5
Online Journal
Erie,
Hindi ko masagot si Ms. Caroline, Erie. Pakiramdam ko magagalit siya kapag sinabi kong matagal ko ng hindi sinipot yung therapist ko.
Xoxo,
Valerie.
***
Online Journal
Erie,
Nangangalkal ako ngayon sa durabox ko. Nakita ko yung pulang vape na niregalo sa akin ng kaibigan ko na-F.O na kami ngayon. Hinding hindi ko makakalimutan yung sinabi niya. Na nung nalaman niya na coping mechanism ko na ang paninigarilyo binilhan niya ako ng vape.
Hindi ko matapon kahit na hindi na kami magkaibigan:) ang sentimental kong tao 'no? Ayos na rin naman na hindi na kami mag-kaibigan, ayaw ko rin kasi na nagmumukha akong tanga sa aming dalawa. Alam mo naman 'yon, Erie. Alam mo naman dahilan kung bakit cinut-off ko siya.
Parang ako lang nag eeffort sa pag kakaibigan namin habang siya... parang naiisip lang ako kapag hindi available yung lagi niyang kasamang mga kaibigan niya.
Erie, gano'n pala pakiramdam kapag ikaw yung backburner sa magkakaibigan. Mabigat sa dibdib, masakit, at may kirot. Alam na alam mo kung gaano ako kaappreciative sa friendship kaya sobrang sakit na gano'n lang yung tingin niya sa akin.
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top