5
"Laila! Tama ba ang narinig ko? Boyfriend mo na raw si Jaydel?"
NAWALA NAMAN AKO sa ulirat nang marinig ang tanong na iyon mula sa isa sa mga kaklase namin. Napasulyap ako kay Laila at bakas sa mukha niya na maging siya ay nagulat sa tanong na iyon.
Wala akong kasalanan. Wala akong pinagsabihan. Hindi ko alam kung paano nakarating sa kanila ang tungkol sa amin.
"Nagkakamali kayo," bigkas ni Laila tsaka tinagpo ang mga mata ko. "Hindi ko boyfriend si Jaydel. Kaibigan ko lang siya."
Hindi ko alam na mas masasaktan ako sa sinabi niya kaysa sa katotohanang nagbago ang isip niya tungkol sa akin dahil nakita niya ang ex-boyfriend niya kanina.
Siguro nga, ganoon kadaling itabla ako. Sino nga ba naman ako? Tama siya, kaibigan niya lang ako na minsan niyang tinanong at inalok na maging boyfriend niya.
"Ah, sorry! Akala ko, boyfriend mo na si Jaydel! Sabi kasi ni Mikaela ay palagi kayong magkasama! At si Jaydel daw ang nagbantay sa 'yo habang naroon ka sa hospital, kaya hindi siya nakakapasok."
Napatingin ako sa isang babaeng nakaupo sa may dulo—si Mikaela. Nakatingin siya sa akin at pasimpleng ngumiti. Naalala ko ang araw na kinausap niya ako.
"Oo, si Jaydel nga ang kasama ko roon sa hospital, pero wala lang 'yon. Natural lang na babantayan niya ako dahil magkaibigan kami," wika ni Laila tsaka ako muling sinulyapan. Pero dahil sa tingin na iyon ay nanaig ang inis sa kalooban ko.
How can she do this to me?
It was her who asked me to be her boyfriend and now she's telling everyone I am not?
This is unbelievable!
Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kamay. Halatang nagulat din siya sa ginawa ko.
"Jaydel..." nag-aalala niyang tanong.
Napailing ako tsaka ko siya hinila patayo. Humarap ako sa mga kaklase ko at sinambit ang mga salitang hindi ko minsan inakalang sasabihin sa harap ng maraming tao.
"Tama ang narinig ninyo. Ako nga ang boyfriend ni Laila. Gusto kong ipagkalat ninyo sa buong campus na akin ang babaeng ito at walang makakaagaw sa kaniya mula sa akin!"
Nanlalaki ang mga mata ng mga kaklase ko at kahit ang itsura ni Laila nang sulyapan ko siya, ay hindi makapaniwala. Papalag pa sana siya at kukunin ang kamay mula sa pagkakahawak ko nang hilahin ko siya palabas ng classroom.
"Sandali, Jaydel! Saan mo ako dadalhin? Bitiwan mo nga ako!" sunod-sunod na sigaw ni Laila na hindi ko muna pinakinggan hangga't hindi kami nakakarating sa rooftop ng building namin. Dito kami madalas tumambay kapag walang teacher. "Ano bang problema mo?!" dagdag niya pang singhal sa akin.
Marahas niyang ibinagsak ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa braso niya. Ngayon kitang-kita ko na ang galit niyang mukha na hindi ko minsang nakita noon. Ang parati ko lang nasasaksihan ay ang palagi niyang pag-iyak kapag hinihiwalayan na siya ng boyfriend niya.
"Bakit kailangan mong sabihing boyfriend kita sa mga kaklase natin?"
At ngayon, mukhang nahila niya na rin ang galit ko sa tanong na iyon. "Bakit, hindi ba? Sabi mo, boyfriend mo ako! Ano ba talaga, Laila?"
Halata sa mukha niya na hindi niya inasahang sasagutin ko rin siya nang ganoon, pero sumisikip ang dibdib ko at gusto ko nang magkalinawan kaming pareho.
"Laila, ikaw ang gumiit sa akin na maging boyfriend mo dahil gusto mo ng mamahalin. Gusto mo ng good breakup. Napakagaling naman na hindi ko alam na naghiwalay na pala tayo. Ganoon ba ang gusto mo? Iyon ba ang tinutukoy mong good? Ikaw lang ang nakakaalam?"
Napadila ako sa loob ng pisngi ko dahil sa pinipigilang inis. Hindi ko naman kayang magalit kay Laila dahil sa tuwing titingnan ko siya, wala pa siyang hinihingi, gusto ko na siyang patawarin. Pakiramdam ko nga ako ang palaging may kasalanan.
"No! No, Jaydel! Hindi ganoon," naguguluhan niyang sagot.
"Kung gano'n, anong gusto mo? Gusto mo ba talaga akong maging boyfriend mo o nagbago na ang isip mo dahil nakita mo ang Maximo na 'yon?"
Umiling siya at sinubukang lumapit sa akin, pero humakbang ako palayo.
"No... hindi mo naiintindihan, Jaydel."
"Ang alin? Hindi ko talaga maintindihan, Laila. Bakit itinanggi mo ako? Nagkukunwari lang ba tayo? Ano ba talaga? Pang-hospital lang ba ang pagiging boyfriend ko sa 'yo?"
"No..." Patuloy siyang umiling kaysa magpaliwanag, kaya mas lalo akong nayayamot. Saan napunta ang pasensya ko? Mukhang umiikli na. Paano ko siya mapoprotektahan kung ganito ako? I need to calm down.
"I said that because Mikaela was there."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top