92

Online Journal

Erie,

Ang kapal talaga ng mukha niya. Sobrang kapal talaga.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Puwede namang maghiwalay bakit kailangan mag loko pa para umabot sa gano'n? Naiinis ako... naiinis ako kasi bakit parang hindi siya nag iisip ng tama? Dalawa na nga ulo niya pero parehas na 'di gumagana.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Tumawag siya sa akin sa cellphone kanina. Sinagot ko. Doon na ulit kami nag kausap, sinabi niya na lahat ng mga gusto niyang sabihin sa akin na di niya nasabi noong kasama ko si Magnus. Ang kapal lang talaga ng mukha niya. Parang gusto ko siyang sampalin.

Akala ko hindi ako iiyak... pero akala ko lang pala hahahaha. Hindi ako nasaktan dahil nag break kami, kasi alam ko naman sa sarili ko at tanggap ko na hindi naman na talaga siya yung Jace na minahal ko noon.

Hindi na niya ako magawang matingnan ng matagal sa tuwing gagawin namin ang bagay na 'yon dahil sa mga peklat sa katawan ko. Tinawanan ko na lang siya. Na para bang magandang dahilan 'yon para lokohin ako.

Pero ewan ko ba. Bahala na. Ang mahalaga wala na siya sa buhay ko at tapos na kami.

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top