65

Magnus?

Valerie's

Awtomatikong umangat ang paningin ko nang makarinig ako ng maraming boses sa labas ng unit ko. Alam kong hindi naman 'yon sa mismong sa labas talaga ng pintuan ko. Kunot noo kong pinatay ang cellphone at pinatong 'yon sa side table na nakapuwesto sa sofa at tumayo para tingnan kung anong merong kaguluhan sa labas.

Binuksan ko ang pintuan ng makarating doon at pasimpleng sumilip para makita ang nangyayari.

"Ma'am, sigurado ba kayo sa sinabi niyo? Nakakahiya naman din kasi po sa management nitong condo kung pati sila ay idadamay rito-"

"Anong klaseng pulis ka ba, ha? Yung pamangkin ko ilang araw ng hindi pumapasok sa trabaho niya! Maski text at tawag ko wala akong sagot na nakuha. Kaya ako nagpapatulong sa inyo para buksan 'yong unit niya para hindi ako masabihan ng trespasser?! Naiintindihan mo ba, ha!?"

Napalunok ako at dahan-dahang lumabas sa unit habang nakatingin pa rin sa kanila.

"Magnus, anak! Buksan mo 'tong pintuan kung nand'yan ka!"

Napapikit ako ng sunod-sunod na kalabog ang narinig ko dahil sa pag hampas ng tita ni Magnus sa nakasaradong pintuan. Ilang beses akong napakurap hanggang sa hindi na napagilan ang sarili na lapitan sila. Parehas silang napatingin sa akin pati na rin ang isang pulis.

"Uhmm... maganda hapon po. I'm Magnus' friend. Ako po si Valerie..." pagpapakilala ko at nahihiya pa.

Napabuga ng hangin ang tita ni Magnus. "Valerie, nice too meet you. Nasubukan na bang mag reply ni Magnus sa 'yo? Kung naguusap din kayo sa cellphone. Ilang raw na akong nag aalala sa pamangkin ko dahil wala na akong kahit anong balita sa kan'ya."

Mabilis akong umiling. "Hindi po. Ang totoo niyang nag aalala rin ako. Hindi rin po siya nag rereply sa mga text ko pati na rin ang tawag-"

"Excuse me. Nandito na yung susi. Buksan na natin 'to. Wala magagawa ang pag hampas mo sa pintuan, Miss. nakakaabala tayo sa ibang nakatira rito. May mga estudyante rin dito."

Umatras ako at inabangan sila na buksan ang pintuan ng Unit ni Magnus. Nagmamadaling pumasok ang tita ni Magnus at sumunod din ako dahil gusto kong makita kung ano ang kalagayan niya ngayon. Pero hindi pa ako tuluyang nakapasok sa loob ng unit niya ng may humiklat sa braso ko.

"Hindi ka puwede rito, miss," pigil sa akin ng isang pulis, siya ang nagdala ng susi rito.

Matiim ko siyang tinitigan at tinanggal ang kamay sa aking braso. "Kaibigan ako ni Magnus," madiin kong sagot.

Tinalikuran ko sila agad at tuluyang pumasok sa loo-anong nangyari...

"Diyos ko po, bakit ang kalat dito..." rinig kong bulong ng tita ni Magnus.

Napaatras ako at napakurap nang maraming beses habang pinagmamasdan ang estado ng sala nito. Sobrang kalat. May kakaibang amoy na rin na nanggagaling sa kusina. Ang mga pinagkainin ay hindi man lang nahugasan na sa tingin ko sobrang tagal na no'n na nakatambak doon. Kahit saan ako tumingin, sa lahat ng sulok ng salang 'to ay may mga kalat talaga.

Habang pinagmamasdan ko ang mga 'yon ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Anong ginawa niya...

"Magnus, buksan mo ang pintuan! Nandyan ka ba, anak? Magnus!"

Para akong nabalik sa reyalidad nang marinig ang malakas na boses ng tita ni Magnus. Nakapasok na pala ang dalawang pulis. Nagtulong tulong sila na sirain na ang pintuan dahil pati sila ay hindi na rin maganda ang kutob.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naramdaman ko na ang panginginig ng kamay ko. Ang paa ko ay parang nag aatras abante kung papasukin ko rin ba ang kuwarto niya o hindi. Natatakot ako... bakit natatakot ako na pasukin 'yon kapag nabuksan na?

Kasi baka wala ng buhay si Magnus sa kuwarto niya?

"Magnus!"

Tuluyan ng nagiba ang pintuan.

Parang may sariling utak ang mga paa ko. Tinulak ko ang dalawang pulis na nag unahan sa pagpasok sa loob. Sumalubong sa amin ang kuwarto niyang madilim at tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa buong kuwarto nito.

"Magnus! Magnus!" sigaw ng tita niya habang niyuyogyog si Magnus.

Nakababa na hanggang sa baywang nito ang comforter na itim at doon ko nakita kung gaano kapayat ito. Pakiramdam ko para akong nanghina sa nakita ko. Nagsimulang magtuliro ang utak ko. Narinig ko ang pag sigaw ni tita niya na tumawag ng ambulansya dahil hindi nagigising si Magnus.

Parang bumagal ang ikot ng mundo ko habang nililibot ang buong paningin sa kabuuhan ng kan'yang kuwarto. Malamig. Puno ng sigawan. Malakas na hagulhol ng tita ni Magnus. Mga boses ng pulis. Hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang puting bote na nakapatong sa bedside table nito.

Nanginginig ang kamay ko na dinampot 'yon at binasa dahil sobrang pamilyar ang lagayan na 'yon. Bakit pamilyar sa akin? Dahil nagawa ko ng lumaklak ng gamot na 'to para tapusin ang sarili ko.

Sleeping pills. Alam kong mamamatay na ako no'n, nararamdaman ko na 'yon. Pero dahil kay Jace hindi natuloy. Pilit niya akong pinaduwal habang wala akong malay para maisuka ko ang gamot, at nangyari nga 'yon.

Inalog ko ang lagayan at nalaman na halos kaunti na lang ang laman no'n. Nakalagay sa lagayan ng sleeping pills ay 60 pieces ang mga tableta na naroon. Pero sobrang gaan na ng lagayan. Kaya alam kong nainom na niya ang mga 'yon. Tuluyan kong naibagsak ang hawak ko at nanginginig ang katawan ko na nilapitan si Magnus.

"Magnus?" mahina ngunit gumagaralgal ang boses ko ng banggitin ang pangalan niya.

Sa bawat pag hakbang ko... sa bawat pag hakbang ng mga paa ko patungo sa kama niya, kung saan siya ngayon nakahiga. Parang hinihila ang paa ko ng sahig. Pakiramdam ko lumulubog ang paa ko sa bawat pag hakbang ko habang sinusubukang lapitan siya.

Habang tumatagal kami sa kuwarto niya ay mas lalong naghihisterikal ang tita niya. Habang ako ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mabigat ang dibdib. Naninikip siya habang pinagmamasdan si Magnus na maputla sa kama at nakapikit ang mga mata.

"Nasaan ang ambulansya!? Tawagan niyo na!" singhal niya.

"Magnus..." tawag ko sa kan'yang ngalan.

Naupo ako sa kan'yang kama at hinawakan ang kan'yang noo. Mainit pa siya. Nilapit ko ang daliri ko sa kan'yang ilong. Humihinga pa siya.

"Magnus..." mahinahon kong sambit.

"I want to die..." he whispered.

"I'm here..." I whispered. "I'm here, Magnus."

"It's my fault... I want to die. Please, help me... help me to end it."

Napalunok ako nang makaramdam ng bikig sa aking lalamunan. Nakagat ko ang ibaba kong labi at pinagmamasdan siyang nakapikit pa rin sa harapan ko. Tuluyan ko ng hindi napigilan ang sarili na lumuha ng tahimik sa harapan niya. Natagpuan ko na lang ang sarili na hinaplos ang kan'yang buhok.

"I want to end it..." Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtulo ng kan'yang luha sa gilid ng kan'yang mata.

Umiwas ako ng tingin at hindi na napigilan na lumuha ng tahimik sa kan'yang harapan. Huminga ako ng malalim at tipid na ngumiti sa kan'ya kahit alam kong hindi niya naman 'yon makikita.

"I told you... if you need someone to talk to when you're having thoughts of ending your life, I'm here for you, right?" malambot kong sambit. Hinaplos ko ng paulit ulit ang kan'yang buhok. "Tara na, tumawag sila ng ambulansya. Isusugod ka sa hospital... let's go, Magnus."

"I want to die... I want to die..." paulit ulit niyang sinasabi 'yon.

"Magnus..." naiiyak kong sabi sa kan'ya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Dapat alam ko... dapat may masasabi ako sa kan'ya kasi halos hindi ko na mabilang sa mga daliri ko na hiniling ko na rin ang bagay na 'yan. Nanatili akong lumuluha sa harapan niya, parehas na kaming umiiyak dito sa kama niya. Mapait akong napangiti at pinunasan ang luha niya.

"Close your eyes... dry your tears... 'cause when nothing seems clear... you'll be safe here..." mahina kong pag kanta habang hinihintay na dumating ang tutulong sa amin na dalhin siya sa hospital.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top