76
Online Journal
Erie,
Ngayon na lang din kami nakapag usap ni Magnus ng masinsinan, Erie. at paunti unti na siyang nagoopen up sa akin. Masaya naman ako dahil nagawa niya 'yon. Alam ko kasi na may mga ibang tao na natatakot na mag open up tungkol sa mga problema nila lalo na sa kahinaan nila dahil may mga taong nag tatake advantage sa kanila.
Nakakaproud lang dahil nakapagsabi na siya sa akin. Ibig sabihin no'n, pinagkakatiwalaan niya ako. People who trying to talk and open up some of there problems it's like they sharing some of there fragments... a special and fragile fragments of themselves.
Kaya dapat maging maingat... dapat alam mo kung paano pangalagaan yung tiwala na binigay nila sa atin.
Xoxo,
Erie.
***
Online Journal
Erie,
Civil engineering pala ang natapos ni Magnus. At sa unang beses na sumubok siya sa bar exam ay hindi siya nakapasa. Okay lang naman daw, tanggap naman niya raw na hindi sa lahat ng bagay ay nakukuha sa unang pagkakataon. Ramdam na ramdam daw ni Magnus yung pressure na nararamdaman niya dahil isang sikat na engineer ang tatay niya.
Dela Cuesta Build & Firm Corp. Ayan ang pangalan ng kumpanya ng pagmamay ari ng ama niya. Kaya naman pala sobrang pamilyar ng apelyido niya.
Sumubok ulit si Magnus, Erie, at sa pangalawang pagkakataon hindi na naman siya pumasa. Doon na nagkagulo raw sa bahay nila. Nabanggit ni Magnus sa akin na nag away sila ng ama niya hanggang sa inatake sa puso ang ina niya dahil sa pangyayaring 'yon.
At hanggang ngayon... iniisip niya na siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang ina niya.
Xoxo,
Valerie.
***
Online Journal
Erie,
May tiwala ako kay Magnus, Erie. Alam ko na ngayong pagkakataon ay makakapasa talaga siya. Siguro... may mga bagay lang talaga na matagal natin makuha yung mga gusto natin dahil malay natin... malaki at sobra sobra ang saya na kapalit no'n. Pero sana... sana... magiging worth it ang lahat ng mga 'yon.
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top