Chapter 10
PAGPasok ni Beatrix ng silid ay napabaling naman sa kanya si Romulus. Sa reaksiyon nito ay alam niyang nagulat ito na para bang nahuli sa aktong may ginagawang ipinagbabawal. He's just standing there in front of the nightstand, clutching the vintage diary. Humakbang siya palapit kay Romulus.
"Nandiyan na si Manoela sabi ni Sixto. Pupuntahan ko sana."
"Samahan kita."
"No need. May itatanong lang ako sa kanya." Tumango ito. Bumaba naman ang tingin ni Beatrix sa librong hawak ni Romulus. Agad nito iyong isinara at hinawakan sa spine.
"I just...saw it. Tiningnan ko lang." Ngumiti siya at kinuha mula kay Romulus ang diary.
"Diary...ni Baltasar." Just like him she spoke with a pause as if unsure what they were going to say.
"Baltasar," ulit ni Romulus.
"Yeah. A man who fell in love with a dark fairy, Celtici. Ito ang itatanong ko kay Manoela."
She was expecting him to ask more questions, but he didn't. He simply nodded. Perhaps he was uninterested.
"Punta muna ako," paalam niya at muli lang tumango si Romulus. She stepped back before turning and heading for the door. She reached for the doorknob and was about to twist it when he heard Romulus calling her. Sa pagpaglingon niya ay humakbang naman si Romulus palapit sa kanya. Bahagya siyang napasinghap nang pihitin siya nito paharap hanggang mapangiti siya nang siilin siya nito ng halik sa labi na agad naman niyang tinugon.
"Sa rotunda lang ako. Hindi ako mag-a-abroad." She lauged after their lips parted away.
"I love you." Hinalikan nito ang kanyang noo. Muling umusal ng 'I love you' bago siya pinakawalan.
"Saglit lang ako." Tinalikuran niya si Romulus. Kipkip ang diary na lumabas siya ng casita at nagtungo sa rotunda kung saan tumutuloy si Manoela. Nagtungo siya sa opisina nito. Makailang beses na kumatok pero hindi bumukas ang pinto. Nang inakala na niyang walang tao sa loob ay siya namang bumukas iyon. Nakabusangot na si Damon ang bumungad sa kanya.
"Parehas talaga kayo ni Luna. Lagi na lang wrong timing." Sumimangot si Beatrix na sinundan ng tingin si Damon habang papalayo. Napakasungit talaga ng isang iyon. Sa mga lalaking Lycan si Romulus lang ang pinaka-cool. Kinaiinisan niya si Romulus noon kasi nga parang isip bata. Hilig pa siyang pikunin. Ginawa pang katatawana ang pagiging heart broken niya. Ginawa pa nga siyang yaya. Ipinakilala siya sa lahat bilang yaya. Hindi man lang assistant. Pero ayon, may pagnanasa naman pala sa kanya kunyari pa. Nalaman lang niya ang pagnanasa nito sa kanya nang pasukin siya nito sa silid habang engage pa ito kay Luna. At doon ay naranasan niya lang naman kung paanong kainin. Ayon kinaadikan na nila ang isa't isa.
Napapangiting tumuloy si Beatrix sa opisina ni Manoela dahil sa alaala ng pagbabangayan nila ni Romulus hanggang sa kahayukan nila.
"Beatrix," Manoela, who's in her younger appearance greeted her as she straightened her satin mini dress. She couldn't stop grinning when she realized what had happened inside the office before she knocked.
Sorry, Damon.
Manoela groaned in embarrassment as she saw the teasing grin on her lips.
"It's okay, Lola Manoela. It's normal for lovers, you know."
"Oh, Beatrix, stop it!" Mabilis itong tumalikod at naglakad sa lounge ng opisina. Marahang natawa si Beatrix na sumunod sa lola.
Magkatabi silang umupo sa mahabang sofa. "Gusto mo raw akong makausap sabi ni Damon?"
"Yes, po. May gusto lang sana akong malaman."
"Tungkol saan?" Niyuko ni Manoela ang diary na nakapatong sa kanyang hita.
"Sino po si Celtici?" Mabilis na bumalik ang tingin ni Manoela sa mukha ni Beatrix. Kalituhan at gulat ang bumaha sa anyo ni Manoela sa tanong na iyon ni Beatrix.
"Celtici?"
"Manoela, I need to know about her. May alam ka ba tungkol sa kung sino si Celtici?"
"Why are you interested in her? And how did you know about her?" Sa mga salita at reaksiyon palang ni Manoela ay tiyak na may alam nga ito.
"I've met someone, an archeologist who's been looking for Celtici's remain."
Manoela eyebrows furrowed. "And who's archeologist is this?"
"Armadillo Tavarez."
"Tavarez," usal ni Manoela at mas na namuo ang interes. "Tavarez. Baltasar Tavarez's descendant," dagdag nito. Sa narinig ay higit pang nabuhayan si Beatrix.
"You know him? You know Baltasar. Celtici's lover!" Hindi mapigilan ni Beatrix ang magalak na malamang mukhang marami ngang alam si Manoela tungkol kay Celtici at Baltasar.
"Sino ba si Celtici? Ano ang nangyari sa kanya? Sino ang pumatay sa kanya?"
"Bakit ganoon ang interes mo sa kanya?"
"Pinipilit ni Professor Armadillo na ako raw si Celtici sa panahon na ito. Na-reincarnate raw si Celtici sa katauhan ko."
"How did he come to that idea?"
"May painting si Celtici sa bahay ni Professor Armadillo. Ginawa pa raw iyon ng ancestor niyang si Baltasar. Kamukhang-kamukha ko siya, Manoela. Ayaw kong paniwalaan pero kapag binabasa ko itong talaarawan ni Baltasar ay parang kilalang-kila ko sila ni Celtici." Nakangiti niyang hinaplos muli ang talaarawan.
"Ang painting at ang talaarawan na ito ang mga gamit ni Baltasar na napanatiling buhay. Mga bagay na magpapatunay na totoo ang kuwento."
"Imposible ang sinasabi mo. Paanong ikaw ang magiging si Celtici?"
"Ako rin. Hindi rin kumbinsido dahil lang sa kamukha ko si Celtici. Pero nang mahawakan ko ang punyal na nakatarak sa labi ni Celtici...nakita ko siya at si Baltasar."
"Ano? Punyal na nakatarak sa labi ni Celtici?" gulat na tanong ni Manoela.
"Oo...nakuha ni Professor Armadillo ang labi ni Celtici. Buo pa siya, tuyot ang balat, pipis pero buo siya..."
"Kinuha nila ang katawan ni Celtici?!" Napatayo si Manoela. Mahihimigan niya ang galit sa boses nito.
"Nakuha nila sa Elysium."
"Hindi nila alam ang ginawa nila. Malaking gulo ito." Halos pabagsak na umupong muli si Manoela sa sofa. Tila ba naubos ang lakas nito. Sa nakikita niyang pagkabahala ni Manoela ay kinakabahan siya.
"Why do you look scared? Sino ba si Celtici para mabahala ka ng ganyan?" Bumaling sa kanya si Manoela.
"Si Celtici...isa siyang Pecadore."
"Pecadore?"
"Iyon ang tawag sa mga nakatira sa Vila Dos Pecadores. Mga sinners. Kahit sanggol palang basta doon ipinanganak, isang Pecadore ang tawag."
Bumuntong-hininga si Manoela at tumingin sa kagubatan mula sa salaming dingding ng opisina. "Iba't ibang lahi ang naninirahan sa Vila Dos Pecadores. It was a small isolated community in a dense forest. Tapunan ng mga nilalang na nakagawa ng malaking kasalanan sa kanilang lahi. Mga nilalang na may mga kapangyarihan." Mula sa kagubatan ay itinuon ni Manoela ang tingin sa kanya.
"Different races...mga mangkukulam, diwata at iba pang supernatural creatures na tinanggalan ng kapangyarihan."
"Ang sabi...namuhay ng tahimik ang mga nilalang na naroon, nagbago, pinagsisihan ang nagawang kasalanan...binuo ang komunidad para maging normal, tahimik at masayang lugar sa pamumuno ni Siera, isang Formosa, dark fairy. Nasira ang Vila Dos Pecadores nang ipanganak si Celtici. Tatlong taong gulang ito nang masunog nito ang buong lugar gamit ang hindi makontrol na kapangyarihan. Anak si Celtici ng isang Formosa at Citania, isang mandirigma mula sa tribu ng Citania. Formosas are a race of dark fairies while Citanias are a race of hunters. Mga hunters na pumapatay ng mga kakaibang nilalang sa paningin nila. Ito raw ang mga iniiwasan ng mga katulad namin. They weren't active in our era."
"Kung gayon paanong sinasabi ni Baltasar na isang Elysian si Celtici? Paanong napunta si Celtici sa lugar ninyo?"
"Dinala si Celtici ng isang Elysian sa Elysium matapos ang trahedya kasama ang isang tagalabas na babae at kapatid ni Celtici na isang lalaki. Pinalabas na anak nito ang magkapatid sa isang tagalabas. Ayon sa kuwento, kaibigan ng ama ni Celtici ang Elysian. Nalaman lang ang totoo nang mag dise otso si Celtici at matagpuan ito ng Formosa. Napatay ni Celtici ang pinuno ng Elysian. Hindi niya makontrol ang kanyang kapangyarihan at emosyon. Matagal siyang hinanap ng mga Formosa dahil nga raw delikado ito at kailangan mapigilan sa kung ano pa man ang magawa,
"Namatay si Celtici...napatay ito ng isang Citanian, ang mandirigmang naatasang hanapin si Celtici. Lumaban si Celtici. May mga napatay siyang Elysian."
"Paanong nangyaring mabubuhay si Celtici sa katauhan ko?"
"Imposible. May paniniwala na muling nabuhuhay ang isang Formosa na namatay sa katauhan ng kadugo nito sa mga susunod na henerasyon. Kung babae ang Formosa ay sa katauhan ng isang babaeng sanggol at kung lalaki ay sa lalaki rin. Hindi mo naman kadugo si Celtici kaya imposible. At isa pa...hindi hinayaan ng mga Formosa na muling makabalik si Celtici. Nagbitaw si Celtici ng pangakong babalik at para hindi mangyari ay ninais nilang patayin ang kapatid ni Celtici. Pero napakiusipan ng magulang ni Celtici na huwag ng patayin ang kapatid ni Celtici dahil wala naman itong kapangyarihang taglay...pumayag ang Formosa pero ang kapalit ay papatayin ang bawat sanggol na babaeng isisilang sa angkan ni Celtici."
"And they did?"
"Yes. They killed every female child. Kakalabas palang. Hindi na nila hinahayaan marinig ang unang iyak at nagpatuloy ang gawaing iyon hanggang sa panahon namin."
"Oh! That's inhumane."
"I know. Pero iyon ang kailangan gawin dahil mas maraming taong mapapahamak kapag nakabalik si Celtici. She's evil." Hindi niya iyon makita o maramdaman sa kanyang pangitain. She looks gentle. Pure. Kind. Iba rin ang paglalarawan ni Baltasar kay Celtici. Para bang ito na ang pinakamabuting tao para rito. O marahil ay nabubulagan sa pag-ibig nito kay Celtici.
"Kamukhang-kamukha ko siya, Manoela. May mga pangitain ako sa nakaraang buhay ni Celtici pati na rin ni Baltasar. Si Baltasar ay na-reincarnate sa apo nito ngayon. Nakita ko ang pagmamahalan nila. Nakita ko kung paano siyang pinatay ng isang lalaki."
"Imposible ang sinasabi mo, Beatrix. Ang kamag-anak naming si Guada ang pinagmulan mo at isang Paganus. Walang natira sa angkan ni Celtici nang masunog ang buong Elysium. Ako at si Guada lang...at isa pa, ikaw ang tagakita na sinasabi sa aklat ni Genoveva. Ang batang babae mula sa linya ni Genoveva na ipanganganak sa asul na buwan. Isa kang Elysian at Paganus at hindi Formosa."
Ginagap ni Beatrix ang diyamante sa singsing at tumanaw sa kagubatan. Malalim na nag-isip habang nilalaro ng daliri ang singsing. Sana nga hindi siya si Celtici. Ayaw niya ng kumplikasyon sa buhay. Ang pagiging tagakita niya ay nagdulot na ng trahedya sa pamilya niya at ayaw niya muling magdulot ng gulo sa sino man. Hindi niya alam kung ano'ng mangyayari kung siya nga si Celtici kung totoong masama ito.
Pero wala siyang kapangyarihan kaya posible nga sigurong hindi naman siya si Celtici kung makapangyarihan nga ito.
"I need to go to Custrexa." That drew her attention to Manoela.
"Custrexa?" she asked.
"A place where my mother lived. It bothers me. I need to know more about Formosa, about Celtici. Maaaring may alam sila."
"Paano po kung ako nga si Celtici? Magiging masama ba ako katulad niya?"
Ginagap ni Manoela ang kanyang mga kamay. "Hindi. Ikaw pa rin ang magdidikta sa kung magiging ano ka. Stop worrying. Hahanap ako ng sagot. Don't worry."
"Thanks, Manoela." Yumakap siya sa babae. Malaki ang pasalamat niya dahil nandito si Manoela na umalalay sa kanya. Mula nang malaman niya siya ang tagakita ay nandiyan na si Manoela at Romulus para sa kanya. Umalalay sa kanya. Nagbigay ng lakas ng loob. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung wala ang mga ito.
Kumawala siya sa babae. "Pupunta ka pa ba ng Portugal niyan?"
"Oo. Doon ang daan patungong Custrexa."
"Hindi ba puwedeng iyong mga fairy na lang dito sa Philippines ang tanungin. Baka may alam din sila."
Nagkibit si Manoela. "So far, wala pa akong nakilalang kalahi kong naninirahan sa Pilipinas. I once met Tamawo. A handsome encanto with white skin that glowed when exposed to the sun."
"Parang si Edward Cullen." Marahang natawa si Manoela sa pagkukumpara niya sa encanto sa isang sikat na character sa pelikula na isang bampira.
"Ano naman ho ang tawag sa race niyo?"
"Mouros. Mouros has resided in Galicia, Asturias, and Portugal since the dawn of recorded history. They live among ordinary people, yet they were compelled to seek refuge under earth because human took advantage of them. Ginagamit sa digmaan. And now, our race is only a folklore in Southern Europe. No one knows if we really existed or just a folklore."
"Humans are really sakim 'no?"
"Mostly," Manoela agreed.
"But not the Saldivar," she said it proudly and Manoela agreed.
Matapos makapag-usap ay nagpaalam na si Beatrix kay Manoela. Iniwan niya muna ang talaraawan kay Manoela para mabasa nito iyon. Palabas na siya opisina nang pumasok naman si Damon. Nginitian niya ito saka tumuloy palabas. Bago niya maisara ang pinto ay narinig niya ang pagsabi ni Manoela ng gagawin pagtungo sa mundo ng mga diwata.
"Sasama ako."
"No! I need to do this alone."
"Fuck! Alone. Again? Hindi mo man lang ba talaga ako kayang isama sa mga personal na lakad mo?"
"Kaya nga personal, eh."
"Manoela!" nagbabantang untag ni Damon.
"Oh, Damon. Don't argue!" Napapangiti si Beatrix na isinara ang pinto saka naglakad palayo. They were really cute together. Isang sutil na fairy at isang bugnuting Lycan.
Natigil sa paghakbang si Beatrix nang makita si Romulus sa pinto ng rotunda. Nakatayo ito sa mismong gitna entryway. Mas higit pang lumawak ang pagkakangiti ni Beatrix. Maingat siyang humakbang palapit kay Romulus. Nang nasa likod na siya nito ay inabot niya ito para yakapin mula sa likuran pero bago niya iyon nagawa ay nahablot na nito ang kanyang braso at bigla na lang siyang hinila nang sobrang lakas. Umalis pa ito sa puwesto kaya sa halip na bumangga siya sa katawan ni Romulus ay dumiretso siya pero muling bumalik ang kanyang katawan nang pumaikot ang malalaking braso nito sa kanyang baywang. Napigil ang muntik niyang pagkasubsob. Ngayon ay nakatayo ito sa kanyang likuran habang yapos siya mula sa likod.
Napatawa siyang hinampas ang braso nito. "Akala ko kakaretehan mo ako, eh."
Ibinaba ni Romulus ang mukha sa gilid ng kanyang ulo at bumulong. "I won't hurt you. Never." Napapangiting isinandal ni Beatrix ang likod ng ulo sa balikat ni Romulus. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. She loves it. Kung maaari lang na lagi siya nakasiksik sa katawan ni Romulus ay iyon ang gagawin niya.
She hugged his arm and basked in the warmth of his body. He could feel warmth seeping through her pores and warming her from the inside. She enjoyed the feel of his strong body against her back. His strong arms wrapped around her petite frame.
Ang masarap na pakiramdam na iyon unti-unting napalitan ng ibang emosyon. Galit. Sakit. Napuno ng galit at sakit ang dibdib niya nang unti-unti ay may makita sa isipan si Celtici na nagpupuyos sa matinding galit. Ang maamo nitong mukha ay bumabaha ng matinding muhi habang ang mga dulo ng daliri nito ay tila kumikislap na tila kuryente.
"Você me traiu! Você me traiuuuu!!" (You betrayed me! You betrayed meeee!!" Ang kuryente sa dulo mga daliri ay namuo sa mga palad. Pinakawalan iyon ni Celtici at kung saan-saan iyon tumama. May mga punong bumagsak. May bahay na nasira.
"Você me traiu, Gonçalo!!" napopoot nitong sigaw hanggang sa ang buong katawan ni Celtici ay binalot ng malakas na enerhiya. Nagmistula itong taong kidlat. Pumupulot sa katawan nito ang tila ahas ng kuryente.
"Celtici!" malagong na boses ang kanyang narinig na lalong nagbigay ng poot kay Celtici.
"Beatrix!" Ang pangalan niya ang sunod na inusal ng boses na iyon na nagpamulat kay Beatrix. Marahas siyang suminghap nang tila hindi makadaan ang hangin sa kanyang lalamunan.
"Beatrix!" muling sambit ng boses hanggang sa maramdaman niyang may mga brasong humigpit sa kanyang katawan. Dala ang matinding galit at sakit sa dibdib ay pumihit si Beatrix matapos hablutin ang kamay na nasa kanyang tiyan. Gamit ang isang palad ay dinibdiban niya ang taong nasa kanyang likuran. Tumilapon ang taong iyon. Matalim niyang tinitigan. Pakiramdam niya ay naglalagablab ang kanyang mga mata at mga kamay.
"Beatrix! Beatrix! Calm down!" Unti-unting nahimasmasan si Beatrix. Si Manoela ang nabungaran niyang paulit-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan habang sapo ang kanyang mukha.
"Manoela?" Nagugulumihanan niyang usal.
"Dammit! Wake up, Romulus!" Lumagpas ang tingin niya kay Manoela. Sa loob ng rotunda ay naroon si Damon. Nakaluhod sa gilid ni Romulus na nakahiga sa sahig. Walang malay. Wasak ang damit nito sa dibdib habang sunog ang balat.
Galit na bumaling sa kanya si Damon. "What did you do, Beatrix?!"
Niyuko niya ang mga palad. "No!"
"Hindi mo intensiyon. Hindi mo 'yon ginusto," ani Manoela na pilit siyang kinakalma.
"Control your emotions."
"Manoela, tulungan mo si Romulus." Napilitang umatras si Manoela kahit tila ayaw siya nitong iwan. Nilapitan ni Manoela si Romulus. Lumuhod ito sa gilid ni Romulus at inilagay ang nakabukas na mga palad sa ibabaw ng dibdib ni Romulus at nagsimulang umusal ng inkantasyon.
"I can't fully heal him but I think he's okay."
"What? You think... You aren't sure," galit na untag ni Damon. Matalim na titig ang itinapon sa kanya ni Damon.
"Ano'ng ginawa mo? Hindi mo makontrol kung ano'ng kapangyarihan meron ka?"
Umiling si Beatrix. Nanghihinang napaluhod habang nakatitig sa mga kamay. Siya ang gumawa niyon kay Romulus? Paano? Bakit?
"Tumahimik ka, Damon!" kontrolado ang galit ni Manoela.
"Buhatin mo siya at dalhin sa healthcare facility."
***
HINDI makapaniwala si Beatrix sa nagawa niya. Paanong lumabas na lang bigla ang kapangyarihan na meron siya? Siya na ba talaga si Celtici at katulad ni Celtici ay may malakas siyang kapangyarihan. Hindi niya makontrol. Hindi niya alam kung kelan lalabas. Si Romulus. Nasaktan niya si Romulus. Wala pa rin itong malay. Hindi rin mapagaling ni Manoela nang lubos. Kanina pa siya lumuluha habang nakamasid kay Romulus. Kasama nila si Manoela sa silid. Ayaw niyang magpaiwan. Baka kung masaktan na naman niya si Romulus. Ikinuwento niya kay Manoela ang nakita niya bago niya masaktan si Romulus.
Agad na napatayo si Beatrix nang makita ang paggalaw ng ulo ni Romulus. "I told you he'll be okay," ani Manoela na tumayo rin. Unti-unting nagmulat si Romulus. Nang magawi ang tingin nito sa kanya ay sumilay ang ngiti sa labi ni Romulus.
"Baby." He extended his hand, inviting her to come over to him. She was unable to move. She's afraid she'll hurt him again. Manoela placed her hand on her shoulder and gently squeezed it.
"Sige na lapitan mo. Nandito lang ako." Nagkaroon ng lakas ng loob si Beatrix para kumilos dahil sa assurance ni Manoela. Dahan-dahang humakbang si Beatrix palapit kay Romulus. Tinitigan niya lang ang kamay ni Romulus na nakalahad. Natatakot siyang hawakan ito.
"Baby," buong suyong tawag sa kanya ni Romulus. Inabot niya ang kamay ni Romulus. Nang pisilin ni Romulus ang kanyang kamay ay tuluyan siya napaiyak nang walang kontrol.
"I'm sorry!" Isinubsob niya ang mukha sa gilid ng leeg ni Romulus.
"It's okay, baby." Hinaplos ni Romulus ang likod ng kanyang ulo.
"Parang sipa lang naman ng kangaroo." Inangat niya ang mukha mula sa pagkakasubsob. Sinapo niya ang mukha ni Romulus at hinalikan ito sa buong mukha habang paulit-ulit na nagso-sorry.
"Ang sarap naman. Kahit araw-araw mo akong dibdiban kung ganito naman kapalit."
"Stop it! Hindi magandang biro, Romulus!" Idikit niya ang noo sa noo ni Romulus. Hinaplos ng hinlalaki ang pisngi nito. Patuloy sa pagluha.
"I'm so sorry!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top