90

Leave!

Valerie's

"Ang pricey 'no?" tanong ko sa kan'ya at mahinang tumawa.

Katatapos lang namin kumain at heto pauwi na kami sa unit namin. Si Magnus ang nanglibre... at ako naman ay tig isa kami ng soft mango ice cream. Habang naglalakad kami pabalik sa building ng condo ay naubos na rin naman 'yon.

"Xiao Long Bao?"

Tumango ako. "Oo. Pero worth it naman... sobrang sarap," sagot ko.

Mabilis lang din kami doon dahil may mga pasok kinabukasan. Naging magaan ang nangyaring dinner sa Din Tai Fung. Nababanggit niya na rin na hanggang ngayon ay pumupunta pa rin siya sa therapist nito. Hindi niya tinitigil. Napapansin ko na rin ang unti-unting nagiging okay na siya.

Pero hindi ko alam... ayaw kong magsalita ng 'di pa tapos. Gusto ko na manggaling sa bibig niya na okay na siya. Na magaling na siya... na malaya na siya sa mga bagay na bumubulong at lumilikot sa isipan niya.

"P'wede kitang gawan ng gan'yan sa susunod."

Natigilan ako sa paglalakad sa sinabi niya. Inangat ko ang paningin at namamanghang tiningnan siya.

"Talaga ba? Dapat pala gumawa na lang tayo ng gano'n."

Mahina siyang natawa. "That's okay. Isipin na lang natin na for experience 'yon dahil kumain tayong dalawa roon."

Napailing na lang ako at mahinang tinulak ang kan'yang braso. Natawa na lang din siya dahil doon, hinatid niya muna ako sa tapat ng unit ko at hinintay na makapasok sa loob bago siya umalis.

"Thank you, Magnus. Salamat sa treat mo-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita nag kabuuhan ng sala. Pati si Magnus ay napasilip din doon. Makalat at may dalawang maliit na maleta na nakatayo sa gilid ng sofa. Nagkatinginan kaming dalawa at tipid ko na lang siyang ningitian dahil alam ko naman na si Jace 'yon-

"I'm coming with you," seryoso niyang sabi at pumasok na sa loob.

Napabuntong hininga na lang ako. "Okay na, Magnus. Maglilinis na muna ako-"

"Jace..."

Pakiramdam ko para akong nabingi nang makarinig ng boses ng isang babae... at ang pinaka mabigat pa sa dibdib no'n ay parang nanggaling pa sa loob ng sarili kong kuwarto.

Mabilis akong nag lakad at nagtungo roon para ikumpirma. Maski si Magnus na nakikipag usap sa akin ay hindi na nakapagsalita sa tabi ko. Sinubukan kong pihitin ang door knob, mukhang umaayon sa akin ang oras ngayon at hindi pa nga 'yon naka lock.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago malakas na binukasan 'yon. At 'yon na nga... napapailing na lang ako habang pinag mamasdan silang dalawa ng babae niya sa ibabaw ng kama ko.

"Valerie!" sigaw ni Jace.

Napitili ang babae at gamit pa ang sarili kong comforter para 'yon ang gawing pang takip sa hubad niyang katawan.

Ilang beses ko ng hinihiling na bigyan ako ng sign para hiwalayan si Jace... at mukhang ito na nga 'yon. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na kunin 'yon ngayong ayaw ko na rin talaga sa kan'ya.

"Lumayas kana dito, Jace," mahinahon kong sambit sa kan'ya at tinalikuran na sila.

"Valerie, wait!" habol niya sa akin.

Sumunod si Magnus sa akin hanggang sa makarating kami sa sala. Nakalabas din agad si Jace ng may suot na boxer. Hindi pa nga maayos ang pagkakasuot dahil sa kamamadali. Bakas na bakas ang gulat sa muhka niya dahil nahuli ko siya.

Ang kapal talaga ng muhka niya na sa kuwarto ko pa talaga sila gagawa ng milagro.

"Tutal hindi mo pa naman nailalabas 'yang mga damit mo sa maleta mo, dalhin mo na 'yan kapag aalis ka na-"

"Valerie naman, mag eexplain ako-"

"Anong ieexplain mo, Jace? Nahuli na kita," mariin kong sambit sa kan'ya. Mahina akong natawa at napapailing na tiningnan siya. "Matagal na rin kitang gustong hiwalayan kung alam mo lang... nag titiis na lang ako at nag hihintay ng sign para gawin 'yon. Dapat ba 'kong magpasalamat sa ginawa mo? Kasi mahihiwalayan na kita?"

"A-akala ko night shift ka..."

"Ngayon alam mo ng pang umaga ako." Tinalikuran ko na siya at hinila ang maleta niya para makaalis. Mabilis akong napatiningin sa babae na nakalabas na sa kuwarto ko.

Nakabihis na at nakasakbit ang bag sa balikat. Hindi ko na siya pinigilan pa ng kumaripas ito ng takbo palabas ng unit. Gusto ko ng tapusin 'to dahil pagod na pagod na ako. At higit sa lahat nakakahiya sa mga nakatira rito sa ibang unit kung maririnig ang away namin lalo na rin kay Magnus na tahimik sa tabi ko.

Habang hinihila ko ang maleta ni Jace ay siya naman ang tagapigil.

"Valerie... mapaguusapan naman-"

"Ano ba!" singhal ko sa kan'ya. "Hindi ka ba nakakaintindi na lumayas ka na?! Ang kapal din ng muhka mo na mag sex kayong dalawa at sa sariling kama at kuwarto ko pa!" Malakas ko siyang tinulak at pinanlisikan ng mga mata. "Dami mong oras para hiwalayan ako pero 'di mo pa ginawa. Alam naman nating dalawa na wala na, eh. Kapag gano'n, hiwalayan na hindi yung magloloko ka pa!"

Akala ko iiyak ako... akala ko hahagulhol ako sa harapan niya pero hindi pala. Bakit ganito? Bakit wala akong maramdaman. Bakit parang namamanhid ang emosyon ko ngayon? Ang gusto ko na lang mangyari ay mawala na 'tong si Jace sa harapan ko.

"Ano? Bakit hindi ka makasagot? 'Di mo magawa kasi alam mong wala kang ilalabas na pera rito." napapailing na tiningnan ko siya at tinuro ulit ang labas. "Umalis kana. Tapos na tayo, matagal ko ng tinanggap na wala ng tayo. Ang hindi ko lang matanggap na dinungisan niyo yung kwarto at sarili kong kama sa pagiging hayok niyo sa isa't isa."

Nilapitan ko siya at mariin na tiningnan habang nakatingala sa kan'ya. "Hindi ko kasalanan na naghanap ka ng iba dahil lang sa hindi na ako pumapayag sa gusto ko. Kung sa tingin mo na mag mamakaawa ako sa 'yo na huwag kang aalis, pwes nag kakamali ka. Lumayas ka na."

Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatingin sa akin. Alam ko... alam kong bakit hindi siya makapagsalita. Dahil nandito si Magnus. Sa loob ng ilang taong pagsasama naming dalawa ni Jace rito ay kilalang kilala ko na ang ugali niya.

Nakakahiya. Nakakahiya tuloy kay Magnus na makita 'tong pang yayaring 'to. Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa amin at nakikinig. Gusto ko na nga rin siyang paalisin ang kaso ewan ko... bakit may tumutulak sa akin ng huwag munang gawin 'yon.

"Umalis. Ka. Na," matigas kong sambit sa kan'ya.

Tinulak ko ang dibdib niya palabas ng unit pero nahuli niya ang kamay ko para itulak din ako. Mabuti na lang at nasa likuran ko si Magnus kaya siya ang nakasalo sa akin.

"Aalis na nga hindi ba!"

Mahina akong natawa. "Ikaw na nga nahuling nag loko ikaw pa ganang magalit. Ang kapal talaga ng mukha mo."

"You didn't have to push her-"

"Manahimik ka!" singhal ni Jace kay Magnus. "Away magka relasyon 'to, puwede ba? Bakit ka ba nakikisawsaw?" hilaw siyang tumawa at tumingin sa akin. "Sasabihin mo pa na ako manloloko eh isa ka rin naman. Ako may babae at ikaw may lalaki? Hindi ka na rin naiba sa ating dalawa, Valerie. You're a cheater also."

Napabuga na lang ako ng hangin. "Isipin mo na kung anong gusto mong isipin sa akin, Jace. lumayas ka na, parang awa mo na. 'Yon na lang ang gusto kong gawin mo. Para matahimik na rin ako kakaisip sa ibang bagay tungkol sa 'yo. Nakakasawa na, puro nalang tayo nag aaway, eh."

Kaunti na lang ay alam kong mauubusan na rin ako ng pasensya dahil nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko. Sa inis ay malakas ko siyang tinulak at tuluyan na siyang nakalabas ng bahay.

"Hindi kailangan ng explanation ng mga nahuhuling manloloko sa relasyon, Jace. Kung ano ang nakita ko kanina sa kuwarto ay 'yon na 'yon. Huwag mo 'kong gawing tanga dahil alam nating dalawa na parehas niyo 'yong ginusto," malamig kong sabi sa kan'ya at pabagsak na sinarado ang pintuan sa harapan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top