Chapter 24

TAHIMIK na umupo si Beatrix sa tapat ni Romulus.

"Iyan lang ang kakainin mo?" Sinulyapan nito ang pagkain sa kanyang plato.

"You've lost weight," puna ni Romulus. Hindi niya napansin ang bagay na iyon. Mukhang okay naman siya, ang kalusugan niya maliban sa kanyang puso na pakiramdam niya ay wasak na wasak. Sana na naman ay wala siyang sakit sa puso. Hindi nila kaya ang dagdag gastusin.

"I've ordered pasta," aniya para panatagin ito. Tumango si Romulus. Sumandal at tumitig sa kanya. Naiilang man ay sinalubong niya ang titig nito.

"Nag-apply ka raw ng trabaho sa Lua Azul?"

"Yeah," tipid niyang tugon.

"Bakit?"

"I need money to support my parents. Ayaw kong iasa sa tulong ni Luna."

"Ano ang nangyari?" Hindi niya alam ang ibig sabihin sa tanong na iyon ni Romulus.

"Kahit telepono wala ka. That man didn't provide you the kind of life I gave you." The resentment was visible in his voice. Kulang na lang sabihin nitong ito ang napapala niya dahil sa pag-iwan dito.

"He would not provide me anything dahil wala kaming relasyon." Higit pa ang pagtiim ng bagang ni Romulus sa sinabi niya. Binigyan siya ng naghahamong titig nito.

"I can still recall every word you said while I begged you to stay," may pait na sinabi iyon ni Romulus.

"Hindi totoo ang mga sinasabi ko. I just want to push you away to protect you." Her voice almost begged, trying to convince him to believe her.

"Protect me from what?"

"From me. Romulus, nasaktan na kita. I can't control the power I have."

"Kaya mas pinili mo ang lalaking 'yon! Mas pinili mong sumama sa lalaking iyon kaysa ang solusyunan ang problema mo. Natin!" Natahimik si Beatrix sa panunumbat ni Romulus. Nagbaba siya ng tingin nang kayanin ang pagtitig nito. Iyon lang ang alam niyang solusyon sa mga nangyayaring iyon noon. Ang umiwas.

"Sino ang lalaking 'yon?" Muli siyang nag-angat ng tingin kay Romulus sa tanong na iyon. Hindi nagbago ang matiim na pagtitig nito sa kanya.

"Si Baltazar...isa siyang kaibigan Romulus."

"Baltazar?"

"Baltazar Tavarez. Apo siya ni Professor Armadillo Tavarez, ang nakatagpo kay Celtici."

Kumunot ang noo nito. "Sino naman si Celtici?" Nalimutan na ba nito ang tungkol kay Celtici? Hindi nila napag-usapan si Celtici dahil sadya niyang iniiwasan iyon pero tiyak na alam nito ang tungkol sa bagay na iyon lalo't nakita niyang hawak nito ang talaarawan ni Baltasar. At si Baltazar...alam niyang kilala ni Romulus si Baltazar. Minsan na nitong nakilala si Baltazar sa eskwelahan at nang iwan niya ito para sumama kay Baltazar.

"A dark fairy. Na posibleng na-reincarnate sa katauhan ko, dala ang galit sa isang taong nanakit sa kanya noon...at posibleng ikaw iyon Romulus. Nakita ko iyon sa pangitain ko. Kaya kailangan kong umalis para protektahan kita mula sa sarili ko. Kung magkalaban tayo sa past life natin, tiyak na ganoon din ngayon." Hindi na muli pang nagtanong si Romulus. Nakita niya ang duda sa mga mata nito pero pinigil ang sariling magsalita pa.

Matapos kumain ay bumalik na si Beatriz sa kanyang silid pero nagpasyang lumabas din ulit nang mapagtantong walang tsansa na makatulog siya agad. Bababa siya sa bar at doon magpapalipas ng oras. Pero sa paglabas niya ng silid ay hindi inaasahan na makikita si Romulus sa katapatan na silid. Mukhang papasok ito.

"Romulus," tawag niya rito. Mabilis itong bumaling. Bahagya pang namilog ang mata na para bang nahuli ito sa isang bagay na hindi dapat nito ginagawa.

"Ano ang ginagawa mo riyan?" He snapped his gaze to the door that he was about to open and then dropped to the door knob he was holding. He appeared perplexed, as if he had no idea what he was doing there. Ibinalik ni Romulus ang tingin sa kanya.

"Ahm...tinamad na akong umuwi kaya nag-check-in na muna ako."

"Ganoon ba?"

"Ikaw? Saan ka pupunta?" Sumalyap si Beatrix sa kaliwang pasilyo bago tinugon si Romulus.

"Mapapalipas oras lang sana sa bar."

"Hintayin mo ako riyan. Sasamahan kita." Isinarado ni Beatrix ang pinto. Sumandal doon at tumitig sa pintong pinasukan ni Romulus. Hindi naman nagtagal ay lumabas din si Romulus. Nagpalit lang ito ng polo. Agad siyang tumuwid ng tayo at nakalabing sumunod kay Romulus nang maglakad na ito sa pasilyo.

"He's so different," mahina niyang usal habang nakasunod.

"Wala ng kabig sabay hug and kiss." Noon ganoon ang madalas gawin ni Romulus. Agad na ipapaikot ang bisig sa kanyang baywang, kakabigin siya palapit sa katawan nito at hahalikan sa sentido. He missed that moment. Pero aasahan pa ba niya ang bagay na iyon sa kabila ng kanyang ginawa. Mabuti nga't sinasamahan pa siya.

"Hindi mo naman ako kailangan samahan, Romulus. You can rest na." Binaliwala nito ang kanyang mungkahi. Tuloy-tuloy nitong tinungo ang elevator. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod rito. Sa Second floor sila tumungo kung saan naroon ang Pulse Bar. Maraming tao sa naturang bar. Isang malaking lounge sa isang sulok ang ibinigay sa kanila ng staff na para bang inaasahan na ang kanilang pagdating.

Natigilan si Beatrix at napatingin kay Romulus nang maramdaman ang kamay nito sa likod ng kanyang baywang. Nanatili ang seryosong anyo nito. Ang mata ay wala sa kanya pero batid niyang nasa kanya ang atensiyon. Naupo si Beatrix. Tumabi naman sa kanya si Romulus. Si Romulus na ang nag-order ng maiinom nila.

"I missed this place. Isang taon din kaya akong hindi nakatuntong sa ganitong lugar?" aniya habang inililibot ang paningin sa puno ng taong lugar. Makulay ang ilaw na tumatama sa iba't ibang parte ng madilim na lugar. Sa taas ng dance floor ay ikalawang palapag ng bar. May mga nakadungaw sa barandilya sa ibaba habang in-enjoy ang pag-inom ng alak.

"Paano't nawalan ka ng alaala?" Ibinalik ni Beatrix ang atensiyon kay Romulus. Inabot nito sa kanya ang isang ladies drink na dinala ng waiter. Kinuha niya iyon at nagpasalamat. Tipid siyang sumimsim.

"Naaksidente ka ba?"

"Hindi ko alam. Basta wala talaga akong maalala maliban sa huling pag-uusap natin." Sinubukan na niya ang abilidad niya para makita ang kung ano ang nangyari sa kanya pero wala. Walang silbi ang kakayanan niya.

"Kahit sa kung saan ka naglagi at sino ang kasama mo hindi mo maalala?" Bumuntong-hininga si Beatrix, inabot ng daliri ang labi ng baso at marahang hinaplos iyon. Ramdam niya ang duda sa tono ni Romulus. Iniisip nito na hindi siya nagsasabi ng totoo.

"Mahirap paniwalaan pero wala talaga." Bumaling siya kay Romulus na kasalukuyang umiinom ng alak sa baso nito. Nakatitig sa kanya. Tama siya, naroon ang pagdududa.

"Hindi kita pipiliting maniwala. Kasi kahit ako naguguluhan din. Pero siguro mabibigyan din ng katanungan ang mga gumugulo sa isip ko." Muli niyang dinala ang baso sa bibig at sumimsim. Sa pagbalik niya ng tingin sa itaas ay nakita niya mula roon si Sixto at Bruce. Kapwa nakasandal sa barandilya habang nag-uusap. Malapad siyang napangiti ang dalawa lalo na si Bruce na hindi pa man lang niya nakakausap mula nang magbalik siya.

"Si Sixto." Tumayo si Beatix pero agad naman siyang nahawakan ni Romulus sa braso. Nang nilingunin niya ito ay salubong ang kilay.

"Ako ang kasama mong pumunta rito tapos iiwan mo ako?"

Hindi mapigilan ni Beatrix ang mapangiti. Ganitong-ganito ito umakto kapag nagseselos. Sa isipang iyon ay nakadama siya ng kaligayahan kahit hindi naman niya sigurado kung tama ang duda niya. Muli na lang siyang umupo. "Fine. Hindi na ako aalis sa tabi mo. Sungit naman." Sumiksik siya sa tabi ni Romulus na lalong nagpatiim sa mukha nito. Pinigil ni Beatrix ang sariling hindi matawa. Dinala niya ang paningin sa dance floor at in-enjoy na lang ang iniinom. Banayad niyang iginalaw ang katawan, sinabayan ang nakakaindak na musika.

"Gusto kong sumayaw."

"No!" mabilis na saway ni Romulus.

"KJ!"

***
KINABUKSAN din ay schedule na ng kanyang orientation sa Lua Azul. Medyo late na naman siyang nagising. Naligo at nagbihis lang siya. Kumuha lang siya ng cracker na naroon sa suite. Iyon na lang kakainin niya. Sa pagbukas niya ng pinto ay muli niyang napagbuksan si Romulus na nakasandal sa kabilang dingding sa tapat ng kanyang suite. Nakahalukipkip ito habang ang isang paa ay nakalapat sa dingding.

"Nandito ka pa?" Nanatiling nakatiim ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. Mukhang hindi maganda ang gising. Pinasadahan siya nito ng tingin. Malinis at mukhang mabangong corporate attire ang suot. Inalis ang katawan sa pagkakasandal at hinila ang medyo nalukot na damit.

"Let's have breakfast." Pagkasabi niyon ay mabilis na naglakad si Romulus sa pasilyo na agad naman niyang sinundan.

"Hindi na, Romulus. 8 A.M sharp ang orientation ko sa Lua Azul, male-late ako kung magbe-breakfast pa ako."

"Kapag nagkasakit ka dahil sa hindi pagkain mas lalo kang mawawalan ng trabaho. Ako na ang bahahalang magpaliwanag kapag na-late ka." Wala ng nagawa pa si Beatrix kundi ang sumunod sa nais ni Romulus pero katulad ng inaasahan ay late nga siyang dumating sa orientation. Nasakanya tuloy lahat ng mata pagpasok niya ng orientation room. Sinamahan naman siya ni Romulus at kinausap ang mag-o-orient. Hindi na niya narinig pa ang pinag-usapan. Nginitian siya ng babae bago nagpatuloy sa ginagawa.

Maraming hindi nakakakilala sa kanya na empleyado rito. Marami dito ay Lycan at Paganus pero marami ring normal na tao lang. Sa tuwing pupunta siya ng opisina ni Romulus ay sa pribadong daan siya dumadaan. Eksaktong alas onse y media ay nagkaroon ng lunch break.

"May kasabay ka bang magla-lunch?" tanong ni Krizzy paglabas nila silid. Agad niyang nakapalagayan ng loob ang babae. Friendly ito at ganoon din naman siya.

"Wala, eh."

"Sabay na lang tayo, okay sa 'yo?"

"Yeah. Sure." Masayang bumungisngis ang babae. Ikinawit nito ang braso sa kanyang braso na para bang close na close na sila.

"Ms. Naval." Natigil si Beatrix sa paglalakad nang tawagin siya ni Mrs. Samson na siyang nag-o-orient sa kanila.

"Pinapatawag ka ni Sir Saldivar. Sa opisina niya. Importante raw. Ngayon na." Medyo aligaga ang pagsasalita ng babae na para bang kinakabahan.

Humingi ng paumanhin si Beatrix kay Krizzy. "Susunod na lang ako."

"Sige." Dumiretso nga siya sa opisina ni Romulus. Pagpasok palang niya at makita itong nagpapalakad-lakad sa mismong tabi ng salaming dingding ay nakaramdam na agad si Beatrix ng tensiyon. Sa ilang taong pagsasama nila ni Romulus ay kabisado na niya ang mood nito. He's not just pissed off but totally dangerous because of his anger. Nahigit ni Beatix ang kanyang paghinga nang huminto ito sa pagpaparo't parito. Higit siyang kinabahan nang bumaling sa kanya ang matalim nitong titig. Sinulyan ni Romulus ang sofa na malapit sa kinatatayuan nito. Nakuha naman niya ang nais nito. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa sofa at naupo sa mahaba. Sa katapat ay may pandalawahang sofa at doon naman naupo si Romulus. Sa isang matibay na kahoy na center table sa pagitan ng mga sofa ay may isang itim na envelope.

"Sino nga ulit ang lalaki, Beatrix?" Unti-unti ang pagkunot ng kanyang noo sa tanong ni Romulus. Hindi niya gets. Sino'ng lalaki ang tinutukoy nito?

"Ang lalaking sinamahan mo. Ang lalaking ipinagpalit mo sa akin. Paano mo siyang nakilala? Paano kayong nagkamabutihan?"

"Romulus, wala kaming relasyon. Sinabi ko lang ang bagay na iyon para itaboy ka."

"Kung gayon bakit kailangan mong itago ang pagkatao niya?"

"I don't. Nakilala mo na siya minsan hindi ba?"

"No. Kahit anino ng lalaking sinasabi mo hindi ko pa nakikita." Imposible. Nasaktan pa nito si Baltazar sa eskwelahan noon.

"Sino ang lalaki? Bibigyan kita ng pagkakataon, Beatrix, para magsabi ng totoo!" Halos marinig niya ang pagtagis ng mga ngipin nito sa pinipigil na galit.

"Siya si Baltazar Tavarez, apo siya ni Profesor Armadillo Tavarez. I met him through his grandfather."

Tumango si Romulus pero higit na gumihit ang galit at disappointment sa mukha nito. Mukha itong hindi naniniwala sa kanyang sinasabi. Kinuha ni Romulus ang envelope mula sa mesa, inalis ang goma na nakapaikot sa folder at mula roon ay kinuha ang ilang printed photos. Paitsa nitong inilapag sa mesa. Ilang larawan ang humantad.

"Siya ba si Baltazar Tavarez o Baltasar Tavarez?" Kinuha niya ang isa sa larawan. Mukhang galing iyon sa internet at prinint-out.

Si Baltazar nga ang nasa larawan. Lumang larawan. Hindi nga iyon larawan kundi isang painting pero natitiyak niyang si Baltazar ang taong ito.

"Duke of Beja, asawa ni Maria Barbara. Siya ba ang Baltazar na sinasabi mo?"

Umiling si Beatrix. "Hindi. Ito ang ninuno ni Baltazar. May isa pang Baltazar ang nabubuhay sa panahon ngayon, iyon ang apo ng nasa larawan na ito." Duke of Beja? Hindi ito ang pagkakaalam niya. Naging Duke pala si Baltasar? Hindi iyon nabanggit sa talaarawan at kahit ni Professor Armadillo.

Kung ibabase sa ekspresyon na ipinapakita ng mukha ni Romulus ay higit pa itong na-disappoint. Mukhang hindi naniniwala sa kanyang sinasabi.

"Walang Baltazar Tavarez na apo ni Professor Armadillo Tavarez ang nag-e-exist sa panahon na ito na posible mong maging karelasyon, Beatrix. Tigilan mo ang pagtatakip sa lalaking 'yon!" Galit na tumayo si Romulus. Walang sabing iniwan siya nito. Naguguluhan si Beatrix na sinundan ng tingin ni Romulus palabas ng opisina. She's not lying. Ano ba ang nangyayari? Ibinalik niya ang tingin sa mga larawan na nasa mesa. Kinuha niya ang larawan ng duke na kamukhang-kamukha ni Baltazar. Natuon naman ang kanyang atensiyon sa isang larawan ng batang lalaki na kasama ng mga larawang inilagay roon ni Romulus. Sino naman ang batang ito na may berdeng mga mata?

Nagpaimbestiga si Romulus at mukhang hindi tumutugma ang lahat ng sinasabi niya sa nalaman nito kaya galit na galit ito. But she's not lying. Ano ba ang nangyayari? Gulong-gulo siya lalo sa mga nangyayari.

Kumuha si Beatrix ng dalawang larawan at isinilid niya sa kanyang bag saka nagmadalng lumabas ng opisina ni Romulus. Ang balak na pagkain ng pananghalian ay hindi na ginawa pa. Nagpasya siyang pumunta sa bahay ni Profesor Armadillo, umaasa na makikita roon si Baltazar. Si Baltazar ang makakasagot sa mga katanungan niya. Si Baltazar lang naman ang kasama niya nang araw na iyon.

Natigil si Beatrix sa pagpindot sa doorbell nang biglang bumukas ang gate. Isang kasambahay ang nagbukas. Nakasimangot. Nainis yata sa sunod-sunod niyang pagpapatunog ng door bell.

"Magandang tanghali ho. Nariyan ho ba si Professor Armadillo? Ahm...Beatrix Naval." Mula sa loob ay may isang middle-age na babae ang lumapit sa kanila at nagtanong kung sino siya na agad namang sinagot ng mas batang katulong. Kilala niya ito. Ito ang tumanggap sa kanya nang una siyang magpunta rito.

"Sino uli siya?" Sa pagkakataon na iyon ay medyo gulat ang ekspresyon ng babae ng sabihin ng katulong ang kanyang pangalan.

"Beatrix Naval po," muli niyang pagpapakilala.

"Jusko! Totoo ka nga!" Pilit siyang ngumiti sa babae. Of course she's real.

"Ako na ang bahala rito, Mona, mabuti ipaghanda mo siya ng meryenda." Agad namang tumalima ang babae. Si Beatrix ay pinapasok ng babae.

"Matagal ka ng hinihintay ni propesor. Tama nga siya na sa taong ito ay darating ka. Akala namin masyado lang siyang invested sa talaarawan ng duke," pagkuwento ng babae habang papasok sila sa bahay.

"Duke?"

"Ang ancestor ng mga Tavarez, Si Baltasar Tavarez, ang duke ng Beja." Itinuro nito ang direksiyon sa kung saan parte ng bahay patungo.

"Nasa library si propesor." Iginiya siya ng babae sa isang pasilyo. Kabisado niya ang daang ito. Sa dulo ng pasilyo ay isang pinto patungo sa isang basement kung saan naroon ang labi ni Celtici. Pero hindi na nila narating pa ang naturang pinto dahil sa kalagitnaan palang ay huminto na sila. Kinatok nito ang pintong naroon.

"Narito na siya propesor. Si Beatrix Naval," imporma ng babae. Walang nagsalita mula sa loob. Wala yatang tao.

"Tumuloy kayo," narinig niya ang boses ng isang lalaki mula sa loob. Meron naman pala. Binuksan ng babae ang pinto. Bahagya siyang tinanguan upang papasukin. Nagpasalamat siya rito bago humakbang papasok. Ang babae na rin ang nagsara ng pinto. Nasa harapan ng desk ay isang matanda, nakatalikod ito sa kanyang direksiyon, abala sa kung anuman ang binabasa nito.

"M-magandang umaga ho," nauutal niyang bati. Humarap ang matanda sa kanya, inalis ang bucket hat at inilapag sa desk. May ningning sa mga mata nito pagkakita sa kanya.

"Dumating ka nga." Hindi lang sa boses nito matutukoy ang pagkamangha kundi maging sa mukha nito.

"Magandang umaga propesor. Pasensiya na ho kung dumating akong walang pasabi." Humakbang siya palapit sa matanda. Weird. Parang estranghero pa rin ito sa kanya kahit pang-ilang beses na nilang nagkita. Nagbibigay ng kakaibang kilabot ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.

"Maupo ka, hija." Itinuro nito ang visitor's chair na nasa tapat ng desk. Pinaunlakan naman niya ito. Hindi inalis ng propesor ang namamanghang tingin sa kanya dahilan para mas makaramdam siya ng pagkailang.

"Pasensiya na ho kung nagpunta ako ng walang pasabi, Propesor. Napakarami pong kasing gumugulo sa akin at tingin ko ay si Baltazar lang ang makakasagot." Tumango ang propesor. Kinuha nito ang talaarawan mula sa desk.

"Baka ito ang sagot sa gumugulo sa 'yo. Bilin ni Baltasar na ibigay ito sa 'yo sa oras na dumating ka." Saglit niyang tinitigan ang talaarawan bago iyon inabot mula sa matanda.

"Hindi ako makapaniwala. Totoo nga ang lahat na nakatala sa talaarawan ng duke." Mula sa talaarawan ay nag-angat siya ng tingin sa matanda.

"Paano hong nandito ang talaarawan? Ibinigay mo na ito sa akin hindi ho ba?" Higit pa ang pagkulubot ng dati ng kulubot nitong noo.

"Hindi. Imposible. Ngayon palang naman tayo nagkita. Pero matagal na kitang kilala dahil sa talaarawan na 'yan. Matagal ko nang hinintay ang pagdating mo."

Ibinalik ni Beatrix ang tingin sa talaarawan. Binuklat iyon ni Beatrix. Sa unang mga salita palang na naroon ay ibang-iba na sa unang talaarawan na nahawakan niya kaya mas lalong nabuhay ang kanyang interes. Tagalog ang mga salitang nakatala roon. Taong 1763 ang taon na nakasulat doon.

Beatrix,

Kung kasalukuyang mong binabasa ang talaarawan na ito, isa lang ang ibig sabihin, matagumpay kang nakabalik sa panahon na ating pinagmulan. Naging mabuti ang kalagayan ko sa panahong ito. Natapos ang pagpipili at ako nagwagi sa puso ni Infanta Maria Barbara. Naging kabiyak ko siya na siyang nagbigay sa akin ng titulo sa pagiging duke ng Beja. Ako na ngayon, si Baltasar Tavarez, ang guwapong duke ng Beja. Pinanindigan ko na ang Baltasar—with s. Pero mas nakakaguwapo talaga ang Baltazar—with z.

Nakatakas ka sa kamatayan dahil kay Hieronimos. Napatay naman ni Flavia si Siera pero ang espiritu niya ay patuloy na naglagi sa mundo at naghasik ng lagim. Malakas ang kanyang naging impluwensiya. Sinamba ng isang kulto. Nagpatuloy ang kanyang pagpatay sa kalahi ni Celtici. Bawat sanggol na babae ay kanyang pinapatay at naghintay sa muling pagbabalik ni Celtici, at tiyak na naghihintay pa rin. Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang kapangyarihan ng hiyas. Hanapin mo ang hiyas. Kunin mo ang kapangyarihan. Huwag mong hayaang magtagumpay si Siera. Huwag mong hayaang muli kayong patayin ni Siera—ikaw at si Heironimos.

"Nauunawaan mo ba ang nangyayari, Beatrix." Naguguluhan siyang nag-angat ng tingin kay Professor Armadillo. Marahan siyang umiling.

"Naguguluhan ako, Propesor. Minsan na tayong nagkatagpo. Sigurado ako sa bagay na iyon pero sabi mo ngayon lang"

"Marahil ay maraming nabago nang pakialaman niyo ni Baltasar ang kasaysayan sa nakaraan."

"Ibig sabihin...napunta ako, kami...sa 18th century?"

"Kung ibabase sa mga nakasaad sa talaarawan na iyan at sa mga ebidensya na hawak ko...oo."

"Wala akong matandaan. Ano ang ebidensya na magpapatunay na nanggaling nga ako sa panahon na tinutukoy ni Baltazar?" Kinuha ni Profesor Armadillo ang aklat mula sa kanya. Binuklat iyon sa pinakagitna. May butas ang makapal na talaarawan sa pinakagitna. Sadyang inukit sa hugis na parihaba ang makapal na pahina ng talaarawan para magkasya roon ang isang smartphone na niluma na ng panahon. Kinuha ng propesor aparato.

"Nakikita mo ba ang bagay na ito? Ang modelo ng smartphone na ito ay kakalabas lang sa market ngayong taon. Pero ayon sa pag-aaral ko at nang iba pang archeologist, 260 years na ang tanda ng aparato na ito. Nagpapatunay lang na mula sa ika-bente-unong siglo ay napadpad ang bagay na ito sa 18th century."

"Ako at si Baltazar ang nagdala," manghang usal ni Beatrix. Hindi mapaniwalaan ang mga naririnig.

"Si Baltazar, apo mo siya, iyon ang pagkakaalam ko pero hindi na siya nakabalik pa kung gayon, at wala ng Baltazar pang nag-exist ngayon. Hindi ba kayo nag-aalala sa pagkawala niya."

"Katulad ng sinabi ko, mukhang maraming bagay ang nabago. Marahil nga ay hindi na nakabalik si Baltazar at naging parte na lamang siya ng isa sa pinakamahalagang kasaysayan ng pamilya." Tumayo ang propesor at naglakad ito patungo sa kabilang bahagi ng silid-aklatan. Sinundan ni Beatrix ng tingin ang propesor. Tumayo ito sa tapat ng isang malaking portrait. Si Baltazar ang naroon kung saan suot ang isang kasuotan ng isang maharlika.

"Baltasar Tavarez, Duke of Beja. Isang magiting na duke na sumama sa pakikipagdigmaan. Hindi siya nabiyayaan ng supling, pero ang kapatid niya ang nagpatuloy sa lahi ng Tavarez at siyang pinagbilinan ng tungkol sa pagbabalik mo."

Tumayo si Beatrix at naglakad palapit sa portrait. Pinagmasdan niya ang larawan. Sobrang namamangha sa kabila ng kalituhan Bakit wala siyang maalala? Tumaas ang kamay ni Beatrix para sana haplusin ang painting nang...

"Lolo." Munting boses ng batang lalaki ang nagpatigil sa kanya. Niyuko niya ang batang nakatayo sa may likuran niya. Hawak ng propesor ang bata sa balikat. Ito ang batang nasa larawan sa opisina ni Romulus. May berde itong mga mata.

"Siya si Baltazar, Beatrix, ang apo ko." Tumango ang matanda kay Beatrix nang nagtatanong siyang tumitig dito.

"Posibleng siya," sagot ng propesor sa hindi maisatinig niyang tanong. Si Baltazar...muli siyang nagbalik sa katauhan ng batang ito. Dahan-dahan siyang umupo sa harapan ng bata. Kamukhang-kamukha nga ito ni Baltazar. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at inabot ang munting pisngi ng bata. Buong suyo niya iyong hinaplos.

"Baltazar," mahina niyang usal. Mariing ipinikit ni Beatrix ang mga mata nang biglang may alaalalang pumasok sa kanyang isipan. Si Baltazar, pilit siyang kinakaladkad sa kabila ng panghihina dahil sa sugat sa likod.

"Go!" Malakas na sigaw ni Baltazar ang kanyang huling narinig bago siya nito itinulak sa isang portal. Nang imulat ni Beatrix ang kanyang mga mata ay natagpuan niya ang sariling lumuluha.

"Totoo nga...iyon ba ang rason kung bakit sinasabi ng lahat na halos isang taon akong nawawala. Pero wala akong maalala."

"May bagay kang dapat na makita, hija. Baka sakaling makatulong para makaalala ka." May pinindot na buton ang propesor sa gilid ng painting hanggang sa mag-slide ang painting at humantad ang sekretong pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top