CHAPTER 12 : Acted
Xyla’s POV
Nagising akong masakit ang ulo ko. Ano bang nangyari? Tsk. Bumaba na ako habang hinihilot ang ulo ko. Ang sakit. Para akong ewan. Nakita ko silang lahat na nasa dining na at nakaupo. Di man lang ako tinawag.
“Oh, gising ka na pala. Umupo ka na hija at sabay-sabay na tayong kumain.” Yaya said kaya umupo naman ako. Napasabunot pa ako sa buhok ko. Tsk. Nakita ko yung kape ni Luhan. Humigop siya agad at pagbaba niya ng tasa ay kinuha ko’t ininom. I’m not used to in drinking coffee pero sa sobrang sakit ng ulo ko, parang mas kailangan ko ‘to kesa sa gatas. Humihigop lang ako nang Makita ko silang lahat na nakatingin. Weird ang mga tingin nila ngayon.
“Do I have dirt in my face?” I asked them but they all shook their heads.
“Then don’t look at me with those faces. Parang may ginawa akong hindi ko alam. Tsk.” I said and eat. Bigla nalang tumawa ng malakas si Belinda kaya napakunot ang noo ko.
“Actually Xyl, may ginawa ka nga kagabi! HAHAHAHAHA!” Ibinaba ko ang kubyertos ko at tiningnan silang lahat.
“What did I do?”
“You’re drunk last night and you blurted things out and act so weird.” She said still laughing. Anong ginawa ko? Ba’t wala naman akong natatandaan?
“Weird… like what?”
“Sinabihan mo si Kris na kapre. Nakipagsayaw ka kay Kai. Hinaplos ang mukha ni Luhan. Sinabunutan si Lay, akmang kakagatin ang pisngi ni Xiumin, hinalikan ang mga mata ni D.O. Nagtago kay Chen, sinigawan si Sehun, tinawag sa ibang pangalan si Suho, tinampal ang mukha ni Tao, tinawag na pig si Baekhyun, tinampa ang dibdib ni Chanyeol at ang pinakamalupit… sinukahan mo si Kyle! Hahahahaha!” I was just, ‘did I really do that?’ namula ako bigla.
“Uhhh… wala akong natatandaan.” Tsk. Yun lang ba ang mga ginawa ko? Humigop ako ulit ng kape. Wala talaga akong matandaan kahit isa lang sa mga sinabi ni Bel.
“You even sleep while taking a bath.” Naibuga ko bigla ang kape ko at sakto sa pagmumukha ni Kyungsoo. Hala! Tumayo ako agad at nilapitan siya.
“Sorry! Sorry Kyungsoo!” I said and wipe his face. Kasi naman, bakit ako matutulog kung naliligo ako? Aish! Ngumiti lang siya sakin at kinuha ang table napkin sa kamay ko.
“Okay lang.” He said. Humingi ulit ako ng paumanhin. Tiningnan ko silang lahat. Tsk! Sumasakit lang lalo ang ulo ko. At bakit ko susukahan si Kyle? At anong ginagawa dito ni Kyle? Bigla nalang kaming nakarinig ng doorbell kaya naman ako na ang nagboluntaryong buksan yon. Pagbukas ko ng pinto, si Kyle.
“Hi.” Bati niya agad.
“Ba’t napadaan ka?”
“Bibisitahin sana kita. Ayos ka na ba?” Naalala ko yung sinabi ni Belinda.
“Uhhh… masakit nalang ang ulo ko. Pasensya na sa nagawa ko kagabi. Nalasing ata ako kaya hindi ko alam ang mga pinaggagagawa ko.” Ngumiti lang siya.
“Pwede bang pumasok?” Tumango nalang ako at pinapasok siya.
“Para nga pala sayo.” Iniabot niya sakin yung bouquet ng yellow roses at cake. Tiningnan ko siya at nakangiti lang siya. I was about to get it when somebody did.
“Uy… cake. Salamat ha? Sakto ‘to pang dessert.” Napalingon ako at nakita ko si Kris sa tabi ko at palapit narin yung iba.
“Belinda, bulaklak daw oh.” Inihagis niya yung bouquet kay Bel.
“Uy, thank you ha? Favorite ko ‘to.” She said. I smiled half at sinamaan ng tingin si Kris. Tiningnan ko si Kyle at di ko mabasa ang iniisip niya dahil nakangiti lang siya.
“Take a seat.” I said to him. Umupo ako sa sofa at tatabi na sana siya nang biglang tumabi sakin si Kai at sa kabila ko naman ay si Chanyeol. Katabi naman ni Kai si Kris na katabi si Kyle. Tsk. Paano kami mag-uusap ng bisita kung nakaharang sila? Tiningnan ko si Kyle at nginitian ng bahagya.
“Bakit naparito ka pare?” Tanong agad ni Kai.
“Just visiting Xyla.”
“Ayos na siya.” They all said.
“Uhh… Xyla, can I take you out tomorrow?” Tomorrow? Sunday tomorrow.
“Uhhh…”
“Aalis kami bukas ni Xyla. May pupuntahan kami.” Sagot ni Kris.
“Buong araw ba?”
“Actually, lahat kami. Ipapasyal namin siya dahil tuwing linggo lang naman kami nakakapagbonding.” Seriously? Wala akong natatandaang lalabas kami bukas. I look at Kyle. Gusto ko siyang tanggihan dahil hindi ko talaga siya feel pero kasi… may kasalanan ako sa kanya and I want to apologize with it.
“Next time nalang tayo magbonding, guiz. I accept your invitation Kyle.” I said and smiled half. Bigla namang nag-alisan lahat except for Belinda, me and Kyle.
“Ooops… looks like someone’s jealous... I mean… everyone…” She said leaving Kyle and me puzzled.
“Sige, mauna na siguro ako Xyla. Sunduin kita tomorrow, 10am.” He said and stood up. I stood up too at inihatid siya sa labas. Umakyat ako sa taas at sinundan sila. Nakita kong papasok sila sa mga kwarto nila.
“Wait.” I said but they continue getting in and they even lock their doors. Hindi ko alam kung anong problema nila at bakit ganon sila makitungo kay Kyle. Seriously, I don’t like Kyle pero pumayag lang ako sa invitation niya para makabawi. And after that, hindi na. Pero ano namang problema nila? Dahil ba mas pinili ko si Kyle? Eh halos araw-araw naman kaming magkakasama ah? Tsk. Di ko nalang sila pinansin at pumasok sa kwarto ko.
---
Pumasok na sina Lay, Kris, Kai and Suho without even saying good bye to me. Dati, tuwing aalis sila, magpapaalam pa pero ngayon, wala akong narinig. Hindi ko rin nakitang tumambay yung iba sa sala. Nagkulong lang talaga sila sa mga kwarto nila. Hindi rin sila sumabay kumain sa amin. Ano ba talagang problema nila?
Nakauwi na ng bahay sina Kris pero diretso lang sila sa kwarto nila. Ni hindi man lang ako tiningnan. Tsk. Ayaw nila akong pansinin? Ayaw nila akong kausapin? Then be it. Kumain na kami nila Yaya at Belinda ng hapunan pero di sila sumabay. Nang matapos na kami ay doon palang sila bumaba. Iniiwasan talaga nila ako ano?
“Auntie, lalabas lang po ako sandali.” Pagpapaalam ko. Sinadya kong nasa dining si Auntie at inaasikaso sila. Sinadya ko para marinig nila ang sasabihin ko. Tingnan ko lang kung hindi nila ako pansinin?
“San ka pupunta hija? Gabi na ah?” Tiningnan ko silang lahat at tuloy-tuloy lang sila sa pagkain.
“Bibisitahin ko lang si Kyle, Auntie.” Nakarinig ako nang pagbagsak ng mga kubyertos. Napangisi ako.
“Isama mo si Bel, hija.”
“Nako, wag na po. Baka maistorbo lang kami ni Kyle.” Nakangiti kong sabi. They all stop from eating. I can see them on my peripheral vision. Tumango naman si Auntie.
“Sige po. Alis na ako. Baka gabihin po ako, wag niyo na akong hintayin.” I said and walk out at the dining.
“Xyla.” Huminto ako at napangisi lalo nang marinig ko ang mga boses nila. Di ako lumingon.
“Bring your key if you leave.” Napabusangot ako. Hindi umubra? Talagang wala silang pakealam sakin? Hahayaan lang nila akong makasama si Kyle nang nag-iisa? Nilingon ko sila at nagpatuloy sila sa pagkain. Huh! What the hell! Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha yung mga susi ko. Pupunta ba talaga ako kay Kyle? Pero hindi ko pa siya ganon ka kilala. Bahala na.
Dali-dali akong lumabas ng bahay at nilingon yung kabilang bahay. Gabing-gabi makikipangapit-bahay ako? Di naman kami close ng lalaking yon. Baka isipin niya, interesado ako sa kanya. Bumuntong hininga nalang ako’t umupo sa step ng pinto saka tumingala. Uulan ba? Wala kasing mga bituin sa langit. Napatingin ako sa kabilang bahay nang marinig na magsara yung pinto at nakita ko si Kyle na lumabas. Napatingin siya sakin saka ngumiti. Di ko siya pinansin at tumingala lang.
“Hi. Anong ginagawa mo dito sa labas? Gabi na a?”
“Same question. What are you doing outside if it’s already night?”
“Lagi naman akong lumalabas pag gabi.”
“Para?”
“Wala, magpahangin lang.” I nods and silence eated us.
“Uhm… I know we don’t know each other yet but… I was just trying to be friends. It’s been one week since I arrived here and haven’t had friends yet.” Dun palang ako napatingin sa kanya.
“Arrived?”
“I was living with my grandmom but when she… when she pass away, napilitan akong bumalik kina Mama kaya naman, dito na ako nakatira ngayon.”
“Sorry to hear that.”
“It’s okay.”
“You were close to your grandma?” Tumango siya. Parang ako lang pala saka si Xylo.
“Mammita was the one who took care of me since I was little. Kaya mas mahal ko pa nga yata ang lola ko kesa sa mga magulang ko. But when she…” I heard him heaved a sigh.
“No need to tell if it’s still fresh.” Ngumiti siya’t napayuko at nakita ko siyang nagpunas ng mga mata. I felt sad for him. If Mammsie would leave me, baka di ko kayanin. Thinking twice, I rub his back. By then, di niya ata napigilan. Ramdam ko yung panginginig ng katawan niya forcing not to cry. There’s a part of me pity him so much. Kapag lumaki ka nga naman sa pangangalaga ng lola mo…
“Sorry. Di ko mapigilan. Ang bakla ko ata masyado. I was just carried away.” He said trying to laugh.
“Don’t be shy. I too was raise by my grandma. Kung sakin nangyari yon, hindi ko alam kung kakayanin ko pag iniwan na ako ni Mammsie.” Napatingin siya sakin at namumuo ang mga luha sa mata niya. I smiled making him feel that it’s okay.
“Ayos lang na ilabas mo yan Kyle. Walang masama.” Iniwas niya agad yung tingin niya’t yumuko saka nagtakip ng mukha. Yung balikat niya, naga-up and down na. Senyales na umiiyak siya. A cry of grieve. I don’t know what came up to my mind and I find myself hugging this guy while he’s sobbing.
“Shh…” I hush him. This was my first time hugging someone I’m not close to. Siguro dahil parehas kami ni Kyle? Dahil parehas naming mahal ang mga lola namin. If Xylo was here… baka umiyak rin yon.
---
“Thank you.” Bahagya akong ngumiti at pinat lang ang likod niya.
“It’s okay. Kung asan man ang Mammita mo ngayon, alam kong masaya siya sa kinaroroonan niya ngayon dahil napalaki niya ang apo niya na alam kong ikakaproud niya.” Tinignan niya ko’t ngumiti. Bigla nalang nagring ang phone ko kaya sinagot ko naman agad.
“Hello? … Xylo? … What? What happened to you? … Okay, okay, I’ll see you. Wait for me okay?” I said and ended the call.
“Kyle, mauna na ako. May pupuntahan pa ako.” Tumayo ako agad pero pinigilan niya ang braso ko.
“Gabi na, san ka pa pupunta?”
“Basta. Sige. Umuwi ka na.” Di ko na siya pinansin pa’t tumakbo papasok paakyat sa kwarto ko. I need to see Xylo. He needs me. Kinuha ko yung jacket ko, at hindi na nagpalit ng damit. Nakashorts lang ako at doll shoes. Pagbaba ko ng hagdan, naabutan ko silang lahat na nasa sala kasama sina Auntie at Belinda.
“Ya---I mean, Auntie. I’ll be out. Baka hindi ako matulog dito. Bye.” Di ko na hinintay na sumagot si Yaya at patakbong lumabas ng bahay. Di pa ako nakakalayo ng tuluyan sa may pinto ay may humigit sakin pabalik.
“Where do you think you’re going at this middle of the night? At anong hindi ka dito matutulog?” Parang galit na tanong sakin ni Kris. Inalis ko yung kamay niya sa braso ko.
“It’s none of your business. I’m in a hurry and I don’t have time explaining things to you.” Sumakay ako agad kay Snoe at matulin itong pinaandar. Bukas nalang tayo mag-usap lahat kung may dapat bang pag-usapan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top