Kabanat 44 : Pagpapaubaya
Kabanata 44 : Pagpapaubaya
"Hello, Shaira." bati ni Dylan ng matapos ang presscon ng premier night ng pelikula.
"Hi." ganting bati ni Shaira na napatayo na ng lumapit si Dylan.
"Kumain na ba kayo?" sabi ni Dylan na napangiti ng mapatingin ito kay Franco.
"Hindi pa." sabi ni Shaira.
"Kumain muna tayo." sabi ni Dylan
"Ahmmm. May kasama kami, actually naghihintay na siya." sabi ni Shaira sabay tingin kay Gian na nakatingin sa kanya.
"Ganoon ba?" sabi ni Dylan na napatingin sa tinitingnan ni Shaira.
"Oo." sabi ni Shaira sabay tingin nito kay Franco.
"...hmmmn, anak umuwi na tayo." sabi ni Shaira sa anak
"Nanay puwede bang isama natin siya kumain." sabi ni Franco.
"Anak." sabi ni Shaira, at ng makitang papalapit si Gian hinawakan nito sa kamay si Franco.
"Uuwi na tayo." sabi ni Shaira sa anak.
"Nanay, kumain po tayo at isama natin si tatay." sabi ni Franco
Napatingin si Shaira kay Gian ng maramdaman na nasa likod na niya ito.
"Sige." sabi ni Gian na ikinatingin ni Dylan at Franco dito.
"Okay lang ba sayo?" nag-aalangang tanong ni Shaira kay Gian.
Napatingin si Gian kay Shaira at bumulong ito.
"Babantayan kita at hindi kita iiwan. Alam ko naman kasi na si Franco ang priority mo at hindi ako. Pero okay lang, ako na lang ang mag-aadjust tutal nag-adjust na ako simula pa lang. So, sasagarin ko na.... para sa pagmamahal ko sayo." bulong ni Gian na ikinatitig ni Shaira dito.
Napabaling ang tingin ni Gian kay Dylan saka ito napangiti nagsalita
"Iniimbitahan ka namin makisalo sa late dinner ng family KO." nakangiting diin na sabi ni Gian na ikinangiti ni Dylan.
"Salamat." sabi ni Dylan.
"Yes! Tatay, halika na po." masayang sabi ni Franco sabay hawak sa kamay ni Dylan na ikinatingin ni Gian sa batang lalaki.
Pero bahagyang nagulat si Gian ng tingnan siya ni Franco.
"Salamat, tito Gian." nakangiting sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian ng tawagin siyang tito ni Franco na tila nag-level ang tawag nito sa kanya.
"Halika na at mukhang gutom na kayo." nakangiting sabi ni Gian saka nito ginulo ang buhok ni Franco na ikinangiti nito.
"Tatay halika na." sabi ni Franco at nauna itong umalis hila si Dylan na nagpatianod sa paghila ng batang lalaki.
"Salamat." mahinang sabi ni Shaira kay Gian.
"Wala iyon. Halika na." sabi ni Gian saka nito inakbayan si Shaira na ikinangiti ng dalaga.
..................
Hours later
Restaurant, Ikalawang Bayan El Paradiso
"Nanay sasama po ako." sabi ni Franco ng anyayahan siya ni Dylan na sumama sa bahay nito ng gabing iyon ng papauwi na sila matapos kumain.
"Ayoko anak." sabi ni Shaira na bakas ang pag-aalala.
"Shaira, pahiram lang ako. Iuuwi ko rin siya bukas ng hapon. Payagan mo na, babawi lang ako." sabi ni Dylan.
"Ayoko." sabi ni Shaira sabay yakap sa anak
"Nay, okay po ako. Sumama ka na kay tito Gian. Uuwi naman po ako bukas." Sabi ni Franco
Napatingin lang si Gian sa tatlo habang nag-uusap. Nang makarating sila sa restaurant si Dylan at Franco lang ang nagkukuwentuhan na halatang masaya ang batang lalaki, hindi naman niya nakitaan ng pagkainis si Dylan sa maraming katanungan ni Franco. Marami ngang napagkuwentuhan ang dalawa at sa pakikinig ni Gian nalaman niyang maraming pagkakahawig ang hilig ng dalawa na isa na namang ebidensya na hindi makakailang mag-ama ang dalawa.
"Anak ayoko at kapag hindi ka sumama sa akin pauwi, hindi ako aalis." sabi ni Shaira.
"Shaira, pagbigyan mo na ako. Pangako hindi ko siya pababayaan. Babawi lang talaga ako, kung hindi nga lang ako nahuli gusto kita isama kaso...." sabi ni Dylan saka nito tiningnan si Gian
"....meron ka na pala." sabi ni Dylan habang nakatingin kay Gian pero muli itong bumaling ng tingin kay Shaira.
"Pero okay lang, siguro nga way din ni God para hindi ka rin masaktan kapag nawala ako, atleast nakahanap ka na kahit wala na ako." sabi ni Dylan.
"Dylan, iba ka at iba si Gian." sabi ni Shaira na ikinakunot noo ni Gian.
"Alam ko, pero sana pumayag ka na isama kahit ang anak ko. Ibabalik ko naman si Franco sayo. Pangako, bukas ng hapon nasa bahay niyo na siya. Please, pagbigyan mo na ako makasama ang anak ko." sabi ni Dylan.
"Nanay, pasamahin mo na po ako. Babalik naman ako, at uuwi ako sa bahay bukas." sabi ni Franco.
Napatingin si Shaira kay Dylan at Franco, ayaw niyang mahiwalay kay Franco kaya napatingin siya kay Gian.
"Gusto mo rin sumama?" seryosong sabi ni Gian na inunahan na ang nasa isip ni Shaira ng makita ang kalituhan sa mukha nito.
Napatitig si Gian kay Shaira, nahihirapan ito mamili at magdesisyon dahil sa anak nito.
"Gian, hindi." sabi ni Shaira.
"Nay, sumama ka na kay Tito Gian. Gusto ko maging masaya ka at gusto ko kompleto kayo. Ikaw ang kapatid ko at ang tatay niya." biglang sabi ni Franco na ikinabaling ng tingin ni Shaira dito.
"Anak, ayoko malayo ka sa akin." sabi ni Shaira na pakiramdam niya hindi na babalik si Franco.
"Shaira, ibabalik ko siya." sabi ni Dylan habang nakamasid lang si Gian sa tatlo.
"Sorry 'nay kung hindi ako makakasama, kailangan ako ng tatay ko. Gusto ko po maramdaman kahit sa kaunting sandali iyong pagmamahal ng isang ama." sabi ni Franco na ikinatingin ni Dylan sa anak.
"Anak." sabi ni Shaira na nahihirapan.
"Nay may sakit siya, at gusto ko nasa tabi niya ako hindi man buong araw na kasama kahit sana sandali." sabi ni Franco.
"Shaira, hindi ko siya pababayaan. Hayaan mo may doctor naman ako at nurse na kasama. Hindi siya mahahawa kung nag-aalala ka." sabi ni Dylan.
"Direk, hindi sa ganoon." sabi ni Shaira.
napahingang malalim si Gian tapos na sila kumain, na dalawnag oras din tumagal kanina dahil sa mahabang kuwentuhan ng mag-ama, at ngayon naroroon pa rin sila dahil sa pag-uusap na iyon.
"Nanay, please po." sabi ni Franco sabay yakap sa ina.
"Anak, hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko." sabi ni Shaira.
"Si nanay naman, isang gabi lang naman tapos bukas ng hapon nasa bahay na ako." napangiting sabi ni Franco.
"Payagan mo na." nakikiusap na sabi ni Dylan.
Napatingin si Shaira kay Gian na kanina pa tahimik na halatang nagpapaubaya lamang ito sa pag-uusap nilang tatlo.
"Okay." sabi ni Shaira
"Anong okay?" sabi ni Dylan pero nanatiling nakatingin si Shaira kay Gian.
"Gian, puwede bang sumama muna ako." sabi ni Shaira na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Nanay." nagulat na sabi ni Franco na ikinatingin ni Dylan kay Shaira.
"Okay." seryosong sabi ni Gian at hindi na ito naghintay ng sasabihin ni Shaira. Mabilis itong tumayo at umalis.
"Gian." sabi ni Shaira at ng hindi lumingon si Gian napatingin ito kay Dylan.
".....sandali lang susundan ko lang." sabi ni Shaira na ikinatahimik nila Dylan at Franco.
Malalaking hakbang ang ginawa ni Gian, dahil sa lahat ng ayaw niya ang makipagkompetensya kahit saan o kahit na ano o kanino. Mahina siya doon lalo na ngayon dahil bukod sa may anak si Shaira kay Dylan, lahat si Dylan ang una kay Shaira at ang higit sa lahat may sakit ang ama ni Franco.
"Gian!" hinihingal na tawag ni Shaira na ikinatigil ni Gian sa mabilis na paglalakad ng mabakas ang paghingal sa boses ng nobya.
"Sandali lang." hinihingal na sabi pa ni Shaira na lakad takbo ang ginawa mahabol lang si Gian.
Napalingon si Gian at hinarap ang nobya.
"Huwag ka ng magalit." hinihingal na sabi ni Shaira ng maabutan si Gian at ng humarap ito sa kanya
"Hindi ako galit, ako na uli ang mag-aaadjust. Sumama ka na sa kanila." sabi ni Gian.
"Galit ka." sabi ni Shaira.
"Shay, oo galit ako pero ayoko makipagtalo sa alam kong malabo akong manalo. Kaya sige, magbibigay ako. Alam ko naman uli na, si Franco ang nasa utak mo at ayokong makipagkompetensya sa bagay na iyon dahil siguro may ina din ako, at ako din ang pinipili niya, ang priority niya kaya sige habang nauunawaan ko aatras ako at papaunahin ko lahat ng gusto mo." sabi ni Gian.
"Gian." sabi ni Shaira.
"Pumasok ka na sa loob at uuwi na ako." sabi ni Gian.
Hindi umimik si Shaira pero hindi naman ito gumalaw o kumilos.
Napahingang malalim si Gian saka nito hinawakan sa magkabilang braso si Shaira.
"Nauunawaan kita, ang sabi ko naman sayo mahal kita at minahal kita kung ano ka ng dumating sa akin, at mamahalin kita sa paraan ng pagsuporta ko sayo. Hindi dahil pinamimigay kita kundi gusto ko hindi ka mahirapan pumili o magdesisyon na mahahati ka.
Mahal kita, at handa akong maghintay hanggang dumating ang araw na sumama ka sa akin, kahit ng alam kong malabong piliin mo ako. Dahil uulitin ko, minahal kita kasama ng anak mo, kasama sa pagtanggap ko sayo ay kung anong priority mo." sabi ni Gian saka nito hinalikan sa noo si Shaira.
Napahingang malalim si Gian dahil hanggat maaari ayaw niyang magalit at pinipigilan niya magselos.
"Galit ako, nagseselos ako, nagiging totoo lang ako pero kasama sa katotohanan na nararamdaman ko ay ang tanggapin kung saan ako lulugar sa buhay mo, sa priorities mo at sa level ng relasyon natin. Pinipigilan ko ang pangit na nararamdaman ko para hindi kita masaktan, para maunawaan kita... at ang ang priority mo." sabi ni Gian.
"Gian, mahal kita pero hindi ko kaya mawala ang anak ko kahit isang araw." sabi ni Shaira.
"Alam ko, dahil nakikita ko at naramdaman ko ang pagmamahal mo bilang ina katulad sa nanay ko ng ako rin ang pinipili niya lagi. Bakit ko kukuwestiyunin ang bagay na naramdaman ko rin dati.
Haysss! Sige na bumalik ka na, mahamog na baka mapaano pa kayo ng baby." sabi ni Gian saka ito napangiti.
"Salamat." sabi ni Shaira.
"Oo." nakangiting sabi ni Gian saka nito pinakawalan si Shaira.
"Bukas ng hapon, nasa unit na kami." sabi ni Shaira.
Napangiti si Shaira saka ito tumalikod na ikinatiim ng bagang ni Gian ng hindi na lumingon si Shaira.
.....................
Two weeks later
Canmore Tower
Kanina pa lumilingon lingon si Shaira sa paligid nagbabakasakaling makita si Gian. Dalawang linggo na niyang hindi nakikita ang binata dahil hindi na niya ito nakita mula ng nakausap niya ito sa restaurant matapos ang Premier Night ng pelikula na dinirek ni Dylan.
Hindi din kasi sila umuwi ni Franco kinabukasan ng hapon na iyon, at nagsinungaling siya sa anak niya na nagpaalam at sumang-ayon si Gian na doon muna sila tumira sa bahay ni Dylan.
"Asar." napahingang malalim na sabi ni Shaira.
Nakaopisina siya sa loob ng opisina ng nobyo, pero hindi ito nagpapakita o pumapasok doon.
"Nasaan na kaya iyon?" napahingang malalim na sabi ni Shaira sa isip.
Muli siyang sumulyap sa paligid, wala ng ibang nag-oopisina sa palapag na iyon kundi tatlo na lamang, siya, ang presidente ng kompanya at ang secretary nito na absent din ngayon dahil buntis din ito.
Nagtungo si Shaira sa loob ng opisina ni Gian. Pumasok siya doon at naupo sa mesa niya. Pakiramdam niya nasa kagubatan siya, sobrang tahimik. Wala kasi siyang kasama, kabababa lang din ng utility na naglilinis roon.
Napasandal si Shaira sa upuan saka muling napabuntung hininga. Tinatawagan niya si Gian mula ng hindi sila umuwi ni Franco ng araw na iyon, pero hindi na ito sumasagot. Sinubukan niyang tawagan araw-araw pero nanatiling nagriring ang cellphone nito.
Ang sabi naman ni Rio ng tanungin niya nasa Pinas pa rin ang binata at iyon ay ayon sa pagkakaalam nito.
"Nagalit." sabi ni Shaira sa isip na kahit naman siguro sino magagalit lalo na kung nobyo mo. Habang ikaw ay kasama ang tatay ng unang anak mo. Kahit sabihin ng may sakit ito at malabong maulit ang lahat ng nakaraan, iba pa rin siyempre ang dating.
"Haysss! Bahala na. Masaya naman si Franco." sabi ni Shaira na sa dalawang linggo na nakatira sila kay Dylan nakita niya ang kakaibang saya sa anak at ayaw niyang ipagkait iyon o ipagdamot.
"Dalawang linggo, at dalawang linggo ka rin na hindi nagparamdam." sabi ni Shaira sa isip. Pumapasok siya sa opisina dahil ang balak nga niya kausapin si Gian para magpaalam na mag-eextend sila mag-ina sa bahay ni Dylan pero hindi na nga nagpakita si Gian mula ng hindi sila umuwi sa napag-usapang araw sa unit nila ng anak na tinutuluyan.
"Nasaan ka na kaya? Anong ginagawa mo?" sabi ni Shaira na sa buong dalawang linggo mag-isa siya sa loob ng opisinang iyon, at walang bakas ni Gian.
"Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Anak o nobyo? Nobyo... fiancé. Tsss! Saan ba ako lulugar?" sabi ni Shaira sabay tingin sa paligid.
Nang ilang sandali pa sa pag-iisip nito nabaling ang tingin niya sa kuwartong naroroon kung saan sila nagtalik ni Gian.
"Nakakamiss ka naman." sabi ni Shaira saka nito kinapa ang puson na nakaumbok na.
Tumayo si Shaira at naglakad, at ng matapat siya sa pinto ng kuwarto sa loob ng opisinang iyon napahinto siya.
"Umuwi ka na kaya sa inyo? Babalik ka kaya?" sabi ni Shaira at wala sa loob na pinihit niya ang doorknob na sa dalawang linggong nag-iisa siya sa opisinang iyon ngayon lang niya naisipan tingnan ang loob nito.
"Bukas." nagtatakang sabi ni Shaira saka ito sumilip sa loob ng kuwarto. Madilim, malamig at napakunot ang noo ni Shaira ng maramdaman na parang may tao.
"Hindi kaya nandito ka lang?" sabi ni Shaira sa isip.
Pumasok ito ng tuluyan at dahan-dahan sinara ang pintuan at ng masanay sa dilim ang kanyang mga mata nakaramdam siya ng lungkot ng makitang walang tao.
"Walang tao." sabi ni Shaira pero bakas ang pagdududa at pagtataka dahil bukas ang aircon o siguro hinayaan lamang na naka-on iyon.
"Nakakamiss ka naman." sabi ni Shaira saka ito humiga sa kama at tumingin sa ceiling.
"Wala akong tulog, kakaisip sayo, kay Franco, sa ating dalawa, sa anak natin, sa mangyayari." sabi ni Shaira.
"Nasaan ka na?" sabi ni Shaira sabay pikit nito. Ilang minuto nasa ganoong ayos si Shaira ng biglang may nagsalita.
"Kamusta ang bakasyon mo sa ex mo?"
Napabalikwas si Shaira ng marinig ang nagsalita at sa pagbaling nito ng paningin sa pinanggalingan ng tinig napalunok ito ng makita ang dalawang linggong hindi niya nakitang nobyo.
"Nakapag-isip ka na ba? Kasi paalis na ako." seryosong sabi ni Gian na ikinatingin ni Shaira sa tabi ng binata at napalunok ito ng makita ang maleta nito.
"Uuwi na ako at hindi na ako babalik." seryosong sabi pa ni Gian na ikinalunok ng sunod-sunod ni Shaira.
Napatitig si Shaira kay Gian ng muling magsalita ang binata.
"Ayokong pahirapan ka, pero kailangan ko malaman ang sagot mo kung sasama ka sa akin. Ako naman mag-iimbita sayo sa lugar ko...
.... kasi hindi na ako babalik." napaluhang sabi ni Gian na ikinalunok pa lalo ni Shaira.
July 29, 2022 5.27pm
Fifth Street
Good night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top