Prologue : Isang Kasalanan
Prologue : Isang Kasalanan
La Secretos, N.E
Years Ago
"Gago ka! Isusumbong kita kay Harmony." sigaw ni Shaira ng saraduhan siya ng pintuan ni Shadow sa isang kuwarto.
"Hahaha! Istorbo ka sa kaibigan ko. Hindi siya makaporma sa idolo mo kaya diyan ka muna at magpakasarap." sabi ni Shadow habang nasa labas na ito ng pintuan.
"Shadow!" sigaw ni Shaira. Lasing na siya pero kahit paano alam pa niya ang nagaganap sa paligid niya.
Napatingin si Shaira sa paligid at ilang sandali lang ng may humatak sa kanya sa kama.
"Sino ka?" sabi ni Shaira pero sa pagbaling nito ng tingin sa taong humatak sa kanya nanlaki ang mga mata niya ng makita ang director ng naturang pelikulang ginagawa ng idolo niya.
Siya si Shaira Hernandez, Presidente ng Fan's Club ni Harmony ang sikay na singer/artist sa bansa na ngayo'y gumagawa ng pelikula kasama ang childhood love team nito na si Rhythm.
Bukod sa pagiging Presidente ng Fan's Club at loyal na kaibigan, isa rin siyang Personal Assistant ni Harmony. Kumikita siya at binibigyan ng sahod nito, may kalakihan naman pero sa isang bread winner na tulad niya hindi iyon sapat sa dalagang maraming pinapakain na ultimo mg anak ng kapatid niya sa kanya umaasa.
"Shaira." sabi ng director.
Napalunok si Shaira, ang director sa harapan niya ay isang bakla pero nagtatago ito sa magandang katawan nito na panlalaki. Guwapong mukha at kung kumilos hindi mo mahahalatang bakla ito at kahit may mga tsismis na sa Entertainment Industry na bakla ito wala sinuman ang may lakas loob nagpapatunay nun kahit na nga ba minsan ang boses nito ang katibayan na bakla nga ito.
"Direk." sabi ni Shaira na napaatras pero nagulat ang dalaga ng magbukas ang pintuan at muli iniluwa nun si Shadow.
"Tsss. Ang tagal naman." sabi ni Shadow na may dalang alak at halatang lasing na rin ito.
Party kasi ng araw na iyon, sa kilalang bar na iyon sa bansa. Kung saan kinukuhanan ang eksena nila Harmony at Rhythm.
"Mabuti bumalik ka, aalis na ako." sabi ni Shaira pero hinawakan ito sa kamay ni Shadow
"Ang sabi ko dito ka lang para naman makaporma ng maayos ang kaibigan ko at para magawa na nila ang scene ni Mory." sabi ni Shadow.
"Ano bang balak mo? Anong gagawin natin dito?" sabi ni Shaira.
"Mag-iinuman." sabi ni Shadow saka nito ibinigay ang baso na sinalinan nito ng alak na dala nito, isang hard drink na tiyak ni Shaira bubulagta siya sa tama kapag ininom niya
"Game na." sabi ng director at ilang sandali lang nagsimula ang tatlo mag-inuman.
"Dito lang tayo, habang nag-iisip ang dalawa kung paano matatapos ang shooting niyo dito dahil kapag hindi tumama sa deadline ang lahat. Lagot kay Autumn, at baka mawalan kayo ng trabaho."sabi ni Shadow sa director at kay Shaira.
"Bakit naman pati ako?" sabi ni Shaira na kung tutuusin si Harmonyang nagpapasahod sa kanya.
"Bakit tingin mo si Autumn ang tipo ng taong may palulusutin kapag may delay na naganap? Negosyante ang leader namin kaya kahit ang utility sa grupo niyo hindi niya paliligtasin." sabi ni Shadow habang nakaupo ang tatlo sa kama at nag-iinuman.
"Huwag kang mag-alala, matatapos din ang shooting at makukuha nila Mory at Rye ang tamang acting." sabi ng director habang nakatingin ito kay Shadow.
"Alam mo direk mukhang hindi kasi kumbinsido sayo ang mga artista mo." sabi ni Shadow.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ng director.
"Kahit ako, hindi maniniwala sa director kung wala itong alam. Ang ibig kong sabihin parang bata iyan eh. Estudyante na tinitingnan din kung magaling ang teacher nila. Pero sa tingin ko sa ugali ni Rye, hindi iyan basta-basta maniniwala sa isang eksena kung ikaw mismo na nagtuturo sa kanila at nagdidirek ay walang alam." sabi ni Shadow sa director sabay bigay ng alak kay Shaira.
"Grabe. Ayoko na." sabi ni Shaira na kahit dalawa pa lang ang naiinum niya malakas na talaga ang tama ng alak sa katawan niya.
"Ayaw mo na?" sabi ni Shadow.
"Tama na at lasing na ako." sabi ni Shaira.
"Okay sige. May tama na rin ako kaya matutulog na muna ako." sabi ni Shadow saka ito tumayo at lumipat sa sofa ng pasuray-suray.
"Tsss. Sayang naman ito. Uminom pa tayo." sabi ng director kay Shaira ng maiwan sila sa kama.
"Direk, tama na." sabi ni Shaira pero tumayo ang director na halatang lango na ito sa alak
"Grabe, ang init." sabi ng director at naghubad ito ng damit na ikinatitig ng lasing na diwa ni Shaira dito
Napalunok si Shaira, aminado siya crush niya ang director. Kakaiba kasi ang awra nito puwede nga itong mag-artista at kung siya ang tatanungin kung manliligaw ito ng isang babae malamang sagutin ito agad.
"Aalis na ako direk." sabi ni Shaira pero nagulat ito ng lumapit pa ang director sa kinauupuan niya at tayuan siya nito habang nakaupo siya sa kama.
"Alam mo bang naiinis ako?" sabi ng director.
"Kanino po?" sabi ni Shaira
"Kay Rye at sa amo mo na si Mory." sabi ni Director.
"Bakit naman po?" sabi ni Shaira na kung tutuusin hindi na niya kailangan magtanong dahil kahit sila naman na mga staff ay nababagalan sa nagiging takbo ng shooting ng pelikula ng dalawa.
"Tsss! Alam mo naman kung bakit? Pero alam mo ba kapag ganito ang mood ko, mas gusto kong makipagsex para maeengganyo akong gawin at idirek ang sex scene ng dalawa." sabi ng director.
"Ano po?" sabi ni Shaira.
"Kaming mga director kailangan din namin ng experience para masabi at maturo namin ng tama sa mga artista ang tamang lasa at timbre sa pag-arte. Para din itong musika na nilalapatan ng tono." sabi ng director.
"Ano pong ibig niyong sabihin direk?" sabi ni Shaira na nasa kahiluhan na ng kalasingan niya.
"Nakikipagsex ako para ganahan ako sa ginagawa kong pelikula at maisagawa ko ang pagtuturo sa dalawang iyon, dahil na ikinasasakit ng ulo ko ang tagal at ang pressure ni Autumn na tapusin ang pelikulang ito.
Kaya naisip kong tulungan natin sila... o ako." sabi ng director saka ito naghubad ng damit na ikinalunok lalo ni Shaira ng walang tinirang saplot ang director sa harapan niya.
"Direk... bakla ka di ba?" sabi ni Shaira na kahit alam niyang bakla ang nasa harapan niya, tila siya nakaramdam ng excitement dahil hindi niya inaasahan ang gagawin ng director na maghubad ssa harapan niya na crush niya pa naman, at siguro dala na rin ng kalasingan.
"Isa lang." sabi ng director saka nito pinahiga si Shaira at pumatong dito.
...................
Canmore Telecom
Years later
"Okay ka ba dito?" nakangiting sabi ni Harmony kay Shaira.
"Oo naman." sabi ni Shaira.
"Mabuti. Siguro naman hindi ka na mamumublema." nakangiting sabi ni Harmony.
Ilang taon din ni Harmony hindi nakita si Shaira mula ng manganak ito. Kusa kasi itong lumayo at nagkaroon nga ng tsismis sa kanya na sinesante niya ito, pero ang totoo ng sumabog ang tsismis sa pagbubuntis nito sa isang director bigla itong naglaho.
"Salamat pala, kahit na iniwan kita sa ere at hindi kita napagtanggol tinulungan mo pa rin ako." sabi ni Shaira.
"Wala iyon. Nagpapasalamat nga ako nagpakita ka na." sabi ni Harmony.
Napangiti si Shaira, nahihiya siya sa idolo dahil nagawa niyang lumapit dito para humingi sana ng trabaho. Mula kasi ng manganak siya nagkanya-kanya na sila ng pamilya niya. Bumukod siya na naging dahilan ang pagtatakwil sa kanya ng sariling pamilya.
Namatay na rin kasi ang magulang niya kaya para sa kanya hindi na niya kargo ang mga kapatid na dati niyang binubuhay. Mas nais kasi niyang magpokos sa anak na si Franco.
"Hindi ko inaasahan na ipapasok mo ako dito sa magandang kompanyang ito." sabi ni Shaira.
"Nang tawagan mo ako saktong nag-open itong kompanya ng mga Canmore at sinabi ko kay Rye kung puwede ka na ilapit niya kay Autumn. Sumang-ayon naman siya at pasalamat na rin tayo kasi kasosyo si Autumn dit,. Ayoko naman kasi na ipasok ka sa El Casa at baka ano pang isipin mo sa lugar na iyon." sabi ni Harmony.
"Salamat talaga. Malaking tulong ito para sa amin ng anak ko." sabi ni Shaira.
Napangiti si Harmony, pero nakaramdam siya ng awa sa kaibigan. Tinatwa kasi ng director ang anak nito kay Shaira at ngayon mag-isang binubuhay ni Shaira si Franco.
"Huwag kang mag-alala. Okay ka dito, alam ko naman na kaya mo ang posisyon bilang HR Officer. Magaling ka sa mga tao at alam mong kumilatis. Isama pa na, madali kang lapitan." sabi ni Harmony.
"Salamat. Huwag kang mag-alala pagbubutihan ko ang trabaho ko." sabi ni Shaira.
....................
Months Later
"Tanggap ka na." nakangiting sabi ni Shaira kay Kyla ng kunin at ipasa niya ito bilang elevator operator at kahit over qualified ito hindi siya nagdalawang isip tanggapin dahil alam niya sa hirap maghanap ng trabaho ngayon at makipagsabayan sa mga fresh grad mahihirapan talaga ang babae sa harap niyang makipagkompetensya kahit na nga ba nakita niya sa CV nito, na dati itong supervisor ng El Casa.
"Salamat po Maam." sabi ni Kyla.
"Haha! Huwag mo na akong tawaging Maam kahit kapag tayong dalawa lang kasi nakakahiya sayo. Mas may pinag-aralan ka kaysa sa akin." natawang sabi ni Shaira na ikinangiti ni Kyla dahil sa opisinang iyon ang babaeng kaharap lang ang kakaiba Hindi mataas ang ere nito, hindi tulad ng ibang empleyado na feeling may-ari ng kompanya umasta, magsalita at kumilos.
Mga empleyadong naambunan ng suwerte para makapasok sa magandang kompanya.
"Okay sige. Sabi mo eh." nakangiting sabi ni Kyla.
"Good luck sa first day mo sa Lunes, kunin mo na lang ang uniform mo sa kabilang kuwarto at ganoon din ang ID mo." sabi ni Shaira.
Napatitig si Kyla sa babae, mukha hindi naman nalalayo ang edad nito sa kanya pero ang mga mata nito halatang puyat, ang pangangatawan ay payat, matangkad naman ito at maganda na masasabing asset naman ng kompanya.
"Huwag mo akong titigan naiilang ako." natawang sabi ni Shaira kay Kyla.
"Maganda ka kasi saka misteryoso ang awra mo, may nobyo ka na ba? O may nasungkit ka na ba sa kompanyang ito?" birong sabi ni Kyla.
"Wala akong balak mamick up ng lalaki sa kompanyang ito." sabi ni Shaira.
"Opppss. Sorry hindi iyon ang ibig kong sabihin." sabi ni Kyla.
"Okay lang. Ang sabi nila kapag nasa maganda kang kompanya isang opportunity iyon para makita mo si Mr Right. Si Mr Right na nakasuot ng Amerikana, guwapo, class at mayaman." sabi ni Shaira saka ito kinuha ang picture sa mesa.
"...pero hindi ko kailangan iyon. Sapat na sa akin ang anak ko." sabi ni Shaira sabay pakita ng larawan kay Kyla na ikinangiti ni Kyla ng makita ang batang lalaki sa larawan.
"Sa buhay nating mga babae, sa mundong ito, sa kalakaran na meron tayo, sa bansa kung nasaan tayo, ang babae kapag may anak na dapat magpokos na lang dito dahil wala ng seseryoso sa tulad kong dalagang ina, naanakan o tinatawag na disgrasyada." sabi ni Shaira saka ito napangiti.
"Mabubuhay ka para sa anak mo hindi para makakuha ng lalaking sa huli paglalaruan ka lang, iisahan o di kaya kukunin ang kahinaan mo.... at iyon ang..." udlot na sabi ni Shaira saka ito bumulong kay Kyla.
"....kahalayan na meron tayong lahat." pabulong na sabi ni Shaira na ikinatitig ni Kyla dito.
"Magtatrabaho ako, magpapaganda ako, at magpapakalusog ako para sa anak ko dahil tayong mga babae mangangarap sa isang fairytale lamang pero mamumuhay sa katotohanan na ang babae kailangan makipagsabayan sa lakas na meron ang lalaki lalo na at kulang ka na pero binuo iyon ng anak mo." sabi ni Shaira.
"Ang suwerte naman ng anak mo sayo." sabi ni Kyla.
"Masuwerte rin ako kasi may anak ako, bagay na hinangad ng ibang nabutas na lang basta." sabi ni Shaira.
"Pero alam mo, bakit hindi ka sumugal. Maraming single mother ngayon. Bakit hindi ba Karapatan mo rin mahanap si Mr Right? Hindi mo naman kasalanan na nakita ka ni Mr Wrong." sabi ni Kyla na ikinangiti ni Shaira.
"Maraming guwapo, mayaman at single sa kompanyang ito pero naniniwala ako sa single mother na tulad ko, sa babaeng may anak na at nakuha na ng iba ang tingin nila sa isang tulad ko ay game. Bagay na hindi ko hahayaan maging mitsa na parausan lang ng mga lalaking ang hanap ay sex sa dalagang inang tulad ko." sabi ni Shaira.
"Grabe ka naman. May seseryoso naman sa tulad mo." sabi ni Kyla.
"Ayoko mabuhay sa fairytale, gusto ko maging totoo, at hindi ko hahayaan na ang minsang pagpapaubaya ko at karupukan ko ay maulit.
Tama ng minsang binansagan akong mababaw na babae, disgrasyada at madaling makuha. Ang pagkakamali kapag hinayaan mong maulit hindi na iyon pagkakamali.... katangahan na iyon." sabi ni Shaira saka nito binigay ang folder kay Kyla na inabot naman ng dalaga.
"....mabubuhay ka, hindi para makaakit ng batong ipukpok uli sa ulo mo. Sa panahong ngayon at sa dumadaming bilang ng mga single mother...
...na sa tulad kong single mother, kailangan ko pahalagahan ang sarili ko para matuto din magpahalaga sa sarili niya ang anak ko.
.....isang kasalanan ang matupok sa apoy, pero hindi kasalanan na magbunga ang apoy na ikinadarang ko." nakangiting sabi ni Shaira na ikinangiti ni Kyla.
July 13, 2022 3.32pm
Fifth Street
Good night..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top