah.

"Si papa na magpapakain sa 'yo." 

"No! Faro! Faro!" 

Tumiim ang mukha ni Fhergus. "Ninong, Javiah. Call him ninong." 

"Faro!" Javiah said, twisting her body towards where Faro was. 

"Javiah, behave, princess." 

Kinawayan ni Faro si Javiah. Tumili ang bata at lalong mas gustong lumapit kay Faro. Si Fhergus ay lalong nanggalit ang mukha. Binalingan si Faro. "What the fuck are you doing here?" Fhergus snarled. The tension between Faro and Fhergus erupted unexpectedly, and it was so palpable that even them felt it.. 

"Fhergus." Luna placed her hand on Fhergus' shoulder and gave it a gentle caress. And it's as if by magic, for Fhergus' look has changed from stern to compassionate, especially when he glanced at Luna whose eyes were begging.

"I'm sorry, Mon chou," he apologized.

"Faro, halika rito. Mag-almusal ka," yaya ni Luna sa kaibigan. 

"Hindi na. Sa labas na lang muna ako." Pinukol nito ng matalim na titig si Fhergus. 

"Baka hindi ako makapagpigil may mabanatan akong matandang hindi pantay ang ngipin." Muling nanggalit si Fhergus na bumaling kay Faro. Si Faro ay tuluyan ng tumalikod at umalis. Napatawa naman sila sa sinabing iyon ni Faro. 

"Mag-usap tayo mamaya. We've talked about it already," pagkastigo ni Luna kay Fhergus. 

"Ano ba ang problema mo kay Faro?" tanong ni Damon kay Fhergus. Bumuntong-hininga lang ito saka ipinagpatuloy ang pagpapakain kay Javiah. 

Hindi niya maunawaan si Fhergus kung bakit ganito nito tratuhin si Faro. Okay naman ang dalawa noon. Hindi niya nakitaan ng pagkadigusto si Fhergus kailanman pero nito ay biglang nag-iba. 

"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Faro?" Hindi nakatiis si Beatrix na itanong. 

"Wala lang." Sumimangot siya sa sagot nito. Ano'ng klase 'yon?

"Ang bait-bait ni Faro, eh. He's so adorable. He's extremely handsome. Crush na crush ko nga 'yan noon. My parents like him, too. Bibihira 'yon may magustuhan for me."

"What?"  Gulat na napabaling si Beatrix kay Romulus na bigla na lang nagtaas ng boses.

"Crush mo si Faro? May crush ka sa kanya?" Hala! Ang OA ng reaksiyon. 

"Ang OA naman ng reaksiyon mo." 

"Mukhang iinit na rin ang dugo ko sa kanya."  

"Magsitigil nga kayo! Para kayong mga bata," pangangastigo ni Manoela. Si Luna at Beatrix ay nagkatinginan. Ang mga tanong niya sa isip ay hindi na niya kailangan pang sabihin dahil agad naman nito iyong nakuha. She mouthed "I'll tell you later." Tumango si Beatrix. 

Matapos kumain ng almusal ay nag-usap nga ang magkaibigan sa labas ng bahay. "Bakit ba parang ang init ng dugo ni Fhergus kay Faro." Tinanaw ni Beatrix si Faro na nakaupo sa fire pit  area. 

"Don't tell anyone about this." 

Mabilis na itinaas ni Beatrix ang kamay bilang pangako. Higit pa siyang nacu-curious. 

"Ayaw ni Fhergus na malapit si Faro kay Javiah." 

"Why? Okay naman sila dati. Bigla na lang nag-iba noong birthday ni Javiah." 

Nilinga ni Luna ang paligid pagkatapos ay tinitigan nito si Faro. Bumuntong-hininga bago ibinalik ang atensiyon sa kanya. .

"Javiah and Faro are mates." 

"What? For real? They are–" Mabilis na natakpan ni Luna ng kamay ang bibig ni Beatrix. Si Faro ay nakakunot-noong napatingin sa kanila. Alanganin namang ngumiti si Beatrix sa kaibigan matapos pakawalan ni Luna ang kanyang bibig habang si Luna at kumaway kay Faro.

"Huwag ka ngang maingay! Ayaw ipaalam ni Fhergus kahit kanino ang tungkol sa bagay na ito. He's frustrated by this. He couldn't accept the fact that our one-year Javiah found her mate already."

"How do you find out about this?" 

"We saw the gold ring in their eyes. Noong birthday ni Javiah." 

"Oh, my gosh!" Tinanaw ni Beatrix si Faro na ngayon ay nakatingala habang nakapikit. Ang mga kamay nito ay nakadipa sa ibaba ng sandalan ng upuang kahoy na nakapaikot sa fire pit. 

"Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na ito." 

"Huwag na huwag mong ipapaalam. Magwawala 'yon si Fhergus." Luna cast a glance back over her shoulder as he heard Fhergus caller her name. Rinig rin nila ang pag-iyak ng bata. 

"Sandali lang." Iniwan siya ni Luna. Tumakbo ito pabalik sa loob. Siya naman ay nagpasyang lapitan si Faro. Hinawakan niya ito sa balikat at marahang pinisil. Nagmulat ito ng mata at ngumiti sa kanya.

"How are you?" tanong ni Faro. Umikot si Beatrix papasok sa upuan at naupo sa tabi nito. 

"I'm fine. Ikaw? Ang mga magulang mo kumusta?" 

"I couldn't tell if they're okay. I still saw mama cry every night. Hindi pa rin nila matanggap ang pagkawala ni Cebal." Binalot ng lungkot ang puso ni Beatrix. Naiintindihan niya ang pinagdadaanan ng mga ito dahil katulad nila ay namatayin din sila ng mahal sa buhay…at si Cebal. He's such a good friend.

"Kahit ako hindi ko pa rin matanggap…nandoo ako pero wala man lang akong nagawa para mailigtas siya. I'm useless." Ramdam niya ang pagsisisi ni Faro sa sarili nito. Cebal and Faro were not biological siblings, but they treated each other as if they were. Magkasama itong lumaki. Ang mga magulang na ni Cebal ang kinilala nitong mga magulang bata palang nang maulila ito.

"Ako…madalas ko ring sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari sa kuya ko. Kung siguro hindi na lang ako tumakas baka buhay pa siya." Napakaraming pangarap ng kapatid niya para sa kanyang mga magulang…para sa kanila. He's a pilot, and he's only in their house because he doesn't have a flight that day.

Pakiramdam nga niya. Siya ang sumpa sa pamilya niya. Matagal ng alam ng mga ito na siya ang magiging tagakita. Nasa libro iyon ni Genoveva. Ang batang magmumula sa lahi ni Genoveva na ipanganganak sa asul na buwan ay siyang susunod na tagakita at siya iyon. Hindi alam ng lahat dahil itinago ng kanyang mga magulang ang totoo niyang kapanganakan. Sabay silang ipinanganak ni Luna, si Luna ang batang nakatakdang papatay kay Seraphim at siya ang batang susunod na magiging tagakita. Hindi alam ng lahat na nagmula ang angkan nila sa tribu ng Elysian dahil itinago iyon. Ang pinsan ni Genoveva at Manoela na si Agueda ay isa sa dalawang Elysian na nakaligtas sa pagsunog sa buong tribu–si Agueda at Manoela. Si Agueda ay naitakas ng nobyo nitong isang Paganus. Itinago ang totoo nitong pagkatao, ang alam ng lahat ay isa itong normal na tao. Kaya hindi espesyal ang angkan nila sa Paganus. Para sa mga ito isa lang silang mahinang mangkukulam.

"Anyway, nagpunta ako sa mama at papa mo kahapon. Pinakiusapan nila akong bantayan ka. Gusto  nilang maging bodyguard mo ako."

"Really?" 

"Nag-aalala sila, Beatrix. Ginagamit mo raw ang kakayanan mong manghula. Tapos ayaw mo pang may bodyguard."

Tumulis ang nguso ni Beatrix. "Marami namang hindi naniniwala. Saka hindi lang naman ako ang manghuhula sa mundo. Iyon lang ang ginagamit ko wala ng iba. And about bodyguard, I'm not comfortable. Magtataka lang ang  mga tao, hindi naman ako mula sa impotanteng pamilya tapos may bodyguard."

"Iyon lang ang ginagamit mo dahil iyon palang ang nadidiskubre mo sa kapangyarihan mo. Paano kung madiskubre mo pa ang ibang kakayanan mo?" 

"Oh! I love that. Puwede mo bang ituro mo sa akin kung paanong madidiskubre ang iba ko pang kapangyarihan?" 

"No! Tama na muna 'yan. Masyado ka pang isip bata." 

Hinawakan niya si Faro sa magkabilang braso at niyugyog ito. "Faro, naman. Sige na. Gusto ko iyong katulad ni Luna na may mga apoy-apoy na lumalabas sa kamay." 

"No, Beatrix!" Hinila nito ang sariling braso mula sa pagkakahawak niya. 

"Damot naman nito. May secret ako tungkol sa 'yo hindi ko sasabihin." 

Sumimangot si Faro. "Tingnan mo, isip bata ka talaga. Buti ka pa may sekretong alam tungkol sa buhay ko, ako na may buhay parang walang itinatago." Aba't ayaw maniwala sa kanya. Sabay silang bumaling ni Faro sa direksiyon kung saan naroon si Fhergus na karga si Javiah. Umiiyak ang bata.

"Itong si Fhergus namumuro na 'to sa akin. Maturuan nga ng leksyon." Ibinalik ni Beatrix ang tingin kay Faro na biglang nagbagong anyo. Naging isang malaking parrot ito. Ang damit na suot nito ay naiwan sa upuan habang ang sapatos ay nasa lapag. Lumipad ito patungo sa mag-ama. Tumili si Javiah nang makita ang parrot. Malapad namang napangiti si Beatrix dahil sa pagtigil ni Javiah sa pag-iyak dahil sa paglapit ni Faro.

"Faro! Faro!" paulit-ulit nitong tawag sa pangalan ni Faro habang inaabot ang parrot na lumilipad sa ibabaw ng ulo ng mag-ama. 

"It's a parrot, princess. Not Faro." 

"Faro," ulit ni Javiah.

"Javiah stop mentioning that ugly name. Parrot, baby. Par-rot." Faro landed on Fhergus' head. Nanglaki mata ni Beatrix nang iputan ito ni Faro sa ulo. 

"Dammit!" Iwinasiwas ni Fhergus ang kamay pero nakalipad si Faro. Dumapo naman ito sa balikat ni Javiah. Bumungisngis ang bata sa katuwaan. Napatawa si Beatrix na pinapanood ang nanggagalit na Fhergus. Kapag nalaman nitong si Faro ang ibon na iyon tiyak na babalian nito iyon ng leeg. 

They like each other. Kayang-kaya ni Faro na patahanin si Javiah. At dahil sa koneksyon ng dalawa. Noon unti-unting nabura ang ngiti sa labi ni Beatrix. Mates. They are mates. Another Lycan that has destined mate. Ipinatong ni Beatrix ang mga siko sa ibabaw ng sandalan, bahagyang itiningala ang ulo at ipinikit ang mga mata. 

Lycan has a destined mate. Si Luna, si Lakon, Si Axton at ngayon ay si Javiah ang magpapatunay ng mga iyon. And no doubt, Romulus has as well. He hasn't found it yet, but she is certain that he will in the future. Beatrix's eyelids fluttered open as she felt the hands enclosing her face and the warm lips pressing against hers. Romulus gave her an upside-down kiss. As their lips parted, Romulus' lips broke into a gorgeous grin.

"Is there something bothering you?" Tumuwid ito ng tayo habang siya ay umayos ng upo. Tinalon ni Romulus ang sandalan at naupo ito sa tabi niya. 

"Nothing." 

"Nasaan so Faro?" 

"Nandiyan lang 'yon." Inakbayan siya ni Romulus. Isinandal niya ang katawan sa matipuno nitong katawan. 

"Do your parents like Faro for you?" Napatawa si Beatrix sa tanong na iyon ni Romulus. 

"I'm serious." 

"Yeah. Magalang kasi siya." 

"Paanong magalang? Ano ba ang dapat ginagawa para maging magalang?"

"Nagmamano siya. Nagpo-po at opo. Madalas din siyang tumulong sa parents ko kapag kailangan ng tulong sa gawain. Something like that." 

"Sino ang mas guwapo sa amin?" Malakas na tumawa si Beatrix. Iniyakap niya ang mga braso sa katawan ni Romulus. 

"Magkaiba ang itsura niyo. Parehas kayong guwapo." 

"Walang gano'n, baby. Hindi puwedeng parehas. May mas lamang lagi." Muling tumawa si Beatrix. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Romulus. Naramdaman naman niya ang kamay ni Romulus sa likod ng ulo niya habang ang isa ay nasa kanyang likod humahaplos. Ang labi nito ay idinikit sa kanyang ulo.

"Whose looks do you prefer?" Her chest rumbled with her chuckle.

"Fine! You." 

"Parang napipilitan ka?" She laughed as she glanced up at him.

"Ikaw. Ikaw ang pinakaguwapo sa paningin ko." Ang medyo nakasimangot na mukha nito ay umaliwalas nang gumuhit ang ngiti sa labi. Agad siyang pinatakan ng halik sa labi.

"Such a good girl. Medyo hindi ka na talaga bastos sa 'kin, ah." Muli siyang natawa. 

"Farooooo!" Kumalas siya ng yakap kay Romulus nang marinig ang makabasag eardrums na sigaw ni Fhergus. Si Faro ay lumipad pabalik sa kinaroroon niya hanggang sa magbalik anyong tao ito. Hubo't hubad ito ngayon sa kanilang harapan at natatawang nagsimulang magbihis. 

Mabilis na natakapan ni Romulus ng palad ang kanyang mata. "Tarantadong bastos ka talaga. Sa harap ka pa talaga ni Beatrix nagbagong anyo?" angil ni Romulus kay Faro.

"Bakit? Ikaw lang puwede?" tanong ni Faro.

"Hayaan mo na," putol ni Beatrix sa tangkang pagsagot pa ni Romulus.

"Mas guwapo ka, pero mukhang mas daks si Faro. What do you think?" 

"Ano'ng daks?" 

"Malaki titi." 

"No fucking way. I'm fucking well-endowed than him." 

"Parang hindi." Beatrix pressed her lips to stop herself from laughing. Napipikon na naman ito.

"Hoy, Faro! Ilang pulgada ka?" Tuluyang inalis ni Romulus ang kamay sa mata niya nang maisuot ni Faro ang pantalon  nito. 

"Iyong titi mo ano'ng sukat?!" sigaw nito. 

"Hindi ko alam. But I'm certain I'm well-endowed than you." 

"Prove it. Hubarin mo ulit ang pantalon mo. Let's compare our penises." Napaawang ang bibig ni Beatrix nang tumayo si Romulus at simulang kalasin ang sinturon nito. 

"Tang-inang mga Lycan 'to may mga tama sa utak." Naiiling na sabi ni Faro habang isinusuot ang T-shirt. Umuklo ito at hinalikan sa pisngi si Beatrix. 

"Alis na muna ako. Sunduin kita bukas," Faro said before walking off.

"At bakit mo susunduin ang asawa ko?" Romulus shouted at Faro's back. 

"Ulol. Hindi kayo kasal huwag kang mang-angkin. Fuck-buddies lang kayo. Laruan ka lang ni Beatrix." Faro mocked Romulus as he continued walking away from them. Beatrix grabbed Romulus' hand, stopping him from attempting to follow Faro. He looked down at her with his forehead furrowed. He looked pissed  off.

"I'm just kidding. Pikon ka." Hinila niya ito paupo at niyakap. 

"You are extremely gorgeous. Masculine and well-endowed." 

"Naliitan ka, eh." Malakas na humalakhak si Beatrix. Sinapo ang mukha nito at pinupog ang nakasimangot na mukha nito. 

"Niloloko lang kita. Gosh, Romulus. Hindi mo ba nakikita kung gaano ako nahihirapan sa tuwing isinusubo ko 'yan.  I almost suffocated when your penis blocked my airway." 

Muli niya itong paulit-ulit na hinalikan sa labi. "Huwag ng pikon. Smile na 'yan." Effective naman ang paglambing niya dahil unti-unting pinunit ng malapad na ngiti ang labi nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top