Kabanata 20 : Pagwasak ng mga Hadlang


Kabanata 20 : Pagwasak ng mga Hadlang

STU, Office of the President

El Paradiso Island


"Hindi ko naman siya papatayin ipapalayo ko lang." sabi ni Ion.

"Huh! Ipapalayo? Pero sa Mafia mo pa ipapagawa." sabi ni Aj.

"Sa unang sinabi mo, nasa media ang angkan ni Eye at ito ang pinagkakakitaan nila. Sa tv station nila sa news department maraming nasagasaan ang mga tauhan niya lalo na ang tatay niya na isang batikang reporter." sabi ni Ion.


"Hmmmn. Kaya ba sa Mafia ka lalapit para palabasin na ang pagkawala ni Eye ay puwedeng dala ng mga nasagasaan ng ama niya. O baka naman gusto mo rin palabasin na ang pagkamatay ng magulang niya ay dala ng Mafia o mga taong binangga nila."
sabi ni Aj

"Hindi sa ganoon." sabi ni Ion.

"Alam mo tito Ion sa mga taon ko sa kurso ko at sa pagtatrabaho bilang trainee sa iba't ibang ahensya ng pamahalan lalo na sa Green Island naisip ka na ang pag-ambush sa pamilya ko ay gawa-gawa lamang." sabi ni Aj na ikinatitig ni Ion dito.

"Talaga?" sabi ni Ion dahil hindi naman lingid sa grupo na kaya pumasok si Aj at kumuha ng kurso nito sa kolehiyo para malaman ang dahilan ng hindi matukoy pagpatay sa pamilya nila at dahil sa nobya nito na sinasabing miyembro ng Mafia.

"Tulad mo, gusto mong palabasin na mawawala si Eye dahil sa nabangga niya pero ang totoo nasa tabi lang niya ang salarin o malapit sa taong pinagkakatiwalaan niya." sabi ni AJ.

"Uulitin ko hindi ko siya papatayin, ipapalayo ko lang. Tatakutin, kapag natakot siya for sure lilipat siya ng lugar kung saan hindi na niya makakasama si Uno. Bagay na mapuputol ang komunikasyon nila." sabi ni Ion.

"Natanong mo na ba si Uno kung bakit nakadikit ang babaeng iyon sa kanya na kung susumahin ilang taon ang tanda sa kanya." sabi ni Aj na ikinakunot noo ni Ion.

"Hindi. "sabi ni Ion.

"Hindi? Kailan mo tatanungin o binalak mo bang kausapin ang anak mo tungkol sa reporetr na kasama niya? O baka naman lumayo na si Uno sayo kasi naramdaman niya na ayaw mo ang paglapit niya kay Eye." sabi ni AJ

"Sandali nga, ano bang gusto mong sabihin at ipakahulugan?" sabi ni Ion.

"Bukod sa memo na gusto kong ibaba mo, naisip ko kasi hindi kaya taktika ni Eye na dumikit sa anak mo para sa proteksyon niya." sabi ni Aj.


"Anong ibig mong sabihin? Kasi naguguluhan ako sa dami ng sinasabi mo at paksang sinasabi mo."
sabi ni Ion na naiinis na.

"Ang mga sinasabi ko ay magkakarugtong. Alamin mo sa anak mo kung bakit nakadikit si Eye sa kanya, o baka may alam ang anak mo." sabi ni Aj.

"Saan naman?" sabi ni Ion na naguguluhan na talaga sa takbo ng usapan.

"Hindi ko alam o siguro takot si Eye na siya ang isunod ng pumatay sa magulang niya o sabi nga nila namatay ang magulang nito dahil sa eskandalo ni Eye. Pero ang tanong saan ba galing ang eskandalo?" sabi ni Aj.

"Mukhang ang dami mong iniisip Aj at inaalam." sabi ni Ion.


"Kasi kailangan, kasi ang pinsan ko ay nakadikit kay Eye na gusto mong papatayin."
sabi ni AJ.


"Hindi ko nga papatayin, ano ba."
inis na napalakas na sabi ni Ion.


"Kapag ang isang tao lumapit sa Mafia hindi ito laro, hindi ito takutan dahil ang labanan ay buhay. Kapag nahinto ang buhay mahihinto na ang deal na magaganap. Kasi kapag hindi, ikaw ang pupuntiryahin kapag ang krimen ay umusbong dahil sa pananakot lang."
sabi ni Aj na ikinatahimik ni Ion.

Napahingang malalim si Aj saka ito nagsalita.


"Kausapin mo ng maayos si Uno, at huwag mong galawin si Eye hayaan mo siya mabuhay sa gusto niyang paraan. Kapag naramdaman niya na okay na ang lahat iiwan niya si Uno. Dahil ang totoo ikaw din at ang pamilya natin ang dahilan kung bakit dumidikit si Eye kay Uno dahil nararamdaman ng reporter na iyon na ang isang paa niya ay nasa hukay."
sabi ni Aj na ikinahingang malalim ni Ion.

"Okay pero ikaw ang maglayo kay Eye sa anak ko." sabi ni Ion.

"Gagawin ko basta gawin mo ang memo ngayon mismo." sabi ni AJ na ikinangiti ni Ion.

"Okay, iyon lang naman ang gusto mo. At ang gusto ko naman ang kaligtasan ng anak kong si Uno." sabi ni Ion.

"Okay deal." sabi ni Aj.

"Deal." sabi ni Ion.

"Oo nga pala, walang makakalabas ng pag-uusap natin para ang reporter na iyon ay walang masagap na usok mula sa loob ng grupo. Aakto tayong walang alam, at mananatili tayong normal sa mata ng lahat." sabi ni Aj saka nito sinukbit ang baril sa likuran nito at ang larawan kinuha muli at nilagay sa loob ng bulsa nito.

"Bakit mo ba gustong paalisin ang buong section nila Hestia?" tanong ni Ion habang pinagmamasdan ang kilos ni Aj.

Napatingin si Aj sa tiyuhin saka ito umusal.

"Tulad mo nag-aalaga ako ng bata, at ang bata hindi mo puwedeng tutukan ng baril para sumunod. Tulad mo kay Uno gusto ko maging kalmado habang nagpapalaki ng bata ng sa ganoon hindi magrebelde. Ganoon ang magulang at dapat ganoon ako, kahit na alam ko na ako ang magiging asawa." sabi ni Aj na ikinangisi ni Ion.

"Dumating sa akin ang balita na may nanliligaw kay Hestia sa mga kaklase niya, at si Raven ikaw ang nagdala dito." sabi ni Ion na ikinangiti ni Aj.

"Ako nagdala kay Raven dito tama ka doon kasi wala siyang kalaro, at ang bata kailangan ng kalarong kaedad niya o kung hindi naman kailangan niya ng taong alam niyang pinagkakatiwalaan siya, tulad ni Uno o tayo, dumadaan tayo sa edad at panahon na kailangan natin ng sandalan bukod sa magulang natin. Sandalan na kampante tayo at mauunawaan tayo.

At bilang magulang kailangan natin unawain iyon kahit ang resulta ang paghati ng damdamin ng anak natin sa atensyon na dapat nasa atin lang. Hindi natin mapipigilan maghanap sila ng ibang tao na kakausapin, na kampante sila. At dapat natin tanggapin bilang magulang na habang tumatagal lalayo sila pero darating ang panahon babalik din sila sa atin." sabi ni AJ.

"At tingin mo ganoon ang magaganap kay Hestia. Babalik siya sayo?" sabi ni Ion na ikinangiti ni Aj.

"Hindi niya ako magulang, kundi asawa. At sabi ko nga bata pa siya kaya siguro ang asawa sa kanya ay isang magulang na taga-gabay lamang." sabi ni Aj.

"Huwag ka masyado panatag baka mabaliw ka, mas baliw sa ama mo kapag iniwan ka ni Hestia." sabi ni Ion.

"Baliw na ako tito mula ng mapatay ko si Camora at alam niyo iyon." sabi ni AJ.

"Tama, kaya may ikakabaliw ka pa." sabi ni Ion.

"Nag-aaral ako ng mga responsibilidad ko kasama doon ang damdamin na dapat ko ibigay sa babaeng inireto niyo sa akin. Mahal ko si Hestia pero kailangan ko balansehin ang lugar ko sa lugar niya." sabi ni Aj.

"Sana mabalanse mo nga kasi delikado ka." sabi ni Ion.

"Huwag kang mag-alala tito. Hindi ako magagaya sa ama ko, marunong akong makinig sa nakaraan ko." nakangiting sabi ni Aj na ikinatango ni Ion.

"Okay. Gagawin ko na ang gusto mo." sabi ni Ion.

"Aalis na ako salamat uli." sabi ni Aj saka ito tumalikod at umalis.

Nanatiling nakasunod ng tingin si Ion kay Aj hanggang makalabas itong opisina niya at ng mawala ito sa paningin niya napahingang malalim si Ion at sumandal sa upuan.

"Magaling ka nga kaysa sa ama mo, pero hanggang saan ang itatagal ng galing mo." sabi ni Ion sa isip saka nito binuksan ang drawer sa ilalim ng mesa at may inilabas doon.

Binuksan ni Ion ang folder saka ito napabuntung hininga.

"Hindi na kita kailangan, dahil kusa ka ng hihiwalay kay Eye." sabi ni Ion saka nito inilagay sa shredder machine ang papel.

Samantalang napangiti si Aj habang naglalakad na ito sa hallway palayo sa opisina ng tiyuhin nitong si Ion.

"Asawa niya ako pero hanggat bata pa siya magulang niya ako, at ang magulang nais mapaganda ang buhay ng anak niya kaya bibigyan ko siya ng mga taong makakabuti sa kanya, mga taong magtatanggol sa kanya, mga kilala ko at mababalikan ko kapag may ginawang masama." napangising sabi ni AJ sa isip.

.................

Skye Hotel, El paradiso

"Atty Bullet iyong anak niyo pong si Raven nakikipag-away sa STU." sabi ng secretary ni Bullet na ikinatingin ng lahat dito.


Nasa Conference room si Bullet kasama ng mga abogado sa negosyo nitong Law Firm.


"Talaga?"
sabi ni Bullet na ikinangisi ni Wine at Run na parehong mga abogado sa naturang law firm

"Opo attorney." sabi ng secrtary.

"Okay, mag pustahan tayo." sabi ni Bullet na ikinanlaki ng mga mata ng mga kliyente nito at ng ibang abogado.


"Isang libong piso lang ang dala ko."
natatawang sabi ni Wine.


"Okay na iyan."
sabi ni Bullet.

"Kay Raven ako." sabi ni Run sabay lapag ng pera na ikinatingin ng mga ka-meeting nito sa tatlo.

Hindi naman nakapagsalita na ang secretary ni Bullet sa hindi inaasahang reaksyon ng abogado sa anak nito.

.................

STU, Park

"Whoahhh! Mukhang may shooting." sabi ni Rollo ng makita ang kaguluhan sa park ng STU.

Lumapit ang sixtuplets at napangiti ang mga ito sa nasasaksihan.

"Doon kami sa ibong itim!" sigaw ni Laszlo na nagawi lamang sa school ng araw na iyon dahil sa practice ng mga ito sa basketall team.

Napatingin si Hestia at napalunok ito ng makita ang mga pinsan ni Raven na makukulit.

"Ravennnn lumipad ka!!!" sigaw naman ni Otto ng makita ang mga galaw ni Raven na hindi mo aakalain na marunong ito ng taekwando.

"Hahaha! Time out!" sigaw ni Shiloh na ikinatigil ng lahat ng makuha ni Shiloh hilahin ang mga kabataang nag-aaway.

Napatingin si Hestia sa sixtuplets, kinse anyos na ang mga ito pero ang mga asal parang kaedaran lang nila.

"Bakit? sabi ni Raven na may dugo na rin sa mukha.

Napahinto si Raven at bahagyang nagulat ng makita ang mga pinsan. Malalaking bulas ang mga ito na mapagkakamalan mo ngang nasa kolehiyo na.

"Lugi sila sayo, black belter ka dapat may armas sila." sabi ni Shiloh na ikinanlaki ng mata ni Hestia at ikinatawa ng mga kapatid ni Shiloh.

"Sige." sabi ni Raven na napangisi pa at dumura sa lupa. Alam ni Raven na maloko ang sixtuplets lalo na kapag labanan ang usapan.

"Okay. Ito." sabi ni Shiloh sabay bigay ng hawak nito kanina pang tubo na nakuha sa bulok na kotse ng ama nia.

"Huwagggg!" sabi ni Hestia na ikinangisi ni Raven.

"Okay. Game." sabi ni Raven na ikinangisi ni Shiloh sabay lapit kay Dustin na nakaahon na sa laggon.


"Hoy bata, iyan ha bibigyan na kita ng tulong para hindi ka mukhang kawawa."
sabi ni Shiloh na ikinatiim ng bagang ni Dustin dahil isang insulto iyon.

"Galingan mo, para hindi naman kahiya-hiya." sabi ni Otto kay Dustin.

"Basang sisiw literal!" sigaw ni Viggo na halatang ginagatungan ng mga ito ang pagkapikon ni Dustin.


"Huwag na."
sabi ni Hestia pero si Dustin agad na sumugod na ikinasigaw ng lahat.

"Ohhh! Foul!" sigaw ni Shiloh sabay bato ng lupa sa mukha ni Dustin na ikinapuwing ni Dustin kaya naudlot ang paghampas nito ng tubo kay Raven.

"Ahhh!" sigaw ni Dustin ng mapuwing sa lupa na binato ni Shiloh.

"Hahahaha! Gago ka! Mabulag iyan." sabi ni Viggo.

"Langya! Foul mga tol." sabi ni Shiloh na ikinatawa ng lahat ng lapitan ni Shiloh si Dustin at punasan ang mukha nito.

"Anong mali?" sabi ni Rollo na natatawa at hawak na ang tiyan nito kakatawa.

"Wala pang go sumugod ka na." sabi ni Shiloh kay Dustin sabay batok dito na ikinatalim ng mata ng mga barkada ni Dustin.

"Hahaha! Bobo ba?" sigaw ni Ezio na ikinangisi ni Shiloh.

"Tatanga-tanga ba, nakakahiya sa STU!" sigaw ni Shiloh pero nagulat ang lahat ng ipalo ni Dustin ang tubo sa katawan ni Shiloh na ikinatigil sa tawanan ng mga kapatid nito.

"Shiloh!" sigaw ni Hestia ng tumumba si Shiloh sa lupa pero hindi doon nagtatapos dahil pagkatumba ni Shiloh mabilis na lumapit ang mga barkada ni Dustin.

"Huwag! Kagagaling lang niyan!" sigaw ni Laszlo ng akmang pagtutulungan si Shiloh ng mga barkada ni Dustin mabilis na sumugod ang limang kapatid ni Shiloh para tulungan ito.

"Lagot ka sa akin ngayon." sabi ni Dustin ng mapatingin kay Raven habang hawak nito ang tubo.

"Hahaha! Okay pagbibigyan kita sa tubong pinagyayabang mo." sabi ni Raven.

"Tama na!" sigaw ni Hestia ng tuluyang magkagulo sa park.

.................

Skye Hotel

"Atty Wine iyong sixtuplets mo nasa STU nakikipagsuntukan." sabi ng secretary ni Wine na ikinatigil sa pagkuha ng pusta ni Wine sa mga kameeting ng mga ito.

"Talaga?" sabi ni Wine.


"Atty, lagot tayo kay Sir Orion."
sabi ng secretary na ikinangiti ni Wine.


"Okay, doon ako sa pupusta sa sixtuplets ko. Anim na libo."
sabi ni Wine na ikinatawa ni Run.

"Hahaha! Akala ko ba isang libo lang ang pera mo?" natatawang sabi ni Run.

"Anim na ulo iyon, kaya tig iisang libo." sabi ni Wine na ikinatawa nila Bullet at Run at ikinatingin ng mga ka-meeting ng mga ito sa isa't isa.

.................

STU Park

"Ang sakit nun ha." sabi ni Shiloh saka ito tumayo ng makabawi sa naramdamang sakit.

"Itigil niyo na!" umiiyak na sabi ni Hestia.

...............

STU, Office of the President

"President Valiente, iyong mga pamangkin niyo nakikipag-away po sa park ng elementary vicinity." sabi ng secretary ni Ion na ikinanlaki ng mga mata ni Ion.


"Mga?"
nagtatakang sabi ni Ion dahil alam niya si Raven lang ang nasa STU.

"Iyong sixtuplets po pumasok sa loob ng STU ng walang passes." sabi ng secretary na ikinahingang malalim ni Ion saka ito tumayo.

..............

College Building

Parking lot

"May gulo sa STU Park." sabi ni Nayumo kay AJ.

"Alam ko." sabi ni Aj.

"Wala kang gagawin?" sabi ni Nayumi.

"Wala." sabi ni Aj habang may kinakalkal ito sa laptop nito.

Napatingin si Nayumi kay Aj, nasa loob sila ng kotse nito at mula ng pumasok ito sa kotse agad nito binuksan ang laptop nito.

"Hack." sabi ni Aj.

"Ha?" sabi ni Nayumi.


"Tinatanggal ko lahat ng video ni Hestia."
sabi ni Aj.

"Video?" sabi ni Nayumi pero hindi na nagsalita si Aj ng kunin nito ang cellphone at may tawagan ito.

"Hello." sabi sa kabilang linya na boses babae.

"Kunin mo ang mga ibibigay kong pangalan sayo at itapon mo," sabi ni Aj na ikinakunot noo ni Nayumi,

"Okay." sagot ng babae sa kabilang linya.

Binaba n i Aj ang telepono saka ito tumingin kay Nayumi.

"Aalis na muna ako, dito ka lang." sabi ni AJ.

"Saan ka pupunta?" sabi ni Nayumi.

"Mag-aalaga ng bata." napangising sabi ni Aj na ikinaikot ng mata ni Nayumi.

..................

August 2, 2023 8.38pm

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua


For SALE LoL hard copy for inquiries DM me at FB Page : Rose Chua Novels


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top