Chapter 25

ISANG BASEMENT ang kanilang pinasukan. ito rin ang silid dating pinasukan niya nang una siyang magpunta rito. Iba nga lang ang lokasyon o marahil ay secret passage ang portrait sa library. Agad na hinanap ng kanyang paningin ang portrait na alam niyang narito sa conservation room. Ang portrait ni Celtici pero bigo siyang makita iyon kahit saang sulok. Wala iyon. Lahat ba ng mga nangyari noon ay pawang panaginip lang niya o tama si Profesor Armadillo, nabago ang lahat sa pangingialam nila sa nakaraan. Naulit ngayon ang pangyayari na dapat ay tapos na.

"Halika, Beatrix." Lumapit siya kay Professor Armadillo na nasa marmol na mesa. Agad na natuon ang kanyang paningin sa bag na naroon. Isang itim na Re-Nylon Prada. Hindi siya maaaring magkamali. Kanya ang bag na iyon. Iyon ang gamit niya nang makipag-usap siya kay Romulus at nariyan ang kanyang mga personal na gamit.

"Nakikilala mo ba ang mga gamit na ito, Beatrix?"

"Oho. Akin ang gamit na 'yan." Paano't tila lumang-luma na ang bagay na iyan?

"This nylon bag was more than 250 years old, based on our research." Umikot ang matanda sa marmol na mesa hanggang sa maging magkaharap sila.

"Pero ang disenyo at brand ng Prada bag na ito ay hindi pa nag-e-exist noong 18th century."

Of course. It's a re-edition 2000 bag. It's just recently released. That kind of style was released in early 2000 and released refreshed versions just recently which can be read on the leather keyholder.

"Re-edition 2000," basa ni propesor sa nakasulat sa keyholder.

"Ibig sabihin lang nito, Beatrix, isang makabagong gamit na napunta sa taong iyon. Isang matibay na pruweba na napunta ka nga sa taong ika-labing walong siglo. At hindi lang 'yan." Tinungo ng propesor ang cabinet, inilabas mula roon ang isang maliit na kahon. Binuksan nito iyon hanggang sa humantad ang nilalaman niyon sa kanyang paningin. Lipstick, suklay, compact mirror at ang ang kanyang smartphone na nawawala.

"These are mine."

"This phone was the latest model but it was too old. It can be considered as antique. Kung ilalabas ito sa publiko natitiyak kong malaki ang kikitain nito." Binuksan nito ang laptop na nasa mesa, isinaksak ang hard drive.

"The phone was too old but with the help of the genius ITs, we were able to collect the files from that phone." Iniharap ng matanda sa kanya ang screen ng laptop.

"Nakikilala mo ba ang mga nasa larawan na iyan?" They look like ethnic people from the past. A group of people from the village. They look amazed and happy while staring at the camera. May matatanda at bata."

"Hindi ko matandaan na kinuhanan ko sila ng larawan." Professor Armadillo showed her more photos.

"Ang lalaking ito." Itinaas ni Beatrix ang kamay para patigilan ito sa pag-scroll sa larawan nang makita ang pamilyar na imahe.

"Romulus..." Umiling si Beatrix matapos iusal ang pangalan ni Romulus. Hindi si Romulus ang taong iyan. Iisa ang mukha pero natitiyak niyang hindi iyan si Romulus. Kilala niya ang lalaki. Natitiyak niyang kilala niya ang lalaki. Nakita na niya ito sa mga panaginip niya, sa mga pangitain niya at ito ang naging dahilan kung bakit kinailangan niyang itaboy si Romulus. Dahil sa nakaraang buhay nila ang lalaking kamukha ni Romulus ang siyang taong pumatay kay Celtici. Si Gonçalo.

Inabot ni Beatrix ang touchpad ng laptop at siya na ang nag-scroll ng mga larawan. Sa bawat larawan na siyang nakikita niya ay namamangha siya lalo na nang makita ang selfie photos nila ng lalaki. Ang ibig sabihin ba nito ay napadpad siya sa panahon kung saan nabubuhay si Gonçalo. Nagkasama sila.

"Ano ang ibig sabihin nito?"

"Kuha 'yan sa smartphone na dala mo nang mapadpad ka sa panahon na iyan, Beatrix...halika, hija, may kailangan kang makita." Napasunod ng tingin si Beatrix sa matanda na tinungo ang isang silid na may metal na pinto. Ang silid na ito...nandito nakatago ang labi ni Celtici. Sumunod si Beatrix sa silid. Kusang sumara ang metal na pinto nang nakapasok sila. Sa gitna ng silid ay naroon ang limestone casket. Nakataas ang salaming nagsisilbing kulungan ng kabaong. Nakabukas na rin ang mabigat na takip ng kabaong. Naglakad paikot si Professor Armadillo hanggang sa huminto ito sa paanan ng kabaong.

"Halika, hija. Tingnan mo ang taong narito." Sinunod ni Beatrix ang lalaki. Humakbang siya habang nakatutok ang kanyang mata sa kabaong. Nakita na niya ito noon. Nauulit lang ang mga nangyayari. Labi ni Celtici ang naroon habang may nakatarak na punyal sa dibdib na siya lamang ang maykakayanan magtanggal ayon kay Profesor Armadillo.

Biglang napatigil si Beatrix sa paghakbang nang unti-unti ay tumambad sa kanya ang laman ng batong kabaong. Unti-unti ang panlalaki ng kanyang mata nang hindi makita ang labi na kanyang inaasahan.

"Nasaan ang labi ni Celtici?" Mabilis siyang sumugod sa kabaong. Mariing hinawakan ang gilid niyon habang nanglalaki ang mga matang sinuri ang labi sa loob. Katulad ng una na niyang inaasahan ay hindi tuluyang nasira ang katawan ng tao sa loob, may punyal na nakatarak sa dibdib pero hindi babae ang laman niyon kundi isang lalaki na kung ibabase sa kasuotan ay isang mandirigma.

"Professor, nasaan ang labi ni Celtici? It should be Celtici. Sino ang taong ito?"

"Isang demigod. Ayon sa kuwento, pinatay nito ang sarili para iligtas ang taong minamahal." Pinatay ang sarili para iligtas ang taong minamahal.

"I didn't believe it at first. Akala ko naghahanap lang ako sa wala. But look at it...I found this
incorrupt body of a demigod from the cave of Alentejo. Mahiwaga ang nilalang na ito, Beatrix. Ang punyal na iyan ay hindi natatanggal. Isang karapat-dapat lamang daw ang maaaring mag may-ari nito."

"Pegue!" Habang pinagmamasdan ni Beatrix ang tuyong katawan ay may malalim na boses ang tila nag-uutos sa kanya. Bigla ang tila paggaan ng kanyang ulo habang ang dibdib naman ay bumigat. Mabilis ang bugso ng dugo.

"É hora, meu amor! É hora!" Parang may sariling buhay ang kanyang mga kamay na tumaas at inabot ang punyal na nakatarak sa dibdib. Nang pumulupot ang kanyang mga daliri sa malamig na punyal ay para iyong nag-lock. Sinubukan niyang alisin ang kamay pero hindi iyon matanggal.

"É hora, meu amor!" Isang malakas na singhap na lang ang tanging nagawa ni Beatrix nang marinig muli ang nakikiusap na boses ng isang lalaki. Ang kanyang mga mata ay kusang pumikit at bigla ay rumagasa sa kanyang isipan ang mga pangitain. Pangitain nga ba? Pamilyar ang bawat alaala na pumasok sa kanyang isipan. Samo't saring emosyon din ang ibinigiay ng mga alaalalang iyon. Masaya. Pag-ibig. Excitement. Pero ang pinakahuling alaalala ay matinding pighati ang hatid. Matinding kalungkutan ang ibinigay sa kanya. Sa bigat ay napagulhol na lang si Beatrix.

"No no no! Hieronimos! Bumalik ka! Bumalik ka mahal ko!" umiiyak niyang pakiusap habang nakikitang nakahandusay si Heironimos at walang buhay.

"Beatrix, hija!" Malumanay na awat sa kanya ni Professor Armadillo. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pilit na inangat mula sa pagkakasubsob sa labi ng lalaki. Nang tuluyan siyang maiangat ni Profesor Armadilio ay lubos ang pagkamangha nito nang makitang kipkip na ni Beatrix ang punyal sa dibdib habang patuloy sa paghihinagpis.

"Nagawa mong alisin ang punyal." The professor was completely shocked and amazed. Hindi niya pinansin ang propesor. Nasa nilalang sa kanyang haparan ang kanyang buong atensiyon.

"Heironimos!" Inabot niya ang tuyong mukha ng labi ni Heironimos. Naaalala na niya ang lahat. Ang lahat-lahat. Ang isang taon niyang pagkakawala sa panahon na ito ay naroon siya sa panahon kung saan nabubuhay si Celtici at Heironimos. Namatay si Hieronimos sa sarili nitong mga kamay para lang iligtas siya at para hindi maisakatuparan ni Siera ang mga masamang plano.

"Heironimos, nandito na ako! Nandito na ako!" pagkausap niya sa labi habang patuloy sa pag-iyak. Ang mabigat na nararamdaman ay higit pa ang pagtindi nang tuluyang malinaw na maalala ang mga pangyayari. Higit lang siyang napahagulhol. Hindi niya matanggap ang pangyayari. Hindi matanggap ang sinapit ni Heironimos at maging si Baltazar. Namatay si Hieronimos para lang mailigtas siya habang si Baltazar ay isinakprisyo ang pagbalik sa panahong ito para lang sa kanya.

"Hija," nag-aalalang alo ng propesor kay Beatrix nang tuluyang mag-breakdown.

***
HINDI Alam ni Beatrix kung nasolususyunan ba ang lahat ng gumugulo sa kanyang utak ngayong naalala na niya ang lahat o higit pa siyang inilubog sa matinding pagdurusa dahil sa nalaman. Ang mga nangyari sa kanila ni Hieronimos sa nakaraan ay lubhang napakabigat. Hindi mawala sa kanyang isipan na para bang kahapon lang nangyari. Kitang-kita niya kung paanong itinarak ni Heironimos ang punyal sa dibdib nito; kung paano itong nalagutan ng hininga sa kanyang harapan. Si Baltazar ay hindi na nakabalik pa.

Natigil si Beatrix sa mabigat na paghakbang sa pasilyo ng hotel nang maramdaman ang presensiya ng ibang. Sa kabila nang panlalabo ng kanyang paningin dahil sa walang humpay na pag-iyak ay nag-angat siya ng tingin. Halos sunod-sunod na ang kanyang pagsinok dahil sa matagal na pag-iyak. Si Romulus ang naroon. Na gitna ito ng pasilyo. Nakaharang sa daraanan. Ang madilim at matigas nitong anyo ay unti-unting lumambot habang nakatitig sa kanya.

"Romulus..." Hindi nagdalawang isip na takbuhin ni Beatrix ang kinatatayuan ni Romulus. Nang isubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito ay lalo siyang naghinagpis. Si Hieronimos at Romulus ay iisa lang at nagmahalan sila noon hanggang sa panahon na ito. Mali ang unang akala niya. Kinailangan niyang mawala at bumalik sa nakaraang buhay para siya mismo ang makasaksi ng pag-iibigan nila ni Romulus.

"Ano ang nangyayari, Beatrix?" Naramdaman niya ang banayad na paglapat ng kamay ni Romulus sa kanyang likod.

"I'm so sorry, Romulus. I am so sorry for leaving you...I'm sorry...please forgive me." Mahigpit siyang yumakap sa katawan nito, patuloy sa pag-iyak. Ang lungkot-lungkot ng puso niya. Parang sasabog sa tindi ng hinagpis. Hindi niya matanggap ang nangyari kay Heironimos.

"Romulus." Kahit gusto niyang manatili sa pagkakayakap kay Romulus ay napilitan siyang kumalas mula sa pagkakayapos para mapagsino ang taong tumawag kay Romulus. Dahan-dahan siyang umatras palayo kay Romulus saka nilinga ang tao sa kanyang likuran.

"Beatrix!" manghanag usal nito.

"Missy?" Agad na pinahid ni Beatrix ang luhang patuloy na binabasa ang kanyang pisngi.

"God, ikaw nga!" Patakbo itong lumapit at mahigpit siyang niyakap. Napayakap siya sa kaibigan.

"It's been awhile. Saan ka nagpunta? Bakit bigla ka na lang nawala?"

"Mahabang kuwento."

Bumitaw ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ang kanyang kamay. "Ang sabi ng kapatid ko pumunta ka da bahay."

"Bibisitahin sana kita."

"Bakit ka umiiyak? Ano ang nangyari?" Tanging pag-iling ang naging tugon ni Beatrix. Hindi pa niya kayabg nagkuwento. Masyado siyang emosyonal.

"Nandito ka?"

"Pinuntahan ko lang ang boyfriend ko." Sinulyapan ni Missy si Romulus. Ang ngiti sa labi nito ay biglang nabura nang tila may mapagtanto.

"Nasabi mo na ba sa kanya, Rom?" kapagkuwa'y tanong ni Missy. Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin kay Romulus, nakaramdam ng kaba sa posibilidad na biglang pumasok sa kanyang isip. Pero hindi...imposible ang bagay na iyon. Hindi iyon maaari. Naramdaman niya ang pagpisil ni Missy sa kanyang braso kaya ibinalik niya ang tingin sa kaibigan.

"May boyfriend ka naman 'di ba?" tanong nito. Hindi siya umimik sa tanong ni Missy. Nanatili siyang nakatitig sa kaibigan. Kinakabahan.

"Noong nawala ka kasi...naging malapit kami ni Romulus...I know it's kinda weird but there's something within us that suddenly snapped—emotion, desire and love that is hard to resist...sabi nga ni Romi, ako raw ang nagpagaling kay Romulus...soulmate raw kami." Marahan itong tumawa pero siya...kabaliktaran ang nararamdaman sa mga oras na ito. Kung sobra-sobra na ang bigat na nararamdaman niya kanina ay higit na sampung ulit ngayon na kahit ang sunod-sunod na pagpatak ng kanyang luha ay hindi niya maawat. Hindi niya kayang magkunwari na ayos lang sa kanya ang mga nalaman. Hindi niya kayang tanggapin. Hindi niya kaya.

"Beatrix, I'm sorry..." Sinubukan siyang abutin ni Missy pero agad siyang umatras. Umiling habang patuloy sa pagpatak ang luha.

"Ikaw..." Si Missy ang mate ni Romulus.

"Akala ko ayos lang naman sa 'yo. Nakipagtanan ka hindi ba?"

"Imposible!" tangi niyang usal, binaliwala ang paliwanag ni Missy. Muli siyang umatras. Inilapat niya ang kamay sa ibabaw ng dibdib saka pilit na tinalikuran si Missy at Romulus. Narinig niya ang pagtawag ni Missy sa pangalan niya habang papalayo siya. Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa patuloy na pagluha. Nang makapasok sa elevator ay itinukod niya ang kamay sa dingding. Matinding pagkahilo ang umatake sa kanyang ulo. Bakit kailangan magsabay-sabay ang pagsabog ng lahat. Parang hindi na niya kakayanin.

Nang tuluyan siyang makalabas ng hotel ay sinubukan niyang lumayo pero hindi na niya nagawa pa nang manghina ang kanyang tuhod. Dirediretso siyang napaluhod. Hindi niya makontrol ang kanyang emosyon. Para siyang mapupugtuan ng hininga. Naninikip nang husto ang kanyang dibdib sa sakit. Gusto niyang sumigaw. Ilabas ang lahat prustrasyon na kanyang nararamdaman pero hindi na niya nagawa nang tuluyan siyang panghinain. Ang inaasahan niyang pagbagsak sa sahig ay hindi nangyari nang may mga bisig na pumaikot sa kanyang katawan.

"Beatrix, ano ang nangyayari?"

"Sixto," tangi niyang sambit bago tuluyang hilain ng karimlan.

Agad na binuhat ni Sixto si Beatrix. Natuon ang paningin nito sa bungad ng exit makita roon si Romulus na nakatayo, nakatitig kay Beatrix. Lumagpas ang tingin ni Sixto nang mula sa salaming pinto ng exit ay lumabas si Missy na napuno ng pag-alala ang mga mata nang makita ang walang malay na si Beatrix.

"Is she okay?" she asked in a gentle tone, feeling guilty.

"Ako na ang bahala sa kanya," ani Sixto saka tinalikuran ang dalawa.

***
SA pagising ni Beatrix ay wala na naman siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Sa tuwing naiisip niya ang sinapit ni Heironimos at si Romulus na ngayon ay hindi na kanya ay para siyang nawawalan ng dahilan para magpatuloy pa sa buhay. Bakit kinailangan pa niyang makabalik sa panahon na ito kung ganito lang din naman ang kanyang madadatnan?

Si Missy...si Missy ang mate ni Romulus.

"What the fuck, Beatrix!" galit pero nag-aalala ang bose ni Sixto. Nilapitan siya nito sa kama at pilit na ibinangon. Isinandal siya nito sa headboard, hinawi ang magulong buhok.

"Tell me what do you want? Hmm? Ano'ng breakfast ang gusto mo? Pancake with maple syrup? You like that?" parang tatay na nagtatanong sa anak si Sixto.

"I wanna die!" she cried harder.

"That's too expensive, Breatrix. May insurance ka ba? Twenty-thousand lang ang nakukuha na burial benefit sa SSS. Ang tanong may SSS ka ba? Coffin alone cost thirty thousand, and it was the cheapest. Panget ang kabaong mo. Full funeral services may cost up to 250,000 pesos. Hindi pa high-end iyon. Cheap face foundation lang ilalagay sa mukha mo. Kaya mag-pancake ka na lang muna."

"I hate you!" Mas lalong naiyak si Beatrix. Marahang natawa si Sixto, kinabig si Beatrix para masuyong yakapin.

"Pinapatawa lang kita. Huwag ka ng umiyak." Hinagod nito ang likod niya.

"Why didn't you tell me about this?"

"Pasensiya na. Hindi ko alam kung paanong sasabihin. Ayaw kong sa akin manggaling hanggat maaari. Ayaw kong makita ang reaksiyon mo. Tingnan mo naman. Tinawagan ko si Luna tungkol sa bagay na ito para siya ang magsabi sa 'yo. Uuwi siya." Kahit paano ay nagkaroon ng saya ang puso niyang marinig ang pag-uwi ni Luna.

"Ano na ang gagawin ko, Sixto? Nangako ako kay Heironimos na ilalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya sa oras na makabalik ako rito. Pero paano na? Mayroon na siyang iba."

"What?" naguguluhang tanong ni Sixto.

"So, mula kagabi hindi si Romulus ang iniiyakan mo kundi si Hierominos? And who the hell is he? His name seems familiar. Saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yan?" Sa halip na sagutin ang mga tanong ni Sixto ay iniyak na lang niya. Ang hirap ipaliwanag. Wala siya sa mood para ipaliwanag ang lahat ng nangyayari. Ang iniisip niya ngayon ay si Romulus. Paano na sila? Wala ng chance. Sa dami ng tao si Missy pa talaga ang babaeng itinakda para kay Romulus. Paano niyang babawiin si Romulus kung kakumpetensiya niya ay babaeng itinakda rito ng tadhana. Hindi lang iyon, kaibigan pa niya. Her sweet friend Missy.

Pinilit bi Beatrix na bumangon. Pilit niyang kinalma ang sarili. Tama si Sixto, walang mangyayari sa kanya kung pulos pag-iyak lang ang gagawin niya. Hindi masosolusyunan ang suliranin niya sa buhay. Hindi niya mababawi si Romulus at lalong hindi mabubuhay si Heironimos. Pumayag siyang manatili na muna sa condo ni Sixto. Dalawa naman daw ang silid dito.

"Handa ka na bang pumasok?" Mula sa pancake ay nag-angat ng tingin si Beatrix kay Sixto na bihis na. Samantalang siya ay daig pa niya ang may hangover sa labis na pag-inom sa nagdaang gabi.

Umiling si Sixto. "You looked fucked up. Magpahinga ka na lang muna rito."

Tumango lang si Beatrix at muling ibinalik ang tingin sa pancake na nasa harapan. "Magpapa-deliver ako ng pagkain mo." Marahas at sumusukong buntonghininga ang narinig niya mula kay Sixto bago ang mga yabag nito papalayo.

***
SAGLIT NA NAWALA ang atensiyon ni Sixto sa laptop kung saan nire-review ang marketing and promotional materials para sa bagong alak na nakatakdang i-launch sa susunod na darating na araw. Sinulyapan niya si Romulus na tahimik na umupo sa silya sa tapat ng desk. He was tapping his fingertip on the wooden desk.

"May kailangan ka?" Sixto asked before drawing his gaze back at the laptop.

"Ahm...itatanong ko lang ang tungkol sa new label. Is everything ready?"

"Yeah. Wala namang problema. I'm just reviewing some details but it seems perfect. Isasabay sa auction event ang release ng lahat ng ads ng bagong alak."

"Okay. Good."

Muling sinulyapan ni Sixto si Romulus. "Didito ka na ba o babalik ka sa distillery?"

"I'm planning to stay here. Si Axton na ang bahala si distillery."

"Good decision. Mas kailangan ka rito." Muling ipinagpatuloy ni Sixto ang ginagawa habang si Romulus ay nanatiling tahimik na nakaupo, patuloy sa pagbagsak ng daliri sa matigas na desk.

"Kung si Beatrix ang gusto mong itanong nasa condo ko siya. Iyak nang iyak hanggang sa pag-alis ko kanina. May gusto ka pa bang itanong?"

Mahinang pag-iling lang ang naging tugon ni Romulus. "Hindi ka ba sasama sa auction?" kapagkuwa'y tanong ni Sixto.

"Hindi na siguro."

"Sigurado ka? Sponsor ang kumpanya sa event. Saka baka may magustuhan kang arts. Maisipan mong mag-bid."

Umiling lang ito bago tumayo. "Hindi na. Kaya niyo na 'yon." Pagkasabi niyon ay umalis na si Romulus. Hindi naman nagtagal ay sumunod namang pumasok si Missy.

"May I know where Beatrix is?" Walang paliguygoy nitong sinabi. This is what she likes about this girl. Diretso at walang drama pero iyon din ang ayaw niya rito. Walang pakundangan sa pagbibigay ng balita na siyang ginawa nito kagabi kay Beatrix.

"No. Nagpapahinga siya. Kakausapin ka niya kapag handa na siya but for now...stay away from her," matabang niyang sinabi.

"Are you mad at me?"

"No and yes. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako. Sige na muna, Missy. Huwag mo na munang kausapin si Beatrix. She'll talk to you kapag okay na siya. Binigla mo kasi."

"You should have told her sa unang araw palang. Hindi sana siya nabigla. Akala ko alam na niya...saka akala ko wala na siyang feeling para kay Romulus. She left him for another man."

"Hindi natin alam ang totoong nangyari, Missy," tumaas ang tono ni Sixto. Napatuwid ng tayo si Missy dahil doon.

"Okay. I'm sorry," malungkot nitong sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top