CHAPTER 18.2 : A goodbye again?
Xyla’s POV
“Ang malas mo naman Xyl, ang lakas ng buhos ng ulan oh.” Sabi sakin ni Bel habang patuloy kami sa pag-eempake.
“Bukas ka nalang kaya umalis Laur?” Tiningnan ko si Laurence.
“Whether it rains or storm, aalis ako sa bahay na ‘to.” Huli kong nilagay sa maleta ko yung snow white na stuff toy. Dadalhin ko nalang yon kesa naman maiwan dito. I took Mocha and sit on my bed.
“Pakibaba nalang lahat ng yan.” Sabi ko’t tigdadalawa silang lahat ng maleta. Naiwan akong mag-isa sa kwarto. It was an empty room again. Wala ng mga gamit, meron pa pala… nilingon ko yung frame sa side table. Nakalagay doon yung picture naming lahat. I took it and hug it. I would miss everything here. Nilapag ko lang yun sa kama at inayos si Mocha. I start strumming it.
“When your trial past but you don’t succeed
When you get what you want but not what you need
When you feel so tired but you can’t sleep
Stuck in reverse
When the tears come streaming down your face
When you lose something you can’t replace
When you love someone but it goes to waste
Could it be worse?
Light will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you…” I sighed and stood up. Kung ganon nga lang kadaling ayusin… but it can’t. Nilingon ko ang kabuuan ng kwarto ko sa huling pagkakataon.
“Bye bye for the second time…” I smiled half and walk to the door. Nakayuko akong lumabas at nilock yung kwarto. I turn my head and was surprised to see all them. Oh… is this a heart-warming good bye? Nah… baka may sasabihin lang sila.
“Bakit ka aalis?” Tiningnan ko si Kai.
“Dahil gusto ko.”
“No one’s pushing you to leave” I looked at Kris.
“There is… it’s myself.”
“Bakit kailangan mong umalis?” I looked at Kyungsoo.
“Dahil gusto kong huminga.”
“But you can breathe here.” I shook my head.
“I can’t. Sobra-sobra na ang pagkakasuffocate ko dito.”
“Tingin mo ba paaalisin ka namin?”
“Maybe you wouldn’t want Xandria to leave but Laurene wants to leave.”
“Paano kung ayaw naming paalisin si Laurene dito?”
“My decision’s final. Whether you like it or not, I’ll leave.” Dahan-dahan akong naglakad pero hinarangan nila ako.
“Uulitin na naman ba natin ‘to?”
“Hindi ka pwedeng umalis.” Tiningnan ko lang si Chanyeol.
“Bakit hindi?”
“Sinabi ko na sayo dati na wag ka ng aalis.”
“Dati yon, ibahin mo ngayon.”
“Pwes, kahit ulit-ulitin ko, wag kang aalis dahil hindi ako papayag at hindi kami papayag.” I sighed.
“Ang tigas ng ulo niyo.”
“Mana lang sayo.” Napailing nalang ako.
“Tabi na’t dadaan ako. Wag niyo akong pahirapan.”
“Kung nasusuffocate ka, lalagyan ko ng maraming hangin ang bahay na ‘to. Kung nasisikipan ka, babaklasin ko lahat ng pader at ipapaextend ko ang bahay ni Auntie.” Sabi ni Chen. Di ko alam kung malulungkot ba ako o maiiyak o magagalit o maiinis.
“Two words for you guys… I’m. Tired.”
“If you’re tired, then rest.”
“Paalisin niyo na ako. I need space, you need spaces.” Lumayo silang lahat sakin pero nakaharang parin sa daanan ko. Yeah. They gave me space but it wasn’t the space I need. Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Tumalikod ako’t iniwan sila. Kinapa ko yung susi sa bulsa ko’t binuksan ang kwarto ko.
“Di ka na aalis?” Rinig kong tanong ni Chen. Nilingon ko sila.
“Dadaan ako sa rooftop.” Pumasok ako agad at nilock yung pinto. Narinig kong kinalampag nila yung pinto pero agad ding nawala yon at nakarinig ako ng mga patakbong yabag. Binuksan ko ang pinto at nakahinga ako ng maluwag ng wala akong Makita. Lumabas na ako at nilock ulit yon pero nagulat nalang ako ng Makita ko sa gilid si Tao.
“Sabi ko na nga ba’t hindi ka dadaan don.”
“Good for you.” I said and walked away but he pulled me and back hugged me.
“Laurene, Xandria, Xyla… whoever you are I wouldn’t let you leave.”
“Bakit Tao? Tell me what your reason is. Give me a convincing reason why I shouldn’t leave.” Natahimik lang kami sandali pero humigpit lang ng kaunti ang pagyakap niya.
“Because whoever you are… tanggap ka namin… mahal ka namin… kaya kahit si Laurene ka pa o si Xandria, ikaw parin si Xyla. Kaya kahit gusto mong umalis, hindi kami papayag lalong lalo na ako dahil… dahil naging parte ka na ng buhay ko. If a part of me would leave, tingin mo ba mabubuo pa ako?” Nakaramdam ako ng kung ano mula sa mga sinabi niya. I felt my heart pounds as blood rushed to my cheeks. I hold his hands on my waist and remove it slowly. Hinarap ko siya’t nangingislap ang mga mata niya. Gusto niya bang umiyak?
“Do you think you’re convincing?” Tanong ko’t yumuko lang siya. Bumuntong hininga lang ako.
“How would I leave then if you’ll be broken? Sino nalang ang magbubuo sayo kung di ka na makahanap ng kapalit ko?” Tiningnan niya ako’t sumilay ang mga ngiti sa labi niya.
“Di ka na aalis?”
“Aalis parin ako… sa harap mo para kunin sa baba ang mga maleta ko’t ibabalik sa loob. Napakadramatic niyong lahat alam niyo ba yon? Ayaw niyo naman pala akong umalis pero tinutulak niyo ako palayo… B-ba’t ba iniiwasan niyo ako’t nanlalamig kayo sakin? Is it because I lied?” Di ko na napigilan at naluha nalang ako. He cupped my face and wiped my tears with his thumb.
“Secret.” Kumunot lang ang noo ko pero niyakap niya nalang ako.
“May pasecret-secret pa kayong nalalaman.” Niyakap ko nalang din siya pabalik.
“XYLA!” I heard loud screams and runs. Bumitaw ako sa yakap ni Tao at nilingon silang lahat. Tao’s hand was on my back and mine was on his waist. Tiningnan lang nila kaming lahat.
“Di na siya aalis.” I saw smiles plastered on their faces. I can’t smile and I don’t know why. Seryoso lang akong nakatingin sa kanila.
“Baba na ako.” Nilagpasan ko nalang silang lahat at bumaba.
“Alis na ba tayo?” Tanong sakin ni Xylo. Huling hakbang ko na sa hagdan pero nakaramdam ako ng pagkahilo. And the last thing I saw was Laurence’s face.
Bel’s POV
Bigla nalang nahimatay si Xyl kaya binuhat siya agad ni Laurence paakyat sa kwarto niya. Nataranta tuloy lahat.
“What happened?” Tanong ni Lay.
“Ewan. She suddenly fainted. Ano bang ginawa niyo?” Tanong ko habang inaayos ko siya sa kama. Bigla namang tumawa si Laurence.
“Hoy, baliw ka na ba? Kita mo ng nahimatay yung pinsan mo tumatawa ka pa?” Tanong ko sa kanya.
“No worries. Umepekto na siguro sa kanya yung pampatulog na inilagay ko sa gatas niya. Akala ko kasi di niyo siya mapipilit kaya gumawa na ako ng paraan.” We all eyed to him. Nilapitan ko siya’t sinabunutan. Sayang ang face kung sasampalin di ba?
“Pinatulog mo siya?! Ikaw kayang patulugin ko?!” He grinned but soon I laughed and he does too. Tiningnan tuloy kami ng lahat.
“Anong nakakatawa? Nababaliw na ba kayong dalawa ha?”
“Hindi… di ko lang akalaing may utak pala ‘tong si Laurence. Akalain niyong naisip niya yon?” Nakatikim ako ng mahinang sapak. Sinamaan ko ng tingin si Laurence. Lumapit nalang ako kay Xyl na nahihimbing na sa pagtulog.
“I think we better evacuate her to their mansion now.” I said and I look at them.
“Ngayon na ba agad?” Tumango-tango ako.
“Para hindi na tayo mahirapan bukas. Para pag gising na siya… tadaaa… the surprise would surprise her.”
~~~
A/N : Uwaaaah~ She’s not leaving! Ano naman ang surpresang naghihintay kay Xyla?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top