Chapter 29
NAGPASYA si Beatrix na lapitan si Romi nang makita itong nagsu-swimming. Mukhang nasira na naman niya ang mood nito—biglang sumimangot at itinigil ang paglangoy. Umahon ito, tinungo ang lounge chair, kinuha mula roon ang roba at isinuot pero hinayaan lang iyong nakabukas, nakahantad ang magandang hubog ng katawan na mas lalong pina-sexy ng suot nitong daring na metallic silver Dolce & Gabbana swimsuit.
Kinuha ang bote ng wine mula sa ice-bucket na puno ng yelo, nagsalin sa wine glass bago naupo sa lounge chair. Doon sinimulang inumin ang wine habang nakatingin sa malayo na para bang wala siya roon. Alam niyang higit pa itong naiinis sa kanya ngayon dahil sa hindi pagdating ni Romulus kaya wala ito sa dinner kanina. Kahit noon kaso kahit gaano ka-busy si Romulus kapag family time hindi iyon nawawala. Sama-samang nagdi-dinner ang pamilya.
Beatrix walked over to the other lounge chair and sat, despite Romi's refusal to invite her. Romi and she both sat silently. The night is peaceful. Only the chirping of crickets and the dropping of water from pool waterfalls can be heard. She gazed down at her hands, played with her fingers, and then inhaled deeply. She'd worked up the nerve to approach Romi a while ago, but she was still wary.
"I'm sorry," Beatrix spoke subtly. She held her breath and squeezed the index finger's tip. She waited to be scolded. He was ready to hear hurtful words from her. If that would alleviate the pain she had caused, then she'll accept it. Pero lumipas na ang ilang sandali ay wala pa rin siyang narinig mula kay Romi kaya nag-angat siya ng tingin sa dalaga.
She was still staring into nothingness as she continued to sip the wine. Mukhang walang balak na kausapin siya kahit na bulyawan siya. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para makapagpaliwanag. Kahit makinig lang ito.
"Our world is chock-full of wonders?" aniya na itinuon din ang tingin sa kung saan nakatuon ang paningin ni Romi.
"Everything is theoretically feasible. I've encountered creatures I never expected to see...lycans, fairies, witches, and demons. What else could I possibly come across?"
"Elves." Beatrix quickly turned her surprised attention to Romi. She didn't anticipate her response. Although she was still gazing at nothingness, Beatrix was happy that she was willing to speak with her.
"I met one...when I was young," Romi continued.
"I've never seen anything like that. But I want to. Ako naman blackrider. I saw it when he tried to abduct me. It's scary. I don't wanna encounter his kind again...and also evil spirits. I've encountered many of them when we try to take an angel's dagger from a cave in Portugal. Nakakatakot sila, ang mga iyak at sigaw nila. Napakarami."
"It's frightening," mahinang usal ni Romi.
"Yeah. Sobra. I wished it was just a nightmare," she murmured quietly.
"But you still did...iniligtas mo ang maraming Lycan dahil sa ginawa mo."
"It's Luna."
"You and Luna. Kung hindi sa dagger na ikaw ang kumuha hindi mapapatay si Seraphim," pagpilit ni Romi.
"Teamwork. Hindi ko magagawa kung hindi dahil kay Romulus. Siya ang nagpalakas ng loob ko. Kahit sobrang arte ko natiis niya." Hindi na nagkomento pa si Romi sa sinabi niya. Tahimik nitong ipinagpatuloy ang pag-inom. Siya naman ay ibinalik ang tingin sa dilim. Napapangiti pero nanghihinayang na binalikan ang mga alaalala na nabuo nila ni Romulus.
"He was broken when you left him." Ang maliit na ngiti sa labi ay nabura sa sinabi ni Romi. Napuno ng pagsisisi at damdamin ng pagkakasala ang kanyang puso.
"Hindi mo ba minahal si kuya?" Malungkot na bumaling si Beatrix kay Romi. Katulad niya ay may malungkot din itong ekspresyon. Nakatingin na ito ngayon sa kanya.
"I've loved him and I still love him."
"Then why? Bakit mo siya sinaktan? Bakit mo siya ipinagpalit?" punong-puno ng panghuhusga ang boses nito at matinding sama ng loob.
"Hindi ko siya ipinagpalit. Umalis ako dahil kailangan ko siyang protektahan. Protekhan mula sa sarili ko."
Ibinaba ni Romi ang dalawang paa mula sa lounge chair at humarap ito sa kanya. "What do you mean?"
It's time. Ito ang hinihintay niya. Mabilis na kumilos si Beatrix. Naupo rin siyang paharap kay Romi. "Me and Romulus were reincarnation of a dark fairy and a demigod. The mortal enemies from the past. Nagkaroon ako ng pangitain tungkol doon at iyon din ang sinabi ni Manoela. Mabubuhay muli na dala ang galit sa isa't isa. Nasaktan ko na minsan si Romulus at hindi ko na gustong maulit pa iyon kaya umalis ako...naging malinaw ang lahat nang mapunta ako sa nakaraan...sa panahon kung saan nabubuhay ang demigod at dark fairy...si Celtici at Hieronimos."
"Napunta ka sa nakaraan? How? Time machine?"
Marahang tumango si Beatrix. "Noong panahong isang taon akong nawawala. Hindi ko alam na ganoong katagal. Isang buwan sa panahon na iyon ay isang taon na pala sa kasalukuyan. Iyong painting sa antique shop, na nasa opisina ng kuya mo ngayon, hinigop ako at napunta sa unang panahon. Namuhay ako roon bilang Celtici. Celtici and Hieronimos are supposed to be enemies but they fell in love with each other but their relationship ended tragically. Nagpakamatay si Heironimos para lang iligtas ako...para makabalik ako sa panahon na ito."
Hindi maawat ni Beatrix na muling maging emosyonal nang muling manariwa ang naging katapusan ni Heironimos. Muli siyang napaluha. "Nangako ako sa kanya...na babalikan ko siya sa panahon na ito...si Romulus. Nangako akong ilalaban ko ang pagmamahalan namin pero—" Hindi niya tinapos ang dapat na sasabihin. Hindi maaaring magbago ang plano dahil lang kay Missy. Si Romulus...kung si Romulus mismo ang magsasabi sa kanyang hindi na talaga siya nito mahal baka sumuko na siya. Pero hanggat hindi niya iyon naririnig mula kay Romulus hindi niya ito susukuan.
"Paano na? Babawiin mo ba siya kay Missy?"
"Kung magpapabawi si Romulus."
"Paano kung hindi?" Pinisil ni Beatrix ang kamay. Sa isipang iyon ay nasasaktan na siya ng sobra.
"Pero ikaw ang bahala...kung maibabalik mo ang dating sigla ni kuya hindi ako tututol, pero kung sasaktan mo na naman siya..." Tumalim ang mga mata ni Romi bago dinugtungan ang pangungusap.
"I'll do all in my power to take your life, regardless of your race...regardless of the power you have." Bawat salita ay may diin, indikasyon na gagawin nito ang kung ano ang sinasabi. Ipinatong ni Romi ang kopita sa espasyo sa upuan bago tumayo at iniwan siya.
"Kuya is in his room right now. Do your first step," pagbabalita ni Romi sa kanya habang naglalakad pabalik sa mansiyon. Medyo may kalayuan ang distansya ng mansiyon sa pool area. Napangiti si Beatrix. Romi's approval gave her courage to do the plan. Babawiin niya si Romulus.
—
PAULIT-ULIT na bumuntong-hininga si Beatrix habang nasa tapat ng silid ni Romulus. Hindi niya magawang kumatok. Marahil ay may higit limang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pinto. Gusto niya itong makita. Kahit saglit lang pero hindi alam kung ano ang sasabihin. Muli siyang humugot ng malalim na paghinga saka lakas loob na itinaas ang kamay para sana kumatok nang bigla naman bumukas ang pinto. Namilog ang mata ni Beatrix, nanigas sa kinatatayuan habang nanatiling nakataas ang kamay. Si Romulus ang iniluwa ng pinto na ang tanging saplot ay tuwalyang puti na halos maluwag pa ang pagkakapulupot sa balakang. Hindi niyon naitago ang buhok na karugtong ng buhok sa kaselanan nito. Basa rin ang buhok nito na mukhang bagong kakapaligo lang. Ang panlalaking amoy ng bath soap na gamit nito iyon pa rin. He smells expensive.
"May kailangan ka?" Swear, her knees suddenly felt weak after hearing his smooth baritone voice and his exquisite scents that tickled her nostrils. Tila mainit na palad ang boses nito na humaplos sa kanyang puson hanggang sa kumalat ang init sa buo niyang katawan. It's a familiar feeling. Si Romulus lang ang kayang magparamdam sa kanya ng ganitong emosyon. Si Romulus lang kayang magparamdam sa kanya ng matinding pagnanais ng katawan. Gosh! She missed him.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay kasabay ng pag-iling. Napansin niya ang kalmado nitong mukha ay tumigas. Tila nagpipigil ng nararamdaman.
"Alam ba ng boyfriend mo na nandito ka? In front of your ex-lover's room." Hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon.
"Romulus—"
"Go to your room!" Pagkasabi niyon ay bigla na lang nitong sinaraduhan ang pinto. May pagtitimpi sa boses nito. Ang tanging nagawa ni Beatrix ay ang lumabi. Boyfriend? Paano niyang ipapaliwanag dito ang lahat kung ayaw siya nitong kausapin?
***
"GOOD MORNING, Kuys!" Romi greeted Romulus with a wide smile. He reached for his sister's head and affectionately ruffled her hair with his hand as he passed behind her. He pulled the chair next to Romu and sat down.
"Mukhang maganda ang gising mo, brat," komento ni Romulus sa kapatid.
"Yeah. Medyo naging magaan kasi ang loob ko kasi nagkausap na kami ni Beatrix. She explained everything to me about her sudden disappearance. She told me the real reason why she left you. She loved you and still loves you...the sad thing is may Missy ka na ngayon."
Hindi siya pinatulog ng babaeng iyon kagabi.
He was aware that Beatrix was standing outside his door for quite some time. He could hear her breath, pulse, heartbeat, and even the flow of her blood through her veins. He could feel her emotion—her desire—and it all made him feel something he hadn't felt in a year. Damn this woman! He ruined before and is still ruining him until now. Hindi niya pa rin mapigilan ang pag-alala sa babae na iyon. Matapos niyang makita ang nangyari sa cafeteria at hindi na kumain pa ay nagpa-deliver siya ng pagkain sa marketing department para lang masigurong hindi ito magugutom. Kahit ang pagsunod-sunod sa hotel ay ginawa niya para lang siguraduhin na maayos ito. Fuck! He's fucked up!
Palihim ang pagdating niya kagabi dahil hindi niya gustong magkaharap sila ni Beatrix sa hapagkainan kasama ang boyfriend nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging pag-uugali niya sa harapan ng dalawa. Sa nakalipas na mga buwan ay naging problema niya ang pagkontrol sa kanyang emosyon. Nagiging biyolente siya kung minsan. Kaya kinailangan niyang lumipat sa distillery dahil sa minsang matindi siyang nagalit hindi niya nakontrol ang pagbabagong anyo niya sa harapan pa mismo ng investor na tao. That man was avaricious and wanted a higher return on his investment than was appropriate. He abruptly changed into a Lycan form out of rage and assaulted that man. Thankfully his secretary was there and stopped him from killing that man. Sa tulong ng Paganus ay inalis ang parte ng alaala ng lalaki. Kaya si Sixto ay napilitan na ring pumasok sa kumpanya para bantayan siya pero dahil sa paglala ng lagay ay sinuhesyon ng kanyang ama na siya na muna sa distillery, ang kanyang papa muna ang paminsan-minsan na nagtutungo sa kumpanya para sa mahahalagang meeting lalo kung kinakailangan lumabas sa publiko na hindi maaaring gawin nina Axton.
Hindi niya alam kung ano'ng paliwanag ang sinabi ni Beatrix sa kanyang kapatid para mapagaan nito ng husto ang loob ni Romi. Sa kanilang lahat si Romi ang may matinding galit kay Beatrix na akala mo ito ang ipinagpalit sa iba. At nasaan nga pala ang babaeng iyon at wala ngayon sa hapagkainan para mag-agahan. Silang magkaanak lang ang nandito pati na rin si Logan.
"Nasaan sina Fhergus?" tanong niya na inabot ang pandesal mula sa bread basket.
"Nasa isla, pinuntahan si Manoela," ang kanyang ama.
"Nandito na pala si Manoela," aniya na naglagay naman ng bacon sa plato.
"Dumating kagabi," tugon ni Nikuro sa anak. Ipinalaman ni Romulus ang bacon sa pandesal. Kumagat at habang nginunguya ay tumitig siya sa bakanteng silya na nasa kabilang bahagi ng mesa, sa silya kung saan niya nakitang nakaupo si Beatrix kagabi.
"Sino kasama nina Luna at Fhergus? Sila lang?"
Tumaas ang sulok ng labi ni Logan na nakuha kung sino talaga ang taong hinahanap ni Romulus. "Kung si Beatrix ang hinahanap mo, nasa distillery siya, isinama ni Sixto." Sa narinig ay agad na humigpit ang hawak niya sa kubyertos. Kinailangan niyang ipikit ang mata para pigilan ang biglang pagbugso ng galit. Bakit ba nakakaramdam na naman siya ng ganito? Nalagpasan na niya ito. Pinilit na kinalma ni Romulus ang sarili, itinuon ang buong atensiyon sa pagkain.
"Mahusay pala si Beatrix sa marketing. She has a lot of proposed ideas for Voyager," may paghanganga kuwento ng kanyang ama.
"Kagabi ay nagkakuwentuha kami, nakasalubong ko sa pasilyo. Malungkot dahil nasungitan mo raw. Inaya kong magkape at sakto rin na dumating si Sixto, ayon biglang nagkaroon ng brainstorming. Sixto and Beatrix will be a good team." That news didn't impress him; on the contrary, it annoyed him.
"Our company should have a workplace romance policy," iyon ang naging tugon niya sa opinyon ng ama tungkol kay Sixto at Beatrix.
"Pardon, son?" Nikuro asked, amused. Hindi naman iyon napansin ni Romulus kaya nagpatuloy siya sa pagmungkahi.
"Alam kong hindi naman pinagbabawal ang workplace romance. Pero tingin ko naaabuso na. Nakakaapekto sa trabaho at lantaran ang harutan ng mga empleyado."
"Son, Romulus, let your staff fall in love with each other. Pati ba naman iyan ay papakialaman mo," malambing na sabi ni Natasha sa anak.
"People are inspired to strive more in life when they are in love," Natasha continued.
"I do not agree, but it's your opinion, mom," sinamahan niya ng kibit ang sinabi. Nagkatinginan na lang ang mag-asawa at hindi na kinuntra pa ang anak.
***
SUMAMA si Beatrix kay Sixto sa pagbisita sa distillery. Habang iniikot ang buong pasilidad ang dami nilang nabuong ideya ni Sixto kung paanong mas magiging standout ang produkto ng Lua Azul sa market. Hindi niya inaasahan na mai-enjoy niya ang trabaho sa Lua Azul. Parang gusto na nga niyang mag-aral ng marketing at i-pursue na ang career na ito at sinabi niya iyon kay Sixto na sinang-ayunan naman nito.
Nagtatawanan habang papalabas ng rickhouse nang biglang mapatigil si Beatrix nang makita si Romulus. Kausap nito ang mga trabahador pero nakatingin sa kanila. Mukhang hindi na naman maganda ang mood nito. Madilim ang mukha.
"Sungit na naman ng ex mo," ani Sixto na medyo sinagi ang kanyang braso ng braso nito. Kinuha ni Sixto ang kamay niya at hinila siya patungo sa kinaroroonan ni Romulus.
"Hey, Beatrix!" si Romi na kumaway sa kanila, kasama ang ilang trabahante sa distillery. Napangiti si Beatrix dahil sa muling pagiging magiliw sa kanya ni Romi. Kanina pagkagising niyamuli niya itong nakausap at muli siyang nagkuwento ng journey niya sa past. Kailangan daw malaman ng kuya nito ang bagay na iyon para magkalinawan sila. Kumaway siya pabalik rito. Nang ibalik naman niya ang tingin kay Romulus ay noon niya napansin na nakatitig ito sa kamay nila ni Sixto. Napayuko siya sa kamay nila ni Sixto, sinubukan niyang hilain ang kamay mula sa pagkakahawak ni Sixto pero hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya.
"Nandito ka, Romulus?" Noon nag-angat ng tingin si Romulus nang magtanong si Sixto.
"Ikaw ang bakit nandito? You are a marketing director...your job is to oversee all facets of marketing-related activity. Your presence is completely unnecessary here," matabang nitong sabi.
Tumawa si Sixto. "Ipinasyal ko lang si Beatrix. She's enjoying her job. She's considering going back to study and take a new course—marketing. Ako na ang bahalang magpaaral sa kanya." Sinulyapan siya ni Romulus. Tumiim ang bagang bago sila tinalikuran. Si Sixto ay muli lang ding tumawa. Sinimangutan ito ni Beatrix, hinila ang kamay mula rito at malakas itong hinampas sa braso.
"Bakit mo ba siya pinagtatawanan? Lalo lang nasisira ang mood."
"Ganyan din 'yan sa akin noon. He used to annoy me. Nakakatuwa palang nakakaganti ako sa kanya ngayon."
"Ikaw talaga!" Kung kailan tumanda ang mga ito saka pa parang naging mga bata.
"I'll talk to him." Romi gave her a thumbs-up. She smiled sparingly in appreciation for her help. She followed Romulus anxiously to his office. Nang katukin niya ang pinto hustong marating iyon ay walang sumagot. She uninvitedly opened the door and stepped inside, where she found Romulus standing in front of the artwork—the portal painting. She silently closed the door and leaned back, watching at Romulus.
"I bought this from an antique shop—an antique shop where you and that man were last seen."
"Baltazar," she said.
"You were last seen in that shop because this painting took you to the past."
Napangiti si Beatrix. Romi told her that she should be the one who told Romulus about her journey in the past life. Hindi rin nakatiis pala at nagkuwento na. But that's better. It's easy for her to tell the rest.
"18th century...year 1762 to be exact."
"Is it possible?" he asked, still doubting.
"It happened."
"Where is that man then?"
"Baltazar?" Humakbang si Beatrix palapit kay Romulus. Tumabi siya rito at pinagmasdan ang painting.
"Napasok kami sa painting na ito at napunta sa panahon kung saan nabubuhay si Celtici at Heiromimos pero nang makabalik ako sa panahon na ito, dito ako mismo sa opisina mo napunta dahil nandito na ang painting." Humarap siya kay Romulus. Nakatitig ito sa kanya habang nagkukuwento siya.
"Naiwan si Baltazar...he married an Infanta, Infanta Maria Barbara and he became a duke of Beja."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? I asked you about that man."
"Hindi ko maalala. Kahit ako nagtaka kung bakit ganoon ako katagal nawala. I remembered everything when I saw Heironimos's remain."
"Heironimos. Who the hell is he? The painter? The artist who painted this painting and the painting in the auction?"
Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Beatrix. It makes her happy thinking that Heironimos was him. Humakbang siyang lalo palapit kay Romulus, inabot ang mukha nito. Tinitigan ni Romulus ang daliri niyang banayad na humaplos sa pisngi nito.
"He was you." Ibinalik nito ang titig sa kanyang mga mata.
"Ikaw si Heironimos sa panahon na iyon...ako si Celtici and we love each other." Tuluyang nalaglag ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"At nangako ako kay Heironimos na magpapatuloy ang pagmamahalan natin dito. Pero hindi ko alam kung matutupad ko pa."
Inabot pa niya ng isang kamay ang kabilang pisngi ni Romulus. Madamdamin itong tinitigan sa mga mata. Nagkakaroon siya ng pag-asa dahil sa damdaming nakikita niya sa mga mata ni Romulus.
"I want you back, Romulus. May tsansa pa ba?" Nang maramdam niya ang kamay ni Romulus sa kanyang baywang ay tuluyan niyang idinikit ang katawan sa katawan nito. Ang damdamin noon ay hindi nabago. Mahal na mahal pa rin niya si Romulus at nararamdaman niya ang damdamin nito para sa kanya. Magkatulad. Tulad pa rin ng dati.
Napapikit si Beatrix nang bumaba ang mukha ni Romulus. Nakaramdam ng matinding damdamin nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang labi. Nanatili siyang nakapikit habang naghihintay sa paglapat ng labi nito.
"I have to go...I need to fix something." Binitawan siya nito. Dismayadong nagmulat ng mata si Beatrix at tumalikod. Nakaramdam ng matinding pagkapahiya. Pinilit niyang tumango pero hindi na hinarap pa si Romulus na tuluyan na ring umalis. Nakakahiya. Bakit ba niya nakalimutan na may iba na si Romulus? His mate. His real mate. Pero bakit ganoon, ramdam pa rin niya ang damdaming meron si Romulus sa kanya katulad ng dati? O sadyang iyon lang ipinipilit ng utak niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top