Chapter 2
SHE took the beige long-sleeve knitted cardigan dress off the bed to complete her school OOTD. She threw it over her Herve Leger coordinate-white fitted mini skirt and sleeveless knit viscose-blend crop top. She then took the beige classic flap bag in grained calfskin leather and gold-tone hardware from the chair and slung it across her body. Her lips formed a delighted smile as she realized how pleased she was with her appearance. She loved neutral colors. She completed her ensemble with white ankle boots. She ran her fingers over her jet black hair, which was sleek and straight.
Nang makuntento sa ayos ay kinuha niya ang dalawang libro at notebook sa ibabaw ng kama saka lumabas ng silid. Sa paglabas ng bahay ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makita si Romulus na nakasandal sa gilid ng pulang sasakyan nito. Nakahalukipkip, naka-cross ang mga binti. Isang jeans, leather shoes at abu na fitted sweatshirt ang suot nito. A sexy grin appeared on his lips upon seeing her. He immediately lifted his back off the car and walked straight towards her. Agad naman niyang sinalubong si Romulus. Automatikong pumaikot ang isang bisig niya sa leeg ni Romulus habang ang mga braso naman ni Romulus ay pumaikot sa katawan ni Beatrix at ang kanilang mga labi ay naghugpong sa isang mainit na halik. Hindi inalintana ang mga guwardiyang nasa paligid na nagbabantay sa bahay.
Napakatagal nilang hinalikan ang isa't isa at nang tapusin ay medyo mabigat ang kanilang paghinga. "Dapat talaga–" She laughed, cutting him off by pushing him away from her. He cajoled her to have sexy time earlier but she refused since she's running out to time.
"Let's go!" Nilagpasan niya ito at tinakbo ang sasakyan. Hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya ni Romulus. Agad na siyang sumakay. Napatawa si Beatrix nang makita si Romulus na hinahaplos ang likod ng ulo habang napailing. Naglakad ito patungo sa sasakyan at lumulan.
"Ayaw mo talaga? Kahit ikaw na lang. I love watching you climax." Argh! She tried everything she could to avoid being affected by Romulus' seduction but she failed. She felt a tickling sensation between her thighs, and she knew he scented his arousal since his nostrils flared.
"Stop it, Romulus! I have a quiz in my first subject," natatawa niyang sabi. Dismayado itong bumuntong-hininga saka binuhay ang makina ng sasakyan.
"Mamaya na lang pagkatapos ng klase mo." Muli siyang napatawa pero sinang-ayon na lang ang sinabi nito.
"Anyway, miss ka na raw ni Luna. Bukas babalik na sila rito."
"I missed her and Javiah, too."
"Ayaw niyo ba kasing sa Manila na lang?"
"Sina mom and dad kasi." Tumango si Romulus. Agad namang naintindihan ang sitwasyon niya. Dalawang taon din silang nag-aral ni Luna sa Manila bago nagpasyang bumalik ng Benguet para dito ituloy ang pag-aaral. Ang kanyang mga magulang naman kasi ay hindi gustong tumira sa Manila. Nang maglambing ito sa kanyang bumalik na sa Benguet ay pinagbigyan na niya. Pero ang totoo, mas gusto niyang tumira sa Benguet kaysa sa Manila na napakainit ng panahon. Itong si Luna na kakabit bituka na yata niya ay ayaw magpa-iwan kaya sumama pa rin sa kanya. Si Fhergus na ang nag-adjust.
Maraming nagbago sa buhay niya–sa kanilang pamilya matapos ang giyera sa pagitan ng mga Paganus at Lycan. Matapos mamatay ng diablong si supremo ay kasabay rin ng pagbagsak ng marangyang pamumuhay ng karamihan sa paganus at kabilang sila sa naapektuhan. Hindi lahat ng Paganus ay sang-ayon sa pakikipag-alyansa ng mga witches sa Lycan. May mga Paganus na piniling makipag-alyansa pero may ilang mas piniling mamuhay sa labas ng pamumuno ng Lycan at Paganus. Mas piniling mamuhay ng normal.
Nang mamatay si Seraphim ay may mga Paganus na bumagsak ang pamumuhay. Ang lahat ng ari-arian at investment ng bawat individual ay nawala sa kanila. Kahit wala na si supremo ay malaki pa rin ang impact nito sa mga Paganus. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila na ang tagumpay ng lahat sa larangan ng negosyo, pulitika at iba pang karera ay dahil sa mataas na opisyales ng Paganus. Dahil sa koneksyon na kayang ibigay sa mga miyembro ng Paganus. Kaya nang mawala si Seraphim at umaklas ang iba pang matataas na miyembro ay parang gumuho ring parang gusali ang pamumuhay ng mayayamang Paganus. Kaya ito, asa siya kay Romulus. Kapag bitinitawan siya nito hindi niya alam kung saan siya pupulutin.
Ang pamumuhay ng kanilang pamilya ay hindi naging maganda ang lagay matapos bumagsak ang mga investment ng mga magulang niya. Ngayon ay maliit na supermarket na lang ang kanilang inaasahan. Ayaw niya ring maging pabigat sa kanyang magulang kaya tinanggap na niya ang alok ni Romulus na ito na ang magpaaral sa kanya.
Napakautak ni Seraphim. Siniguro nitong sa pagbagsak nito ay kasama silang lahat. He has complete control over all investments, and if he loses, Paganus as a whole would suffer, too.
Sumilip si Beatrix sa bintana ng sasakyan nang papasok na sila sa St. Louis University kung saan siya nag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Anthropology sa ikaapat na taon. Madalas lang nilang nilalakad ni Luna ang papasok. Napakaganda talaga ng eskwelahan na ito kumpara sa eskwelahan sa Manila. Pine trees scattered everywhere. There were several groups of students strewn across the lush green grass, chit-chatting about various things such as crashes, their favorite and least favorite professors, and where they would go after class.
As her gaze roamed, she came across a familiar figure among a group of students. "Kajick," she softly droned her ex's name. Her gaze remained fixed on him as the automobile drove forward, until he just vanished from the view. What exactly is he doing here? He's already finished his bachelor's degree. Perhaps he is currently pursuing a master's degree.
"Sabi mo nagmamadali ka?" naputol ang pag-iisip ni Beatrix nang marinig ang boses ni Romulus. Agad siyang bumaling dito. Nakahinto na pala sila.
"Nandito na pala tayo. Thanks sa paghatid."
She unbuckled her seatbelt. Her attempt to kiss Romulus was thwarted when she noticed his expression. It appears to be substantially different from the previous one. His forehead was knitted together, the tip of his eyebrows almost reached to each other. His full lips were being pressed together. His strong jaw were twitching with silent…rage? Ipinatong niya ang kamay sa gilid ng nauupuan ni Romulus at inalapit ang sarili sa lalaki. Inabot niya ang mukha nito at ipinaling paharap sa kanya. Lumabot ang matigas nitong ekspresyon.
"Problem?" she asked softly.
"Wala."
She frowned. "Meron, eh." Binasa nito ng dila ang mapupulang labi at unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Romulus. Argh! He's extremely handsome.
"Kiss mo na lang ako." Beatrix chuckled, leaning in and kissed Romulus with so much passion, causing him to groan. Naramdaman niya ang kamay nitong lumapat sa likod ng kanyang ulo at mariing ibinalik ang halik. Kapwa sila humahangos nang maghiwalay ang kanilang labi. Inabot ni Romulus ang kanyang labi at masuyong dinama iyon habang nakatitig doon. Tumaas ang tingin nito sa kanyang mga mata.
"I love you." Ang pagkakangiti niya ay unti-unting nabura dahil sa sinabi nito. Nagyuko si Beatrix, hindi alam ang dapat na isagot. Ilang beses na rin ba niyang narinig ang mga salitang iyon kay Romulus pero pinagtatawanan lang niya.
"Fuck-buddies shouldn't say those words. My bad." Sumandal si Romulus at itinuon ang tingin sa unahan ng sasakyan. Ang ngiti nito sa labi ay naburang muli. Hindi na bumalik ang galit na nakikita niya pero lungkot naman ang pumalit. Bumuntong-hininga si Beatrix. Hindi niya alam kung paano itong susuyuin o kung ano ang dapat sabihin. Allergic siya sa salitang I love you. Ewan ba niya pero pakiramdam niya nagkaka-anxiety sa tuwing naririnig iyon.
"Alis na ako." Hinalikan niya ito sa pisngi saka nagmadali nang lumabas. Tumayo siya sa labas ng sasakyan ni Romulus habang nakatitig sa salaming bintana. Tinted iyon kaya hindi niya makita si Romulus mula sa loob. Itinaas niya ang kamay at kumaway rito saka naglakad palayo. Nang marinig niya ang pag-alis ng sasakyan nito ay huminto siya at nilingon ang sasakyan na ngayon ay palayo na.
Iyon ang bagay na hindi niya masagot kay Romulus. Ayaw niyang magpadalos-dalos. Hindi nila sigurado kung sila ba nito ang endgame. Every Lycan has destined mate at kapag dumating ang taong nakalaan para rito ay tiyak na tatapusin nito ang sa kanila. Iba ang epekto sa isa't isa ng mates. Hindi kayang kontrolin ang mga damdamin katulad na lang ni Luna at Fhergus, ni Ate Aurora at Axton at higit sa lahat, ni Zanaya at tatay ni Luna na si Lakon. Umibig si Lakon noon sa nanay ni Luna pero siguro dahil hindi naman ito ang laan para kay Lakon ay kamatayan ang naghiwalay sa dalawa. At tiyak na ganoon din ang mangyayari sa kanila ni Romulus.
Niyuko niya ang kanyang bag nang marinig ang pagtunog niyon. Agad niya iyong kinuha at binasa ang text message mula kay Romulus.
'Sunduin kita. Ano ang gusto mong kainin mamaya pag-uwi?'
Napangiti si Beatrix at agad na sinagot ang message nito.
'Ramen. You'll cook?'
Hindi inalis no Beatrix ang tingin sa screen hanggang sa muli itong mag-reply.
'Yes. For you. Take care. Galingan mo sa quiz.'
'Thank you. Take care.'
May ngiti sa labing ibinalik niya ang phone sa bag.
"Beatrix!" Nilinga niya si Clau na excited siyang nilapitan. Sophomore student na nagpahula sa kanya noong nakaraang linggo.
"Clau, hi!"
"Gift ko sa 'yo." Bumaba ang tingin niya sa paper bag na inabot nito sa kanya.
"For?" she asked, gazing back at her.
"For your accurate hula. Ang galing…tama ka nga, magiging kami ni Neil kung ako ang magtatapat. He likes me raw pero nahihiya siyang subukan akong ligawan."
"Good to hear that. Congrats!" Kinuha niya mula rito ang paper bag at sinilip ang laman. Mukhang kahon ng phone. Nakumpirma niyang phone nga iyon nang mailabas niya ang kahon.
"Pro max?"
"Yeah. Kung hindi mo gusto puwede mong ibenta na lang." Humigpit ang hawak niyan sa kahon. Iyong galak niya ay kinailangan niyang itago. Sinabi na nga ba't yayaman talaga siya panghuhula. Kailangan na talaga niyang magtaas ng rate.
"Next time ulit, Beatrix. Salamat ulit." Nagpaalam na ito at masayang naglakad palayo.
Itinaas ni Beatrix ang phone at may ninging sa mga matang tinitigan ang bagay na hawak. "I'll be rich by using my talent." Nagpapabayad naman talaga siya sa mga panghuhula niya pero this is the first time na may magbigay ng tip sa kanya. Maganda kasi pangitain niya kay Clau.
Wala naman sana siyang intensyon ipamalas ang galing niya sa panghuhula. Minsan ay may nakita siyang estudyante na iyak nang iyak dahil sa problema sa nanay at kinakasama. Alam raw nito na niloloko ang nanay nito pero wala siyang pruweba. Ayon, naisipan niyang tulungan. Sa galing ng skill siya nalaman niya kung saan mismo ibinabahay ng lalaki ang babae at buntis pa. Ang problema ay ipinagkalat nito na marunong siyang manghula kaya ayon. Madam Auring ang tukso sa kanya ng ibang mga estudyante. Maraming hindi naniniwala pero may mga naniniwala naman. Pinagkakitaan na lang niya. Mahal din siyang maningil. Aba dapat lang. Accurate lahat ng hula niya.
***
NANG matapos ang klase niya ay nagpasya siyang hintayin si Romulus sa cafe nang harangin naman siya ng dalawang estudyante na gustong magpahula. Hindi agad maganda ang vibes niya sa lalaki na nobyo nitong babae.
"Please, Beatrix. I just want to know if my boyfriend and I will end up together. Magpapakasal ba kami, ilan ba ang magiging anak namin."
"10k," inilahad niya ang kanyang isang kamay.
"Okay." Agad nitong kinuha ang wallet sa bag at kumuha ng sampung libo at ibinigay sa kanya. Bilis kausap. Mga ganitong kliyente ang gusto niya. Agad niyang isinilid sa bag ang pera.
"I need a quiet place. Follow me."
Nagtungo sila sa lugar kung saan walang estudyante nakatambay. Naupo siya sa ilalim ng pine tree. Napuna niya ang malagkit na titig ng lalaki sa kanyang medyo hantad na hita. Agad niyang itinakip sa kanyang hita ang cardigan. Ngumisi lang ito bago naupo sa tabi ng nobya sa kanyang harapan.
"Ano nga ang pangalan niyo?"
"I'm Missy and this is Clyde," pagpapakilala ng babae.
"Clyde…shoe cleaner." The girl laughed at her response.
"You want to know if you and your boyfriend will be getting married."
"Yes, please!" she giggled. She looks so in love with this man. Ang lalaking ito na hita palang ang nakikita sa kanya ay naglalaway na. Gosh! Sana naman ay hindi ito ang maging endgame nito. This sweet lady doesn't deserve this kind of man.
Inabot niya ang kanyang suot na talisman at ipinikit ang mga mata saka mahinang inusal ang banyagang salitang itinuro sa kanya ni Manoela.
""Deum naturae rogavi. Audire studui quid diceret. Volebam mundo oculos aperire ad videndum et cognoscendum. Mysteria revelare. Veritatem reserare." Unti-unting naging malinaw sa kanya ang pangitain. Subalit ang pangitain para sa hinaharap ay hindi niya makita at sa halip ay ang sa nakaraan. This man is cheating on her. He's having sex with a woman she doesn't know. Marahil ay kilala ni Missy.
Nagmulat ng mata si Beatrix at naaawang tumitig sa babaeng excited sa kanyang sasabihin. Nararapat nitong makita ang panloloko ng lalaki. Hindi pa niya ginawa ang bagay na ito kahit na kanino. Sinasabi lang niya kung ano ang nakikita niya pero hindi niya isinasama sa lugar ng pangyayari. Masyado niyang i-expose ang sarili niyang kakaynan sa gagawin niya pero deserve ng babaeng ito malaman ang panlolo ng lalaki.
"Gusto mo bang makita kung ano ang nakita ko?"
"Yes. Good news, tama?" Bumaling si Beatrix sa lalaki na iiling-iiling habang may ngising nakakaasar. Hindi ito naniniwala sa kanya. Inilahad niya ang kanyang dalawang kamay. Agad namang ipinatong ng babae ang mga kamay sa nakabukas na palad niya.
"Close your eyes," she instructed the woman who came after her. She closed her eyes again and muttered the prayer in whisper. Sa isang iglap ay dinala sila sa ibang lugar. Sa isang silid. They are now facing the door. Nang may marinig na mahihinang halinghing si Missy ay agad itong pumihit. Narinig niya ang pagsinghap nito. Tuluyang siyang pumihit para makita rin ang nais niyang masaksihan nito.
"Oh, my God!" bulalas nito at tinutop ang bibig ng palad. Hindi makapaniwalang nakatitig sa kasintahan na nasa ibabaw ng isang babae, kapwa hubo't hubad.
"I want to see it with your own eyes. He's cheating on you with another girl." Nagsimula itong lumuha. Nilapitan ni Beatrix ang beside table at itinuon ang kanyang tingin sa digital clock kung saan naka-indicate rin ang petsa ng araw.
"This just happened last night at 11 pm."
"Oh, God! Nang magpaalam siya kagabi para umuwi hindi siya umalis at sa halip nagpunta siya rito sa silid ng kapatid ko." Sukat sa narinig ay mabilis na napabaling si Beatrix kay Missy.
"She's your sister?" hindi makapaniwala niyang tanong. Hindi siya nito sinagot. Sa halip ay sinugod nito ang dalawang patuloy sa pagtatalik. Mukhang aabutin na ang sukdulan. Sumigaw nang sumigaw si Missy habang pinagsusuntok ang dalawa pero tumatagos lang mga suntok nito. Umiiyak itong tumigil sa pagsuntok.
"Tama na. Mapapagod ka lang." Umiiyak na sumalampak si Missy sa sahig. Ang dalawang nagtatalik ay natapos sa ginagawa. Bumaba ang lalaki sa kama at nagtungo sa banyo habang ang babae ay tumayo at tinungo ang tukador. Pinagmasdan nila ni Missy ang bawat galaw ng babae. Kinuha nito ang lipstick sa ibabaw ng tukador. Binuksan iyon at pinahiran ang labi ng kulay black cherry.
Tinakpan nito iyon at sa halip na ibalik sa kinalalagyan ang lipstick ay inilagay iyon sa bulsa ng jacket.
"She set out to destroy your relationship with your boyfriend, but you can't blame her entirely because your guy is a jerk."
"Come here. Balik na tayo." She held out her hand. While crying Missy rose up and stepped forward, grasping for her hand. She gave it a light squeeze before closing her eyes which Missy mimicked.
"Dammit, Missy! What happened? Wake up." Boses iyon ng nobyo ni Missy. Nagmulat ng mata si Beatrix at Missy. Umiiyak si Missy. Ang sakit sa mga mata nito ay napalitan ng matinding galit sa pagbaling nito sa nobyo. Natigalgal ang loko sa malakas na sampal na ibinigay ni Missy sa pisngi nito.
"What's that for?" tanong nito matapos ang ilang sandali.
"How could you do this to me? You cheated on me with my sister!" Bumaha ang gulat sa mukha ng lalaki pero sinubukan nitong makalusot.
"What are you talking about? Naniniwala ka sa babaeng ito?" Tinapunan siya ng matalim na titig pero tinaasan lang niya ito ng kilay. Hinablot ni Missy ang bulsa ng jacket nito at kinuha mula roon ang lipstick. She held it in front of his face.
"This is my sister's signature lipstick. Paano 'tong napunta sa 'yo."
"I–I don't know."
"She put this in your pocket after you had sex with her last night!" hiyaw ni Missy at muli ay isinampal nito ang lipstick sa mukha ng nobyo. Nalaglag ang lipstick. Agad na kinuha ni Missy ang bag na nakalatag sa tabi nito at tumayo saka nagmadaling umalis.
Mabilis na tumayo ang lalaki. "Missy!" Malakas nitong tawag pero hindi ito pinansin ni Missy. Galit itong bumaling sa kanya.
"You!" Napaigik si Beatrix nang hablutin nito ang kanyang braso at hilain siyang patayo.
"How did you…?" Hindi nito magawang tapusin ang sasabihin. Tumaas ang sulok ng labi ni Beatrix.
"How did I know about your infidelity? Well, magaling–ouch!" muli siyang napaigik nang hilain nito ang braso niya. Bumaon ang mga kuko nito sa kanyang balat. Parang handa siyang balian.
"Get off her." Sabay silang bumaling kay Kajick. Nakakuyom ang mga palad nito. Tila handang makipagbuno kung lalaban si Clyde. Thankfully Clyde released her. Dinuro siya nito pero hindi nagsalita. Nagtagis lang ang mga bagang nito bago siya iniwan.
"Are you okay?" Nilapitan siya ni Kajick. Hinawakan siya braso pero agad siyang nag-iwas.
"Ano'ng nangyari?" Kinuha niya ang kanyang bag mula frog grass at isinabit sa balikat. Mabilis naman siyang tinulungan ni Kajick na damputin ang libro niya.
"Salamat." Kinipkip niya iyon sa dibdib.
"Bakit galit na galit sa 'yo? Sino 'yon?"
"Ako ang sinisisi niya sa pag-aaway nila ng girlfriend niya. Missy caught him having sex with her sister," she shrugged as she explained.
"Familiar scenario," she laughed. Ganoon na ganoon niya ring nahuli si Kajick noon. Ang pagkakaiba lang ay almost palang naman ang pagtatalik ni Kajick at ng babaeng mangkukulam na iyon unlike sa Clyde na iyon.
"About that. Hindi mo ako hinayaang magpaliwanag."
"Hindi kailangan."
"Kailangan. That time, I felt I was under a spell. You know I love you, Beatrix." Zandra is one of them. She's a witch. She has the ability to hypnotize and entice men. Iyon ang kapangyarihan nito. Pero huli na niyang nalaman.
"Tapos na 'yon, Kajick. Anyway, ano pala ang ginagawa mo rito? Pursuing a Master's degree?" Pag-iiba niya usapan. Ayaw niyang balikan pa ang nakaraan nila ni Kajick.
"Yeah."
"Akala ko gusto mo sa abroad kung hindi sa Manila."
"Nalaman ko sa pinsan kong bumalik ka rito. Kaya naisipan kong dito na lang." Agad na nagyuko si Beatrix nang madamdamin siyang titigan ni Kajick sa mga mata. Humigpit ang hawak niya sa librong kipkip sa dibdib nang humakbang ito palapit sa kanya.
"Beatrix," usal nito sa pangalan niya. Inabot ang kanyang magkabilang braso.
"Kung sakali ba may chance pa?" Ipinikit ni Beatrix ang mata.
"Kajick, please!"
"I still love you." Pumisil ang mga kamay nito sa kanyang braso. Humakbang pa ito palapit habang ang isang kamay ay dahan-dahan gumapang patungo sa kanyang likod. He was about to pull her close to his body when a gruff voice called her name.
"Beatrix!" Agad siyang nagmulat ng mata at umatras. Mula sa likuran ni Kajick ay naroon si Romulus. Isa ang ekspresyon. Matigas ang anyo at nagbabadya ng gulo.
"May problema ba rito?" Humakbang si Romulus palapit sa kanya. Inilagay nito ang kamay sa likod ng kanyang baywang.
"Wala. Nag-uusap lang kami. He's ahm…Kajick." Nakaramdam si Beatrix ng tensiyon nang magsukatan ng titig ang dalawang lalaki. Inilagay ni Beatrix ang kamay baywang ni Romulus.
"Let's go, Romulus." Sinulyapan niya si Kajick bago hinila na si Romulus palayo.
Nang nasa sasakyan na sila ay naging tahimik ang biyahe hanggang sa si Romulus na mismo ang bumasag niyon.
"Asking for a second chance?"
"Yeah," tipid niyang tugon habang nanatili ang tingin sa unahan.
"Sana sinabi mo na masyadong guwapo ang boyfriend mo para bigyan pa siya ng second chance." Unti-unting napangiti si Beatrix nang tuluyang matunaw ang tensiyon dahil sa magiliw na boses ni Romulus. Nakangiti niyang binalingan si Romulus.
"Sasabihin ko sana kaso dumating ka." Marahang napatawa ito. Inabot ang kanyang kamay niya at hinawakan iyon habang nagmamaneho.
"Ready na ang ramen mo. Ang sarap niyon."
"I know. Wala ka namang nilulutong hindi masarap."
Tumulis ang labi ni Romulus. "Kiss mo naman ako." Bumungisngis si Beatrix. Kinalas ang seabelt at dumukwang kay Romulus at hinalikan ito sa labi. Kapag nagtatampo ito o kaya ay galit ay agad ring nagbabago ang mood nito. Mas pinipili nitong hindi sila mag-away o pahabain ang tampuhan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top