Part 17
Nagising ako nang biglang may tumalon sa higaan ko.
"Kamille natutulog pa'ko eh"
"Gising na gising na!"
"Bakit ba?"
"Kamusta date niyo ni kenneth kahapon?"
"Date? Hindi kami nagdate."
"Eh bakit ka niya sinundo dito?"
"Baliw ka nananaman, Kasi nga yung photoshoot.diba?"
"Ay? Photoshoot? Kailangan kang sunduin?"
"Kasi sa cubao pa ginanap yun."
Umupo ako at nagtali nang buhok. Habang si kamille, Nagtetext katabi ko.
"Ba't ang aga mo ba dito? "
"Wala lang namiss ko lang kakwentuhan ka."
"Salamat kamille ha. "
"Huh? Salamat sa alin?"
"Dahil pinarealize mo sakin lahat."
"Okay lang yun andrea, Mas malaki pa nga kasalanan ko sayo eh."
"Kahit ano pa yun. Patatawarin kita. Sa lah."
Naputol yung pagsasalita ko nang sumigaw si papa sa labas. "Kamille? Gising na ba dyan si Andrea?"
"Opo tito."
"Pababain mo, Nandito si kenneth."
"Beh, Baba ka daw sabe ng papa mo"
"Sino daw nandun?"
"Si kenneth."
"Oh? Bakit anong ginagawa niya dito?"
"Baka idadate ka na."
"Baliw."
Tumayo na kami at bumaba nakita ko si kenneth na nakaupo sa sala namin nagaantay sa akin.
"Kenneth?"
"Ay.. Andreaa.."
"Ano yun?"
"Naipasa ko na kaninang madaling araw yung mga pictures mo."
Umupo ako sa tapat niya, Sa tabi naman niya umupo si kamille
"Oh? Anong sabi nila?"
"Nagustuhan daw nila."
"Edi kukunin ka na nila?"
"Ganun na nga."
"Congrats! "
Biglang sumabat si kamille, sa usapan namin. "Ay, Iiwan mo na si andrea?"
"Kamille!?"
"Uhmm.. Kaya nga ako nandito para."
"Para sabihin kay andrea na aalis ka na?"
"Ay.. Hindi hindi.."
"Eh ano? "
"Sabi kasi nung manager doon, Kukunin na nila akong photographer ng mga models nila.. At the same time.. Gusto rin nila na gawing model si Andrea."
Nagulat ako sa narinig ko halos manlaki mata ko kay kenneth ng marinig ko yung mga sinabi niya
"Ako? Ako talaga? "
Biglang tumabi sakin si kamille at nagsisituwa " Friend! Chance mo na yun. Isipin mo makakapunta ka sa newyork.. Makakapunta ka na kung nasan si Loueh. "
Bigla akong napaisip nang sabihin ni kamille yung pangalan ni loueh. Naging tahimik ng ilang minuto kami.
"Ay. Sorry."
"Okay ka lang ba andrea?"
"Hindi, Okay lang ako wag niyo akong alalahanin kenneth."
"Uy andrea, Sorry. Hindi ko sinasadya."
"Hindi okay lang ako.Sige Iwanan ko muna kayo ha? Maliligo pa kasi ako eh, Hayaan mo kenneth. Pagisipan ko."
Tumayo ako at umakyat ng kwarto, Rinig na rinig kong, Naguusap sila kenneth tunkol kay louis.
Bakit ganito? Bakit parang Naalala ko nanaman kung gaano kasakit maiwanan? Bakit nararamdaman ko nanaman yung mga naramdaman ko nung iniwan ako ni louis? Bakit si louis nanaman yung inaalala ko.
Pagkatapos ko maligo, May kumatok sa pintuan ko at pagbukas ko si kamille, Pinapasok ko at umupo siya sa kama ko.
"Andreaa... uy"
"Bakit?"
"Sorry na. Hindi ko naman kasi sina."
"Okay lang ano ba"
"Seryoso ka ba andrea?"
"Oo naman. Ang tagal na nun eh."
"Baka naman galit ka saakin?"
"Hindi kamille, Wag mong isipin na yun."
"Move on ka na ba talaga?"
"O..Oo naman."
"Eh, Bakit di mo tanggapin yung inoffer ni kenneth na pumunta sa new york kung okay kana?"
"Wala pa naman akong sinasabi diba?"
"Pero sasama ka ba?"
"Bakit gusto mo na ba akong umalis?"
"Hindi naman, Kasi ayun lang yung way para, Mabayaran ko lahat ng kasalanan ko sayo eh."
"Pag pumunta ako nang newyork? "
"Oo.."
"Bakit ano ba kasalanan mo?"
"Yung ano.. yung sinigawan kita nung time na depressed na depressed ka. "
"Yun lang? Sus, Nakatulong pa nga saakin yun eh"
"Basta, Andeng pag isipan mo maige, Kung mapagdesisyonan mo man na pumunta. Wag mo munang ipaalam sa papa mo."
"Bakit naman?"
"Kasi syempre baka isipin nila kung anong gagawin mo dun diba?"
"Hay nako, Si papa pa naman lagi akong namimiss."
"Yun na nga eh."
"Sige sige. Pagiisipan ko yaan mo."
Bumababa kami at umalis na si kamille, Pupunta ako nang kusina para kumuha ng tubig. Pag punta ko nakita ko si mama nakaupo sa upuan. Nang makakuha na ako ng tubig naglakad na ako pataas nang marinig kong tinawag ako ni mama
"Andrea."
"Bakit po ma?"
"Maupo ka nga dito."
"Bakit po ma?"
"Narinig ko lahat ng pinagusapan niyo ni kenneth kanina."
"Ano pong meron?"
"Totoo bang kinukuha ka ng newyork para gawing model?"
"Opo. Ayaw niyo po ba? Hind"
"Diba doon malapit si louis?"
"Opo ma. kung ayaw niyo naman ho. Hindi ko naman kuku"
"Bakit hindi ka pupunta?"
"Ma?"
"Bakit mo sasayangin yung pagkakataon na pumunta don?"
"Ma, Gusto niy.."
"Anak, Patawarin mo ako sa lahat lahat."
"Ma?"
"Gusto ko sanang pumunta ka doon."
"Ma? Bakit naman po?"
"Anak, Para sayo din yun. Ayoko nang maging hadlang."
"Ma? "
"Anak makinig ka. Magiingat ka dun ha? Wag mong pababayaan sarili mo."
"Ma seryoso ka ba? Gusto mo talaga ako pumunta dun?"
"Anak, Payakap nga."
Naiyak ako nang yakapin ako ni mama. Bakit kaya gustong gusto niya akong umalis at pumunta sa newyork?
Pagkatapos namin magusap ni mama agad na akong umakyat at humiga sa kama ko,
Nang mapagdesiyonan ko na malaki naman yung bansa na yun para magkita ulit kami ni louis. Kaya tinext ko agad si kenneth
Text message
Me: Kenneth
4:00pm
Ken:Bakit?
4:01
Me: Kelan ka ba aalis?
4:04
Ken: Sa friday. Hindi ka na ba talaga sasama?
4:05
Me: Pwede pa bang humabol?
4:07
Ken: Oo naman. Sasama ka na ba?
4:08
Me: Oo sana.
4:09
Ken: Sige. Ippm ko na yung manager doon para makuhanan ka na ng ticket
4:10
Me: Sige.
Nagimpake na ako lahat ng mga damit ko para sa friday kukunin ko nalang. Sigurado na ba ako dito aa desisyon ko? Baka naman nadala lang ako sa sinabi ni mama? Yan yung mga tanong na paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top