84
Online Journal
Erie,
Mabuti na lang nandon si Magnus. May mga matatanda talaga na insensitive 'no? Hindi ko naman sinasadya na makita niya yung peklat sa pulsuhan ko tapos pinapagalitan na ako. Nagpupumilit siya na subukan kong magsimba at maghingi ng tulong pero nakakatakot na siya. Umaabot na sa point na inaawat na siya ng guard sa supermarket.
Nanginginig talaga yung kamay ko hahaha grabe. Mabuti nakahanap agad ng wala masyadong tao na coffee shop si Magnus. Nakapagusap kami ng masinsinan at nakapag open up ako, pero nung napansin niyang medyo naiilang na ako saka na siya nag aya na umuwi at mag babake na raw kami.
Habang nag babake kami nagawa ko ng mag open up sa kan'ya. Lahat... lahat ng sugat at bigat sa dibdib ko.
Xoxo,
Valerie.
***
Online Journal
Erie,
Maganda ang nagiging kalabasan ng pag te-therapist ni Magnus. Nakikita ko na yung masayahing side niya. Naririnig ko na rin kung paano siya tumawa... pero ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko 'yon parang bumabagal ang ikot ng mundo ko. Parang may kumikiliti sa tyan ko nung narinig ko for the first time yung tawa at hagikhik niya.
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top