Chapter 05
CHAPTER 05.
ONE OF DADDY'S habit whenever he wants to unwind or get rid of anything that stresses him, was he either go to his casino and party and do drugs, or ibubuntong niya ang lahat ng stress sa mga nagiging kliyente namin na napapatay niya lang dahil sa inis.
And growing up, nakuha ko ang ilan doon. Going to a bar, drink until I drop on the floor, or smoke weed, or gamble until I empty everyone's pockets or I get mine emptied. Since I was fourteen, I had been doing this and it's fucking effective! And there's no way I could get myself to stop from doing any of these.
"Good evening, Madame," bati ng bouncer sa malalim nitong boses nang makita akong pumasok ng bar.
He knew me, of course, because I was the one who gave him this job, because he was a good asset and he needed another job that could make his main job easier-delivering drugs to our rich clients.
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok. My hair was tied into a low ponytail. Hinawi ko ang buhok ko papuntang balikat ko, making my black rose tattoo on my back get exposed dahil nakasuot ako ng itim na backless dress na hanggang gitna ng hita ko.
This bar was exclusive for elites. Ipinatayo ito ng ama ko dahil gusto niyang magkaroon ng isang lugar kung saan pwede niyang makausap nang direkta ang mga ka-negosyo niya, ang mga mayayaman naming associates sa organization, at ang mga big time niyang clients. But this bar was also open for civilians. In fact, almost half of the people I could see inside were civilians.
Habang naglalakad, dumapo ang mga mata ko sa pabilog na table kung saan nakaupo ang mga pamilyar na mukha. I instantly smiled and walked towards their direction.
"Hello! Hello! Good evening, people!" bati ko kaagad sabay angat ng mga braso ko, dahilan para mapaangat sila ng tingin sa akin.
"Oh my god! Quincy, dear!" Trixie, my transgender friend, stood up and hugged me. Yumakap naman ako pabalik. "It's been so long! Where have you been!? Huli yata tayong nagkita, last year pa!?"
Tumawa lang ako. Yeah, right. I was so busy with handling our organization at hindi na ako nakabalik dito sa bar. Although I still drink and smoke, I didn't have enough time to get ready and go out whenever I go home after a tiring day handling some business.
"Hindi mo kasama si Trisver?" makahulugang tanong ni Eula sabay ikot ng daliri sa buhok niyang nakalugay.
Natatawang napairap na lang ako. She has been vocal about wanting to fuck Trisver. But Trisver being Trisver, he doesn't want to do that with anyone because he wanted to prioritize what's needed to be prioritized, and women wasn't on his list of priorities. Hindi na ako magugulat na mamamatay na walang experience sa sex ang isang 'yon.
"Baka bigyan pa kita ng drugs para makuha mo ang isang 'yon," sabi ko. Umupo ako sa tapat niya. "But, of course, he's Trisver. He won't be easily drugged. Baka nga ikaw pa ang makainom ng mismong drugs na binili mo for him."
She clicked her tongue and rolled her eyes in disappointment. Natawa na lang ulit ako.
"Well!" I clasped my hands together. "Let's make this a welcome back party for me, so drink up and enjoy, everyone! It's my treat tonight!"
Naghiyawan kaagad sila at nagpalakpakan.
And we did drink and enjoy. Hindi ko na mabilang kung ilang baso ang nainom ko. Hindi ako mabilis malasing, kaya sure akong lagpas bente na ang nainom ko dahil umiikot na ang pakiramdam ko. Dagdag pa na dalawang beses akong nakalanghap ako ng droga na mas lalong nagpadagdag sa pakiramdam kong parang nililipad ang ulo ko.
I was shamelessly dancing on the dance floor, not minding who I was grinding my butt to, kung babae ba o hindi. Kung sasabay, good. Kung hindi, pake ko. I just wanted to enjoy! Fuck it all up!
Pakiramdam ko ay masusuka ako, kaya walang sabi-sabi akong umalis ng dance floor at pasuray-suray na lumakad papuntang comfort room. Blurry na ang paningin ko, pero nakikita ko pa rin naman ang daan kahit medyo dim ang lights at nakakasilaw ang mga ilaw na nanggagaling sa dance floor.
Mukha akong baliw na tumatawa habang pasuray-suray na naglalakad. Sabog na ako, at pakiramdam ko sasabog na nga talaga ang ulo ko.
I groaned when my head bumped into something. Napaatras ako at mas lalong dumagdag sa pagkahilo ko 'yon, kaya mariin akong napapikit.
"Fuck!" I groaned again, at saka napahawak sa ulo. Nag-angat ako ng tingin sa taong nakabanggaan ko. "What the fuck!? Watch where you're going!"
"I'm sorry," the stranger said with a deep and a bit husky voice. "I'll make sure to watch where I'm going next time."
Sinubukan kong titigan ang mukha niya, pero masyado akong sabog at blurry ang paningin ko kaya hindi ko maklaro ang mukha niya. But there was something in his built that told me he seemed familiar.
I narrowed my eyes and stabbed his chest with my finger. "Do... Do I know you?" Fuck it. Hindi ko talaga maklaro ang mukha niya! "You really look familiar. Have we met before?"
He just remained silent while looking straight at my face.
I was waiting for his answer, when someone suddenly grabbed my wrist and pulled me. Bumangga ang likod ko sa isang katawan, at nanuot kaagad sa ilong ko ang pamilyar na panlalaking pabango.
"Quincy," Trisver whispered. "You're wasted. Let's go home."
Napanguso ako at aangal na sana pero bigla niya akong binuhat at sinablay sa balikat niya na parang sako ng bigas. I was too weak and wasted to protest, and a groan was the best I could do to express my disagreement.
Hindi ko alam kung paano na ako nakauwi dahil sa sobrang sabog at hilo ko. Basta nagising na lang ako kinabukasan dahil may humampas na naman ng unan sa mukha ko.
"Ano ba!?" reklamo ko, garalgal pa ang boses ko, at mariin pa ring nakapikit.
"You need to wake up and go to school," parang nanay na sabi ni Trisver. "Good thing your class starts at 10AM today, kaya may dalawang oras ka pa para mag-ready."
I just groaned. Ayaw ko pa sanang bumangon pero bigla niyang hinablot ang kumot at walang kahirap-hirap akong binuhat at sinablay sa balikat niya.
I really didn't want to get up, kaya mabilis kong ipinulupot ang mga binti ko sa kaniyang dibdib, iginalaw ang ibabaw na bahagi katawan pabagsak sa sahig. Naitukod ko ang mga kamay sa sahig at ginamit ko ang mga 'yon para sana itulak ang sarili patayo, pero masyado pa akong inaantok kaya gumewang ang mga braso ko at saka ako bumagsak sa sahig, una ang ulo, habang nasalo naman ni Trisver ang mga binti ko.
"Putang ina," I mumbled when I felt that part of my head that hit the floor, throbbed.
Trisver sighed. "Stop being stubborn and just get ready already."
Parang akong bangkay na hinila ni Trisver papuntang bathroom. Iniwan niya ako sa loob nang nakahiga pa rin sa malamig na sahig ng bathroom, bago siya lumabas at tumawag ng isang maid na magpapaligo sa akin.
--
SABOG PA AKO dahil sa mga pinaggagawa ko kagabi, pero hindi na kasing lala ang pakiramdam ko ng kaninang umaga. Unti-unti nang bumabalik ang huwisyo ko, pero sure akong hindi ako makakapag-focus masyado nito sa klase. Not that I needed to focus in class, anyway. But I need to at least maintain Kyrazene Ellie's image of being a good student.
Medyo makati pa ang mga mata ko pero hindi ko pwedeng i-rub dahil may suot akong contact lenses, kaya tumitingala na lang ako sabay kurap-kurap kapag pakiramdam ko gusto kong kamutin ang mga mata ko.
Nakatayo ako ngayon sa labas ng classroom, hinihintay si Roa na dumating, habang may hawak akong isang box ng macaroons.
According to the additional information that Trisver gave me this morning, Roa liked macaroons. It's his favorite. And it suits him, because macaroons were cute and soft. And most importantly, mabilis madurog.
May mga dumadaan sa harap ko na akala nila tinitinda ko ang bitbit kong macaroons. Gusto ko na silang bigwasan pero pilit na lang akong ngumingiti sa kanila sabay iling.
"Roa!" I shouted his name when he finally arrived. Tumakbo kaagad ako papalapit sa kaniya. "Good morning! Heto nga pala-"
"Uy! Ano 'yan, pagkain?"
Nalaglag kaagad ang ngiti ko at napasunod na lang ako ng tingin sa kung sinong anak ni satanas na umagaw sa box mula sa kamay ko.
Nang ngitian niya ako, kumulo kaagad ang dugo ko. "Pahingi ako, ah?"
I glared at him. "Kay Roa 'yan!"
He blinked before he looked at Roa. "Ayro, paningi ako, ah?" Wala pa ngang sinasabi si Roa, binuksan niya na kaagad ang box at saka siya kumuha ng isa at sinubo 'yon ng buo.
Napaawang na lang ang mga labi ko.
He was serious while chewing, as if he was judging the food. Then seconds later, his annoying smile returned and he looked at me.
"Sarap naman nito! Homemade ba 'to?" Kumuha ulit siya ng isa pa, bago inabot na kay Roa ang box na tinanggap naman kaagad ni Roa.
Napairap na lang ako. Tinabig ko siya pagilid para makalapit ako kay Roa. When Roa's eyes met mine, I instantly flashed a sweet smile at him.
"Naisip ko lang dalhan ka niyan, kasi baka hindi ka pa kumakain ng breakfast, eh."
Nagsalubong ang mga kilay niya. And I just bit my lips when I realized what I said was probably what stupid people would think.
"You should try one!" Kumuha ako ng isa at saka itinutok sa bibig niya. "It tastes good, I swear!"
Of course, it would. Si Trisver nagluto nito. Kagabi niya pa raw ito niluto at siya rin ang nag-utos sa aking dalhin nga ito kay Roa ngayon.
Nagdadalawang isip pa siya. Napatitig siya sa akin nang ilang segundo, bago bumagsak ang mga mata sa hawak kong macaroon. I moved my hand again to urge him to eat it dahil nangangalay na ang kamay ko!
"Ayaw niya yata. Ako na lang-"
"Sssh!" I quickly turned my head to the side to glare at Kace. He pursed his lips and stepped back, kaya binalik ko ang paningin ko kay Roa.
Roa opened his mouth and slowly moved his head to eat the macaroon. Mas lumawak naman ang ngiti ko. He only bit half of the macaroon at saka marahan siyang ngumuya.
"So?" I asked, binalik na sa box ang natirang macaroon.
He just nodded slowly. "It's good."
"Di ba!?" Si Kace ang sumagot at saka niya nilapitan si Roa at inakbayan. Pasimple niyang inangat ang kamay at kukuha na sana ulit ng isa pa mula sa box, pero tinampal ko ang kamay niya. "Ito naman, nakapadamot. Isa lang, eh!"
I rolled my eyes at him. "Hindi ba sa katapat na building ang klase n'yo? Ba't hindi ka pa umaalis?"
"Oo, bakit? Mamaya pa naman ang klase namin-"
"Ang iingay ninyong dalawa." Pareho kaming napatingin kay Roa nang lumakad ito paalis. Napasunod na lang kami ng tingin kay Roa nang pumasok ito sa loob ng classroom namin at diretsong umupo sa upuan niya.
"Nagalit?" tanong pa ni Kace, pero hindi ko siya pinansin. "Siguro kasi amoy alak ka?"
Namilog ang mga mata ko at saka mabilis kong inamoy ang sarili. The fuck?! Amoy alak pa rin ba ako!? Should I fire that maid for not cleaning me properly!?
Biglang humagalpak sa tawa si Kace kaya napahinto ako, at saka nakakunot ang noong napatingin sa kaniya.
"Joke lang!" natatawang sabi niya, halos maiyak na kakatawa. "Hindi ka amoy alak, pero nangangamoy ang laway mong natuyo sa gilid ng labi mo."
Kinapa ko kaagad ang bibig ko, pero wala namang kahit ano ro'n.
Nang humagalpak na naman siya ng tawa, hindi ko na napigilan ang sarili. Sinipa ko na ang tuhod niya at napangiwi kaagad siya, pero natatawa pa rin.
"Aray! Gago! Sakit mo naman manipa!" reklamo niya pero nakangiti pa rin nang mapang-asar. "Kung magkakajowa ka, kawawa kapag nagloko siya. Bayolente ka masyado."
"Umalis ka na nga!" Hinampas ko naman ang braso niya. If I was just my normal self, I would've beheaded him already.
"Oo na! Heto na! Tama na!" Natatawa pa ring sabi niya pero lumakad na siya paalis. "Bye! Sarap ulit no'ng macaroons."
Inirapan ko na lang siya bago ako pumasok sa classroom namin dahil nabubwiset ako sa kaniya! Napaka-epal! One of these days, I'll really have his head severed nang matahimik na siya! Mukhang mapapadalas na rin ako nito sa club.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top