Chapter 12

"Ano kamo?!" singhal ni Laila nang malaman niya ang tungkol sa pinag-usapan namin ng mga magulang niya noong nakaraan.

KASALUKUYAN kaming papasok sa St. Andrew's at heto na nga siya, nag-aalburoto na sa galit. Hinatid siya ng mga magulang niya kanina habang ako ay katulad ng dati, inaabangan siya.

"Sasamahan nga kita sa college," sagot ko habang nakapamulsa. Nauuna akong maglakad sa kaniya habang nakatingin sa dako niya. Paatras akong lumakad habang pinagmamasdan kung gaano siya naiinis sa akin ngayon. Bakit natutuwa pa ako?

"Jaydel? Baliw ka ba? At kailan mo pa nagustuhan ang Fashion Design? Tsaka, ikaw 'tong ayaw umalis ng bansa, 'di ba? Sabi mo pa dati, kapag nakahanap ka ng magandang trabaho dito sa Pilipinas, hinding-hindi ka aalis, kasi paniguradong mag-uuwi ka lang ng sakit. 'Di ba? 'Yon ang sabi mo?!"

Kulang na lang yugyugin niya ako para matauhan, pero nakangiti ko lang siyang nilapitan. "Hindi naman siguro masama na 'yon ang kunin ko. Makakasama pa kita."

"Tsk. Eh 'di ako na lang ang mag-engineer! Ano namang maaambag mo sa Fashion Design? Kung magdamit ka nga paminsan, ang sakit sa mata. Ang jologs!" bulyaw niya.

"Wow. Nagsalita ang kayang mag-engineer, eh, hindi ka nga marunong mag-multiply kapag fractions at decimals!"

Inirapan niya ako at sinuntok sa dibdib. Napa-ahh na lang ako. Naaaliw talaga ako kapag sinisigawan niya ako. Nakikita ko kung gaano siya kaapektado.

"Basta, hindi ka sasama sa akin sa Paris! Dito ka lang! Abutin mo ang mga pangarap mo! Kapag giniit mo ang pagsama sa akin, hindi na lang ako aalis!"

"At ang pangarap mo naman ang hindi mo tutuparin?" usal ko.

"Oo, pwede, o kaya maghahanap ako ng fashion school dito!"

"Sasama pa rin ako."

Ngumiwi siya tsaka ako kinurot sa tagiliran. "Bakit ba ang kulit mo? Sinabi na ngang hindi pwede! Hindi mo pwedeng i-give up ang dreams mo para lang sa 'kin!"

"Bakit naman hindi? Eh, ikaw nga ang pangarap ko."

Muli lang akong nakatanggap ng suntok sa dibdib. Sa pagkakataong ito, malakas na. Halatang naiinis na siya. Kaya sinubukan ko nang huwag siyang kulitin at ipakita kung gaano ako kaseryoso sa mga sinasabi ko.

"Bakit ba ayaw mo? Kahit saan ka nga pumunta, sasamahan kita. Tsaka wala kang magagawa kasi boyfriend mo na ako. Gusto ko, kasama kita palagi."

"Uggh! Bakit ba kasi kailangan mo pa akong samahan? Kakausapin ko si papa na iatras na ang offer sa 'yo. Pwede ka naman niyang pag-aralin kung gusto niya. Bakit ba siya humihingi pa ng kapalit? Na para bang papayag ako?"

Nagkibit-balikat lang ako. "Pumayag ka man o hindi, sasama pa rin ako, kahit walang kapalit, Laila. Ang mahalaga sa akin, makita kong okay ka. Doon, mapapalagay ako."

"Hindi mo naman ako obligasyon, Jaydel. Hindi mo kailangang gawin 'to. Sapat na nga sa akin ang pabor na hiningi ko sa 'yo, na maging boyfriend kita. Pati ba naman 'to, gagawin mo pa para sa 'kin?"

"Why not? Tsaka, wala kang dapat ipag-alala, kusang-loob ko 'tong ginagawa dahil gusto ko rin."

Dahil gusto kita...

Matagal niya akong tinitigan na para bang sinusuri. Napabuntong-hininga siya. Buong pagsusumamo niya akong kinausap na lalong nagpatibay na tama lang ang desisyon ko.

"Please, Jaydel, don't do this. Magkakaroon ako ng guilt sa puso ko kapag inuna mo ako kaysa sa sarili mo. Sa pagkakataon namang 'to, bumawi ka sa sarili mo. Gumagawa ka na nga ng charity para sa pagiging boyfriend ko, pati ba naman pangarap mo, isusuko mo para sa akin? Masaya na ako, okay? Na palagi kang nand'yan. At kung magkalayo man tayo, alam kong hindi ka naman mawawala."

Right, she's right about that. Kung magkalayo man kami, palagi lang siyang nasa puso ko katulad ng dati. At sapat na sa akin 'yon. Pero noon 'yon.

Now that I've become her boyfriend, I feel like I'm becoming greedier and more selfish. All I want every day is to see her, tease her, and spend time with her. That's all I can think about.

"Eh di ganito na lang, after graduation, kung sakaling hindi ko na magustuhan ang engineering, sasama ako sa 'yo sa fashion designing. Okay ba 'yon?" pagsubok ko na tagpuin siya sa gusto niya.

Inirapan niya lang ako. "Nasisiraan ka na, Jaydel! Ano bang nakain mo't parang nag-iibang anyo ka? Hindi ka naman ganiyan noon! Why are you being so reckless all of a sudden? You're starting to scare me, you know? I have this feeling that you're going to do something you shouldn't, all for my sake. I'll be really sad kapag nangyari 'yon. I swear to God."

I smirked and caressed her head. "Nothing to worry about. Ano ka ba? Kung pumapayag ka na lang... Dali... I swear, kung ma-realize ko na engineering pala ang better option, hindi na ako sasama. Ano? Deal?"

"I doubt it, Jaydel. Kapag may gusto ka, hindi mo sinasabi. Hinihintay mo lang na mapunta sa 'yo, kasi naniniwala ka na kapag para sa 'yo, para sa 'yo, kaya hindi mo pinipilit. Sa pangarap, hindi gano'n. Kapag may gusto ka, lahat gagawin mo para makuha 'yon. Ilalaban mo. At pakiramdam ko, isasantabi mo lang ang lahat para sa 'kin."

Pinisil ko ang pisngi niya tsaka malawak na ngumiti. "Hindi mo lang alam, pero nilalaban ko na, Laila...

"Trust me, I'm fine. And with every decision I make, I swear I won't regret any of them. In fact, I don't think my decision to be with you will ever change. I'll be taking a different path now... one I still know nothing about, Laila."

"Ano? Anong ibig mong sabihin? Ayaw mo bang kunin na lang ang gusto mo? Bakit gagawin mo pang kumplikado? Tsaka naka-plano na 'yon noon, hindi ba? Sabi mo pa, magtatayo ka ng engineering firm someday. Halos lahat nga ng possibilities, kinalkula mo na, para lang masiguro ang success mo. Bakit biglang nag-iba?"

Huminga ako nang malalim tsaka siya hinarap. Tama siya, noon, kung tingnan ko ang isang bagay, isa lang tuwid na daan na ang dulo ay tagumpay. Na kapag nag-aral ako nang mabuti, makakakuha ako ng mataas na grades. a ang isang mahirap na katulad ko, basta magsipag lang sa pag-aaral, makakapagtapos nang maayos at matatanggap sa trabaho-makakapag-ipon, makapagtatayo ng negosyo, at matutulungan ang pamilya ko. Pagkatapos, bubuo ng sariling pamilya at mamamatay nang masaya. 'Yon lang.

Hindi katulad niya na may kalayaan. Sa tingin ko nga, mas masaya siya kumpara sa akin, dahil hindi siya nakakulong sa obligasyon na maging perpektong tao para matulungan ang pamilya. At kung susumahin, nagiging masaya lang ako kapag kasama siya, kapag nadadawit ako sa pagiging troublemaker niya. Kahit napupurwisyo ako, nakakangiti pa rin ako.

"Wala lang. Na-realize ko lang na yung daang malinaw sa akin... hindi pala 'yon akin," sagot ko.

"Huh? Ang labo mo naman! Paanong hindi iyo, eh dinadaanan mo nga? Anong logic do'n?"

"Kasi daan 'yon ng iba. Nakidaan lang ako. Kaya familiar sa atin 'yong daan kasi nadaanan na 'yon ng iba. Napagtanto ko na mas exciting 'yong daang ako mismo ang tutuklas, 'Yong wala pang nakakaalam. Iyon, masasabi kong akin 'yon, Laila. At doon ko gustong pumunta."

Ngumiwi siya at pailing-iling na tinapik ang balikat ko. "Wala na. Natuluyan ka na. Bahala ka nga sa gusto mo! Basta sinabihan kita, ha? Walang sisihan kapag inasar ka nilang bakla dahil papasok ka sa fashion designing!"

Naglakad na siya pauna mula sa akin. Ako naman ay nakangiti siyang sinigawan. "Paanong aasarin akong bakla, eh, may girlfriend ako?! Girlfriend ko ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa! At ako ang gagawa ng damit mo!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top