44

Online Journal

Erie,

Sabi nila, huwag makikinig sa advice ng taong hindi naman importante sa buhay mo. Tama naman hindi ba? Para sa kanila ang daling sabihin na maging maayos ka na pero kapag nasa sitwasyon ko sila ngayon alam kong mahihirapan sila.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Hindi nila alam yung pakiramdam na ilang beses mo ng hinihiling na maging maayos pero bakit ang hirap gawin. Yung mga ganitong bagay hindi naman kasi dapat minamadali, eh.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Hindi ko alam kung saan niya nakuha number ko pero hindi ko na nireply-yan. Masasayang lang ang oras ko sa mga gano'ng tao. Wala siyang karapatan na sabihan ako ng gan'yan kasi una sa lahat hindi naman niya alam kung anong pinagdadaanan ko. Depress lang. 'Yon lang ang nasa isip niya.

Ang hindi niya alam kung anong nagagawa ng depression sa katawan ng isang tao. Sa tuwing gigising ako at babangon sa kama, pakiramdam ko parang may nakadagan... parang may humihila sa paa ko at unti-unti akong nilulubog sa tinatapakan ko. Lahat ay mabigat, sa mga simpleng bagay na puwede kong gawin hirap na hirap ako.

Paminsan minsan nahuhuli ko na lang ang sarili ko na natutulala na lang sa salamin sa loob ng banyo ko habang pinagmamasdan ang itsura ko. Nasubukan ko ng tignan ang sarili ko sa harap ng salamin na hubo't hubad.

Kitang kita ko lahat ang mga ginawa ko sa sarili ko. Mga peklat na saksi sa mga pinagdaanan ko. Kaya sana... sana maitindihan ng iba na hindi namin ginagawa ang mga gano'ng bagay para sa atensyon ng ibang tao.

Nakakatawang isip at alam kong ang weird, pero sa tuwing nagagawa ko 'yon... bakit parang pansamanatalang gumaan ang lahat. Bakit pakiramdam ko 'yon na lang ang paraan para mabawasan lahat ng mabigat at sakit?

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top