Chapter 002

Eto na nga! Nakakaloka! Kasama ko pa tong si JR ngayon, kung bakit ba naman kasi ganito ang kinahantungan ng aking kapalaran. Jusko, buhay nga naman, kay hirap!

"Kanina ka pa hindi mapakali diyan ah?" Tanong ko sa lalaking ito ewan ko ba, paikot-ikot lang siya sa may sala habang ako? Sinusundan nang tingin.

"Eh ano na naman ba kasing kagagahan 'yang pinaggagawa mo ha?!" Sigaw niya sakin sabay buntong hininga ng malalim.

Hinaplos ko ang kaniyang mukha sabay halik sa mapupusok niyang labi, subalit napatigil ako. Mali ito! Patawa-tawa pa ang lalaking ito palibhasa madami nang naikama.

He pinned me down the couch while kissing me agressively to my lips, making sure that his room door is locked very well as our hands traveled down. Moans and loud screams filled the room, making sure that he's satisfied with my taste.

Opo, tama kayo nang hinala. Pagkatapos nang aming ginawa'y tumayo agad siya at inayos ang kaniyang pantalon, jusko ka si bes mo bakat pa! Binigyan niya 'ko ng isang sobre at pinatayo na kaagad.

"Siguraduhin mong bukas o sa makalawa makakahanap ka na ng matutuluyan mo at trabaho ah?" Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago umalis hindi ko alam kung saan ba ang punta ng lalaking iyon. Magba-bar daw, pustahan, hahanap yan ng babaeng magpapaligaya na naman sa kaniya.

Habang ako nama'y abala sa pagpulot ng aking saplot na nahulog kaninang session namin, bigla ko na lamang narinig ang tunog ng aking selpon.

Isang unregistered number ang tumatawag. Dali-dali ko naman itong sinagot.

"Ikaw ba si Mark Steve?" Boses ng isang matanda na siguro'y nasa edad singkwenta't pataas na.

"Opo, bakit ho? Sino po sila?"

"Gusto ko sanang makiusap kung pwede mong ayusan itong anak kong magdedebut sa susunod na linggo at kung pwede ring isa ka sa organizer at designer. H'wag kang mag-alala dodoblehin ko ang bayad!" Tinanggap ko naman ang alok, sapagkat mamshie! Grab the opportunity na! Malay mo, may fafa do'n! Pero pag nagkataon na malaman ni Jr na magpapagalaw na naman ako yari ako n'yan.

Agad ko namang kinuha ang sling bag kong Michael Kors at dinala ang maliit na handy netbook ko, pulbo, liptint, blush-on/clay blush, mascarra, at ang iba pang mga gamit. Siyempre sayang tong ganda ko kung may fafa eh.

Nagsuot naman ako ng maong shorts na sobrang fitted at tops na off shoulder sabay heels onti. Oh diba, pak!

Let's go hunt some hot chicks! Ay! Charrot! Mag-oorganize pala ako!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top