70
Online Journal
Erie,
Hindi ko alam na may katigasan din pala ang ulo ni Magnus, Erie. Uhmm... ayaw niya na yung tita ang nagaasikaso sa kan'ya pero kapag ako okay lang?
Xoxo,
Valerie.
***
Online Journal
Erie,
Ang totoo n'yan ay hindi pa rin talaga okay si Magnus, Erie. Nanghihina parin ang katawan at sobrang payat pa rin. Yung tita naman niya ay hindi naman puwede na laging nandito sa unit ni Magnus dahil may trabaho siya. Kaya ako ang nag aasikaso sa kan'ya ngayon.
Malungkot at walang buhay pa rin ang mga mata niya. Gandang ganda ako sa kulay ng mga mata niya pero kung tititigan mo ng matagal... alam mong may tinatago at may dinadalang lungkot ang mga 'yon.
Mahirap din siya pakainin kaya pinagtatyagaan ko na pakainin siya sa niluto ko. Yung tita niya pala ay nag hire rin ng cleaner sa buong unit para kay Magnus. Napangiti na lang ako habang iniisip ko 'yon dahil mahal na mahal siya ng tita niya.
Sana maging okay na siya. Sana maging okay na si Magnus.
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top