Chapter 23
KINAILANGAN NI Beatrix ilagay ang palad sa kanyang dibdib para subuking kalmahin ang tibok ng kanyang puso na mukhang trumiple ang tambol nang makasakay siya ng sasakyan. Tahimik na pinaandar ni Romulus ang sasakyan. Hindi ito nagsalita. Marami siyang gustong sabihin pero hindi niya magawang isatinig man lang kahit simpleng salita. Paano niya sisimulan? Ano ba ang sasabihin niya gayong hindi niya alam ang mga nangyari sa panahong nawawala siya? Naririnig niya ang marahas na paghinga ni Romulus. Kita niya sa dilim ang tiim nitong mga panga. Ang palad nito ay mahigpit ang hawak sa manibela. Tuwid ang upo na mas lalong nagbibigay sa kanya ng matinding takot. Malayo sa dati na relax lang lagi.
"Saan kita ihahatid?" halos lumukso ang puso niya palabas mula sa kanyang ribcage sa malagong nitong boses.
"Ahm..." Saan nga ba? Wala siyang bahay sa siyudad. May kakilala naman siya, dating mga kaklase sa pinasukang unibersidad pero hindi naman tamang bigla na lang siyang susulpot ng walang pasabi at sasabihing makikituloy. Hindi naman puwedeng mag-hotel siya. Too expensive. Baka maubos agad ang dala niyang pera na galing pa sa ipon niya. Ibinigay niya ang halos lahat ng ipon niya sa bangko sa kanyang ina para sa therapy ng kanyang papa habang ang kaunti ay dala niya para gamitin sa binabalak na paghahanap ng trabaho. Kapag nakahanap siya ng trabaho ay balak niyang dalhin dito sa Manila ang kanyang papa. Baka mas magandang dito na lang magpagamot.
For now, she needs a budget-meal place to stay and a motel is what she needs for tonight.
"Ahm...sa madadaanan na lang nating lodge." Sana ay wala pa silang madaanan. Gusto pa niyang makasama si Romulus. Hindi pa niya nagagawa ang pakay niya.
"Wala kang tutuluyan?" tanong nito. Nanatili ang tono nito. Matigas.
"Wala pa. Mula Baguio dumiretso ako sa opisina mo. Sabi kasi sakin ni Tita Natasha one week ka ng nandito kaya naisip kong magpunta na lang dito."
"Bakit?" He's so cold.
"Ahm...gusto lang sana kitang makausap."
"Bakit?" Ikinuyom ni Beatrix ang mga kamay.
"To...to say sorry." Sinabi niya iyon kasabay nang pagpigil ng kanyang paghinga. Natakot siya sa sariling ibinigay na dahilan. To say sorry? Not just that. She wants to see him. Wala na siyang narinig pa mula kay Romulus. Ang pananahimik nito ay indikasyon na wala itong interes pa sa paghingi niya ng tawad at higit lahat ay sa kanya. Ano pa ba ang aasahan niya? Matapos niya itong saktan noon aasahan pa ba niyang magkakapuwang pa siya sa puso ni Romulus. Tapos natagpuan na nito ang mate nito.
Inihinto ni Romulus ang sasakyan sa tapat ng isang hotel. Medyo malapit lang ito sa Lua Azul. Madalas silang mag-check-in dito noon at kumain. May pupuntahan siguro rito. Bumaba si Romulus habang siya naman ay nanatili lang sa loob at pinanood ang pag-ikot nito sa sasakyan. Itinapon nito ang susi sa valet. Nilinga nito ang sasakyan. Sa kanya nakatitig. Alam niyang malinaw siya nitong nakikita kahit pa heavy-tinted pa ang sasakyan. Isa iyon sa abilidad nito bilang isang Lycan. Bumuntonghiniga ito bago lumapit at binuksan ang pinto ng front seat.
"Ayaw mo bang lumabas?"
"Ha?"
"Sabi mo wala kang tutuluyan."
"Ha?" Muli lang niyang tanong. Malinaw kasi ang sabi niya na sa lodge lang siya ibaba at hindi sa five-star hotel. Isa ito sa pinaka-expensive na hotel sa bansa. Twelve thousand ang pinakamababang kuwarto bawat gabi habang isang daang libo mahigit naman ang pinakamahal. She's broke right now and she can't afford to stay here.
"Ahm...puwede bang sa lodge na lang. I can't afford to stay there," pag-amin niya.
"You will not stay here that long, right?"
Umiling siya. "Sagot ko na. Now, let's go."
"Hindi na, Romulus—"
"C'mon! I don't have time to drive around the city to look for a cheap lodge." Walang nagawa si Beatrix kundi ang bumaba na lang. Mas nakakahiya naman kung papaikutin niya nga nang papaikutin si Romulus sa matrapik na siyudad para lang sa tutuluyan niya.
"Where is your stuff?" Nanglaki ang mata ni Beatrix sa tanong na iyon ni Romulus nang maalala ang kanyang hand-carry luggage.
"Goodness! I forgot my luggage in the taxi." Ni hindi man lang niya napansin iyon sa mahabang oras. Palibhasa iba ang focus ng kanyang isipan mula pa kanina at iyon ay si Romulus lang. Ang tanging nabitbit niya ang kanyang sling bag.
"Let's go." Agad na sumunod si Beatrix kay Romulus na naglakad nang mabilis papasok sa hotel. Dumiretso ito sa front desk.
"Good evening, sir, welcome to Luxury Escape Inn. How may I help you?" The receptionist greeted Romulus politely. Beatrix stayed behind him.
"I want to check-in."
"Do you have a reservation before, sir?"
"Yes."
"What type of room do you need, sir?"
"Give me a deluxe king room."
"How long will you be staying, sir?"
"No specific time and date for check out. She might stay over...maybe for a couple of days." Romulus set the identification card and credit card on the marble counter.
"Wait," pigil nito sa receptionist.
"Change the room. Make it an executive suite king and make sure the beddings are all-natural and antimicrobial. No synthetic fiber. Her skin is sensitive. Charge it all to my credit card."
"Your special request is noted, sir." Mariing nakagat ni Beatrix ang kanyang ibabang labi. She sometimes got textile dermatitis from clothes and beddings made with synthetics such as polyester and nylon and Romulus still remembered small things about her. Naglakad palayo si Beatrix. Naupo sa malapit na accent chair at mula roon ay pinanood niya si Romulus.
He looks great in a classic corporate suit. When it comes to suits, he has preferred the classic style ever since. He maintains his previous clean and muted color scheme. The expensive material of the muted grey suit perfectly encases his bulky build, particularly his strong thighs and buttocks. He looked over his wide shoulder, his gaze locked on hers, giving her a chance to see his handsome face. His moustache added a roguish edge to his features. He's so hot!
"Let's go!" Kumurap si Beatrix. Hindi na ito nagdalawang beses pang magyaya. Nagpatiuna na ito. Agad na tumayo si Beatrix at tahimik na sumunod kay Romulus hanggang sa marating ang elevator. Silang dalawa lang ang nasa loob.
"Lalabas din ako bukas," aniya nang paakyat na ang elevator.
"Saka sana iyong deluxe room na lang ang kinuha mo. Thirty-four thousand per night is too expensive."
"You love the sunset view and the Manila skyline. Iyon ang pinakamagandang puwesto." Nanatiling kaswal ang pananalita nito. Hindi na siya muling nagsalita pa. Wala na siyang maisip na sasabihin. Lumabas sila ng elevator ng tahimik hanggang sa marating ang silid. Nanikip ang kanyang dibdib nang mapagtantong ang silid na kinuha nito ay mismong silid na lagi nilang kinukuha sa tuwing magche-check-in rito. Si Romulus ang nagbukas ng pinto. Humarap ito sa kanya at inabot ang keycard.
"Wait for your dinner. Magpapadala ako ng pamalit mo. Huwag kang mag-check-out kung wala kang ibang pupuntahan. Stay here." Pagkasabi ng mga bilin ay naglakad na ito palayo.
"Romulus," tawag niya. Tumigil ito sa paghakbang pero hindi ito lumingon.
"Thank you. Ahm...I'll pay you. Hindi muna ngayon, pero babayaran kita pangako."
Muli itong nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na pinansin ang kanyang sinabi. Mabigat siyang bumuntonghininga bago pumasok ng silid. Isinandal ni Beatrix ang kanyang likod sa pinto nang maisara iyon. What will happen next? Next. Ang dapat niyang intindihin ngayon ay makahanap ng trabaho at makahanap ng matutuluyan na hindi mabubutas ang bulsa niya. Natampal niya ang kanyang noo. Kung bakit ba naman naiwan pa niya ang bagahe niya sa taxi. Naroon ang kanyang mga papeles.
Inangat niya ang sarili mula sa pagkakasandal at binuksan ang kaliwang pinto sa foyer. Powder room iyon. Muli niyang isinara ang pinto at hindi na binuksan pa ang nasa kanang pinto—massage room iyon. Tumuloy na siya loob at agad na hinagod ng tingin ang loob ng suite. Ganoon na ganoon pa rin naman ang ayos. Walang pinagbago pati na rin kulay. Light, airy and ultimately elegant. There is a spacious living area with plush sofas and daybeds in tones of blue, gray and green complementing the earthy wall paint. Makikita mo ang Manila skyline mula rito dahil salamin ang dingding nito. There is a dining area with an eight-seater table, a bar area filled with various types of drinks, and tea and coffee-making facilities.
She entered the bedroom, which has a sealy king bed, ensuite bathroom, walk-in closet, and automated private bar in addition to the bar area outside, and of course, her favorite amenity of this luxury suite, the jet tub beside the glass wall where she can soak in the warm water while admiring the stunning views of Manila's famous sunsets.
Itinapon niya ang kanyang bag sa malaking kama saka tinungo ang private bar na nasa kanang bahagi kung nasaan naroon ang kama. Binuksan ang chiller na puno ng iba't ibang maiinom—beer, sodas, cider and wine. Sa tabi ay ang walk-in closet. Binuksan niya ang cabinet at kinuha mula roon ang bathrobe. Ito na lang muna ang gagamitin niya. Lumabas ng walk-in closet at tinungo ang bathroom na nasa kabilang parte ng kama. Binuksan niya ang jet tub. Magbababad na lang siya.
Bumaling si Beatrix nang marinig ang pagtunog ng door chime. Inilapag niya sa kama ang bathrobe at tinungo ang labas ng silid. Sinilip niya sa peephole ang nasa labas. Staff. Lalaki.
"Good evening, ma'am. Room service for room 790 for Ms. Beatrix Naval."
"Yes. Please, come in." Nilakihan niya ang bukas ng pinto. Itinulak ng lalaking staff ang food cart papasok. Nang makalagpas ng foyer ay huminto ito at pormal na humarap sa kanya.
"Here's your dinner, ma'am." Binuksan nito ang isa sa mga pagkain.
"Lobster thermidor," anito at sunod-sunod pang binuksan ang iba pa na pawang seafoods, may steak din at ilang klase ng desert. Napakarami.
"Where do you want me to arrange the food, ma'am?"
Itinuro niya ang mahabang dining table. "Just put it there."
"Okay, ma'am." Itinulak nitong muli ang food cart hanggang sa dining table. Inayos doon at nagpaalam na rin. Sa halip na maligo ay kumain muna si Beatrix. Ngayon siya nakaramdam ng gutom. Almusal lang ang kanyang kinain pag-alis ng Baguio at hindi na nasundan pa sa haba ng byahe.
Matapos kumain ay nagbabad na siya jet tub habang ini-enjoy ang wine. Nag-isip ng mga dapat gawin. Nakapagdesisyon na siya na mag-apply bukas. Susubukan niya ang suwerte niya sa Lua Azul. Kung hihingi siya ng tulong kina Axton tiyak makakapasok siya pero kung katulad nj Romi ay galit din sa kanya, tiyak rejection ang makukuha niya. Susubukan na lang niya ang kanyang credential. Maghahanap din siya ng matutuluyan. Kailangan niyang bumili ng phone, necessity na ang phone sa panahon ngayon. Kailangan rin niyang makontak si Luna at si Manoela. Kailangan niyang makausap si Manoela tungkol kay Celtici. Baka may balita na ito. At kailangan din pala niyang puntahan si Baltazar. Baka sakaling masagot nito ang mga gumugulo sa kanya.
Hinugot si Beatriz sa pagmumuni-muni nang tumunog muli ang door chime. Room service siguro. Wala na naman siyang kailangan. Inilapag niya sa ledge ng jet tub ang wine glass saka umahon. Nagpunas siya ng katawan bago isinuot ang roba. Lumabas siya ng silid. Binuksan ang pinto matapos silipin sa peephole. Two non-hotel-personnel women were outside and a bellboy with a trolley filled with shopping bags.
"Good evening, ma'am. Are you Ms. Beatrix Naval?" tanong ng isang babae.
"Yes, I am. May kailangan sila?" magalang niyang tanong sa babae.
"We are from the Fine Fashion Boutique." The boutique sells imported luxury brands. Isa ito sa mga shop na pinupuntahan niya.
"Mr. Saldival sent us here to bring these to you," tukoy nito sa mga shopping bags na nasa trolley.
"Ipasok na po namin?" Wala sa loob na tumabi si Beatrix. Manghang sinundan ng tingin ang tatlo na ipinapasok ang lahat ng paper bags sa loob. Si Romulus ba ang bumili ng lahat ng iyan para sa kanya? But why? Alam niyang wala siyang damit pero hindi niya akalain na gagastos talaga ito katulad ng ginagawa nito sa kanya noon. Iniisip niya bibilhan lang siya ng maisusuot para sa ilang araw. Eh, kaya na nitong pumuno ng isang buong wardrobe.
Nilapitan siya ng isang babae habang inaayos pa ng dalawa ang mga dala. "Kapag may hindi ka nagustuhan at gusto niyong ibalik, kindly contact us, ma'am." Inabot nito sa kanya ang calling card. Matapos maipasok ang lahat ay nagpaalam na ang mga ito. Naiwan si Beatrix na nakatitig sa mamahaling gamit na nasa sofa at ang iba ay nasa sahig.
Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Romulus still cares for her. Not just that, he is still spoiling her just like before. Hindi kaya may nararamdaman pa sa kanya si Romulus? Hays! Gusto niyang umasa pero kung natagpuan na nito ang mate nito imposible na unless nagsisinungaling si Romi. Bumaling si Beatrix sa pinto nang may nag-door chime na naman. Agad niya iyong tinungo at hindi na sinilip pa sa peephole. Isang babaeng staff ng hotel.
"Good evening, ma'am. I'm Karla, and I'm here for the massage service."
Beatrix groaned mentally. Romulus knew what she wanted and he's giving it all.
***
KINABUKSAN katulad ng plano ay nag-apply siya ng trabaho sa Lua Azul, para sa posisyong Marketing Trainee. Pero sa kasamaang palad ay nindi siya natanggap. Maraming kuwalipakado na kasabay niyang nag-apply kaya normal na ang mga ito ang pipiliin. They prefered candidates to have advanced degrees, and relevant work experience at wala siya niyon. Hindi nga related sa in-apply-an ang kurso niya.
"Ms. Naval! Ms. Naval!" Napatigil si Beatrix sa sunod-sunod na pagtawag sa kanyang pangalan. Agad naman niyang nilinga ang babae na lakad-takbo ang ginawa para habulin siya. Ito ang HR employee na nag-interview sa kanya at medyo masungit ito. Mukhang may pinagdadaanan sa buhay.
"Bakit po?" magalang niyang tanong rito.
"The Marketing director wants to conduct an interview with you." Biglang napaawang ang bibig ni Beatrix sa balita. It implies that she might get a job with this company.
"Really?"
"Hmm," tipid nitong tugon. Napatili si Beatrix at napayakap sa babae pero agad ring binitawan at humingi ng paumanhin.
"Tara sa opisina ni sir." Agad na sumunod si Beatrix sa babae nang mabilis na itong maglakad. Tinungo nila ang opisina ng direktor. Ang pagpasok niya sa pinto ng opisina ay nabitin nang makita ang lalaking tumayo mula sa swivel na may malawak na ngiti.
"Hey, Beatrix!"
"Sixto!" bulalas niya.
"You are hired." Natutop ni Beatrix ang bibig bago tumakbo palapit sa lalaki at mahigpit itong niyakap.
"Wow!" muli niyang bulalas matapos kumalas ng yakap sa lalaki at titigan ito mula ulo hanggang paa.
"Director ka na? Hindi ka na soldier?"
Nagkibit ito. Sinulyapan ang babae. "Thanks, babe. You can go now."
"Okay, sir." Nang makalabas ang babae ay kinurot niya ito sa dibdib pero wala man lang siyang nakurot. Parang bato sa tigas ang dibdib nito. "Harot mo!" Hinawakan siya ni Sixto sa likod at iginiya patungo sa sofa. Naupo silang magkatabi nito.
"May alam ka rin pala sa corporate 'no? Kala ko sa pakikipagsuntukan lang. Pero mas bagay ka rito. Iyong personality mo na strict at laging seryoso ang mukha, bagay na bagay rito." Marahan itong tumawa.
"Oh! Marunong ka na ring tumawa." Hindi kasi marunong tumawa ang lalaking ito. Laging seryoso.
"Nga pala, paano mong nalaman na nag-apply ako rito?"
"Nakita kitang tulalang lumabas ng HR. Tinanong ko kung ano'ng ginagawa mo rito, sabi nag-apply ka."
"At sabi tatawagan na lang daw. Other term ng rejection. I don't get it. Sana diretso na lang nilang sinasabi na huwag ng umasa. At hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi kayo tumatanggap ng walang experience. Paanong magkaka-experience kung ayaw ninyong bigyan ng chance."
Muli ay tumawa si Sixto. "Tinanggap kita, ah."
"Hmp! Malakas lang ako sa 'yo."
Tinapik niya ang hita ni Sixto. "Nga pala, nagkikita pa ba kayo ni Kuya Bruce?" Tumaas ang sulok ng labi nito at kapagkuway ay tumulis para pigilin ang ngiti.
"O.M.Gosh! That smile." Beatrix grabbed Sixto's arm and couldn't help but scream.
"Sshh! Ingay mo!" saway ni Sixto pero ngayon ay hindi na makontrol ang ngiti. Napakalawak. Masaya.
"Shaks! Don't tell me kayo na ni Kuya Bruce?" Sa mas paglawak ng ngisi ni Sixto ay muling napatili si Beatrix. Napapailing na tumawa naman si Sixto.
"Grabe!" Pumormal bigla si Beatrix. Napawi ang kasiyahan na saglit na nagpalimot sa kanya sa mga problema.
"Ganoon talaga ako katagal na nawala?" tanong niya iyon sa sarili.
"Saan ka ba nagpunta?"
Umiling si Beatrix. "I honestly don't know. Ang daming gumugulo sa akin, Sixto. Wala akong maalala matapos kung tapusin ang relasyon kay Romulus. Ang huling natatandaan ko lang ay pumunta ako sa antique shop sa village."
"Hmm. Sinundan kita. Romulus asked me to follow you until you get home. Nakita ko nga kayong pumasok sa antique shop pero hindi ko kayo nakitang lumabas. Bigla na lang din nawala ang sasakyan na dala ninyo. Natunugan mo na nandoon ako 'no?"
Umiling si Beatrix. "I don't know. I don't remember." Hindi niya talaga alam.
"Si Romulus...kumusta siya after I left?" Just like hers, Sixto's expression changed. Sa lungkot na ipinapakita ay alam na niya ang sagot. Hindi naging maganda katulad ng isinumbat sa kanya ni Romi. Ang hindi niya alam ay kung gaano kalala ang naidulot niya.
***
PADILIM na siyang inihatid ni Sixto sa hotel. Niyaya siya nitong lumabas. Napakahaba ng oras nila. Ang daming kuwento. Ang dami niyang nalaman. Masaya ang iba pero lamang na lamang ang lungkot na naramdaman niya dahil sa mga nalaman sa pinagdaanan ni Romulus. Matapos niyang umalis nang araw na iyon, natagpuan daw na walang malay si Romulus sa ibaba ng falls sa kagubatan. Nahulog daw sa matarik ng talon at tumama ang ulo sa bato.
Isang buwan. Isang buwan daw itong walang malay tao at kahit ano'ng klaseng inkantasyon ng Paganus at kahit si Manoela ay hindi ito gumaling. Sinubukan dalhin sa ospital sa kagustuhan ni Natasha pero wala naman daw magawa ang mga doktor. Hanggang sa dumating raw ang isang babae na pinaniniwalaan ng lahat na mate ni Romulus. Sa araw-araw na pagdalaw raw kasi ng babae ay unti-unti itong nagkamalay-tao. Lumakas. Pero hindi na raw bumalik ang masiyahing Romulus. Laging seryoso sa lahat ng bagay. Hindi na sumilay pa ang ngiti sa labi. Nang magising daw ito. Nagwala. Hindi raw nito gustong magising. Nais lang nito na manatili sa ganoong kalagayan.
Sabay na napatigil sa paghakbang si Beatrix at Sixto sa lobby nang bigla ay may humarang sa kanila. Si Romulus at bakas ang galit sa anyo nito. Mas dumilim pa ang mukha nito nang bumaba ang mata nito sa kanyang kamay na nakahawak sa braso ni Sixto.
"Nandito ka?" isinatinig niya sa mababang boses. Ibinalik ni Romulus ang paningin sa kanyang mukha.
"Saan ka nanggaling?" nanatili ang matigas nitong boses at anyo.
"Ahm..." She's not able to form words except from mumbling.
"Give me your cellular number. Ako ang maghahanap ng tutuluyan mo habang nandito ka." Diretso nito iyong sinabi. Ma-awtoridad.
"Ahm...I appreciate that Romulus pero ako na ang bahala...bukas mag-check-out—"
"Just give me your fucking number!" Humigpit ang hawak ni Beatrix sa braso ni Sixto nang umalsa ang boses ni Romulus. Hinawakan naman ni Sixto ang kamay niya.
"Tone down," ani Sixto. Gumalaw ang muscle ni Romulus sa panga nang magtagis iyon.
"Wala kasi akong phone. Hindi pa ako nakakabili," pag-amin niya. Wala nga siyang nailagay na phone number sa curriculum vitae niya.
Iritado itong nagpakawala ng hininga bago umalis. Agad na napasunod ng tingin si Sixto at Beatrix kay Romulus na naglakad patungo sa exit.
"See. Ganyan na 'yan simula ng iwan mo. Napakasungit. Medyo nagkabaliktad kami. Mas lalo tuloy lumamang ang kaguwapuhan ko."
"Yumabang ka rin." Sabay na nagkatawanan ang dalawa.
Biglang huminto si Romulus nang malapit na ito sa exit. Ngumiwi naman si Sixto at muling nagpatuloy sa paglabas si Romulus.
"Pinapasunod ako." Tinapik nito ang kamay niya. They are able to speak to each other through their minds. Bumitaw siya sa pagkakahawak kay Sixto.
"Sige na. Baka lalong magalit."
Bumalik siya sa kanyang suite. Naligo lang at nagbihis at muli ring lalabas. Sa baba na lang siya magdi-dinner. Aakyat siya ng silid kapag inantok na siya. Ayaw niyang isipin na naman si Romulus at ang mate nito. It hurts her so much. Tinapos niya ang pagsusuklay ng buhok nang tumunog ang door chime. Agad niyang binuksan ang pinto. Agad siyang binati ng lalaking staff na dala ang food cart na pinagtakhan naman niya dahil hindi pa naman siya nagpapadala ng pagkain. Usually kasi ay naghihintay ang room service na guest ang magpahatid ng pagkain at kung minsan ay ang staff ang tatawag lalo kung late na sa oras na nais ng guest ay hindi pa nagpapadala ng pagkain. That type of service is entirely up to the guest, and Romulus has included it in the package.
"I won't eat here. Sa baba na lang ako kakain."
"Naku, ma'am, sigurado po ba kayo?" Bahagya ang pagkunot ng noo ni Beatrix sa tila pagkatakot ng lalaki.
"Yeah."
"Huwag po kayong aalis ng hotel na hindi kumakain. Baka magalit na naman po kasi si Mr. Saldivar."
Nakuha ang interes ni Beatrix sa sinabi nito. Pinagtakhan ang kung ano ang ibig sabihin. "Si Romulus? Bakit naman?"
"Nagpunta ho kasi kaninang umaga ayon sa staff na day shift. Nalaman na hindi ka ho hinatiran ng pagkain para sa almusal. Usually naman po kasi hinihintay talaga namin ang request ng guest bago maghatid ng pagkain. Pinuntahan ka rito pero wala ka raw. Galit na galit raw ho, eh. Hindi tumatanggap ng paliwanag." Hindi na nga siya nag-almusal kanina dahil sa pagmamadali. Medyo late siyang nagising. Pero bakit naman magagalit si Romulus?
"Pasensiya. Sa baba na lang ako kakain."
"Sige po. Ico-confirm ko na lang po sa room service. Anyway, ma'am, you can eat at any of the hotel's restaurants. It is included as part of the package. Just tell them your room number," he informed her.
"Thank you." Matapos makapag-ayos ng sarili ay bumaba na si Beatrix. Sa isang buffet restaurant na lang siya nagpunta. After a few moments of contemplating what she would eat tonight, she decided to go straight to the pasta section. And since they only served made-to-order pasta dishes, and mac n' cheese is the only ready-made pasta that available, she chose to start with the cheese and meat cuts and wine while waiting for the cheesy tortellini and sausage bake she ordered. Carrying the tray, she scanned the expansive buffet room for a good spot. Her gaze, however, came to a halt when it locked on Romulus'. She could feel her heartbeat pounding against her ribcage. His gaze was lethal yet attractive, and it made her knees weak. She should tighten her grip on the tray to help her balance.
Romulus' gaze dropped on the vacant table across from him, and then gazed back at her, as if commanding her to sit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top